Sunday, May 24, 2009

Chapter 1-Kung Puso man ay Lumimot

Nagmamadali at halos patakbong binabaybay ni Andrea ang Corridor papunta sa kanyang Room. First Day niya sa College at late na siya, napuyat kasi siya sa pagbabad sa Internet kaya tinanghali siya ng Gising, sinabayan pa ng mahabang Trapik dala ng pagdagsa ng mga Estudyante. Hindi niya napansin na may papasalubong pala sa kanyang lalake. Nagkabanggaan sila at muntik na siyang mabuwal, napapikit siya dahil akala niya ay babagsak ang Puwet niya sa sahig pero naramdaman niya ang kamay niya sa kanyang bewang, pagdilat niya ay napansin niyang sinalo pala siya ng lalake.

Inangat niya ang kanyang paningin at natulala siya nang makita kong sino ang sumalo sa kanya.
“Oh my GOD.. ang gwapo nya?” usal niya sa sarili.
“Miss,are you Ok?” tanong nito sa kanya na tila seryoso ang mukha.
“A-ah, i`m okay” nauutal niyang tugon na tila kinikilig.
“Ako?I`m not okay, dahil muntik mo na akong matapakan!” saka siya nito binitawan, paupong napabagsak siya sa sahig.
“Aray! Teka ang sakit non ah?!” sigaw niya rito nang lumakad lang ito na parang walang nangyari.
Matalim ang tinging nilingon niya ito,Bago pa ito mawala sa paningin niya ay sinigawan niya ito ng.

“BASTOS!!MAYABANG!”

Tumayo siya at pinagpag ang pantalon at nagpatuloy sa paglalakad para makarating na sa hinahanap na room, habang hawak-hawak ang kanyang Puwet na nasaktan.
“PATAY! late na pala ako”, ang nasabi lang niya sa sarili nang makarating sa room na hinahanap at nakitang may nagsasalitang guro sa harapan.
Ilang sandali pa ay napansin siya nito na nakatayo malapit sa pintuan. Tumigil ito sa pagsasalita at lumapit ito sa kanya pagkatapos siya nitong sipatin.
“Miss? Do you belong in this class?” tanong ng guro na sa tingin niya ay dalaga pa at maganda.
“Ahm, yes maam, i`m so sorry ma`am i`m late, may nangyari lang ho kasi eh” tugon niya sa mahinang boses.
“Okay, palalampasin ko to, pero don`t do that next time ha? College ka na and you have to be responsible lalong-lalo na pag involve ang school okay?” mahinahon pero maawtoridad nitong sabi.Tumango naman siya at nagpasalamat dito.
“Right your name and course in a 1/8 sheet of paper, then pass it to me, now” utos nito sa kanya at bumalik ito sa pwesto kanina at nagpatuloy sa pagsalita.

Tumalima naman siya saka kinuha ang papel at ballpen sa bag.Saka siya nag-excuse sa taong nakaupo sa harapan para doon makapagsulat ng maayos. Pagkatapos ay inabot niya sa guro at binasa nito.
“Okay class meet your new classmate Andrea Navarro taking up BS in HRM” baling nito sa mga estudyante, saka siya tumango sa mga ito.
“Andrea, sit beside Mr. Palles” turo nito sa isang bakanteng upuan. Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito at awtomatikong naningkit ang mga mata sa nakita.

“At magkaklase pa kami ni yabang huh?” sabi ng isang bahagi ng utak niya.

Hinagod muna niya ng tingin ang buong silid, nagbabakasakaling meron pang mapepwestuhan. Ayaw niyang makatabi ito, ngunit wala siyang choice dahil iyon lang ang bakanteng upuan. Napabuntunghininga na lang siya at saka lumapit at umupo sa tabi nito. Bakit ba naman kasi sa lahat ng magiging kaklase niya ay ito pa ang magiging katabi niya sa apat na klase nila buong sem. Hindi sana siya magdadalawang isip dahil makalaglag-panty ang kagwapuhan nito kaso nga lang ay suplado, mayabang at walang galang sa mga babae.

“Small world huh?” parang may halong insulto ang pagkasabi nito sa kanya habang dire-diretsong nakatingin sa labas ng bintana at sandali siyang sulyapan.
“At nakuha pa nitong makipag-usap sa kin huh? Despite of what he did to me?”
nanggagalaiting bulong ng kanyang isipan. Gusto niyang tarayan ito pero pinigil niya ang kanyang sarili.

Natapos din ang kanilang unang Subject, may bakantaeng oras sila kaya inaya niya ang bagong kakilalang si Sweet sa Canteen. Kanina pa siya nag-iisip ng paraan kung paano siya makakaganti sa mayabang na Palles na iyon. Hindi biro ang ginawa nito sa kanya, masakit kaya yung puwet niya kanina at parang namamaga pa,buti nalang at unti-unti na itong nawawala.
Drinks lang ang kanyang binili habang siopao naman kay Sweet. Napangiti siya habang naglalakad silang dalawa palabas ng Canteen, may naglalaro sa kanyang isipan at iyon ang gagawin niya para makaganati sa mayabang na lalaking iyon.


Alam na niya kung saan pupuntahan ang lalaki dahil nakita niya ito habang bumibili sila ni Sweet kanina, at heto na nga sila papalapit dito kasama ang kaibigan nitong sa pagkakaalam niya ay Ken ang pangalan.
Kunwari ay hindi niya ito nakikita at tuloy tuloy lang silang dalawa sa paglalakad, sa gilid ng kanyang mga Mata ay nakita niya ang binata na kausap ang mga kaibigan nito. Nang malapit na sila sa binata ay kumwaring napatid siya at napadikit ang kanyang katawan sa binata sabay na sadya niyang ibinuhos ang dala niyang Drinks sa Polo nito at nagmamadali siyang naglakad palayo kasunod ang nagulat na si Sweet.
“Holy Shit!!” dinig niyang mura ng binata na nagulat din sa nangyari, pati ang mga kaibigan nito ay hindi rin agad naka-react.
Bigla nalang niyang naramdaman ang mahigpit na hawak sa kanyang mga braso at ipinihit siya paharap.
“Hey! Bakit tatakasan mong ginawa mo sakin? Ha?! Tingnan mo, namantsahan na ang Polo ko!” galit nitong bulalas habang hawak-hawak nito ang kanyang damit.
Tumingin siya sa gwapo nitong mukha at pinag-krus ang braso.
“Hmp! Buti nga sa`yo! Yan ang bagay sa mga hambog na tulad mo!” pataray niyang sabi dito.
“Anong sabi mo?!” halatang napipikon na ito sa kanya.


“Ang sabi ko buti nga sa`yo!” ulit niya saka nilakasan pa ang boses. Pumihit na siya patalikod at hinawakan sa kamay ang kaibigan na natigilan. Pero hinabol na naman siya ng lalake at marahas siyang pinapihit ulit paharap. May galit na sa mukha nito.

Magsasalita na sana ito pero tinuhod niya ito saka ipinagpatuloy ang paglalakad na sinabayan pa niya ng pagkaloko-lokong tawa. Ito nama`y naiwang namumula at halatang sobrang nasaktan sa ginawa niya.
“Hmp!Yan ang bagay sa`yo unggoy ka!” usal sa sarili habang mabilis na naglakad palayo kasama ang kaibigan.
“Andy, ba’t mo naman ginawa yun?” may pag-aalalang sabi ni Sweet nang maupo sila sa isang Beach.
“Sus, huwag ka nang mag-alala dahil simula`t sapul, siya naman talaga ang may kasalanan” sagot niya.
Napabuntung-hininga nalang si Sweet at nilingon ang binata na inalalayan ng kaibigan nito na namimilipit pa rin sa sakit.
Okay na kay Andrea ang ginawa niya, at least nakaganti na siya rito.

9 comments:

  1. hi agent kusinero, tama po ba? hehe.

    nice start. dinaanan ko lang yung site kasi we're looking for potential authors sa online website namin.

    i personally invite you to write for TOP. here's our address.

    http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com

    thanks and continue writing. ^^ more power

    ReplyDelete
  2. wow...pareha tau gurl..nagawa ko rin yan sa naging husband ko...di ko akalaing magkatuloyan kami..hehehehehehhe/.....

    ReplyDelete
  3. nice one kung gusto nyo narito lang ako.boygwapo001@yahoo.com

    ReplyDelete
  4. wow so cute ng kwento. :)mycha hir...........

    ReplyDelete
  5. wowwwww cmula plan kakakilig n at ang ganda.


    xna xa xuxunod chapter p max lalong gumanda...

    ReplyDelete
  6. SINO AUTHOR NETO? AT SAANG LIBRO ITO? MAGANDA AT GUSTO KO TO I-PROMOTE

    ReplyDelete