Nasa klase sila at namomroblema si Andy kung paano makakahabol sa sinusulat. Marami kasing dapat kopyahin sa board pero heto at minamalas siya, nawawala ang ballpen niya, at nahihiya naman siyang lumabas para lang bumili ng ballpen.
Marami na siyang napagtanungan na mga kaklase at timing naman na wala itong mga dalang extra ballpen. Isa na lang ang choice niya, ang manghiram sa kinaiinisang katabi. Lulunukin niya ang kanyang pride, dahil nakita niyang may extra ballpen ito na nasa bulsa.
Tinapik niya ang balikat nito at tumingin ito sa kanya ng nakakunot ang noo.
Parang nag-alinlangan siya pero ayaw niyang mahuli sa sinusulat kaya naglakas loob siya.
“A-ah, meron kabang e-extra ballpen?” tanong niya dito.
“Wala akong extra ballpen” malamig nitong sagot.
“Mayabang na nga at suplado, naku! sinungaling pa!” bulong ni Andy sa kanyang isipan.
“Anong wala? nakita ko yun kanina may isang ballpen ka pa eh! Sige na pahiram na, Isasauli ko naman noh” sabi niya dito na di man lang tumitingin sa kanya.
“Ayaw mo ha!!!” sabi niya dito sabay ipinasok niya sa bulsa nito ang kanyang kamay para kunin ang ballpen.
Nabigla ito at napasinghap sa ginawa niya, dagli nitong pinalis ang kanyang kamay at di sinasadya ay nasagi niya ang pagkalalaki ng binata!
Bigla naman siyang naging parang makahiya dahil dun. Sobrang nag-iinit ang pisngi niya sa pagkapahiya sa binata, napayuko siya at napatingin sa papel nito na may nakasulat na pangalan.
“Dylan Palles palang name niya, ganda ha? parang familiar ata apelyido nito” usal ng isip niya.
Ang binata naman ay di mapakali. At panay ang lunok nito. Pinilit nitong magsalita para di siya nito mahalata na matinding epekto ang ginawa nito sa kanya.
“Oh ayan, ang kulit eh,” pakunwaring singhal niya kay Annie saka inabot ang ballpen dito.
Natahimik bigla ang Dalawa, tila nagkahiyaan, Si Andy naman ay hindi makapag Concentrate sa sinusulat. Para siyang lalamunin ng lupa sa pagka pahiya.
“OKAY,group yourselves into four, you will make a report about what we have discussed and explain it infront of the class tomorrow, two persons for the ideas and write it on a manila paper and another two for the reporting” ang guro nila ang nagsalita.
“Woah, andy, pano yan? Ang dali naman nilang makakita ng kagrupo, eh pano na tayo? mukhang tayong dalawa na lang siguro ang mag-go-grup neto.” Sabi ni Sweet sa kanya na palingon-lingon at baka sakali makakita sila ng magiging kagrupo pa. Bigla naman sumabat si Ken.
“Kami, pwede kami ni Dylan, we don`t have a group either” hila-hila nito ang kaibigang walang kagana-gana. Habang si Ken naman ay panay ang papansin sa kanya.
“Okay, si Ken at Sweet ang magkasama, tapos kami naman ni Dylan” ang naibulalas niya, para siyang nawala sa sarili, dahil pinili niya si Dylan na maging kasama.
“At bakit naman ako makikipag- partner sa`yo aber?” kunot noong tanong nito habang nginunguya ang bubblegum. Wala siyang maapuhap na sagot, ewan ba niya kung bakit niya ito pinili, dahil sa crush niya ito?
“A-ah, w-wala, bakit may problema ba dun?” sagot nalang niya para di mahalata,at nakapameywang pa.
Napansin niyang napaangat ang isang kilay nito. “Aba`t ayaw pa niya huh?” sabi sa sarili at hinampas ng mahina sa braso ng librong kanina pa hinahawakan.
“Aray! Ano bah? Masakit yun ah?” asik nito at hinimas-himas ang brasong hinampasan niya ng libro.
“Eh ang arte mo eh!” naka-ekis ang kanyang braso.
“Aish, sige na nga” sang-ayon na nito saka tumalikod papalayo.
**********
Free Time nila kaya naisipan nilang tumamabay sa paborito nilang beach sa malapit sa canteen.
Kumagat muna si Andy ng siopao bago magsalita.
“Alam mo bah, k-kanina…., eh wag na lang! nakakahiya eh” nag-aalinlangan siya kung sasabihin ba niya ang nangyari kanina pero nahihiya siya sa tuwing naaalala niya yun.
“Sige na sabihin mo na, secret lang natin” tugon ng kaibigan na tila interesado sa kanyang sasabihin.
“Eh k-kasi, hindi ko sinasadya pero nasagi ko yung ano niya eh” nag-aalinlangan pa rin siya kung ibubulgar niya yun dito, may pagka-conservative kasi siya kaya naiilang siya sa mga ganung bagay.
Tumaas naman ang kilay nito na tila naiinip sa kakahintay ng sasabihin niya.
“Alam mo, sabihin mo na kasi, nakakabitin ka naman eh” irita na nitong sagot.
“Nasagi ko yung ano niya, a-alam mo na” namumula niyang pagtatapat. “Yung DINGDONG.” Sabi niya sabay takip ng kanyang bibig.
“Ah, yung junior niya?” saka umulit ito ng tawa. “If I know, nagustuhan mo naman!” dugtong nito saka niya ito binatukan.
“Sweet naman eh, nakakahiya kaya!” naiinis niyang sagot dito.
“Asus, ok lang yun no! eh kumusta naman pala yun?” nakangiti nitong tanong.
Siguro sanay na ito sa ganoong klaseng bagay, mapapansin kasi dito na medyo liberated ito.
“H-ha? A-ayun ma-matambok?” saka siya humagikgik.
“Talaga? I wonder if he’s good in bed” naka-ekis ang braso nitong tanong sa kanya, pero parang mas kausap nito ang sarili.
Binatukan niya ito at niyaya na sa room nila. Nagkatawanan sila habang naglalakad.
Hangang-hanga si Dylan sa kakapanood sa dalaga. Natural na natural ito kung tumawa, at napansin niyang labis itong namumula.
“Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?” tanong sa sarili habang tinitingnan ito sa malayo.
Aaminin niya, simula pa nung unang araw niya itong makita ay nakuha na nito ang atensyon niya. Sino ba namang hindi.Maganda ito, mula sa mga mata na kapag tumawa ito ay parang nagiging halfmoon na pinarisan ng mahahabang pilik-mata, sa maliit ngunit matangos na ilong, at mga labi na parang laging may bahid ng lipstick, ang buong mukha ay nagpapakita ng kainosentehan nito. Ang Dibdib nitong Hindi naman kalakihan at hindi rin kaliitan. Ang maitim na maitim nitong buhok na lampas balikat, maganda nitong pigura na bumagay sa height nitong 5`6. May makinis itong balat na mala-porselana, kahit lamok ay mahihiyang dumapo rito.Para itong isang anghel na bumaba mula sa kalangitan.
Ipinilig ng binata ang ulo, ayaw na niyang umibig. Ayaw na niyang masaktan at mabigo. At yon ang pinaka-iniiwas-iwasan niya.
No comments:
Post a Comment