HINDI maiwasang mailang ng dalawa habang pinapanood ang maiinit na eksena sa The Notebook. Kanina pa rin nag-pe-petting at necking ang mga lovers na nasa loob ng moviehouse. Tinitigan ni Dylan si Andy, tumitig din sa kanya ang dalaga na namumungay ang mata dala ng init ng katawan at sa mga nangyayari sa loob, Unti unting idinikit ni Dylan ang kanyang labi sa mga Labi ni Ady, napapikit ang dalaga.
Muling nalasahan ng Binata ang matamis na labi ng Dalaga, sinapo niya ang pisngi nito ng kanyang kaliwang palad at ang isay inihawak niya sa kamay nito. Inilayo ni Dylan ang labi nya sa dalaga at tiningnan ang paligid, abala din ang mga katabi nila sa mga ginagawa ng mga ito. Agad niyang hinawakan ang baba nito at muling dinampian ng halik, kinurot naman ni Andy si Dylan sa tagiliran pero nahawakan nito ang kanyang kamay at pinisil. Muli ay itinuon nila ang pansin sa panunuod, isinandal ni Andy ang kanyang ulo sa balikat ng Binata habang magka holding hands sila.
Nang matapos ang palabas ay naglakad-lakad muna sila sa loob ng mall.Nakita ni Dylan ang isang kart ng ice cream kaya bumili siya para sa kanilang dalawa. Nagpatiuna nang lumakad si Andy, habang nakatitig lang sa kanya ang binata. Humarap ito sa kanya at nag-peace habang dinidilaan nito ang dalang chocolate ice cream.
Ngumiti siya nang bahagya “Hayy,kuleet.” Sabay kindat niya rito at inilabas din ang kanyang dila.
BUSY sa kakatanaw sa mga stalls sa loob ng mall si Andy. Pero may isang bagay ang nagpa-magnet sa kanyang atensyon.Pumasok siya sa stall na may mga naka-display na sapatos, sinundan naman ito ng nagtatakang binata. Lumapit siya sa kinaroroonan ng white rubber shoes at sinipat iyon. Expensive pero maganda ang quality.Tapos ibinaba ang tingin sa sapatos, malapit na itong matuklap. Matagal-tagal na rin niyang ginagamit ang sapatos na iyon, bigay pa yon sa kanya ng ama kaya di niya yun basta-basta ipinagpapalit.
Pangalawang sira na ito ngayon, nung una okey lang dahil pwedeng pa yong i-ayos,eh ngayon mukhang hindi na dahil sirang-sira na at lumiit na nga yon. Ibinuklat niya ang dalang wallet.Napabuntung-hininga siya ng mapagtantong hindi man lang nangalahati ang pera niya sa presyo ng magarang sapatos. Bigla may kumuha ng sapatos sa kinalalagyan nito, si Dylan.
“Miss,kukunin ko na to” sabay abot nito sa sapatos sa saleslady.
Napairap ang dalaga. Medyo nainsulto siya sa ginawa nito, dahil wala siyang pambili. Samantalang ang dami-dami nitong sapatos nung makita niya sa kwarto nito ang mga yun. Mukhang ang iba pa nga ay di pa nagagamit. Winawaldas lang nito ang pera kahit andami na nitong sapatos.Hindi na naman nito yun susuotin at dagdag lang sa display nito yon.
Nang makalabas na sila sa stall ay napatigil siya sa paghakbang nang walang-anuma`y iniabot nito ang plastic na may lamang sapatos Tiningnan niya ang plastic bag at saka tinitigan itong naguguluhan. Inangat nito ng bahagya ang plastic bag
“Oh ayan”
“Bakit ipapadala mo pa yan? Ano ako, alalay? Tsaka ang gaan-gaan niyan ipapadala mo pa sakin?” inis niyang wika dito at pina-ikot ang mata.
“Sino bang may sabing sakin iyan? Sayo yan, tanga!” sabi nito na nakadukwang parin ang braso at hawak-hawak nito ang plastic bag.
“Sakin talaga toh? Eh pero bakit,di naman ako nagpabili sa`yo ah?” di pa rin makapaniwalang tanong ng dalaga.
“Napansin ko kasi na parang gusto mo nga yan, alam ko wala kang pambili kaya ako na ang nagbayad para sa`yo” mahinahon nitong wika.
Imbes magpasalamat ay lalo pa siyang nainsulto sa tinuran nito.Naitaas niya ang gilid ng labi “Ang yabang mo talaga! Pulubi na ba talagang tingin mo sakin? Hmp!”
Napanganga ang binata sa sinabi niya “Aba! Ang arte mo, ikaw na nga tong binilhan ikaw pa tong maarte. Ayaw mo ata eh, akin na nga yan” Inagaw nito sa dalaga ang plastic bag at itinaas sa ere.
“Hoy!” bulalas ni Andy, matangkad kasi si Dylan kaya di niya yon basta lang maaabot.
“Palibhasa kasi Kapre! Pero mautak ako, hmp, humanda ka sakin”
At kiniliti ito ng dalaga sa tagiliran. Agad naman nitong nabitawan ang plastic at mabilis na kinuha ni Andy sabay mabilis na lumayo.
“SUCCESS!” itinaas pa ang kamao dahil sa tagumpay.
Naiwang napakamot at napangiti si Dylan.
**********
“DY, Salamat ha, you never fail to make me happy” banggit ni Andy sa palayaw ng binata. Bukal sa loob ang tinuran niyang iyon.
Parang hinaplos naman ang puso ni Dylan sa sinabi ng una. Nangiti rin siya ng mabanggit nito ang kanyang palayaw. Mga malalapit na kakilala lang ang tumatawag non sa kanya, ibig sabihin special siya dito. He secretly giggled by the thought. Nag-goodnight na silang dalawa at papatalikod na sana si Dylan para lumapit na sa kanyang sasakyan ng bigla siyang pigilan ni Andy at binigyan siya nito ng smack sa lips.
Nang bumitiw si Andy dito ay kinabig ito pabalik ni Dylan at inilapat ang labi nito sa kanya.Mas malalim ang pangalawang halik. Kapwa sila napaungol sa tagpong iyon. Ang halik na iyon ay sadyang mapusok, maalab.Pero masuyo rin at mapagmahal. Nakakalasing. Nakakaliyo.
*Love moves in mysterious ways,
It’s always so surprising, how love appears
Over the horizon,
i`ll love you for the rest Of my days,
it’s always mystery of how you
Ever came to me, which only proves
Love moves in mysterious ways*
Bago pa mapugto ang kani-kaniyang hininga ay saka sila bumitiw.Biglang tumakbo si Andy papasok sa loob at isinara ang gate. Na-amuse naman ang binata sa inasal nito.Pero bago siya tuluyang maka-alis ay narinig niyang tinawag siya nito na siyang ikinalingon niya.
Nakasungaw ang ulo nito sa gate at itinaas ang plastic na may lamang sapatos na ibinili niya para rito. “Salamat” wika nito at ngumiti saka sinara ulit ang gate.
Napapangiti na napapailing na lang ang binata habang naglalakad papalapit sa kanyang sasakyan. habang nagmamaneho ay hinimas-himas ang mga labi. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena kanina sa kanyang utak. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na aggressive ito nung hinalikan siya nito, nabitin nga siya eh kaya hinalikan niya ito ulit.
Gusto niyang magsisisigaw sa saya, hinding-hindi siya magsasawa sa mga halik nito.Hindi niya alam kung paano makakatulog ng mahimbing kung gayon nakapagkit ito sa kanyang isipan.Hindi na niya mapipigilan pa ang nadarama,magtatapat na siya sa dalaga sa lalong madaling panahon.
Si Andy sa kanyang kwarto ay pabiling-biling sa kanyang higaan. Nahihirapan siyang matulog dahil kahit nakapikit ay mukha ng binata ang kanyang nakikita.Bumangon siya at isinandal ang likod sa headboard.Kinikilig pa siya habang yakap ang unan,at iniisip na si Dylan yun.
“Hay,nakuu, ewan ko kung paano ako makakatulog nito. Ang sarap-sarap niyang humalik, my gosh! Mahal na mahal kita Dylan , sana ay mahal mo rin ako” wika ng kabilang bahagi ng kanyang utak.
“Matulog ka na nga Andrea, pilitin mo dahil may pasok ka ba bukas” nakangiti niyang sermon sa sarili.
love really moves in mysterious ways.. congratulations ganda talaga ng story mo
ReplyDeletelove it, :)
ReplyDeletelove is a gift of God tlga.. :D
ReplyDeletei luv it.... in-<3 n quh
ReplyDeletehaha.. ankulit!!!!!!!!11
ReplyDelete