Sunday, May 24, 2009

CHAPTER 12-Kung Puso man ay Lumimot

PUMUNTA si Dylan sa condo unit ng “bagong” nobya na si Sweet. Mahigit isang linggo na rin silang may relasyon.
“Hi hon” bati nito sa nobya at niyakap ito.

Maalab na halik ang tugon niya rito. Agad nyang hinila ang kamay ni Dylan at dinala sa kwarto at doon ay pinagsaluhan nila ang init ng Pag-ibig. Pag-ibig na hiram lang para kay Sweet. Batid niyang panandalian lang ang lahat dahil anumang oras o Araw ay maaring bumalik na ang alaala ng kanyang Nobyo.

NAGISING si Sweet na nakaunan ang kanyang ulo ang matatag na braso ng nobyo. Nakatapis lang sila nito ng kumot hanggang dibdib. Hinaplos niya ang mukha nito at ikinaungol naman yun ng binata. Malaking ngiti ang naka-plaster sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mahal na siya nito.

Hangga`t maari ay ayaw niyang bumalik pa ang ala-ala nito, tawagin na siyang selfish o mang-aagaw pero mahal niya talaga ito. Matagal na niyang inaasam ang ganito at ngayon na mismo ang swerte pa ang lumapit sa kanya ay di na niya ito pakakawalan.

Napangiti siya tanda ng tagumpay, hinding-hindi niya ito ibabalik kay Andrea. Pero nang maalala niya ang sinabi ng doktor sa kaniya na pwede pang bumalik ang ala-ala nito ay mapait siyang ngumiti. Alam niya na darating din ang araw na iyon kaya susulitin na niya ngayon ang mga panahong makakasama niya ito. Kahit papano ay naranasan man lang niya kung paano naging masaya si Andrea sa piling nito, pilit niyang isiniksik sa utak na mas bagay siya sa posisyon nito noon pa man. Natigil sa pag-iisip si Sweet ng bahagyang gumalaw ang katabi at dahan-dahan nitong ibinuka ang mga mata. Tumingin siya dito ng puno ng paghanga. Kahit magulo pa ang buhok nito ay lalo pa itong naging gwapo sa kanyang paningin, lalo na nung sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri nito.Tumingin ito sa kanya ng maramdaman nitong hinahagod niya ito ng tingin.
“Hmm, gising ka na pala” Tumingin ito sa wall clock at napabalikwas ng bangon ng malamang 5:00 na pala ng hapon. Saka ito tumingin sa labas ng bintana na nagbabadya na ng ulan
“Hon, aalis na ako. Malapit na kasing umulan eh” wika nito habang nakatayo kahit pa nga walang saplot.Isa-isa nitong dinampot ang mga damit at isinuot iyon.
“Aalis ka na?” nakapangalumbaba niyang tanong.
Nangiti si Dylan sa reaksyon nito.Nilapitan niya ito at dinampian ng halik sa labi.
“Ano ka ba? May bibilhin ako dahil magluluto ako para sayo.Hindi naman ako uuwi eh,dito ako matutulog” ani Dylan.
Sumilay ang kanyang ngiti sa labi.Ito ang pinakagusto niya sa lalake. Napakalambing nito at maalaga kaya nga siguro minahal din ito ni Andrea. Nagpaalam na ito sa kanya at dali-daling umalis para di maabutan ng ulan.

**********

MAPAIT na ngumiti si Andy habang pinagmamasdan ang sariling kwarto. Naalala niya ang mga sandaling sinabi nito sa kanya na di siya nito iiwan. Pati na yung araw na pinigilan nito ang sarili na huwag muna silang magtalik dahil gusto siya nitong dalhin sa altar na malinis. Pero paano pa nito magagawa yun kung pati nga pagmamahal nito sa kanya ay nakalimutan na rin nito?

Binuksan niya ang radyo at tila nagbibiro ang pagkakataon dahil biglang pumailanlang ang kantang TELL ME ni Joey Albert.

*Tell me, where did I go wrong
What can I do to change your mind completely
when i thought this love would never end
but if this love's not ours to have i'll let it go with your goodbye

Humarap siya sa malaking salamin sa kanyang kwarto kung saan nakadikit doon ang mga larawan nila ni Dylan. Larawan ng kanilang pagmamahalan. Isa-isa niya yong hinawakan, paano na maibabalik ang mga sandaling katulad ng nasa larawang yon? Masakit isipin na bigla na lang mawawala ang pagtingin nito sa kanya. At ang masakit pa, sa ahas na babae pang iyon naibaling ang atensyon nito.
Kung noon ay sobrang saya niya, ngayon ay puno ng sakit, paghihirap, lungkot ang dinadanas niya. Totoo nga pala ang kasabihan na kung sino pa yung nagpapasaya sayo ay siya rin mismo ang magdudulot ng matinding sakit sa damdamin mo. Pag-ibig nga naman.Kung minsan nakangiti sayo ang kapalaran at kung minsan ay luhaan..


*there are nights when i cant help but cry,
and i wonder why you have to leave me
why did it have to end so soon
when you said that you would never leave me

tell me where did i go wrong?
what did i do to make you change your mind completely,
when i thought this love would never end
but if this love's not ours to have i'll let it go with your goodbye


why did it have to end so soon
when you said that you would never leave me
tell mewhere did i go wrong?
what did i do to make you change your mind completely?
when i thought
this love would never end
but if this love's not ours to have
i'll let it go with yourgoodbye... *


Grabe sapul na sapul siya ng kanta. Goodbye? Kailangan na ba niyang magpaalam sa nararamdaman para kay Dylan? Kailangan na ba niyang pakawalan ito sa puso niya? Sa tingin niya kasi ay mahal na nga nito ang Sweet na iyon at tuluyan na siyang nakalimutan. Nakalimot ang isip nito, pati ba naman ang puso nito’y nagawa na rin siyang kalimutan.
Pero hindi siya duwag, siya ang tipo ng babaeng hindi agad sumusuko.Ipapaglalaban niya ang pag-ibig dito. Pero kapag mahal na nga nito ang babaeng iyon ay siguro nga kailangan na niya itong pakawalan.
Napag-isip-isip niya na maglakad-lakad muna sa labas. Nag-iba na kasi siya. Bihira na siya kung tumawa, nawala na ang sigla niya simula nung nagka-amnesia si Dylan. Naisip niya na magpahangin muna sa labas at pipiliting aliwin ang sarili.

“Mukhang uulan pa ata” bulalas ni Annie nang makita ang ulap na nagsisimula nang dumilim.

Nagpalinga-linga siya para makahanap ng puwestong masisilungan sandali.
Si Greg naman sa kabilang kanto ay nasa isang maliit na merchandiser. “Miss,pakidali yung mga pinamili ko. Babagsak ng ulan o?” irita nang wika nito. Tumalima naman ito at ibinigay na sa kanya ang mga pinamili.
Si Andy naman ay nagmamadaling tinungo ang isang waiting shed, nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng biglang matigilan. Kilala niya ang pigurang iyon ay hindi siya maaring magkamali.

“Dylan? Dylan!” mabilis siyang lumakad papalapit dito. Huminto sa paghakbang ang binata pero saglit lang, pinagpatuloy din nito ang pagmamadaling lumakad

“Anak ng tokwa!” bulalas ni Dylan nang tuluyan nang bumagsak ang napakalakas na ulan.
Hindi na niya pinansin ang tumawag sa kanya dahil sa sobrang pagmamadali. Nang hablutin ni Andrea ang t-shirt niya at niyakap buhat sa likod. Nag-alala siya ng marinig itong humihikbi.
Ipinikit na lang niya ang mga mata dahil parang nagustuhan niya ang pagyakap nito. Itinaas niya ang mukha sa langit at hinayaang dumampi ang likidong nanggagaling doon. Natigilan siya ng maalalang umuulan nga pala, basa na ang kanyang pinamili at baka magkasakit pa ang taong nasa likod niya.
“Andrea, bitiwan mo na ako.Di mo ba nakikita, ang lakas ng ulan o? Baka magkasakit ka niyan” alam na niya ang pangalan nito dahil nabanggit sa kanya ng mga kaibigan.
“Hayaan mo muna ako Dylan. Please kahit ngayon lang.” garalgal ang tinig na wika ni Andrea.

Na-miss talaga niya si yabang na minahal siya nung araw.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Masaya dahil nayakap niya itong muli kahit ngayon lang but at the same time ay malungkot dahil dina siya ang nagmamay-ari sa puso nito.Matagal na sila sa ganoong ayos at gusto nang kumawala ni Dylan. Pinigil ito ni Andrea kaya nanatili pa rin silang ganoon. Hinayaan na muna ito ng binata. Alam niyang mahal siya nito ayon sa mga kaibigan at magulang niya, pero he felt sorry for this girl. Wala talaga siyang maalala about dito.
“Dylan ,mahal na mahal pa rin kita. Ano ba kailangan kong gawin para mahalin mo ako ulit? Mababaliw ako sa kakaisip sayo. Miss ko na ang mga yakap mo, mga halik mo, lahat ng mga ginagawa mo sakin” umiiyak nitong sabi sa kanya.


Napabuntung-hininga si Dylan “Andrea, Forget about me, i`m sorry but I don`t remember anything no matter how I tried. Sinasabi ko na rin sayo to dahil ayokong patuloy kang umasa kahit..kahit iba na ang mahal ko” paliwanag nito sa kanya at kinuha ang pagkapulupot ng braso niya sa beywang nito.
“Dylan, sana ako na lang ulit. Ako na lang uli ang mahalin mo.”
“I`m sorry I really need to go, magluluto pa ako para kay Sweet ng mechado eh” sinadya na ring banggitin iyon ni Dylan para pakawalan na siya nito.

Ayaw niyang paaasahin niya ito sa wala. Ayaw niyang makasakit ng damdamin pero kailangan niyang gawin yun. Palakad-takbo na siyang pumalayo sa dalaga at tuluyan nang umalis.Hinagod na lang ni Andrea nang tingin ang likod ng papalayong binata. Ang sakit-sakit ng sinabi nito sa kanya. Habang lumalabas ang bawat kataga sa bibig nito ay parang mumunting karayom na tumutusok sa dibdib niya.Ang masakit pa, ipagluluto pa nito ng mechado si Sweet na siyang tinuro niya dito kung paano lulutuin.

*If I wait for cloudy skies
You will know the rain from the tears of my eyes
You will never know that I still love you so
Though the heartaches remain
I’ll Do my Crying in the Rain

Raindrops keeps falling from heaven
Could never wash away my misery
Since were not Together
I’ll look for stormy weather
To hide this tears I hope you’ll never see*


Unti-unti na siyang napaluhod sa kinatatayuan habang nakatakip ang mga palad sa mukha. She really can`t help but break down and cry, sumabay ang patak ng kanyang luha sa ulang umaagos sa kanyang pisngi. Masakit, sobrang sakit. It feels like the end of everything.
Mismo ito na ang nagsabi na mahal na nito si Sweet, siguro nga ay kailangan na niya itong pakawalan, dahil wala na siyang maaasahan dito. Kung masaya na ito sa piling ni Sweet ay dapat rin na siyang maging masaya..

*Coz letting love go is never easy
But I love you so that`s why
I`ll set you free But
I know someday,somehow
I`ll find a way to leave it all behind me
Guess it wasn`t meant to be but baby
Before I let you go I want to say I love you..*


Blangko ang kanyang isipan na nanatiling nakaluhod sa Gitna ng Kalsada. Maya maya pa ay naramdaman niya ang mga kamay na humawak sa kanyang Balikat at ang pagtigil ng patak ng ulan sa kanyang katawan. Pag-angat niya ng kanyang mukha ay nakita niyang nakaluhod din si Ken at hawak ang isang Payong. Tigib ng luha at dalamhati ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.
Magkahalo ang nararamdaman ni Ken sa mga Oras na iyon, Galit, Lungkot, Tuwa. Nasasaktan siyang makitang nahihirapan ang babaeng pinakamamahal niya. Kung sana’y natuturuan lang ang puso.

*Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha*


Nakarating na si Greg sa condo unit ng nobya. Nanlaki ang mata nito ng makitang basang-basa siya.

“Dy,why are you drenched?” may pag-aalala sa tinig nitong tanong.
“Naabutan ako ng ulan eh” pagsisinungaling niya at pumunta sa kwarto nito para kumuha ng towel. Sinundan siya ni Sweet at pina-alalahanan na magbihis kaagad.

“Okay Sweetie, just wait dahil ipagluluto kita” pagkatapos nitong sabihin yun ay kaagad siyang kinindatan. Siyempre pa ay ngumiti ang bruhilda!

“WOW, di ko alam na marunong ka palang magluto ha?” ani Sweet pagkatapos nilang kumain.

Ngumiti lang ng makahulugan ang binata at pinagmasdan siya.Inilagay nito sa baba ang hinlalaki at ibinaling nito ang tingin patungo sa kwarto.Napangiti na naman ulit at tumingin sa kanya na para bang malalaman na niya kung ano ang itinutumbok nito at itinaas-baba ang kilay.
“Gusto mo mabusog ulit?” flirty nitong turan.
“Heh! Pilyo!” saka tinapunan niya ito ng kutsara na nasalo naman ng binata. Binigyan pa siya nito ng kindat pagkatapos masalo yon. Hinabol niya ito ng kurot.

“Aray, huhu.Sakit naman nun babe, kiss mo ko para mawala na to” sabi nito na sinabayan pa ng pa-fake na hikbi. Hinalikan nga niya ang nobyo gaya ng sabi nito. Tumigil ito at kinuha ang cellphone sa bulsa “Wait, picture tayo” tapos hinalikan siya nito kasabay ng pagpindot sa `capture` .
“Ayan, i-se-save ko na” ganoon nga ang ginawa nito. Nangunot ang kanyang noo dahil ngayon lang niya napansin ang file na may nakapangalan na ANDY.
“Ano kaya to Ngayon ko lang to napansin ah?”
“Teka may tatawagan lang ako” ani Dylan sa nobya at pumalayo. Ang totoo titingnan niya kung ano ang laman non.
Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang mga larawan nilang dalawa ni Andrea.
“Totoo pala talaga ang mga sinasabi nila.Pero bakit siya lang ang di ko maalala?”
Ilang minuto lang ay sumakit ang kanyang ulo dahil sa kapipilit na isipin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Andrea. Napansin naman yun ni Sweet nang umungol siya sa sakit. Nilapitan siya nito at inakay patungo sa kwarto.
“Ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong nito.
Ilang oras ding nakatulog si Dylan, pagbangon niya’y napansin niyang nakahiga sa tabi niya si Sweet. Tiningnan nya ang orasan. 7pm, nakatulog pala ako. Tinitigan nya ang mukha nang nobya, naakit syang haplusin ang mukha nito. Nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha nito at nagdikit ang mga labi nila. Inipit niya ang ibabang labi nito at sinipsip ng konti. Naaliw sya sa lambot ng labi nito.
Pero Biglang may parang kislap na tumama sa mata niya, nahilo siya bigla at napaupo sa sahig. May naaaninag syang larawan pero Malabo. Ipinilig niya ang kanyang ulo.


Dinalaw ni Ken si Andrea sa bahay nito. May Dala syang isang kumpol ng bulaklak para ipasalubong dito. Mula nang maghiwalay ito saka si Dylan ay naging matamlayin na ito.
Iniabot niya dito ang dala nyang bulaklak pero nakatulala lang itong nakatingin sa kanya. Tinapik niya ang pisngi nito at tumingin naman ito sa kanya. Namumugto ang mga mata nito at halatang may sumusungaw na namang luha sa mga mata nito. Niyakap sya nito at tuluyan nang humagulgul sa mga balikat niya.
Parang kinururot ang puso ni Ken, pinipigilan nya ang kanyang sarili na wag maluha. Ayaw nyang ipakita sa kanyang pinakamamahal na kaibigan. Sayang kung sanay sya nalang ang napiling mahalin nito..

*Mahal kita,
Mahal mo sya,
Mahal nya ay iba,

Mas mapalad ka
Mahal kita
Sa akin ay walang nagmamahal*




MALAKI ang ipinagbago ni Andrea simula nung may mangyari sa kanila ni Dylan makalipas ang isang taon. Di na siya gaanong lumalabas, minsan lang kung kumain kaya malaki talaga ang ibinaba ng timbang niya, nawala na ang dating Andrea na masayahin, palangiti at punong-puno ng pag-asa ang buhay.
Parang napapabayaan na nga niya ang sarili pero hindi ang pag-aaral. Doon niya ibinuhos lahat ng kanyang atensyon para mawaglit kahit papano ang lalakeng minahal niya ng buong buhay niya.
Dahil sa pagpupursige sa studies,may nag-offer na sa kanya ng magandang trabaho sa Amerika. Napagpasyahan niyang tanggapin ang alok nito para na rin makalimutan ang lalake at para hindi na magtrabaho ang mama niya dahil tumatanda na rin kasi ito.

“CONGRATULATIONS Andrea!” bati sa kanya ng kanyang mama, mga magulang ni Dylan,sina Ken,David at Max.

Magkaibigan pala ang kanyang namayapang ama at mga magulang ni Dylan,kaya pala pamilyar sa kanya ang apelyido nito. Masaya siya dahil kahit ilang beses na siyang nasaktan ay naging matatag pa rin siya. And here she is now, hawak hawak ang diploma bilang pagpapatunay na nakayanan niya lahat iyon.Pero wala nang mas sasaya pa kung andito lang sana si Dylan.

Nagpaalam na ang lahat sa kanya maliban kay Ken. Nagpaalam muna siya sa kanyang ina para magpasama sa kaibigan na puntahan ang hill, kung saan siya dinala noon ni Dylan.

“TULOY ka na ba talaga sa states?” seryosong tanong ni Ken sa kanya na pinagmamasdan ang kapaligiran sa ibaba ng hill.
Bahagya siyang tumango at nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata
“Mabuti na rin to” pilit siyang ngumiti kahit pa nga masakit sa kanya na lisanin ang Pilipinas.

Mami-miss niya ang lugar na ito, ang kanyang ina, mga kaibigan, lalong-lalo na si Dylan. Mas gugustuhin niyang lumayo kaysa sa makita itong masaya sa ibang babae. Isang taon na ang nakalipas subalit parang kahapon lang, sadyang sariwa pa ang lahat. Bawat buwan, araw at oras ay isang kalbaryo para sa kanya. Tinitigan niya si Ken at hinawakan ang kamay nito.
“Salamat sa lahat.” Sabi niya dito. Taos iyon sa kanyang puso
Inamin na rin nito na minahal siya ng binata pero pinagparaya siya kay Dylan dahil ayaw nitong maging kaagaw sa pag-ibig niya.
Gwapo naman ito, half Japanese half Irish.Fluent itong magtagalog dahil sa Pilipinas lumaki dahil sa trabaho ng ama nito.
Ewan ba niya kung bakit hindi niya ito magustuhan samantalang andami-daming nagkakandarapa rito. Ganun nga talaga ang pag-ibig. Kahit gaano pa kagwapo o di masyadong kagwapuhan, ang bulong pa rin ng puso ang siyang mananaig. Hindi mo ito mapipilit kung sino ang mamahalin,o turuang umibig sa taong di mo kayang mahalin.
At these years ay matiyaga itong nakaalalay sa kanya, walang hinihinging kapalit at pagsasamantala.
Kung ito lang sana ang inibig niya, disin sana`y di na siya nasaktan.
“Paano siya?” tukoy nito kay Dylan.

Umiiyak na siya ng tingnan ito “Wag na natin siyang pag-usapan.Kahit aalis ako, di naman ako pipigilan nun.Iba na ang mahal niya diba?”

Seryoso siyang pinagmasdan ni Ken. Kaagad niyakap ng dalaga ang kaibigan at umiyak ng umiyak sa dibdib nito. Ang binata ang mas lalong nasasaktan pag umiiyak ang tanging babaeng una niyang minahal, lalo pa`t pinagmamasdan niya ito ngayon.



*The road I have travelled on
Is paved with good intentions
It's littered with broken dreams
That never quite came true
When all of my hopes were dying
Her love kept me trying
She doesn't has to hide
The pain that she's beenthrough

When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide all the fears she feels inside
So I pray this time
I can be the man that she deserves'
Cause I die a little each time When she cries

She's always been there for me
Whenever I'm falling
When nobody else believed
She'd be there by my side
I don't know how she takes it
Just once I like to make it
Then the tears of joy Will fill her loving eyes*



Wala sa sariling nasabi niyang “Sana ikaw na lang ang minahal ko no?”
Ngumiti ng mapait si Ken sa tinuran ng dalaga.

“Sana nga, pero mahal ko kayong dalawa ni Dylan” ang tanging nai-usal sa sarili

Tumigil din si Andy sa paghikbi at nahihiyang yumuko nang makita ang t-shirt nitong basang-basa. Hinimas-himas niya ang dibdib nitong may luha niya,at ipinaparating dito na humihingi siya ng tawad dahil niya ito kayang mahalin.

Ikinulong ni Ken sa kanyang palad ang kamay nitong nasa dibdib niya. Somehow it feels so good but at the same it hurts so much to the fact that they cannot end up together. Mataman niyang pinagmasdan ang dalaga at malungkot na nagsalita
“Mahal na mahal kita Andrea, pero mahal mo siya. Pareho ko rin kayong mahal. Pinagparaya kita sa kanya dahil siya ang itinitibok ng puso mo. At ngayong aalis ka, kahit di ako sang-ayon ay pinilit ko yong tanggapin, hopefully you will find peace of mind” saka ito hinalikan sa noo.
“Mami-miss kita” dugtong pa niya.Ganoon din naman ang dalaga.

“Ken,maraming salamat. Isa kang tunay na kaibigan.Napabilib mo talaga ako. Napaka-Swerte ng babaeng tunay na magmamahal sayo, sana dumating na agad siya kasi ayokong makita kang malungkot sa pag-alis ko” nakangiti niyang sabi para na rin matigil na ang kadramahan.
“Naks!Touch naman ako” pabakla nitong sagot para tuluyan ng mapalis ang lungkot.
Bahagya niya itong sinuntok sa braso “Sira!”


“Nga pala, kelan alis mo?” tanong nito ng maalalang di pa pala niya nasasabi kung kelan lilisan.
“Sa Friday na” mahinahon niyang sagot.
Tumigil ito at kaagad nag-isip “Teka,today is Wednesday..?Te-teka! Ang aga naman?!”

Sinabi nalang niya ditong matagal na ang offer at matagal na siyang hinihintay ng taong nag-alok sa kanya ng trabaho.Pilit na tumango ang una at pinangakong ito ang magbabantay sa ina niya habang wala siya. Sa kahuli-hulihan ng kanilang pag-uusap ay tinapos nila yon ng mahigpit na yakap sa isa`t isa.

4 comments:

  1. i want andy and dylan to be together .... kc i feel bad for andy she really love dylan kahit na iba na ang mahal nito ...

    ReplyDelete
  2. u know u are inlove wen u cant fall sleep because reality is finally better dan ur dreams..
    ang sakit naman bt ganun huhuhu T.T

    ReplyDelete
  3. wow!ang ganda naman ng story nkkaiyak...huhu! sana andy mging masaya kna..T-T

    ReplyDelete
  4. pwede po bang eshare story niyo author...

    ReplyDelete