Natuloy din sa States si Andrea pero hindi upang magtrabaho kundi para sa kanilang honeymoon ng asawang si Dylan. Sila ay nabiyayaan ng Dalawang Malulusog na supling
Sila na ngayon ang namamahala sa lahat Negosyo ng Pamilya Palles. Habang abala naman at sabik sa pag-aalaga ang mga magulang ni Dylan sa kanilang Apo. Nalaman nilang higit na masarap ang makapiling ang kanilang Pamilya.
Si Maxx at Dave at lalo pang nakilala sa kanilang banda at sa tulong nina Andrea at Dylan ay nakapaglabas sila ng Album na naging triple Platinum. Naging Top Selling Album din ito ay naging number sa buong Asya.
Si Nanay Selya ay tuwang tuwa sa kanyang bagong Apo kina Andrea at Dylan. Bagamat matanda na ito at gusto nang pagpahingahin ng Mag-asawa ay mas gusto nitong makapiling ang kanyang mga apo. Ulilang lubos na rin kasi ito at matandang Dalaga.
Si Sweet naman ay nag migrate na sa ibang bansa matapos humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa. Nakatagpo din siya ng lalaking magmamahal sa kanya at tahimik na ngayong namumuhay. May Communication pa rin sila ni Andrea at unti unti ay pinupunan nila ang mga pagkakamali. Alam nilang balang araw ay magiging magkaibigan pa rin sila
At si Ken…….
“Is this Sit Taken?” tanong ng isang malamyos na tinig
Napaangat ang tingin ni Ken habang nakaupo sa isang Beach sa isang park. Agad nagtama ang kanilang mata ng babaeng nagtanong sa kanya at napansin niya ang maganadang ngiti nito. Umiling siya at kinuha ang bag na nakapatong sa tabi niya upang bigyang puwang ang babae. Naupo naman ito at tumingin sa kanya..
“Hi, Im Angel.” Pakilala nito sa kanya at ngumiti, lumabas ang dimple nito sa magkabilang pisngi.
Gumanti ng Ngiti si Ken sabay sabi ng.. “Kenichi.. Ken na lang.” sabay abot sa kamay ng babae.
“Yeah, I know you.” Tugon ng magandang babae.
Nagulat si Ken at matamang tiningnan ang babae.
“Really?” sabi niya.
“Yeah, from College. Ako yung Muse ng Basketball nuong College. Taga ibang section ako noon.”
“Oh.. Yeah I remember.. Wow you look Different..” bulalas ni Ken.
Muling nagpakawala ng magandang ngiti si Angel….
Monday, May 25, 2009
Sunday, May 24, 2009
CHAPTER 13 Kung Puso man ay Lumimot
Thursday Morning ..
“Dylan, bukas ng hapon na ang flight ni Andy papuntang states” ani Ken sa kanya.
Pumunta siya sa bahay ng kaibigan para ipaalam dito ang tungkol sa pag-alis ng Dalaga.Nasa garage sila nag-uusap.
Sumagot siya dito nang di man lang tinitingnan.
“Ah, ganun ba? Pakisabi nalang sa kanya na happy trip” wika naman ni Dylan habang isinusuot ang leather jacket.Halos nag-isang linya ang kilay ni Ken
“Yon lang?”
Pinagmasdan din siya nito saglit sa naging sagot niya “O bakit? May problema ba?” balewala nitong sabi.
Napatiim-bagang si Ken sa tinuran ng kaibigan.Parang okey lang dito na umalis si Andrea. Napailing siya.Kahit na nagka-amnesia ito, sana man lang ay pupuntahan nito ang dalaga para makapag-paalam ng maayos.Wala talaga itong pakialam.
Lumapit si Dylan sa kanya dahil malapit lang siya sa naka-park nitong motorbike.
“Tabi nga!” bugaw nito sa kanya dahil hindi ito makadaan dahil nakaharang siya.
Kaagad naman siyang lumayo ilang dipa mula dito at hinarap ulit ang kaibigan.Pinapaandar na nito ang motor.
“Suplado! Ang aga-aga eh.Saan lakad natin?” tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya na may nakapaskil na ngiti. Ang ganda ng mood nito kaya nahihiwagaan si Ken. Nahawa na rin siya sa kakangiti nito.
“Pupunta kami ni Sweet sa Tagaytay. Excited na ako kaya nagmamadali ako, ayokong paghintayin siya” masayang wika nito.
Biglang napalis ang ngiti sa mga labi niya.Wala na nga itong pakialam sa pag-alis ni Andy, mag-e-enjoy pa ito kasama ang babaeng mismo sumira ng relasyon ng dalawa. Napaka-insensitive –sa isip niya. Buntung-hininga na lang ang tangi niyang nagawa.
Mahinang pinatakbo ni Dylan ang motor papalabas ng gate ng mapansin ni Ken na wala itong helmet. Sinundan niya ito.
“Hoy Pare! Don`t tell me hindi ka mag-susuot ng helmet. It`s dangerous and baka mahuli ka pa” pag-aalala niyang sabi dito.
“Hus,okey lang yan.Hindi ako mahuhuli dahil bibilisan ko ang pagpapatakbo para di mahuli.Tsaka mag-iingat naman ako, okey?” pagbibigay assurance nito.
Pilit siyang ngumiti.Kahit anong gawin niya, di rin naman siya nito pakikinggan lalong-lalo na pag involve si Sweet. Hindi niya alam kung magagalit dahil parang na-obsess na ito sa Sweet na yun o magiging masaya dahil masaya ito sa piling ng babae.
“Ano kayang pinakain nun dito?” usal ng kanyang isip
“Kenichi..” untag nito sa kanya sa kanyang buong pangalan.
Para naman siyang nagising sa pagka-hipnotismo ng tawagin siya nito.
“Aalis na ako, nagmamadali ako eh” paalam nito.
Inimaniobra na nito ang motor saka pinatakbo ng matulin. Ni hindi siya hinintay na makapagsalita. Tiningnan na lang niya ang papa-alis na kaibigan.
Matulin na pinatakbo ni Dylan ang motor na minamaneho. Hindi na ito makapaghintay na magpunta ng Tagaytay kasama ang nobya. Ngiting-ngiti siya habang nag-da-drive ng mabilis. Pero iyon ang malaking pagkakamali niya ng biglang may sumulpot na pusa sa daan kaya nawalan siya ng kontrol at gumewang-gewang ang motor hanggang natumba ito kasama siya sa gilid ng daan.Tumama ang ulo niya sa isang bato nang matumba siya at napasinghap siya sa sobrang sakit. Ilang saglit pa ay unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.
“ANDY, anak mag-iingat ka doon ha?” pa-alala sa kanya ng ina. Kasalukuyan silang nag-uusap sa airport dahil nagpahatid na siya sa mga kaibigan pati na rin sa butihing ina. Mangiyak-ngiyak na ito habang sinasabi yun.
“Opo mama..” Kahit pa nga naluluha na rin siya, ayaw niyang sa ganitong eksena pa sila magkakahiwalay. Nagtagumpay naman siya ng tumawa ito.
Ibinaling niya ang tingin sa tatlong kaibigan.
“Max, David, Ken salamat ha? Tsaka ibibilin ko sa inyo si Mama. Pakitingnan na lang siya paminsan-minsan” wika niya sa tatlo.
Sumang-ayon naman ang mga ito at nangangakong babantayan ang ina niya habang wala siya. Nagpasalamat naman siya dito at niyakap ang tatlo.Mahigpit na yakap rin ang iniwan niya sa ina bago nagpaalam sa mga ito at tuluyang umalis papasok sa loob.Kinawayan ng mga ito si Annie ng papalayo na.
Saka nagsalita si Max “Tita, we will drive you home and then punta na kami sa ospital”
Nangunot ang noo ng ginang “H-ha? Sino ang na-ospital?” tanong niya rito.
Si Ken na ang sumagot sa tanong niya “Naaksidente na naman ho kasi si Dylan eh, kahapon lang ng umaga. Okey na siya,nagpapahinga na lang,baka nga gising na yun ngayon eh kaya dadalawin na namin” paliwanag naman nito.
Sunod-sunod siyang tumango pero itinigil rin yon kapagdaka “Eh bakit di niyo man lang sinabi kay Annie?” nagtataka ulit niyang tanong.
Si David naman ang nagsalita “Kasi po, kapag ipina-alam namin yun kay Annie, sigurado mag-aalala yun. Baka maudlot pa ang biyahe niya, malaking oppurtunity pa naman ang naghihintay sa kanya doon sa states, diba?Kaya hindi na namin sinabi”
Naiintindihan namang tumango ang ginang, Ilang saglit pa ay muli itong nagsalita
“Sasama na lang muna ako sa inyo sa ospital. Matagal ko na rin di nakikita yung batang yon. Kukumustahin ko muna. O, halina kayo” yaya ni Aling Lydia sa mga binata.
****
DAHAN-DAHANG ibinuka ni Dylan ang mahapdi-hapdi pang mga mata. Saka siya napabalikwas ng bangon. Naaalala na niya ang lahat. Ang paghihiwalay nila ni Andrea, ang pagka-amnesia siya,ang pakikipag-relasyon kay Sweet, at ang saktan ulit ang babaeng tunay lang niyang minahal.
Nagulat naman ang mga taong nasa kwartong yun, pati na si Sweet na nakaupo sa silya sa tabi ng kanyang kinahihigaang hospital bed. Hinawakan siya nito sa braso at ipinakita ang matinding pag-aalala. Dire-diretso lang ang tingin ni Greg sa dingding galing sa pagkakahiga.
“Dylan, honey. Are you okey now?” may pag-aalala at lambing sa tinig nitong tanong.
Tinitigan niya ito ng matalim at pinagmasdan din siya nito na nagtataka.
“Tama na sweet! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Annie. Sinamantala mo pa ang mga panahong nagka-amnesia ako! Nadagdagan tuloy ang sakit na naidulot ko sa kanya dahil sa tukso! Dahil sayo” galit na galit niyang sambulat kay Sweet na hindi niya maintindihana ang reaksyon.
Naghalo-halo ang nararamdaman nito base sa reaksyon ng dalaga. Nabigla, napahiya, nalulungkot. Bumalong na sa mga mata nito ang nagbabadyang luha.
Nanlaki ang mga mata ng nakatungangang mga kaibigan ni Dylan. Unti-unti ding nakahuma ang mga ito sa realisasyong nagbalik na ang kanyang ala-ala. Lumapit si Ken sa kanya at nakangiti.
“Pare,you mean, you remember na lahat lahat?” masigla nitong tanong.
Tango lang ang kanyang naging pagtugon at kaagad tinanong dito kung asan si Andy.
Alanganin itong sumagot “P-pare, naihatid na namin sa airport” kaagad siyang napatayo sa galing sa pagkakaupo sa kama.
“W-what?” mahina niyang sabi, parang mawawalan ito ng lakas dahil sa sinabi ni Ken. Hindi ito puwedeng umalis, hinding-hindi niya kakayanin.
“Pare, maaabutan mo pa siya.Maaga namin siyang hinatid” sabat naman ni Max.
“Oo nga bro, kaya wag ka nang magpaligoy-ligoy pa.Sundan mo na siya, dahil kapag hindi mo siya maabutan, pagsisihan mo buong buhay iyan. Baka makakita siya ng iba doon” pananakot namang sabi ni David.
Nahindik siya sa sinabi nito.Hindi niya papayagang mangyari iyon. Ayaw niyang malayo ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat, wag lang itong umalis. Harangin man siya ng sibat, kidlat, o bagyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at hinarap ulit si Ken
“Give me the keys” nagmamadali niyang sabi sa kaibigan at inilahad ang palad dito.
“Teka, are you sure okay ka na?Tingnan mo nga may benda pa yang ulo mo” paninigurado muna nito.
“Oo nga, just give me the damn keys!” irita na niyang bulalas.
Napatda naman ito saglit sa sinabi niya “Okay okay, relax lang.Here” saka nito kinuha ang susi ng kotse nito sa bulsa.
Dagli niya yung hinablot sa kamay nito at lumapit naman si Aling Lydia sa kanya
“Iho,dapat maabutan mo ang anak ko.Mahal na mahal ka pa rin non,kaya dalian mo na” masigla nitong wika.Tumalima naman siya at malapit na siya sa pinto ng hospital room nang habulin siya ni Sweet at pinihit paharap.
Umiiyak na ito “Dylan, paano ako? Paano tayo? Di ba mahal mo ako?” para itong kaawa-awang tuta habang binibigkas ang mga salitang iyon.
Napabuga siya ng hangin at humihingi ng pang-unawang tiningnan ito
“I`m sorry, pero si Andrea lang ang mahal ko. Hindi ko sinasadyang saktan ka, but no one can take Andy’s place on my heart. Siya lang.. siya lang ang tunay kong minahal. Please forgive me, and fo-forget me” dahan dahan niyang sabi dito dahil alam niyang nasasaktan ito.
“I need to go” at saka na siya kumaripas ng takbo at iniwan itong luhaan.
Nakatulalang sinapo ni sweet ang kanyang mukha ng kanyang mga palad. Nanghihina itong napasandal sa Pader at humagulgul. Nilapitan ito ni Ken at Hinawakan sa Balikat.
“Sweet, I know its hard to accept, si Andrea talaga ang mahal nya.
“Bakit ganun ken? Bakit ayaw ibigay sa atin ang gusto natin?”
Walang maisagot si Ken, siya man ay nasaktan din.
*****
BAGO pumunta ng airport si Greg ay nagmamadali niyang pinuntahan ang kanilang bahay. May kukunin siyang napaka-importanteng bagay na matagal na niyang tinago.
Pagkadating na pagkadating niya ay agad siyang pumanhik sa kwarto at hinahanap sa drawer ang mahalagang bagay na yun.Ang mga magulang naman niya ay sinundan siya sa pag-akyat sa itaas.
“Hijo, why are you here?Okey ka na ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy.
Tango lang ang kanyang tinugon dahil nasa paghahanap ang kanyang konsentrasyon. Sinabi niya ditong nagmamadali siya.
“What`s happening Iho? ba`t ka nagmamadali?” tanong naman ng kanyang ama.
“Ngayon na ang punta ni Andy sa states at di ko papayagang mangyari yun” sagot niya dito.
Ipinaliwanag niya sa mga ito ng nagbalik na ang kanyang memorya.Nahanap na niya ang bagay na nasa kanyang drawer at lumabas na ng kwarto.Pinigilan siya sgalit ng kanyang ama.
“Iho goodluck.Wag na wag mo siyang pakakawalan. Siya lang ang gusto namin para sayo” makahulugan nitong wika.
“Opo Dad.Yan talaga ang gagawin ko, dahil mahal na mahal ko siya” turan naman niya dito.
“That`s my boy! Now go and get your ass there you young man!” masiglang wika nito.
Tumango siya at nagmamadali nang pumunta ng airport.
“Adrea.Wait for me. Hang on. Konting tiis na lang, andiyan na ako” usal ni Greg sa sarili habang nagmamaneho.
**********
“Maam, Sir nakita niyo ba ang babaeng ito dito?” panay tanong ni Dylan sa mga tao ng di makita si Annie,baka nga tumuloy na ito o kaya naman ay di lang niya makita dahil sa dami din ng tao.
Maiiyak na si Dylan nang hindi pa rin niya alam kung nasan na ito,baka nahuli na nga siya.He felt pain on his heart,thinking that Andy already left her.Hindi na niya natiis pa, sumigaw siya bakasakaling marinig siya nito at mapapansin din siya.Wala siyang pakialam sa mga tao, ang importante ay hindi maka-alis ang dalaga.
“ADREAAA! ANDREAA NAVARRO! DON`T GO! SI DYLAN TO! naalala ko na lahat, please forgive me. mahal na mahal pa rin kitaaaa! Just don`t leave” sigaw niya at dahan dahang napaluhod nang walang makita o nagpakitang Andy sa kanya. Ang mga tao namang nakakita sa kanya ay naaawa sa kanya. Ramdam ng mga ito ang nangyayari sa kanya.
Nakaluhod na umiiyak si Dylan nang may marahang tumapik sa kanyang balikat.
“Hoy iyakin!” natatawang wika nito. Nakatalikod si Dylan kaya di niya kita ang nagsasalita.Tumingin siya sa kanyang likod at inangat ang paningin..
Nagliwanag ang mukha niya ng mabungaran ang maamong mukha ng kanyang minamahal.
“Andrea?” kaagad siyang tumayo at niyakap ito,ganoon din si Abdy. Napaluha na rin ito.
“Andy, i`m sorry sa lahat-lahat ng kasalanan ko sayo. Wag mo lang akong iwan, please . Mahal na mahal pa rin kita. Hindi ko ginustong saktan ka. Alam yun ng Diyos. Just ..d-don`t go”pagmamakaawa nito habang yakap siya. Nabiyak ang tinig nito sa huling tinuran.
Binitiwan niya ang binata at tinitigan ito ng mariin “Dylan,matagal na kitang napatawad at ni minsan ay hindi nagbago ang pagtingin ko sayo. Na-namiss kita” madamdamin niyang turan. Lalong lumambot ang binata sa sinabi niya.
Ikinulong ni Andy sa kanyang palad ang mukha ng binata at siniil ito ng halik sa labi. Na-miss niya ito ng sobra,ang mga halik nito, ang mga yakap, ang pagmamahal.
Hiyawan ng mga tao ang naririnig nila habang ginagawa nila iyon.Tila naman nanunuod ang mga ito ng Shooting ng isang Pelikula.
Bago pa mapugto ang kanilang mga hininga ay itinigil din nila ang sandaling iyon.Pinagmasdan nila ang isa`t-isa. Masuyo, puno ng pagmamahal. Bigla ay lumuhod si Dylan at kumikislap ang mga mata nitong napatitig sa kanya. Saka ito may binuhot sa bulsa. Nakita niya ang isang kahitang kinuha nito at nang binuksan nito iyon ay natutop niya ang bibig.
“Will you marry me?” walang ligoy na pagtatapat nito.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at paulit-ulit na tumango.Labis na kaligayahan ang pumuno sa kanyang puso.Naghiyawan ulit ang mga taong nanonood.
Kaagad tumayo si Dylan at niyakap nila ang isa`t isa na parang walang bukas.
“I LOVE YOU,I LOVE YOU,I LOVE YOU!” paulit-ulit na anas niya dito.
Hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi nito.Hindi niya iyon inaasahan,parang gusto niyang panawan ng ulirat dahil sa sobrang saya.
Binitiwan siya nito “Alam mo ba,sa France ko pa pinagawa ang singsing na ito.Ako mismo ang nagpa-design niyan” malambing na wika nito habang isinusuot iyon sa kanyang palasinsingan. “Hindi ba nangako ako sa`yo na pakakasalan kita pagkatapos mong grumadweyt?Matagal ko nang pinagawa yan at pinaghandaan” dugtong nito.
“Dylan, di mo alam kung gaano mo ako pinasaya.Mahal na mahal kita at hinding-hindi yun magbabago.Oo,pakakasal ako sa`yo” masuyong anas dito habang nakahawak ang dalawang palad sa gwapo nitong mukha.
“Andy, napakasaya ko rin nang dahil sa sinabi mo. Makakasama na kita
panghabambuhay.Alam mo ba,wala iyong katumbas”
Tinapos nila ang pag-uusap na iyon sa isang napakalalim na halik na ikinatuwa at pinalakpakan ng mga taong naroroon.
*They say in this world, nothing lasts forever
But I don't believe that's true.
'Cuz the way that I feel, when we're together,
I know that's the way I'll always feel for you.
From now until forever,That's how long I'll be true
I'll make you this vow and promise you now
Until forever, I'll never stop loving you.
There'll come a day when the world stops turning,
And stars will fall from the sky
But this feeling will last when the sun stops burning.
All I want to do is love you until the end of time.
-WAKAS-
Sabi nila mahiwaga daw ang pag-ibig, kasing hiwaga ng mga talang nagbibigay ningning sa ating gabi, O sa Buwang nagbibigay tanglaw sa dalawang pusong nag-iibigan.
Kung ang puso man ay Lumimot, tadhan pa rin ang siyang gagawa ng paraan upang pagtagpuin at muling pagsamahin ang dalawang pusong para sa isat isa..

Labels:
love story,
pinoy romance,
tagalog love story
CHAPTER 12-Kung Puso man ay Lumimot
PUMUNTA si Dylan sa condo unit ng “bagong” nobya na si Sweet. Mahigit isang linggo na rin silang may relasyon.
“Hi hon” bati nito sa nobya at niyakap ito.
Maalab na halik ang tugon niya rito. Agad nyang hinila ang kamay ni Dylan at dinala sa kwarto at doon ay pinagsaluhan nila ang init ng Pag-ibig. Pag-ibig na hiram lang para kay Sweet. Batid niyang panandalian lang ang lahat dahil anumang oras o Araw ay maaring bumalik na ang alaala ng kanyang Nobyo.
NAGISING si Sweet na nakaunan ang kanyang ulo ang matatag na braso ng nobyo. Nakatapis lang sila nito ng kumot hanggang dibdib. Hinaplos niya ang mukha nito at ikinaungol naman yun ng binata. Malaking ngiti ang naka-plaster sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mahal na siya nito.
Hangga`t maari ay ayaw niyang bumalik pa ang ala-ala nito, tawagin na siyang selfish o mang-aagaw pero mahal niya talaga ito. Matagal na niyang inaasam ang ganito at ngayon na mismo ang swerte pa ang lumapit sa kanya ay di na niya ito pakakawalan.
Napangiti siya tanda ng tagumpay, hinding-hindi niya ito ibabalik kay Andrea. Pero nang maalala niya ang sinabi ng doktor sa kaniya na pwede pang bumalik ang ala-ala nito ay mapait siyang ngumiti. Alam niya na darating din ang araw na iyon kaya susulitin na niya ngayon ang mga panahong makakasama niya ito. Kahit papano ay naranasan man lang niya kung paano naging masaya si Andrea sa piling nito, pilit niyang isiniksik sa utak na mas bagay siya sa posisyon nito noon pa man. Natigil sa pag-iisip si Sweet ng bahagyang gumalaw ang katabi at dahan-dahan nitong ibinuka ang mga mata. Tumingin siya dito ng puno ng paghanga. Kahit magulo pa ang buhok nito ay lalo pa itong naging gwapo sa kanyang paningin, lalo na nung sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri nito.Tumingin ito sa kanya ng maramdaman nitong hinahagod niya ito ng tingin.
“Hmm, gising ka na pala” Tumingin ito sa wall clock at napabalikwas ng bangon ng malamang 5:00 na pala ng hapon. Saka ito tumingin sa labas ng bintana na nagbabadya na ng ulan
“Hon, aalis na ako. Malapit na kasing umulan eh” wika nito habang nakatayo kahit pa nga walang saplot.Isa-isa nitong dinampot ang mga damit at isinuot iyon.
“Aalis ka na?” nakapangalumbaba niyang tanong.
Nangiti si Dylan sa reaksyon nito.Nilapitan niya ito at dinampian ng halik sa labi.
“Ano ka ba? May bibilhin ako dahil magluluto ako para sayo.Hindi naman ako uuwi eh,dito ako matutulog” ani Dylan.
Sumilay ang kanyang ngiti sa labi.Ito ang pinakagusto niya sa lalake. Napakalambing nito at maalaga kaya nga siguro minahal din ito ni Andrea. Nagpaalam na ito sa kanya at dali-daling umalis para di maabutan ng ulan.
**********
MAPAIT na ngumiti si Andy habang pinagmamasdan ang sariling kwarto. Naalala niya ang mga sandaling sinabi nito sa kanya na di siya nito iiwan. Pati na yung araw na pinigilan nito ang sarili na huwag muna silang magtalik dahil gusto siya nitong dalhin sa altar na malinis. Pero paano pa nito magagawa yun kung pati nga pagmamahal nito sa kanya ay nakalimutan na rin nito?
Binuksan niya ang radyo at tila nagbibiro ang pagkakataon dahil biglang pumailanlang ang kantang TELL ME ni Joey Albert.
*Tell me, where did I go wrong
What can I do to change your mind completely
when i thought this love would never end
but if this love's not ours to have i'll let it go with your goodbye
Humarap siya sa malaking salamin sa kanyang kwarto kung saan nakadikit doon ang mga larawan nila ni Dylan. Larawan ng kanilang pagmamahalan. Isa-isa niya yong hinawakan, paano na maibabalik ang mga sandaling katulad ng nasa larawang yon? Masakit isipin na bigla na lang mawawala ang pagtingin nito sa kanya. At ang masakit pa, sa ahas na babae pang iyon naibaling ang atensyon nito.
Kung noon ay sobrang saya niya, ngayon ay puno ng sakit, paghihirap, lungkot ang dinadanas niya. Totoo nga pala ang kasabihan na kung sino pa yung nagpapasaya sayo ay siya rin mismo ang magdudulot ng matinding sakit sa damdamin mo. Pag-ibig nga naman.Kung minsan nakangiti sayo ang kapalaran at kung minsan ay luhaan..
*there are nights when i cant help but cry,
and i wonder why you have to leave me
why did it have to end so soon
when you said that you would never leave me
tell me where did i go wrong?
what did i do to make you change your mind completely,

tell mewhere did i go wrong?
what did i do to make you change your mind completely?
when i thought
this love would never end
but if this love's not ours to have
i'll let it go with yourgoodbye... *
Grabe sapul na sapul siya ng kanta. Goodbye? Kailangan na ba niyang magpaalam sa nararamdaman para kay Dylan? Kailangan na ba niyang pakawalan ito sa puso niya? Sa tingin niya kasi ay mahal na nga nito ang Sweet na iyon at tuluyan na siyang nakalimutan. Nakalimot ang isip nito, pati ba naman ang puso nito’y nagawa na rin siyang kalimutan.
Pero hindi siya duwag, siya ang tipo ng babaeng hindi agad sumusuko.Ipapaglalaban niya ang pag-ibig dito. Pero kapag mahal na nga nito ang babaeng iyon ay siguro nga kailangan na niya itong pakawalan.
Napag-isip-isip niya na maglakad-lakad muna sa labas. Nag-iba na kasi siya. Bihira na siya kung tumawa, nawala na ang sigla niya simula nung nagka-amnesia si Dylan. Naisip niya na magpahangin muna sa labas at pipiliting aliwin ang sarili.
“Mukhang uulan pa ata” bulalas ni Annie nang makita ang ulap na nagsisimula nang dumilim.
Nagpalinga-linga siya para makahanap ng puwestong masisilungan sandali.
Si Greg naman sa kabilang kanto ay nasa isang maliit na merchandiser. “Miss,pakidali yung mga pinamili ko. Babagsak ng ulan o?” irita nang wika nito. Tumalima naman ito at ibinigay na sa kanya ang mga pinamili.
Si Andy naman ay nagmamadaling tinungo ang isang waiting shed, nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng biglang matigilan. Kilala niya ang pigurang iyon ay hindi siya maaring magkamali.
“Dylan? Dylan!” mabilis siyang lumakad papalapit dito. Huminto sa paghakbang ang binata pero saglit lang, pinagpatuloy din nito ang pagmamadaling lumakad
“Anak ng tokwa!” bulalas ni Dylan nang tuluyan nang bumagsak ang napakalakas na ulan.
Hindi na niya pinansin ang tumawag sa kanya dahil sa sobrang pagmamadali. Nang hablutin ni Andrea ang t-shirt niya at niyakap buhat sa likod. Nag-alala siya ng marinig itong humihikbi.
Ipinikit na lang niya ang mga mata dahil parang nagustuhan niya ang pagyakap nito. Itinaas niya ang mukha sa langit at hinayaang dumampi ang likidong nanggagaling doon. Natigilan siya ng maalalang umuulan nga pala, basa na ang kanyang pinamili at baka magkasakit pa ang taong nasa likod niya.
“Andrea, bitiwan mo na ako.Di mo ba nakikita, ang lakas ng ulan o? Baka magkasakit ka niyan” alam na niya ang pangalan nito dahil nabanggit sa kanya ng mga kaibigan.
“Hayaan mo muna ako Dylan. Please kahit ngayon lang.” garalgal ang tinig na wika ni Andrea.
Na-miss talaga niya si yabang na minahal siya nung araw.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Masaya dahil nayakap niya itong muli kahit ngayon lang but at the same time ay malungkot dahil dina siya ang nagmamay-ari sa puso nito.Matagal na sila sa ganoong ayos at gusto nang kumawala ni Dylan. Pinigil ito ni Andrea kaya nanatili pa rin silang ganoon. Hinayaan na muna ito ng binata. Alam niyang mahal siya nito ayon sa mga kaibigan at magulang niya, pero he felt sorry for this girl. Wala talaga siyang maalala about dito.
“Dylan ,mahal na mahal pa rin kita. Ano ba kailangan kong gawin para mahalin mo ako ulit? Mababaliw ako sa kakaisip sayo. Miss ko na ang mga yakap mo, mga halik mo, lahat ng mga ginagawa mo sakin” umiiyak nitong sabi sa kanya.
Napabuntung-hininga si Dylan “Andrea, Forget about me, i`m sorry but I don`t remember anything no matter how I tried. Sinasabi ko na rin sayo to dahil ayokong patuloy kang umasa kahit..kahit iba na ang mahal ko” paliwanag nito sa kanya at kinuha ang pagkapulupot ng braso niya sa beywang nito.
“Dylan, sana ako na lang ulit. Ako na lang uli ang mahalin mo.”
“I`m sorry I really need to go, magluluto pa ako para kay Sweet ng mechado eh” sinadya na ring banggitin iyon ni Dylan para pakawalan na siya nito.
Ayaw niyang paaasahin niya ito sa wala. Ayaw niyang makasakit ng damdamin pero kailangan niyang gawin yun. Palakad-takbo na siyang pumalayo sa dalaga at tuluyan nang umalis.Hinagod na lang ni Andrea nang tingin ang likod ng papalayong binata. Ang sakit-sakit ng sinabi nito sa kanya. Habang lumalabas ang bawat kataga sa bibig nito ay parang mumunting karayom na tumutusok sa dibdib niya.Ang masakit pa, ipagluluto pa nito ng mechado si Sweet na siyang tinuro niya dito kung paano lulutuin.
*If I wait for cloudy skies
You will know the rain from the tears of my eyes
You will never know that I still love you so
Though the heartaches remain
I’ll Do my Crying in the Rain
Raindrops keeps falling from heaven
Could never wash away my misery
Since were not Together
I’ll look for stormy weather
To hide this tears I hope you’ll never see*
Unti-unti na siyang napaluhod sa kinatatayuan habang nakatakip ang mga palad sa mukha. She really can`t help but break down and cry, sumabay ang patak ng kanyang luha sa ulang umaagos sa kanyang pisngi. Masakit, sobrang sakit. It feels like the end of everything.
Mismo ito na ang nagsabi na mahal na nito si Sweet, siguro nga ay kailangan na niya itong pakawalan, dahil wala na siyang maaasahan dito. Kung masaya na ito sa piling ni Sweet ay dapat rin na siyang maging masaya..
*Coz letting love go is never easy
But I love you so that`s why
I`ll set you free But
I know someday,somehow
I`ll find a way to leave it all behind me
Guess it wasn`t meant to be but baby
Before I let you go I want to say I love you..*
Blangko ang kanyang isipan na nanatiling nakaluhod sa Gitna ng Kalsada. Maya maya pa ay naramdaman niya ang mga kamay na humawak sa kanyang Balikat at ang pagtigil ng patak ng ulan sa kanyang katawan. Pag-angat niya ng kanyang mukha ay nakita niyang nakaluhod din si Ken at hawak ang isang Payong. Tigib ng luha at dalamhati ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.
Magkahalo ang nararamdaman ni Ken sa mga Oras na iyon, Galit, Lungkot, Tuwa. Nasasaktan siyang makitang nahihirapan ang babaeng pinakamamahal niya. Kung sana’y natuturuan lang ang puso.
*Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha*
Nakarating na si Greg sa condo unit ng nobya. Nanlaki ang mata nito ng makitang basang-basa siya.
“Dy,why are you drenched?” may pag-aalala sa tinig nitong tanong.
“Naabutan ako ng ulan eh” pagsisinungaling niya at pumunta sa kwarto nito para kumuha ng towel. Sinundan siya ni Sweet at pina-alalahanan na magbihis kaagad.
“Okay Sweetie, just wait dahil ipagluluto kita” pagkatapos nitong sabihin yun ay kaagad siyang kinindatan. Siyempre pa ay ngumiti ang bruhilda!
“WOW, di ko alam na marunong ka palang magluto ha?” ani Sweet pagkatapos nilang kumain.
Ngumiti lang ng makahulugan ang binata at pinagmasdan siya.Inilagay nito sa baba ang hinlalaki at ibinaling nito ang tingin patungo sa kwarto.Napangiti na naman ulit at tumingin sa kanya na para bang malalaman na niya kung ano ang itinutumbok nito at itinaas-baba ang kilay.
“Gusto mo mabusog ulit?” flirty nitong turan.
“Heh! Pilyo!” saka tinapunan niya ito ng kutsara na nasalo naman ng binata. Binigyan pa siya nito ng kindat pagkatapos masalo yon. Hinabol niya ito ng kurot.
“Aray, huhu.Sakit naman nun babe, kiss mo ko para mawala na to” sabi nito na sinabayan pa ng pa-fake na hikbi. Hinalikan nga niya ang nobyo gaya ng sabi nito. Tumigil ito at kinuha ang cellphone sa bulsa “Wait, picture tayo” tapos hinalikan siya nito kasabay ng pagpindot sa `capture` .
“Ayan, i-se-save ko na” ganoon nga ang ginawa nito. Nangunot ang kanyang noo dahil ngayon lang niya napansin ang file na may nakapangalan na ANDY.
“Ano kaya to Ngayon ko lang to napansin ah?”
“Teka may tatawagan lang ako” ani Dylan sa nobya at pumalayo. Ang totoo titingnan niya kung ano ang laman non.
Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang mga larawan nilang dalawa ni Andrea.
“Totoo pala talaga ang mga sinasabi nila.Pero bakit siya lang ang di ko maalala?”
Ilang minuto lang ay sumakit ang kanyang ulo dahil sa kapipilit na isipin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Andrea. Napansin naman yun ni Sweet nang umungol siya sa sakit. Nilapitan siya nito at inakay patungo sa kwarto.
“Ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong nito.
Ilang oras ding nakatulog si Dylan, pagbangon niya’y napansin niyang nakahiga sa tabi niya si Sweet. Tiningnan nya ang orasan. 7pm, nakatulog pala ako. Tinitigan nya ang mukha nang nobya, naakit syang haplusin ang mukha nito. Nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha nito at nagdikit ang mga labi nila. Inipit niya ang ibabang labi nito at sinipsip ng konti. Naaliw sya sa lambot ng labi nito.
Pero Biglang may parang kislap na tumama sa mata niya, nahilo siya bigla at napaupo sa sahig. May naaaninag syang larawan pero Malabo. Ipinilig niya ang kanyang ulo.
Dinalaw ni Ken si Andrea sa bahay nito. May Dala syang isang kumpol ng bulaklak para ipasalubong dito. Mula nang maghiwalay ito saka si Dylan ay naging matamlayin na ito.
Iniabot niya dito ang dala nyang bulaklak pero nakatulala lang itong nakatingin sa kanya. Tinapik niya ang pisngi nito at tumingin naman ito sa kanya. Namumugto ang mga mata nito at halatang may sumusungaw na namang luha sa mga mata nito. Niyakap sya nito at tuluyan nang humagulgul sa mga balikat niya.
Parang kinururot ang puso ni Ken, pinipigilan nya ang kanyang sarili na wag maluha. Ayaw nyang ipakita sa kanyang pinakamamahal na kaibigan. Sayang kung sanay sya nalang ang napiling mahalin nito..
*Mahal kita,
Mahal mo sya,
Mahal nya ay iba,
Mas mapalad ka
Mahal kita
Sa akin ay walang nagmamahal*
MALAKI ang ipinagbago ni Andrea simula nung may mangyari sa kanila ni Dylan makalipas ang isang taon. Di na siya gaanong lumalabas, minsan lang kung kumain kaya malaki talaga ang ibinaba ng timbang niya, nawala na ang dating Andrea na masayahin, palangiti at punong-puno ng pag-asa ang buhay.
Parang napapabayaan na nga niya ang sarili pero hindi ang pag-aaral. Doon niya ibinuhos lahat ng kanyang atensyon para mawaglit kahit papano ang lalakeng minahal niya ng buong buhay niya.
Dahil sa pagpupursige sa studies,may nag-offer na sa kanya ng magandang trabaho sa Amerika. Napagpasyahan niyang tanggapin ang alok nito para na rin makalimutan ang lalake at para hindi na magtrabaho ang mama niya dahil tumatanda na rin kasi ito.
“CONGRATULATIONS Andrea!” bati sa kanya ng kanyang mama, mga magulang ni Dylan,sina Ken,David at Max.
Magkaibigan pala ang kanyang namayapang ama at mga magulang ni Dylan,kaya pala pamilyar sa kanya ang apelyido nito. Masaya siya dahil kahit ilang beses na siyang nasaktan ay naging matatag pa rin siya. And here she is now, hawak hawak ang diploma bilang pagpapatunay na nakayanan niya lahat iyon.Pero wala nang mas sasaya pa kung andito lang sana si Dylan.
Nagpaalam na ang lahat sa kanya maliban kay Ken. Nagpaalam muna siya sa kanyang ina para magpasama sa kaibigan na puntahan ang hill, kung saan siya dinala noon ni Dylan.
“TULOY ka na ba talaga sa states?” seryosong tanong ni Ken sa kanya na pinagmamasdan ang kapaligiran sa ibaba ng hill.
Bahagya siyang tumango at nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata
“Mabuti na rin to” pilit siyang ngumiti kahit pa nga masakit sa kanya na lisanin ang Pilipinas.
Mami-miss niya ang lugar na ito, ang kanyang ina, mga kaibigan, lalong-lalo na si Dylan. Mas gugustuhin niyang lumayo kaysa sa makita itong masaya sa ibang babae. Isang taon na ang nakalipas subalit parang kahapon lang, sadyang sariwa pa ang lahat. Bawat buwan, araw at oras ay isang kalbaryo para sa kanya. Tinitigan niya si Ken at hinawakan ang kamay nito.
“Salamat sa lahat.” Sabi niya dito. Taos iyon sa kanyang puso
Inamin na rin nito na minahal siya ng binata pero pinagparaya siya kay Dylan dahil ayaw nitong maging kaagaw sa pag-ibig niya.
Gwapo naman ito, half Japanese half Irish.Fluent itong magtagalog dahil sa Pilipinas lumaki dahil sa trabaho ng ama nito.
Ewan ba niya kung bakit hindi niya ito magustuhan samantalang andami-daming nagkakandarapa rito. Ganun nga talaga ang pag-ibig. Kahit gaano pa kagwapo o di masyadong kagwapuhan, ang bulong pa rin ng puso ang siyang mananaig. Hindi mo ito mapipilit kung sino ang mamahalin,o turuang umibig sa taong di mo kayang mahalin.
At these years ay matiyaga itong nakaalalay sa kanya, walang hinihinging kapalit at pagsasamantala.
Kung ito lang sana ang inibig niya, disin sana`y di na siya nasaktan.
“Paano siya?” tukoy nito kay Dylan.
Umiiyak na siya ng tingnan ito “Wag na natin siyang pag-usapan.Kahit aalis ako, di naman ako pipigilan nun.Iba na ang mahal niya diba?”
Seryoso siyang pinagmasdan ni Ken. Kaagad niyakap ng dalaga ang kaibigan at umiyak ng umiyak sa dibdib nito. Ang binata ang mas lalong nasasaktan pag umiiyak ang tanging babaeng una niyang minahal, lalo pa`t pinagmamasdan niya ito ngayon.
*The road I have travelled on
Is paved with good intentions
It's littered with broken dreams
That never quite came true
When all of my hopes were dying
Her love kept me trying
She doesn't has to hide
The pain that she's beenthrough
When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide all the fears she feels inside
So I pray this time
I can be the man that she deserves'
Cause I die a little each time When she cries
She's always been there for me
Whenever I'm falling
When nobody else believed
She'd be there by my side
I don't know how she takes it
Just once I like to make it
Then the tears of joy Will fill her loving eyes*
Wala sa sariling nasabi niyang “Sana ikaw na lang ang minahal ko no?”
Ngumiti ng mapait si Ken sa tinuran ng dalaga.
“Sana nga, pero mahal ko kayong dalawa ni Dylan” ang tanging nai-usal sa sarili
Tumigil din si Andy sa paghikbi at nahihiyang yumuko nang makita ang t-shirt nitong basang-basa. Hinimas-himas niya ang dibdib nitong may luha niya,at ipinaparating dito na humihingi siya ng tawad dahil niya ito kayang mahalin.
Ikinulong ni Ken sa kanyang palad ang kamay nitong nasa dibdib niya. Somehow it feels so good but at the same it hurts so much to the fact that they cannot end up together. Mataman niyang pinagmasdan ang dalaga at malungkot na nagsalita
“Mahal na mahal kita Andrea, pero mahal mo siya. Pareho ko rin kayong mahal. Pinagparaya kita sa kanya dahil siya ang itinitibok ng puso mo. At ngayong aalis ka, kahit di ako sang-ayon ay pinilit ko yong tanggapin, hopefully you will find peace of mind” saka ito hinalikan sa noo.
“Mami-miss kita” dugtong pa niya.Ganoon din naman ang dalaga.
“Ken,maraming salamat. Isa kang tunay na kaibigan.Napabilib mo talaga ako. Napaka-Swerte ng babaeng tunay na magmamahal sayo, sana dumating na agad siya kasi ayokong makita kang malungkot sa pag-alis ko” nakangiti niyang sabi para na rin matigil na ang kadramahan.
“Naks!Touch naman ako” pabakla nitong sagot para tuluyan ng mapalis ang lungkot.
Bahagya niya itong sinuntok sa braso “Sira!”
“Nga pala, kelan alis mo?” tanong nito ng maalalang di pa pala niya nasasabi kung kelan lilisan.
“Sa Friday na” mahinahon niyang sagot.
Tumigil ito at kaagad nag-isip “Teka,today is Wednesday..?Te-teka! Ang aga naman?!”
Sinabi nalang niya ditong matagal na ang offer at matagal na siyang hinihintay ng taong nag-alok sa kanya ng trabaho.Pilit na tumango ang una at pinangakong ito ang magbabantay sa ina niya habang wala siya. Sa kahuli-hulihan ng kanilang pag-uusap ay tinapos nila yon ng mahigpit na yakap sa isa`t isa.

CHAPTER 11-Kung Puso man ay Lumimot
Kring!Kring!Kring!
Tinatamad na inabot ni Andrea ang cellphone na nakapatong sa side table niya. Namamaga at mahapdi pa ang kanyang mata dahil sa kakaiyak kagabi. Pagtingin niya sa screen ay pangalan ni Ken ang lumabas.
Sinagot niya yun “Hmm, bakit ba? Ang aga-aga mo namang tumawag eh. Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos..”saka napabuntung-hininga.
Nagtaka siya na panay buntung-hininga rin ang nasa kabilang linya.
“Hoy Ken, ba`t ka ba napatawag? Ha?” irita na niyang tanong dito, kanina pa siya naghihintay na magsalita ito.
“Si..Si Greg kasi naaksidente” alala nitong wika.
Tuluyan na siyang napabalikwas ng bangon “What? Why? What happened?” sunod sunod niyang tanong.
“May nakakitang istambay sa kanya na may nakasalubong daw siyang truck, nakaiwas nga siya pero tumama naman ang sasakyan niya dun sa puno” paliwanag ni Ken.
“Ano? Tapos,nabalian ba ng buto?! ano?” medyo hysterical na niyang sabi sa kabilang linya.
“Mga gasgas lang at nabagok yung ulo niya, pero okey na siya. Nagpapahinga na siya ngayon” pag-papaalam nito.Nakahinga si Andy sa narinig.
“O sige, magbibihis lang ako tapos punta na ako diyan” Saka nagpaalam na siya sa kabilang linya.
Nawala lahat ng galit na nararamdaman niya sa Boyfriend, napalitan ng pag-aalala. Kahit naman nakagawa ito ng pagkakamali ay handa niya itong patawarin. Naligo muna siya .Nang mapansin niya na may suot-suot siyang kwintas. Ang kwintas na bigay sa kanya ni Dylan, nakaligtaan niya palang ibigay yun dito. Tinapos ang pagligo at nag-almusal at kaagad pumunta ng ospital.
“ROOM 204 po maam” wika ng nurse sa kanya. Nagpasalamat na siya dito at lakad-takbo ang ginawa para makarating doon.Kinatok niya ang pinto at nakita sa loob sina Max, Ken, David, si Dylan na nakahiga sa kama at may benda ito sa ulo at ang katabi nitong si..
Tumaas ang kilay niya “Ang lakas ng loob niyang pumunta dito samantalang siya tong dahilan kung bakit nagkaganito kami ni Dylan. Kapal!
“Good Morning!”
Binati din siya ng mga ito, maliban kay Dylan na nangunot ang noo at si Sweet naman ay nakayuko lang.
Lumapit na siya sa kama at niyakap si Dylan. “Hon, how are you” tanong niya dito na halatang sobrang nag-alala para sa binata.
Nangunot lalo ang noo nito “S-sino ka?”
Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig. “Anong ibig sabihin nito?”
Hinila siya ni David at nag-aalala itong sabihin sa kanya ang totoo “A-andy nagka-amnesia siya at ..at ikaw lang ang nakalimutan niya
”Umiiling siya, di siya naniniwala sa mga sinabi nito.”No, that`s not true”
Sumabat na si Max “No Andy. It is true.The doctor said that awhile ago. Sometimes, meron daw talagang amnesia na kung sino pa ang malapit sa puso niya eh yun pa ang makakalimutan” pagtatapat naman nito.
Napaatras siya at ibinaling ang tingin kay Dylan na nangungunot pa rin ang noo.
“NOO!! This is just a Joke Right? Dylan, sabihin mo sakin na di yun totoo!” niyugyog niya ang braso ng binata.
“I`m sorry Miss, but..i can`t remember anything about you” naguguluhan pa rin ito sa mga ikinikilos niya.
“Tingnan mo to! Naalala mo ba to? Ito yung binigay mo sakin! Mahal mo ako Dylan, mahal mo ako diba?” nangingilid na ang luhang sabi ni Andrea at ipinakita rito ang kwintas na bigay ng binata.
Umiiling ito at ilang saglit pa ay nasapo nito ang ulo. Nasasaktan ito.Patuloy sa paghikbi si Andrea at nag-hysteria na
“Dylan! Wag mong sabihin na nakalimutan mo rin na mahal mo ako?!”
Pero hindi nito narinig ang sinabi niya at panay pa rin ang sapo sa ulo. Sinenyasan na ni David at Max si Ken na ilabas muna si Andrea doon. Niyakap ni Ken ang dalaga at hinila palabas
“Ann, let`s go outside. Makakasama raw sa kanya ang pilitin ipaalala ang mga bagay na di niya matandaan. C’mon” yaya nito.
Napilitan nalang na lumabas ang dalaga. Pinaupo siya nito sa bench sa labas ng kwartong iyon. All she could do was cry. Niyakap siya ulit ni Ken at pinatahan.
“Ann, just stay calm ok? Everything will be alright, Just wait for his memory to come back, just stay calm” mahinahon niyang wika.
“But how Ken? How?! For God’s sake, kasalanan ko to eh” di pa rin ito mapigil sa pag-iyak.
Nagpasya nalang si Ken na dalhin ito sa kainan sa labas malapit lang sa ospital.
NAPABUNTUNG-HININGA si Ken nang hindi pa rin umiimik ang dalaga at nakatulala habang nasa harap nito ang pagkaing inorder niya
“Ann, kumain ka na. Alam ko nagugutom ka na, tanghali na o? Sige ka papayat ka niyan. Pag bumalik na ang alaala niya gusto mo ba makita niyang ganun ang itsura?” ani Ken.
Sukat sa narinig ng dalaga ay napilitan itong kumain. Napangiti si Ken na hindi umabot sa mga mata.
“Sige na tapusin mo na yan at iuuwi muna kita sa inyo” wika nalang ni Ken dahil halata nito ang pagkawalang-gana niyang kumausap sa ibang tao dahil sa natuklasan niya. Bahagya lang itong tumango.
PUMASOK sa kwarto ni Dylan ang doktor niya. Kaagad niyang sinabi dito na nababagot na siya sa kakahiga lang at paikot-ikot sa apat na sulok ng kwartong iyon Pumayag naman ito at sinabing makakauwi na siya bukas.
“Narinig mo yun Sweet? Makakauwi na raw ako bukas.” Masayang wika nito sa katabing dalaga.
Ngumiti lang siya, masaya siya para kay Dylan, dahil sa wakas makakalabas na ito. Nagpapasalamat siya at mabilis itong gumaling galing sa pagka-aksidente. Labis siyang nag-alala nang malaman ang tungkol sa pagkabangga nito. At ngayon ay masaya rin siya na makakalabas na ito dahil saksi siya sa pagkabagot nito sa loob ng kwartong yun.
Pinagmasdan nila ng mataman ang isa`t isa. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya ni Dylan sa labi. Brief kiss lang yon,pero di niya mapigilang umasam na mamahalin din siya nito balang-araw kagaya ng pagmamahal niya rito. Nawasak ang puso niya ng piliin nitong mahalin si Andrea kaya nagpakalayo-layo siya para makalimutan ito. Hindi niya akalain na kahit ilang taon na niyang kinalimutan ay muling sumibol ang kanyang damdamin para dito. Hindi muling sumibol, kundi hindi talaga nagbago ang pagtingin niya sa dating kaklase. Kinabukasan ay pumunta si Andrea sa ospital at ngayon nga ay papunta na siya sa kwarto nito para lang mabigla sa eksenang naabutan sa loob na silid na iyon. `Nag-init ang kanyang mga mata. Kumaripas na siya ng takbo, hindi niya kayang makita ang mga itong ganoon. Nagpapatunay lang na tuluyan na siya nitong kinalimutan pati na ang pag-ibig nito sa kanya. Nag-abang na siya ng taxi at kaagad umuwi ng bahay.
**********
SINALUBONG si Dylan ng yakap ng mga magulang nang makauwi na siya sa mansyon. Kahapon lang nakauwi ang mga ito galing sa Singapore para dumalo sa isang business conference roon. Nang mabalitaan nito ang nangyari sa kaisa-isang anak ng mga ito ay kaagad itong nagdesisyon na bumalik ng Pilipinas, pero bago pa yun mangyari ay nagkaproblema ang flight nito, kaya nga kahapon pa nakauwi.
“We`re sorry iho na ngayon lang kami naka-uwi ha?” nagpapaunawang sabi ng Mommy niya sa kanya.
“Are you okay?” dugtong naman ng ama niya.
Ngumiti lang siya at umupo sa malambot nilang sofa.Nangunot ang noo ng mga ito sa inasal niya
“Oh, ba`t parang masayang-masaya ka?” tanong ulit ng Daddy Dexter niya.
Tumingin ito ng makahulugan sa kanila “I`m inlove!” masayang wika ng binata. Lalong nangunot ang noo ng mga magulang niya .
“Wait, did you say your inlove? Inlove ka naman talaga kay Ann..”
Pinutol ni Ken sa pagsasalita ang kanyang Tita Sylvia
“Tita! Can I talk to you for awhile? Tito?” yaya niya sa mga ito sa isang sulok malayo kay Dylan na hindi sila maririnig nito.
Nang masiguradong di na sila maririnig nito ay sinabi niyang nagka-amnesia si Dylan at si Andy lang ang di naaalala nito. Sinabi rin niya rito na hindi ito pwedeng pilitin na ipaalala ang mga bagay na nalimutan na nito dahil makakasama lang ito sa binata. Pagkatapos marinig ng mga ito ang sinabi niya ay nabahiran ng pag-alala ang mga mukha nito para sa anak at pagkalungkot na rin dahil gusto ng mga ito si Andy para sa kanilang nag-iisang anak. Alam din ng mga ito kung gaano nito kamahal ang anak nila.
“Kawawa naman si Andy, Dexter” nakapangalumbabang wika ni Sylvia sa asawa nito.
“Oo nga eh, gusto ko pa naman siya para sa anak natin dahil bukod sa anak siya ng namayapang kaibigan ko ay mabait at maganda pa” nasasayangang wika naman ni Mr. Palles.
“I`m sure nahihirapan din na tanggapin ito ni Andy.Wala naman tayong magagawa dahil mukhang masaya ang anak natin sa bagong pag-ibig niya” malungkot pa rin nitong sabi. Napabuntung-hininga nalang si Sylvia at Ken.

CHAPTER 10-Kung Puso man ay Lumimot
PAGKADATING ni Andy sa bahay nila ay dagli siyang kumaripas ng takbo patungo sa kanyang kwarto at sinara ang pinto. Nagtaka naman ang kanyang ina at lumapit doon.
“Andy? Ba’t ka umiiyak? Anong nangyari?” pag-aalala nitong tanong.
“Ma please, iwanan mo muna ako” panghihingi niya dito ng unawa.
“O sige hahayaan muna kita diyan, pero sabihin mo sa akin lahat-lahat mamaya ha?” sabi nito na nasa labas ng kwarto niya.Nang walang marinig na sagot mula sa dalaga ay hinayaan nalang muna siya na mag-iiiyak sa loob.
ILANG sandali pa ay dumating si Dylan at panay ang katok nito sa kwarto ni Andy.
“Andrea, please just let me explain.Open this door now” pagsusumamo nitong sabi.
“umalis ka na” sabi ng dalaga na halata sa tinig ang panginginig dahil sa kaiiyak.Napapikit ang binata sa tawag nito sa kanya.
“Please I`m sorry, hindi ko gustong saktan ka.It was just plain temptation. Patawarin mo na ako” naiiyak na nitong sabi.
Pero wala itong narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto kung hindi ang iyak lang ng dalaga. Kahit pa anong gawin ng binata ay hindi na gustong pakinggan pa ni Andera.Kahit anong gawin nitong sorry sa kanya ay di niya matanggap.Masyado nitong nasaktan ang damdamin niya, kung kaya`t nalason na nito pati ang isip niya.Sarado na at walang ibang maisip kundi ang nagawa nitong kasalanan sa kanya.
Hindi niya lubos maisip na magagawa nito yun sa kanya.Ang ahas na yun at ito ay naghahalikan. At Nagdadakutan….Pabalik-balik sa isipan niya ang eksenang iyon.Ilang saglit pa ay nagsalita na rin si Andrea
“Umalis ka na! Ayaw na kitang makita pa. M-maghiwalay na tayo” pumiyok si Andrea sa huling tinuran.
Napatda naman si Dylan sa kinatatayuan malapit sa pinto.
“No Andy, wag mo tong gawin sa kin, nagmamakaawa ako. Promise, hindi na kita sasaktan pang muli” totoong napahikbi na ito dahil sa naging desisyon niya.
Hindi nito inakalang hahantong lang sa ganun ang lahat. Ganun-ganun lang dahil sa isang tuksong ngayo`y pinagsisihan na niya. Sayang ang dalawang taon na kanilang ginugol para sa kanilang relasyon. Akala nila ay perfect na ang lahat, pero hindi nila akalain na hahantong sa ganito.
Naisip ni Andrea na ibalik dito ang lahat-lahat na ibinigay sa kanya. Ang sapatos, ang teddy bear, ang gitara, mga loveletters at kung ano-ano pa na magpapa-alala dito. Ayaw na niya yong makita pa, maaalala lang niya ang sakit na naidulot ng lalake.
Kinuha niya lahat iyon at binuksan ang pinto. Natigil sandali si Dylan sa pag-iyak at nagliwanag ang mukha nang makitang binuksan ni Andrea ang pinto. Pero biglang napalis yun ng makita ang mga dala nito.
Ibinigay lahat ni Andrea ang mga bagay na yun “Ayan! Isaksak mo yan sa baga mo!” at kaagad ding sinarhan ng malakas ang pinto.
Dahan-dahang dumausdos ang kanyang likod sa pinto at lalo pang pina-alpas ang malalaking butil ng luha.Si Greg naman ay panay ang katok sa pinto hanggang sa unti-unti na ring bumigay ang tuhod at napaluhod. Nakadikit ang dalawang palad sa nakapinid na pinto, nakayuko habang umiiyak.
*Alam kong nasaktan na naman kita
Sinong di magsasawa
Ngunit kung paano babawi sa pagkakamali
Yan ang mahalaga..
Sabihin mo na
Kung anog gusto mo
Kahit ano’y gagawin para lamang sayo
Sabihin mo na kung paano mo mapapatawad*
“Hon. Don`t do this to me” garalgal ang tinig nito habang sinasabi yun. “Patawarin mo ako.Hindi ko sinasadyang saktan ka, hindi ko ginusto iyon. Maniwala ka. Makinig ka muna sa kin. Magpapaliwanag ako!” dugtong ng binata.
Ang ina naman ni Andy ay naluluha na rin sa mga nangyayari.
Si Andy ay ayaw na talagang makinig pa. Sarado na ang kanyang isipan. Ang gusto lang niya ay umiyak ng umiyak.
“Umalis ka na Dylan. H-hindi ko na kaya pang tanggapin ang mga paliwanag mo! Ayaw ko nang marinig ang tinig mo, ang pagmamakaawa mo” ang nasabi nalang niya dito at kinagat ang pang-ibabang labi.
Lubos na naiyak si Dylan sa mga katagang humulagpos mismo sa bibig nito. Wala na, hindi na niya maibabalik pa ang dati. Mahal niya ito pero hindi niya masisisi ang dalaga.
“Ang tanga mo. Ba`t mo nagawa sa kanya yun? Ikaw kasi,nagpadala ka sa tukso” wika ng kanyang konsensya.
Patuloy pa ring nag-iiyakan ang dalawa.Lumapit nalang ang ina ni Andy kay Dylan at hinimas ang likod nito para patahanin.
“Dylan, umalis ka nalang muna. Hayaan mo muna siya, masyado lang talaga siyang nasaktan. Bumalik ka na lang sa ibang araw ha?” mahinahon ngunit mababanaag sa tinig ang pagka-lungkot sa nangyari sa kanila.
Wala itong nagawa kundi tumango nalang. Inalalayan ito ni Aling Lydia na makatayo galing sa pagkaka-luhod nito. Naihilamos ng binata ang palad sa mukha at kinuha na ang mga bagay na ibinigay sa tanging babaeng minahal niya ng lubos. Walang salitang umalis ito at pinaharurot ang kotse.
Nang mawala na sa pandinig ni Andy ang papalayong kotse ni Dylan ay saka siya lumapit sa kanyang kama at dumapa habang patuloy pa rin na humihikbi.
*Goodbye my Lover
Goodbye my friend
You have been the one
You have been the One For me*
GABING-gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Dylan. Doon muna sa park pinalipas ang oras niya kung saan niya nakita si Andrea na umiiyak noon. Kinuha niya ang katabing teddy bear at pinindot ang button non at narinig niya ang nai-record ni Annie
“Hi Honey! I love you so much. Mmmmwaaaah!” nagsimula na namang mag-init ang sulok ng kanyang mata. Nilagok niya ang beer na nabili.
“Sayang,bakit ba kasi kailangan pang maging ganito.Diyos ko,maniwala kayo sakin.Hindi ko ginustong saktan siya.Nadala lang ako sa tukso.Sana po ay buksan niyo ang isipan niya,para marinig man lang ang mga paliwanag ko.Siya lang ang mahal ko at wala nang iba pa’’ bulong sa sarili habang hinahagod ng tingin ang park.
Madaling araw na nang nagpasyang umalis na doon si Dylan. Pinaharurot niya ang sasakyan at napaiyak na naman ulit. Matulin ang kanyang pagpapatakbo at naka-inom pa. Ngayon naman ay parang nag-uulap ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang nagbabantang bumuhos. Kaya posibleng maaksidente siya sa estado niya ng mga oras na iyon. Sinusuntok-suntok niya ang manibela para doon ilabas ang nasasaloob.
Ilang sandali pa ay may papasalubong siyang 10 wheeler truck. Pagewang-gewang pa ang kanyang pagmamaneho at papalapit ng papalapit ang kasalubong na sasakyan. Masyado siyang nasilaw sa ilaw ng truck at muntikan nang mabangga doon.Mabuti nalang at nakaiwas siya pero bumangga naman sa isang poste ang sinasakyan nito.Tumama ang ulo niya sa manibela at unti-unting dumilim ang paningin at tuluyan ng nawalan ng ulirat.

CHAPTER 9-Kung Puso man ay Lumimot
“Oh ayan anak, lalo kang gumanda diyan sa suot mo”
Sinipat siya nito sa suot niyang simple yet elegant na white halter dress, mga 4 inches above the knee ang ikli.
Pula ang kanyang suot na strappy sandals at may 2 inches na stiletto style na takong. Hindi na niya kailangan pang mag-stockings dahil walang kamantsa-mantsa ang kanyang mapuputing binti. Nakalugay ang kanyang buhok na hanggang likod pa rin ang haba. Face powder at lipgloss lang ang ipinahid niya sa mukha, dahil di na kailangan pang lagyan iyon ng make-up.
Natural nang makinis at mamula-mula ang kanyang balat. Pearl studs na palamuti lang ang nilagay niya at relo na nasa kaliwa niyang braso. Nag-aagaw sa kabuuang anyo ni andy ang kainosentehan ng kanyang mukha at ang kaseksihan ng kanyang suot.
Masaya naman siya sa nakitang reaksiyon ng ina. ”Salamat Ma, eh siyempre, sa’yo ako nagmana eh” malambing niyang turan dito.
“Talaga, maganda talaga ako” nag-pose pa ito at nakatawa habang sinabi nito yun sa kanya.
“Haha, sige ma, hihintayin ko lang si Dylan sa labas” paalam niya dito.
“O sige, ikumusta mo nalang ako sa kanya huh?” tugon nito sa anak.
“OK” pagkasabi non ay lumabas na siya ng bahay at hinintay sa labas ang nobyo, nag-text na ito sa kanya na parating na..
Nagulat siya nang may lumapit sa kanyang lalake.
“J-Jay?! What are you doing here?” Si Jay , ang ex niya. Totoong nabigla siya dahil ang akala niya, na huling pagkikita na nila nung naghiwalay sila..
“Ann, I’m sorry, I shouldn’t have done that to you, through all these years, na-realize ko na mahal pa pala kita, pero binalewala kita noon. And na-realize ko nung mga panahong yon na parang merong kulang sa buhay ko, and that is you Andy, it’s you” mahabang paliwanag nito sa kanya.
“Hindi ka pa rin nagbabago, ang ganda mo pa rin” dugtong nito ng mapansin ang ayos niya. Pero hindi niya pinansin ang papuri nito.
“Andrea, do I still have a chance? Please forgive me” pagsusumamo nito .
Napabuntung-hininga siya saka nagsalita.
“Jay,matagal na kitang pinatawad at kinalimutan, pero I have my own life now, masaya na ako, at mahal na mahal ko ang nagpatibok ulit sa puso ko simula nung nagkahiwalay tayo, ang boyfriend ko, si Dylan” paliwanag niya rin dito.
“But Andy, I want you back” namumula na ang mga mata nito, nasaktan ito sa sinabi niya, pumiyok ito nung magsalita.
“No Jay, just go and find someone else, huli ka na, mahal na mahal ko si Dylan at hindi ko siya kayang iwanan kahit na ano pa ang kapalit.” Pagpapaintindi niya dito.
Napabuntung-hininga na rin ito at napayuko dahil naiiyak na ito. Nabigo siya, nabigo si Jay na maibalik pa sa buhay niya si Andrea.
“Kasalan ko toh eh, kung bakit kasi niloko kita noon, hindi ako nakuntento sa iisang babae, habang busy ako na nangongolekta ng mga babae, di ko namalayan na nawala ko na pala ang babaeng tunay kong minahal na siyang pagsisisihan ko habang buhay.” Ang tanging naibulalas nito at di na mapigilang ang pagtulo ng luha.
Naaawa naman si Andy dito, dahil minsan naman kasi ay inalagaan siya nito, pinahalagahan, minahal, pero nagbago ang lahat ng iyon nang nanlamig ito sa kanya at nalamang isa lang pala siya sa mga koleksyon nito.Gwapo rin naman kasi ito kaya marami din ang nagkakagusto sa lalake. Hinawakan niya ito sa balikat at saka nito iniangat ang paningin sa kanya.
“Jay, I’m sorry din kasi, may mahal na akong iba eh, forget about me and start a new life, I`m sure marami ka pang makikitang iba. Ang gwapo mo kaya” totoo yun, para na rin ngumiti ito. At nagtagumpay naman siya.
“Okay Annie, I’ll do that , I’m sorry for bothering you, I really regretted it, ang tanga ko kung bakit pinakawalan pa kita. Karma ko na nga siguro ito,dahil wala akong ibang magawa noon kundi magpaiyak ng babae, at ngayon naman ay ako na ang nasasaktan. Ang suwerte naman nung Dylan, sana di ka na niya pakakawalan pa, dahil i`m sure pagsisisihan niya rin yun.” Turan nito sa kanya.
“But ..Can I ask a favor?” tanong nito kapagdaka.
“Yep, what is it?" tanong ng dalaga,kung ano man ang magiging favor nito ay okay lang sa kanya dahil baka iyon na rin ang huling pagkikita nilang dalawa. Para naman may magawa siya dito bago silang magkahiwalay, and forget about the past.
“Can I kiss and hug you for one last time?” pagsusumamo ulit nito.
Medyo nabigla siya sa favor nito sa kanya, pero naisip niya ring pagbigyan ito. Kaya niyakap siya nito at hinalikan sa labi ng saglit lang.
Pero, Lingid sa kanilang kaalaman ay meron palang isang pares ng mata na kanina pa nakatingin sa kanila. Kinuyom nito ang kamao at pinaharurot ang sasakyan sa pagmamadaling maka-alis sa lugar na iyon kung saan nakita ang eksenang kailanman ay di niya inaasahan.
**********
“PARE, totoo ba yan?” nakakunot noong tanong ni Ken kay Dylan.
Nasa isang bar at nag-iinuman. Tinawagan nito ang kaibigan para makipagkita at yayaing uminom.
Tumango naman siya. “Mag-di-dinner sana kami ngayon, pinaghandaan ko talaga ang gabing toh, magpo-propose na sana ako sa kanya, pero ..” pumiyok ang tinig ng lalaki at naging mailap na rin ang mga mata dahil sa mga luhang nagbabanta nang umalpas.
“Pero di ko akalain na magagawa niya yun sakin,” dagdag pa niya “Binigay ko ang lahat, mapaligaya ko lang siya, etoh na nga bang sinasabi ko eh, kaya natatakot akong magmahal uli” di na nito mapigilang umiyak at lumagok ulit ng iniinom na alak.
“Pare, kung magso-sorry siya at papayag sa aalukin kong kasal, Ken, lahat… kaya kong kalimutan” hirap na hirap nitong pagsasalita.
Inakbayan ito ni Ken at hinimas-himas ang likod ng kaibigan.Pati rin siya ay nasasaktan, ang pagkagusto niya kay Andrea ay napalitan ng dissapointment, hindi rin nito akalain na magagawa yun ng Dalaga sa bestfriend niya. Pilit niya itong pinapakalma. Nang may marinig sila ng isang malamyos na tinig galing sa isang babae..
“Hi boys…Dylan? What happened??” malambing na tanong ni Sweet.
“Sweet?” magkapanabay pa ng kaibigan na bulalas.
“Hey, where have you been? ang tagal naming di ka nakita ah? Ano bang nangyari sa`yo at bigla kang nawala na parang bula?” tanong nito sa babae.
Umupo muna ito kaharap sila bago sinagot ang tanong ni Ken.
“Hmm.lumipat kasi ako ng school, yung mas malapit sa tinitirhan ko ngayon” paliwanag nito.
Si Dylan ay mataman lang na nakikinig sa dalawa.
“Eh ba`t di ka nagpaalam sa`min? Kay Andy?” tanong ulit nito.
“Basta, personal reasons” ang tanging nasabi nito para di mangusisa pa ang kausap.
Ang totoo, nagpakalayo-layo siya, ayaw niyang makita si Dylan at Andrea na magkasama, dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin dito.
Akala niya ay wala na siyang nararamdaman para sa binata, pero nabuhay ulit iyon nang makita niya ulit ito. At parang mas tumindi pa ang pagtingin niya rito makalipas ang ilang taon. Hindi pa rin nagbabago, ito pa rin ang mahal niya, kaya lang si Andrea ang nagustuhan nito at hindi siya.
“Ah ganun bah? pero etoh naman o, parang di kami kaibigan?” pabiro nitong sagot.
Nagpaalam muna saglit si Ken para mag-CR. Saka naman siya tumabi kay Dylan na inookupa nito kanina.
“Sweet, lalo kang sumexy ha?” papuri sa kanya ng binata.
Sexy naman talaga siya noon pa, maganda rin siya, pero nahulog ang loob nito kay Andy. Kaya rin siya sumusuot ng mga skimpy outfits dahil yun ang gusto niya, may pagka-liberated din kasi siya.
“Haha, thanks. Napansin ko kanina na umiyak ka ha?” nagtatanong ang mga mapupungay nitong mga mata.
“Bakit, dahil para akong bakla?” pa-ismid itong sumagot.
Napangiti siya sa inasal nito, ang kyut nito tingnan pag nagagalit, kaya isa rin yon sa mga nagustuhan niya dito, kahit anong pilit nitong papangitin ang sarili ay lalo yung nakadagdag sa taglay nitong kagwapuhan.
“Etoh naman, hindi noh? What I mean is.. alam ko na may problem ka, C’mon tell me, baka makatulong ako” umusod pa ito papalapit sa binata at lalo pang pinapungay ang mata.
Tiningnan ito ni Dylan, nakita naman niya ang pagka-sincere sa mga mata ng dalaga, kaya ikinuwento niya dito ang nangyari.
“Ganun bah? K-kalimutan mo na lang siya, wala yang maidudulot na maganda sa`yo. Gusto mo tulungan pa nga kita eh” pinalandi nito ang tinig sa huling tinuran.
Saka ito tiningnan ni Dylan ulit, maganda naman ang babae, kaakit-akit, sexy, kaya pwede siyang matukso dito.Dumikit lalo si Sweet sa binata at sinadyang ikiskis ang malulusog na dibdib sa braso nito.
Dala na rin ng kalasingan kaya nag-iinit na rin ang katawan niya.
Darang sa init at alak si Greg kaya namumungay ang matang tinitigan nya lang si Sweet. Hindi niya namalayang nabuksan na pala nito ang zipper ng kanyang pantalon at nakapasok na ang kamay nito.
Wala namang makakapansin dahil madilim ang lugar at tanging mga neon lights lang na nakadikit sa dingding ang siyang nagsisilbing liwanag sa loob.
NASA taxi na si Andy at papunta sa bahay ng mga Palles. Nag-aalala na siya kung bakit wala pa ito. Hindi naman niya ito makontak dahil naka-off ang cellphone. Saka lang niya naisip na tawagan si Ken, baka alam nito kung saan makikita ang nobyo.
Kring!Kring!Kring!
Habang papalabas na si Ken sa CR ay nag-ring ang phone niya. “Si Andrea” dagli niya itong sinagot.
“Andy? Ba’t ka napatawag? masaya ka na bah sa ginawa mo kay Dylan?” painsultong tanong ni Ken sa kausap sa kabilang linya.
“Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?” balik din nitong tanong.
“Ha! Eh di ano pah? Nakita niya kayo nung ex mo naghahalikan, kaya etoh ..naglalasing na naman” sabi nito.
Sukat sa narinig ay nagkulay suka ang dalaga, kung ganun nakita pala sila nito kanina kaya di ito sumipot sa bahay nila, o sa restaurant kung saan sana sila magdi-dinner.
Nagpunta siya sa resto sa pag-aakalang nauna ito doon,pero nawalan siya ng pasensya kaya eto at papunta sana siya sa bahay nito, pero kasama pala ito ni Ken at umiinom nang dahil sa kanya!
“Patay, kasalanan ko pala kung bakit di siya pumunta, kailangan kong mag-sorry!”
“No Ken! Mali ang akala niyo, kaya lang niya ginawa para magpaalam sa`kin, asan kayo? Kailangan niyang marinig ang paliwanag ko!” katwiran niya.
“Okay, sige, payag ako na makapag-paliwanag ka sa kanya, kaya dalian mo, Nandito kami sa Grecko’s ! Ah, siyanga pala, yung kaibigan mong si Sweet? nandito siya, nakita namin siya.” Naging malumanay na ang tono ng boses nito.
“Ha? Si Sweet? talaga? matagal ko na rin yung di nakikita sige papunta na ako, malapit lang kami sa Grecko`s eh, kaya ilang segundo lang andiyan na ako” nag-aalala na nasasabik na sambit ni Andy.
Matagal-tagal din silang hindi nagkita ng kaibigan, na-miss niya ito ng sobra, at pag nakarating na siya dun ay yayakapin niya talaga ito ng mahigpit.
“Sige, ibababa ko na toh,magkita na lang tayo diyan” pamamaalam na ni Andy sa kabilang linya.
“Manong sa Grecko,s po tayo, malapit lang naman yun dito eh, sa kabilang kanto lang, dalian nyo po,please!” pakiusap niya sa drayber ng taksing sinasakyan. Tumango naman ito at ilang sandali pa ay narating na nila ang lugar.
Di na mapigilan pa ni Dylan ang gusto nang humulagpos na damdamin. Pero ang nasa isip niya ay ang tunay na minamahal, si Andy, selfish na kung selfish, dahil si Sweet ang kahalikan niya pero ang isip niya ay nasa nobya.
Nasaktan siya sa kaisipang may ibang kahalikan ang nobya kanina nang makita niya ito malapit sa gate ng bahay nito.
Gutay-gutay na ang kanyang puso, mas malala pa ang sakit ngayon kesa sa sakit na naranasan niya kay Yasmien. Kahit sorry lang ang sabihin nito, kahit sorry lang, kakalimutan niya ang kasalanan nito, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa buhay niya.
Sukat paglabas ni Ken sa CR, pabalik na sana siya sa puwesto niya pero natigilan siya ng makita ang kaibigan at ang babaeng kausap lang niya kanina ay naghahalikan, at saka lumagpas ang paningin niya sa babaeng nakatayo malapit sa mga ito na pamilyar na pamilyar sa kanya.. Saka niya sinigawan si Dylan.
“DYLANN!” tila natauhan naman ito sa pagkalakas ng sigaw nito.Tiningnan niya ang kaibigan na nakatingin rin sa kanya at ibinaling sa likod niya..Tiningnan niya rin ang nasa likod nila ni Sweet..
“ANDY?!” tinakasan siya ng dugo sa mukha at tuluyan ng nawala ang pagkalasing nang makita ang nobya. Mabilis nyang itinaas ang zipper ng pantaloon.
Nababanaag niya sa mga mata nito ang kirot, ang hapdi na sumasalamin sa nararamdaman nito. Binigla siya nito ng isang malutong na sampal. Masakit yun, pero wala nang mas sasakit pa sa nakikita niyang luha na nagbabantang umalpas sa mga mata nito. Na nasaktan niya ito nang dahil lang sa isang tukso.
“Andrea ,I’m sorry” pagsusumamo niya dito na halata na ring maiiyak. Pero parang wala itong narinig, bagkus ay humarap kay Sweet.
“Ikaw! Ahas ka! Ba`t mo yun nagawa sakin?! Alam mo ba, pumunta ako dito para manghingi ng sorry kay Dylan at para makita rin kita, gusto ko kayong sorpresahing dalawa, pero ..”
Tuluyan nang tumulo ang malalaking butil ng luha nito, saka ulit nagsalita, yukong-yuko naman si Sweet dahil sa hiya, di rin nito gustong saktan ang naging kaibigan,sadyang naging mabait ito sa kanya,pero di niya mapigilan ang damdamin para sa nobyo nito.
Natigilan lahat ang nasa loob ng Bar, lahat nakatingin sa kanila
“pero..” patuloy ni Andy “ako pala ang masosorpresa! How could you? Ang boyfriend ko at ang ahas kong kaibigan! ..ay naghahalikan” pumiyok ang tinig ng dalaga nang magsalita.
“pano niyo toh nagawa sakin?” nasa tinig nito ang sakit ng nararamdaman, at nagtatanong ang mga mata nito.
“Andy, let me-“ pinutol ni Andy ang sinabi ni Dylan
“At ikaw Dylan! nagustuhan mo naman?!-Mga walanghiya!” sinigawan niya ang dalawa, at saka tumalikod para lumabas sa bar na yun. Hinabol ito ni Dylan..
“Andy wait!” at hinawakan ang dalaga sa braso, tumigil naman ang dalaga sa paglakad pero di pa rin tumitingin sa kanya..
“Bitiwan mo ako..” mahina nitong sabi.
“Pero Andy-“
“sabi ng bitiwan mo ako!” galit na turan ng dalaga,binitawan naman niya ang dalaga pero sinundan ito sa pagtakbo nito..
Nagmamadali si Andy na makalabas ng lugar na yun at nag-para agad ng taxi, saka naman lumabas si Dylan sa pintuan ng bar, nang makita niya ito ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng taxi.
“Andrea!! Wait!!” hinihingal nitong habol sa papalayong taxi. Pero masyado na itong malayo kaya tinungo niya ang nakaparadang sports car. Pinaandar at saka pinaharurot papunta sa bahay ng dalaga.

CHAPTER 8-Kung Puso man ay Lumimot
PAGLAKIPAS ng dalawang taon, si Andy ay nasa 3rd year college na at ang nobyo naman nito na si Dylan ay Graduate na at ngayon ay namamahala na sa kompanya ng pamilya nito.
“Hon, advance happy anniversary. Dinner na naman tayo bukas as usual.” Nakangiting sabi nito kay Andy. Dinalaw niya ang nobya sa bahay nito.
Ngumiti naman ang dalaga at sinalubong ito ng napakahigpit na yakap.
“Advance happy anniversary din” saka hinalikan ito sa pisngi.
Nalukot ang napakaguwapong mukha nito “Yon lang?” himutok ni Dylan.
“Asus nagtampo ang baby ko, koochie-koochieku” hinawakan niya ang tungki ng ilong ng kasintahan at binigyan niya ito ng isang napakatamis na halik at pagkatapos ay tinapik ang pisngi. Lumiwanag naman ang mukha nito. Natigil ito sandali
“May regalo nga pala ako sayo, teka kukunin ko lang sa kotse.Lumabas ito ng bahay saka kinuha ang sinasabi nitong regalo.Ilang saglit pa ay bumalik na ito at may dala-dalang gitara at teddy bear. Nangunot ang noon ng dalaga ng makita ang gitara.
“Gitara?” tanong ni Annie sa nobyo.
Tumango naman ang binata “Para sayo talaga iyan. Medyo marunong ka na dahil tinuruan kita diba? Mag-practice ka ng mag-practice para maharanahan mo nang baby mo” biro nito sa kanya.
Pina-ikot ni Andrea ang mata saka ulit nagsalita “Haranahan ka diyan.Mga babae bang gumagawa non? Pukpokin kita ng gitara diyan eh” aniya na aksyong ihahampas ang gitara sa ulo nito. Napansin ni Andy ang bitbit naman nitong puting teddy bear
“Ang cute naman niyang teddy bear” saka kinuha ito sa kamay ng nobyo at pinisil-pisil ang stuff toy.
“Uh-huh, at hindi lang yan basta teddy bear,meron yang record button,eto ha, pakinggan mo” saka pinindot nito ang itim na button sa bandang pusod ng stuff toy. Nagsalita ito pero tinig ni Greg ang maririnig
“I love you Hon.I will love you forever, and I will never ever leave you”
Binatukan ito ni Andy. “Kahit kailang talaga, napa-korni mo” saka nangiti.
Tumawa ito “Nasabi ko na ba sayong you are the music in me?” Tumawa ulit sila at pina-ikot na naman ni Andy ang mata.
“Eh, sa ganito talaga ang epekto ng Love magiging corny ka” nakangiti naman nitong sagot.
“Uh-huh, alam ko yon at may premyo ka sakin” hinalikan ito ni Andy at nakapulupot ang braso niya sa leeg ng nobyo.Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga halik nito makalipas ang halos dalawang taon. Ganun pa rin, mapagmahal, nakakalasing , nakaka-adik. Binitawan na niya si Dylan nang malapit ng mapugto ang kanilang hininga. Pero magkayakap pa rin sila.
”Hon, i‘m sorry ha? wala akong maibibigay sa`yo.Tsk.” mahinang sabi ng dalaga.
“Ano ka bah? Okay lang yon.Makasama ka nga lang at ibigay ang pag-ibig mo sakin ay ginto na ” malambing nitong pahayag.
Ngumiti naman si Andy, at pinupog ito ng halik sa buong mukha. Hindi talaga siya nagsisisi na dumating ito sa buhay niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit siya palaging masaya. Sa mga taong nagdaan ay hindi siya nito binigo na paligayahin siya sa kahit na anong paraan. Umupo ito at hinila siya paupo rin sa kandungan nito. May kinuha ito sa bulsa at tumambad sa kanya ang silver necklace na heart ang pendant na may nakalagay na D&A.
Natutop ni Andy ang bibig.
“Hon, I want to give you this, para pag hindi tayo magkasama maaalala mo ako palagi” seryosong wika nito. Saka pinihit siya patalikod at inilagay nito ang kwintas.
Kaagad humarap ang dalaga dito pagkatapos nitong maisuot sa kanya ang kwintas.
“Teka hon, sobra na toh ah? Wala akong maibibigay sayo” nasa tono niya ang concern.
“Pag mag-asawa na tayo sobra pa dyan ang matatanggap mo” sabi nito at niyakap siya.
Lumaki ang kanyang mata sa sinabi nito “Asawa?!”
Binitawan siya nito at tumingin ulit sa kanya “Yup. Pagka-graduate mo pakasal agad tayo. I`m sure Mom and Dad will be so happy! You see, gusto na nilang magka-apo at ako lang naman ang nag-iisang anak diba? So ayun, tsaka ikaw rin naman makakasama ko habang buhay eh,diba?” mahabang paliwanag nito.
“Hmm! masyado naman kayong nagmamadali eh.Pakasal pagkatapos kung maka-graduate?” ang sabi niya dito na pinaikot pa ang mata. “Pero sige ha, hmm,ilan ba gusto mong anak?” baling niya dito at nagtanong.
“Hmm, yung isang team!” bulalas nito.
Lumaki naman ang mga mata ni Andy “Hoy, Anong tingin mo sakin, inahing baboy?!”
Tumawa naman ito ng malakas.Di nila napansin ang ina ng dalaga na kakalabas lang ng kwarto nito pagkatapos maghanda para sa lakad nito.
“Ahem!” tikhim nito at saka lang ito napansin ng dalawa. Umayos sila sa pagkakaupo. Napahiya naman saglit ang mga ito.
Saka nagsalita ang ina ni Andy “Sus, ok lang yun,at nga pala, aalis na ako ha, Ann, DY, mamaya pang hapon ang uwi ko, kaya DY ikaw muna bahala sa dalaga ko ha?” baling nito sa binata.
“Opo, walang problema” sagot naman nito.
“O siya sige, alis na `ko” lumabas na ito ng bahay pagkatapos magpaalam. Magkapanabay naman silang kumaway dito.
“Pano ba yan? Tayo nalang dalawa, Hala ka!” biro nito kay Andy.
“Hoy manyak,tigil-tigilan mo ako ha? Kung hindi patay ka sakin!” ang sabi ni Andy, na pinakita rito ang kamao, at bigla ay kumaripas ng takbo patungo sa loob ng bahay. Hinabol naman ito ng binata.
“ANG init naman, feeling ko ang lagkit-lagkit ko, hilamos mo na ako hon ha? tsaka magpupunas na rin” ang sabi ni Andy sa nobyo at tumungo na sa washroom nang habulin siya nito.
“Teka, ako na rin,ang init nga ng panahon ngayon noh?” tsaka nito hinubad ang t-shirt.Tumambad sa kanya ang mala-adonis nitong katawan,at parang ang sarap paglaruan ng abs nito.
“Hoy, ano bang ginagawa moh?” tanong ng dalaga sa ginawi nito, paulit-ulit niyang nilunok ang laway niya. Basta ba ay lalong nag-init ang kanyang pakiramdam. Nanatili itong tahimik at nakatitig sa kanya. Ilang sandali pa ay nagsalita na ito.
“O bakit? sa naiinitan ako eh, ikaw, kung anu-ano iniisip mo” napahagikgik ito pagkatapos ng huling sinabi.
Pabiro naman niya itong sinuntok sa matigas nitong dibdib.
“Anong ako? Tumigil ka na nga diyan at maghilamos na tayo” yaya niya rito
NANG matapos ay nagbihis na siya ng oversized shirt at short shorts. Si Dylan ay nasa labas at nagpapatuyo. Natapos na niya ang pagbibihis ay may yumakap sa kanya buhat sa likod. Mahigpit, puno ng pagmamahal, sincere. Ah,she feels so safe. Napapikit siya sa ginawi nito,ang sarap ng pakiramdam niya, ang mga yakap nito ay walang kapantay, ramdam na ramdam niya ang matinding pagmamahal nito sa kanya.
“I Love You, Hon.”
“I LOVE YOU TOO” ang sabi nito at hinalikan siya sa noo.
MADILIM na kaya nagpasya na si Dylan na umuwi sa bahay nila. Inihatid ito ni Andy sa labas ng gate.
“Hon, don’t forget tommorrow, mga 7:00 pm, susunduin kita dito okey?.” Sabi nito sa Dalaga.
Tumango siya at niyapos ito saglit. Hinalikan na ni Dylan ito sa noo at saka nag-paalam.Saka lang siya pumasok nang di na makita ang papalayong kotse ng nobyo.

CHAPTER 7-Kung Puso man ay lumimot
“Okay, I will have to assign two students to manage the program for the upcoming event this Wednesday only for CBE Department students, Ah who will volunteer?” palinga-lingang tanong ng guro nina Andy sa loob ng room,at naghihintay kung sinong mag-bo-volunteer.
Nagtaas ng kamay si Andy, sanay na kasi siya sa ganito kahit pa nung high school siya dahil isa siya sa mga officers na kabilang sa Student`s Government. Nang makita siya ng guro na nakataas ang kanyang kamay ay tumango ito
“Okay Andrea, another one please?” tanong ulit nito, dahil dalawa ang dapat kailangan na volunteer. Nag-prisinta naman si Dylan para mag-boluntaryo, kahit wala itong alam sa mga ganoong bagay ay pilit nitong itinaas ang kamay dahil gusto niyang tulungan ang dalaga.
Napansin naman agad ng guro si Dylan. “Okay Dylan and Andrea will manage about the event. Uhm, halika nga muna sandali” Umupo ang nguro pagkatapos non. Lumapit naman ang dalaga sa guro at hinarap ito.
“Do you know what to do na?” tanong nito na itinukod ang dalawang braso sa mesa.
Ngumiti siya at sinabi ditong may karanasan na nga siya sa mga ganon.
“Just tell me Ma`am if meron ka pang gustong ipadagdag sa program” wika ni Andy dito.Tumango lang ang guro bilang pagsang-ayon at pinabalik na siya sa kanyang upuan.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad hinarap si Dylan at pinag-krus ang braso sa dibdib.
“Oi, wag ka na namang aalis ah? Uupakan talaga kita! Nag-volunteer ka pa, tapos tatakasan mo na naman ako! Pa-epal kapa kasi” may halong pang-aasar ang tinig na turan niya sa binata.
Itinaas naman nito ang kilay na tumingin sa kanya
“Ako?!” turo nito sa sarili nang sabihin yun
“Aba, nag-boluntaryo nga ako para tulungan ka eh. OA nito.” Dagdag niya at pinaikot ang mata na parang bakla.
Napangiwi naman si Andy, sanay na siya sa ilang buwan din nilang magkaibigan or MU palagi silang nag-aasaran nito.
Muling nagsalita si Dylan “May kilala akong banda, sasabihin ko sa kanila yung tungkol dito. Palagi na yun silang nagpe-perform” Tumango naman ang dalaga.
Walang alam si Andy na sariling banda ni Dylan ang tinutukoy nito, hindi pa niya nasasabi dito na may sarili syang banda. HAPON na at tapos na ang klase nila, kaya nagsi-uwian na ang mga estudyante maliban kina Dylan at Andy. Ang dalaga ang mas nag-focus doon, dahil nga hindi alam ni Dylan ang mga ganoong bagay, pero nag-sa-suggest naman ito kung minsan.
Habang inaayos pa yon ni Andy, panay naman ang tipa ni Dylan sa kanyang dalang gitara. Ang akala ng dalaga ay naglilibang lang ito, wala siyang kaalam-alam na nagpa-praktis para sa darating na event ang binata, he is a vocalist of a band.
Kumakanta ito ng “Pasensya Na” ng bandang Cueshe, habang panay ang sulyap sa kanya.
“Ah, ang ganda ng boses niya, malamig , really soothing, lalaking-lalaki.” Bulong ni Andy sa kanyang isipan.
*Kaya pasensiya na kung may pagtingin ako sa`yo.
Di mapigilan bulong ng damdamin isisigaw ko
Para mapansin mo, pansinin mo naman ako*
Pagkatapos kumanta ay naghikab ito “Hey Ann, can I sleep for awhile, inaantok ako eh? “ napuyat ako dahil sa kaiisip sayo at kung paano ako aaminin ang nararamdaman ko para
sayo” dugtong nito sa kanyang isip.
Napabuntung-hininga ang dalaga ng marinig ang sinabi nito.
“Sige, tutal wala ka namang naitulong eh” itinaas niya ang gilid ng labi habang sinasabi yun.
“Aish! Meron kaya noh?” kumulot ang labi nito at tiningnan siya pataas at paibaba, parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ng dalaga dahil nagsuggest naman ito kahit papano.
“Tulong? Eh ano yung mga suggestions mo? Hay naku, ewan ko sayo, matulog ka na nga!” At ibinalik na nito ang mga mata sa ginagawa. Hindi na lang nagsalita si Greg at umusod papalapit sa mesang ginagamit ni Andy sa paggawa ng program.
Ipinag-krus nito doon ang mga braso at saka inihilig ang kaliwang mukha saka pumikit. Nakaharap ang mukha nito sa Dalaga. Hindi naman maiwasan ng Dalaga na tingnan ang maamong mukha ng binata, napangiti siya at naalala ang mga kalokohang pinaggagawa nila nito sa sinehan. Di niya mapigilang haplusin ang makinis na mukha nito.Napa-ungol naman ang binata sa ginawi niya. Saka lang siya tumigil nang mag-ring ang cellphone niya. Ang mama niya, sinabing gagabihin ito ng uwi dahil dadalaw ito sa burol ng anak ng katrabaho nito. Nang magpaalam ito ay ibinalik na niya sa shoulder bag na nakapatong sa mesa ang kanyang Cp. Nakita niya ang marker na nasa loob at umandar na naman ang pagka-pilya. Kinuha niya yon at dahan-dahang ginuhitan ang itaas ng labi at baba nito ng balbas. Tahimik siyang tumawa para di ito magising. Kinuha niya ang camera phone na nakapatong rin sa mesa at piniktyuran ito. “Haha, ang kyut!” mahinang wika ni Andy.
Isinauli na niya ang marker sa loob ng bag at tumingin sa relo. Malapit na palang mag-ala-sais kaya dinampot na niya ang bag at nagpa-tiuna nang lumabas ng room.Tumingin siya rito sa bintana “Sleepyhead! Diyan ka lang ba hanggang umaga?” tawag niya sa binata.
Ang akala niya ay magsasalamin pa ito na nasa loob ng silid na yun, pero lumabas na ito at sumabay sa kanya. Nasa labas na sila ng eskwelahan. Nagtataka si Dylan kung bakit panay ang tawanan at bulungan ng mga taong kanilang nasasalubong. Pinipigilan naman ni Andy ang sarili na wag matawa, dahil baka mahalata siya nito. Nagtataka si Dylan sa reaksyon ng mga nakakasalubong niya kaya kinuha niya ang Cp nya sa Bag para manalamin. Nakangiti namang nagmamadaling lumayo si Andy habang natatawa.
Nakalayo na siya nang lumipad sa kanya ang nag-aapoy nitong tingin.
“Anndreeeaaaa!” sigaw nito sa kanya na parang nagwawalang tigre.
Tumakbo na siya at hinabol siya nito, pero matulin talaga ito tumakbo kaya nahuli rin siya sa huli.
“Huli ka!” ikinulong siya sa mga braso nito.
Ginamit na naman nito ang special power na kiliti. Halos mawalan ng ulirat si andy sa kakatawa. Maya- maya pa’y itinigil na ni Dylan ang pangingilit sa dalaga pero nanatili nya itong yakap. Nang makabawi ng lakas ang dalaga ay bigla nyang itunulak ang binata. Napaupo sa lapag si Dylan habang tumatakbong nakatawa si Andy
“Hoy! Ang daya mo talaga!” sigaw ng tatawa-tawang si Dylan.
**********
WEDNESDAY,7:00 P.M. SA SCHOOL GYMNASIUM, Araw ng kanilang Events
“Thank you ladies, next is an intermission number from the students of BS in Accountancy, and then there will be a band performance. For now let`s give BS in Accountancy students a round of applause!” ang sabi ng emcee na nasa harapan ng stage.
Malapit lang sa stage si Andy pero wala doon ang kanyang atensyon, hinahanap niya si Dylan. Nag-text na nito na parating na, pero hanggang ngayon ni anino nito ay di pa rin niya nakikita.
“Tsk, asan na ba kasi yon? Mokong na yun pinabayaan na naman akong mag-isa dito.” bagot na sabi ni Andy at tinitingnan ang mga taong labas-masok sa pintuan ng gym, baka sakaling dumating na ang hinahanap.
“Sino ba kasi hinahanap mo? ayan ka naman, para kang giraffe” kunot noong sabi ni Sweet ng marinig nito ang sinabi niya. Napuna nito ang panaka-nakang tingin niya sa entrance ng gym kaya napatitig na rin ito doon. Hinarap niya ito at pina-ikot ang mata “Si Dylan, sabi
niya kasi na papunta na siya pero yun pala..,argh!” napabuga nalang siya ng hangin, naiinis na talaga siya sa binata.
Gusto niya itong makasama lalo pa ngayo`t nagkakasayahan at may disco mamaya at ito ang gusto niyang makasama. Ang Hindi alam ni Andy kanina pa nasa Back Stage si Dylan, kasama ang kanyang Bandmates. Sila ang tututug, Hindi niya ipinaalam sa Dalaga dahil gusto niya itong sorpresahin.
“Oi, maghanda na kayo, tayo nang susunod!” sabi ni Ken sa kabanda at kaibigan na sina Dylan, Max, at Dave. Matagal ng kaibigan ni Ken at Dylan sina Max at Dave, magkaiba lang kasi sila ng kurso kaya minsan lang nila makita ang mga ito.
Si Max ay nasa kursong Accountancy at si Dave ay IT minsan lang sila magkita ng mga ito dahil magkakaiba sila ng Department,at kahit pa ka-department nila si Max ay bihira rin nila itong makita dahil maseryoso ito sa pag-aaral pero di naman masasabing nerdy o geeky,sa katunayan kabi-kabila ang mga babae nito o flings.
Si Dylan ay nasa isang gilid lang at di mapakali kung kaya’t di nito napansin ang sinabi ni Ken. Napansin yun ng tatlo. Lumapit si Dave dito at tinapik siya sa balikat “Dude, bakit di ka mapakali diyan?” nagtataka nitong sabi.
Tumalon-talon siya ng mahina at bahagyang sinuntok ang dibdib
“Pare, kinakabahan ako.!” sabi niya sabay buga ng hangin.
Tinawanan lang siya ng tatlo. Napangiwi naman si Dylan
“Alam mo dude, ngayon ka lang namin nakitang nagkakaganyan sa babae.” wika naman ni Max “Gayahin mo ako, para hindi ka na naman masaktan” dugtong pa nito.
“Paano ka naman masasaktan? Eh ikaw nga tong nagpapaiyak ng babae eh” diretsahan namang sabi ni Dave dito. Pilyo lang ngumiti si Max.
“Tsaka seryoso si Dylan kay Andy, kasi inlove ang kaibigan natin” nakangising sabat ni Ken sa usapan.
“Pare, we`re just behind you” wika ni Dave.
Ngiti lang itinugon niya sa kaibigan saka tumango.
Nang matapos ang intermission ay agad na pumailanlang ang tinig ng Emcee
“OKAY, give it up for the BADBRAT BAND!” masayang sabi ng emcee habang nakadukwang ang isang kamay nito at ang isa ay hawak ang mikropono.
“Boys, let`s rock the stage!” masaya ring wika ni Max sa mga kaibigan.
SAKA lang nakuha ang atensyon ng dalaga dahil sa sinabi ng emcee.. ”Ano bah yun? Iba rin kung mag-isip ang nagpangalan sa banda nito ah, bad na nga brat pa, para tuloy badbreath pakinggan` panlalait niya dito sa isip. Pero nang naitaas na ang red curtain ng stage ay nagbago ang opinyon niya dahil andun si Dylan. Bakit hindi nito sinabi sa dalaga na nakarating na pala ito at di man lang sinabi sa kanya na kasali pala ito sa isang banda.
“Unang song namin, Your Love by Alamid.” Sabi ni Dylan.
Mga gwapo ang buong miyembro ng banda, kaya nagsisigawan ang mga tao lalong-lalo ang mga babaeng nasa likod nila ni Sweet.
Si Dylan ang frontman kaya mas mapapansin ito. Napa-ismid siya ng marinig ang pangalan nito na binanggit ng mga babaeng nasa likod nila. Itinuon na lang niya ang paningin sa entablado.
Mas lalo siyang humanga dito sa suot nitong itim na t-shirt na bakat na bakat sa katawan, pati ang maong pants nito ay itim din na pinarisan ng puting sapatos.Ang buhok nitong tila alon ay hinayaang dumampi sa makinis nitong pisngi ang ibang hibla non. Ang ulo ay nito ay sumasabay sa beat ng drums habang ang kamay naman nito ay busy sa pag-i-strum ng gitara. Kung minsan pa ay napapapikit ito sa pagkanta. Naalala niya tuloy yung nasa hill sila. Pati din naman ang mga kasama nito ay hindi din pahuhuli sa kakisigan.
Pagkatapos nitong kumanta ay nagsalita muna nito bago simulan ang inihandang pangalawang kanta.
“Uhm, I`ll dedicate this next song to a special girl, Miss Andrea Navarro. The song is called Alipin by Shamrock” mahinahon ngunit puno ng sinseridad nitong sabi saka kumindat sa kanya.
*Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana"y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin
Ako"y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako"y manhid
Sana at iyong nariring Sayong yakap ako"y nasasabik...
Ayoko sa iba, Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin, Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso"t pusa, giliw sa piling mo ako ay masaya*
Para siyang mawawala sa katinuan nang kinanta nito yun dahil sa sobrang kilig. Kulang na lang ay tumili siya sa sobrang tuwa pero pinilit niyang maging kalmado kahit pa nga parang sasabog na siya sa kilig. Hinimas nalang niya ang tiyan at binulong ditong “Sorry tummy, may namamahay na namang paru-paro diyan” saka ngumiti at ibinalik ang tingin kay Dylan. Ang mga kaklase naman niya ay panay ang kantiyaw sa kanya
“Haba ng hair mo te!”
“Tumigil nga kayo” wika niya pinakita na naiinis pero ang totoo ay masayang-masaya siya.Hindi niya napansin ang kaibigang si Sweet na para nang bulldog dahil sa sobrang lukot ng mukha nito.
PAGKATAPOS nitong kumanta ay hinugot nito ang mic sa stand at ang isang kamay nito ay nakatago sa likod habang pababa ng stage at unti-unting lumapit sa natigilang si Andy.
Nang makalapit ito sa kanya ay kusang tumayo si Andy. Natahimik ang buong gym, parang alam na nang iba sa mga ito kung ano ang susunod na mangyayari. Sina Ken, Max at David naman ay panay ang tinginan sa isa`t-isa at napapangiti na lang.
Saka inilabas ni Dylan ang mapupula at namumukadkad na rosas galing sa likod nito.
Tili ang lumukob sa buong gym. Lumuhod ito sa harapan niya at itinuon ang mikropono sa bibig. Naitutop niya ang bibig.
“Andy, from the first time that I saw you, nung nakabangga kita sa corridor ay nabihag mo na ang puso ko and it grown into love. Matagal na kitang mahal, humahanap lang ako ng tiyempo and I think this is the right time to tell you this. Andrea, I want to be with you, I want to make you happy. Ikaw ang nakapagbago sa buhay ko, akala ko hindi na ako muling iibig pa, pero dumating ka. Andy, I want to be your boyfriend, I want to take care of you hangga’t kaya ko, paliligayahin kita sa abot ng aking makakaya, just say yes, please” Pagsusumamo nito at pinapungay pa ang mga mata.
Hiyawan ulit.Sinasaliwan naman ng tugtug ng kanyang kabanda ang bawat katagang binibitawan ni Greg. Sa saliw ng kanta ng Hotdog na Bistado na kita
*Bakit di mo pa ako sagutin,
Gayong alam kong akoy mahal mo rin
Di paba sapat ang haba ng Panahon
Ng panliligaw ko sayo ooohhh
Ako bay iyong sinusubukan,
O kaya’y pinaglalaruan lang
Sobra na ang aking paghihintay
Ngunit nalaman kong ganun ka rin pala.
Bistado na kita, Ako’y mahal mo rin*
“Sige na wag mo na pahirapan yang kabaro namin!” kantiyaw ng lalaki na nasa itaas ng bahagi ng gym. Nag-init ang kanyang pisngi. Mga daga ay nagtatakbuhan sa kanyang dibdib. Butterflies in the stomach. Lahat yun,nararamdaman ni Annie sa mga oras na iyon.
“Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya na ha!” suway niya sa lalake at pilit itong pinapatayo.
“Not unless you say yes” seryoso nitong wika.
Napangiti na siya at napaluha, ngayon lang siya nakaramdam ng labis labis na kaligayahan sa buong buhay niya.
“I love you too silly! Yes!” malakas pero mapagmahal din niyang tugon dito. Kaagad itong tumayo at niyakap siya.
Dagundong ang hiyawan sa buong gym. Pati ang mga Guro ay hindi mapigilan ang kiligin sa kanilang nasasaksihan.
Sa lahat ng kasiyahang iyon ay isang tao ang nagdurugo ang puso. Si Sweet, luhaan itong tumalikod at lumabas ng Gymnasium..
“Ang swerte mo Andy, ikaw ang minahal nya,” usal ng dalaga sa kanyang sarili. Nilingon pa nito ang Gym at agad na pinadara ang nagdaang taxi.
“DY, you don`t know how happy I am. Parang nasa panaginip lang ako.” Bulong ni Andrea kay Dylan habang yakap yakap siya nito
“Well, i`m sorry honey.You`re not in a dream.This is real and I love you so much” kitang kita ng dalaga ang mga mata nitong puno ng pagmamahal.
Pinapangit niya ang mukha “Pero ang korni-korni mo ha?Pero infairness, kinilig ako dun!” saka hinawakan ang tungki ng ilong nito.
“Good, dahil mas marami ka pang maririnig na korni words na galing sakin.I find it corny too, but hey..i just want to express what I am really feeling “.
Nagyakapan silang dalawa nang pagkatagal-tagal, parang wala nang gustong bumitiw.
“Ahhhh… Ehem.. andito pa kami,” pabirong salita ng baklang emcee sa mike. Biglang nagpalakpakan ang mga estudyante.
Namumulang nagbitaw sa isat isa ang dalawa.
“Promise me, you`ll never leave me” seryosong wika ng dalaga. Tumango naman si Dylan at hinalikan ito sa noo “Promise”
**********
Walang pagsidlan ang Sayang nararamdaman ni Andy, parang panaginip ang lahat, parang isang Fairy Tale. Magdamag syang hindi makatulog, nabiling biling sya sa higaan pero ayaw syang dalawin ng antok. Gusto nya nang hilahin ang Gabi para maging umaga.
Nasasabik na siyang makita ang kanyang Gwapong Boyfriend..
Maaga syang pumasok sa Klase, hindi sya nakatulog magdamag kaya medyo nahihilo pa siya at nanlalaki ang eyebag. Nagsuot nalang siya ng Shades at tumambay sa Plaza habang inaantay ang kaibigan. Nasasabik na siyang Makita ang kaibigan.
“Bakit ba naman kasi biglang nawala yun kahapon” bulong niya sa sarili
Inabot na siya na time pero hindi pa dumarating ang kanyang kaibigan.
“Babes!” napalingon sya at nakita nya ang Boyfriend na papalapit sa kanya.
Humalik ito sa kanyang labi. “Anung tawag mo sa akin?” nakangiting tanong nya.
“Babes!”
“Ay, ayoko nun, para naman akong Baboy nun…” nakangiting sagot nya sa binata sabay yakap niya dito.
“Oh. Sige, BHE na lang.”
“Parang bisaya.” Natatawang turan ng dalaga.
Napakamot ng Ulo ang binata.
Hanggang sa mag-uwian ay hindi niya nakita ang kaibigan. Nag-aalalang tinawagan niya ito pero naka-Off ang Cp nito. Hindi naman niya alam ang bahay at landline nito.
Natuwa sya ng Makita ito kinabukasan, akala niya papasok na ito pero tinawag nito ang kanilang guro at may pinapirmahan sabay umalis.
“Sweet!!” tawag niya dito, pero hindi sya nilingon nito. “Ano Problema nun?”
Nagulat na lamang siya ng Sabihin sa kanila ng kanilang guro na nag Drop Out na ito sa lahat ng subject. Laking pagtataka niya pagkat wala naman itong naikwento sa kanyang problema

CHAPTER 6-FKung Puso man ay Lumimot
HINDI maiwasang mailang ng dalawa habang pinapanood ang maiinit na eksena sa The Notebook. Kanina pa rin nag-pe-petting at necking ang mga lovers na nasa loob ng moviehouse. Tinitigan ni Dylan si Andy, tumitig din sa kanya ang dalaga na namumungay ang mata dala ng init ng katawan at sa mga nangyayari sa loob, Unti unting idinikit ni Dylan ang kanyang labi sa mga Labi ni Ady, napapikit ang dalaga.
Muling nalasahan ng Binata ang matamis na labi ng Dalaga, sinapo niya ang pisngi nito ng kanyang kaliwang palad at ang isay inihawak niya sa kamay nito. Inilayo ni Dylan ang labi nya sa dalaga at tiningnan ang paligid, abala din ang mga katabi nila sa mga ginagawa ng mga ito. Agad niyang hinawakan ang baba nito at muling dinampian ng halik, kinurot naman ni Andy si Dylan sa tagiliran pero nahawakan nito ang kanyang kamay at pinisil. Muli ay itinuon nila ang pansin sa panunuod, isinandal ni Andy ang kanyang ulo sa balikat ng Binata habang magka holding hands sila.
Nang matapos ang palabas ay naglakad-lakad muna sila sa loob ng mall.Nakita ni Dylan ang isang kart ng ice cream kaya bumili siya para sa kanilang dalawa. Nagpatiuna nang lumakad si Andy, habang nakatitig lang sa kanya ang binata. Humarap ito sa kanya at nag-peace habang dinidilaan nito ang dalang chocolate ice cream.
Ngumiti siya nang bahagya “Hayy,kuleet.” Sabay kindat niya rito at inilabas din ang kanyang dila.
BUSY sa kakatanaw sa mga stalls sa loob ng mall si Andy. Pero may isang bagay ang nagpa-magnet sa kanyang atensyon.Pumasok siya sa stall na may mga naka-display na sapatos, sinundan naman ito ng nagtatakang binata. Lumapit siya sa kinaroroonan ng white rubber shoes at sinipat iyon. Expensive pero maganda ang quality.Tapos ibinaba ang tingin sa sapatos, malapit na itong matuklap. Matagal-tagal na rin niyang ginagamit ang sapatos na iyon, bigay pa yon sa kanya ng ama kaya di niya yun basta-basta ipinagpapalit.
Pangalawang sira na ito ngayon, nung una okey lang dahil pwedeng pa yong i-ayos,eh ngayon mukhang hindi na dahil sirang-sira na at lumiit na nga yon. Ibinuklat niya ang dalang wallet.Napabuntung-hininga siya ng mapagtantong hindi man lang nangalahati ang pera niya sa presyo ng magarang sapatos. Bigla may kumuha ng sapatos sa kinalalagyan nito, si Dylan.
“Miss,kukunin ko na to” sabay abot nito sa sapatos sa saleslady.
Napairap ang dalaga. Medyo nainsulto siya sa ginawa nito, dahil wala siyang pambili. Samantalang ang dami-dami nitong sapatos nung makita niya sa kwarto nito ang mga yun. Mukhang ang iba pa nga ay di pa nagagamit. Winawaldas lang nito ang pera kahit andami na nitong sapatos.Hindi na naman nito yun susuotin at dagdag lang sa display nito yon.
Nang makalabas na sila sa stall ay napatigil siya sa paghakbang nang walang-anuma`y iniabot nito ang plastic na may lamang sapatos Tiningnan niya ang plastic bag at saka tinitigan itong naguguluhan. Inangat nito ng bahagya ang plastic bag
“Oh ayan”
“Bakit ipapadala mo pa yan? Ano ako, alalay? Tsaka ang gaan-gaan niyan ipapadala mo pa sakin?” inis niyang wika dito at pina-ikot ang mata.
“Sino bang may sabing sakin iyan? Sayo yan, tanga!” sabi nito na nakadukwang parin ang braso at hawak-hawak nito ang plastic bag.
“Sakin talaga toh? Eh pero bakit,di naman ako nagpabili sa`yo ah?” di pa rin makapaniwalang tanong ng dalaga.
“Napansin ko kasi na parang gusto mo nga yan, alam ko wala kang pambili kaya ako na ang nagbayad para sa`yo” mahinahon nitong wika.
Imbes magpasalamat ay lalo pa siyang nainsulto sa tinuran nito.Naitaas niya ang gilid ng labi “Ang yabang mo talaga! Pulubi na ba talagang tingin mo sakin? Hmp!”
Napanganga ang binata sa sinabi niya “Aba! Ang arte mo, ikaw na nga tong binilhan ikaw pa tong maarte. Ayaw mo ata eh, akin na nga yan” Inagaw nito sa dalaga ang plastic bag at itinaas sa ere.
“Hoy!” bulalas ni Andy, matangkad kasi si Dylan kaya di niya yon basta lang maaabot.
“Palibhasa kasi Kapre! Pero mautak ako, hmp, humanda ka sakin”
At kiniliti ito ng dalaga sa tagiliran. Agad naman nitong nabitawan ang plastic at mabilis na kinuha ni Andy sabay mabilis na lumayo.
“SUCCESS!” itinaas pa ang kamao dahil sa tagumpay.
Naiwang napakamot at napangiti si Dylan.
**********
“DY, Salamat ha, you never fail to make me happy” banggit ni Andy sa palayaw ng binata. Bukal sa loob ang tinuran niyang iyon.
Parang hinaplos naman ang puso ni Dylan sa sinabi ng una. Nangiti rin siya ng mabanggit nito ang kanyang palayaw. Mga malalapit na kakilala lang ang tumatawag non sa kanya, ibig sabihin special siya dito. He secretly giggled by the thought. Nag-goodnight na silang dalawa at papatalikod na sana si Dylan para lumapit na sa kanyang sasakyan ng bigla siyang pigilan ni Andy at binigyan siya nito ng smack sa lips.
Nang bumitiw si Andy dito ay kinabig ito pabalik ni Dylan at inilapat ang labi nito sa kanya.Mas malalim ang pangalawang halik. Kapwa sila napaungol sa tagpong iyon. Ang halik na iyon ay sadyang mapusok, maalab.Pero masuyo rin at mapagmahal. Nakakalasing. Nakakaliyo.
*Love moves in mysterious ways,
It’s always so surprising, how love appears
Over the horizon,
i`ll love you for the rest Of my days,
it’s always mystery of how you
Ever came to me, which only proves
Love moves in mysterious ways*
Bago pa mapugto ang kani-kaniyang hininga ay saka sila bumitiw.Biglang tumakbo si Andy papasok sa loob at isinara ang gate. Na-amuse naman ang binata sa inasal nito.Pero bago siya tuluyang maka-alis ay narinig niyang tinawag siya nito na siyang ikinalingon niya.
Nakasungaw ang ulo nito sa gate at itinaas ang plastic na may lamang sapatos na ibinili niya para rito. “Salamat” wika nito at ngumiti saka sinara ulit ang gate.
Napapangiti na napapailing na lang ang binata habang naglalakad papalapit sa kanyang sasakyan. habang nagmamaneho ay hinimas-himas ang mga labi. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena kanina sa kanyang utak. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na aggressive ito nung hinalikan siya nito, nabitin nga siya eh kaya hinalikan niya ito ulit.
Gusto niyang magsisisigaw sa saya, hinding-hindi siya magsasawa sa mga halik nito.Hindi niya alam kung paano makakatulog ng mahimbing kung gayon nakapagkit ito sa kanyang isipan.Hindi na niya mapipigilan pa ang nadarama,magtatapat na siya sa dalaga sa lalong madaling panahon.
Si Andy sa kanyang kwarto ay pabiling-biling sa kanyang higaan. Nahihirapan siyang matulog dahil kahit nakapikit ay mukha ng binata ang kanyang nakikita.Bumangon siya at isinandal ang likod sa headboard.Kinikilig pa siya habang yakap ang unan,at iniisip na si Dylan yun.
“Hay,nakuu, ewan ko kung paano ako makakatulog nito. Ang sarap-sarap niyang humalik, my gosh! Mahal na mahal kita Dylan , sana ay mahal mo rin ako” wika ng kabilang bahagi ng kanyang utak.
“Matulog ka na nga Andrea, pilitin mo dahil may pasok ka ba bukas” nakangiti niyang sermon sa sarili.

Subscribe to:
Posts (Atom)