“Okay, I will have to assign two students to manage the program for the upcoming event this Wednesday only for CBE Department students, Ah who will volunteer?” palinga-lingang tanong ng guro nina Andy sa loob ng room,at naghihintay kung sinong mag-bo-volunteer.
Nagtaas ng kamay si Andy, sanay na kasi siya sa ganito kahit pa nung high school siya dahil isa siya sa mga officers na kabilang sa Student`s Government. Nang makita siya ng guro na nakataas ang kanyang kamay ay tumango ito
“Okay Andrea, another one please?” tanong ulit nito, dahil dalawa ang dapat kailangan na volunteer. Nag-prisinta naman si Dylan para mag-boluntaryo, kahit wala itong alam sa mga ganoong bagay ay pilit nitong itinaas ang kamay dahil gusto niyang tulungan ang dalaga.
Napansin naman agad ng guro si Dylan. “Okay Dylan and Andrea will manage about the event. Uhm, halika nga muna sandali” Umupo ang nguro pagkatapos non. Lumapit naman ang dalaga sa guro at hinarap ito.
“Do you know what to do na?” tanong nito na itinukod ang dalawang braso sa mesa.
Ngumiti siya at sinabi ditong may karanasan na nga siya sa mga ganon.
“Just tell me Ma`am if meron ka pang gustong ipadagdag sa program” wika ni Andy dito.Tumango lang ang guro bilang pagsang-ayon at pinabalik na siya sa kanyang upuan.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad hinarap si Dylan at pinag-krus ang braso sa dibdib.
“Oi, wag ka na namang aalis ah? Uupakan talaga kita! Nag-volunteer ka pa, tapos tatakasan mo na naman ako! Pa-epal kapa kasi” may halong pang-aasar ang tinig na turan niya sa binata.
Itinaas naman nito ang kilay na tumingin sa kanya
“Ako?!” turo nito sa sarili nang sabihin yun
“Aba, nag-boluntaryo nga ako para tulungan ka eh. OA nito.” Dagdag niya at pinaikot ang mata na parang bakla.
Napangiwi naman si Andy, sanay na siya sa ilang buwan din nilang magkaibigan or MU palagi silang nag-aasaran nito.
Muling nagsalita si Dylan “May kilala akong banda, sasabihin ko sa kanila yung tungkol dito. Palagi na yun silang nagpe-perform” Tumango naman ang dalaga.
Walang alam si Andy na sariling banda ni Dylan ang tinutukoy nito, hindi pa niya nasasabi dito na may sarili syang banda. HAPON na at tapos na ang klase nila, kaya nagsi-uwian na ang mga estudyante maliban kina Dylan at Andy. Ang dalaga ang mas nag-focus doon, dahil nga hindi alam ni Dylan ang mga ganoong bagay, pero nag-sa-suggest naman ito kung minsan.
Habang inaayos pa yon ni Andy, panay naman ang tipa ni Dylan sa kanyang dalang gitara. Ang akala ng dalaga ay naglilibang lang ito, wala siyang kaalam-alam na nagpa-praktis para sa darating na event ang binata, he is a vocalist of a band.
Kumakanta ito ng “Pasensya Na” ng bandang Cueshe, habang panay ang sulyap sa kanya.
“Ah, ang ganda ng boses niya, malamig , really soothing, lalaking-lalaki.” Bulong ni Andy sa kanyang isipan.
*Kaya pasensiya na kung may pagtingin ako sa`yo.
Di mapigilan bulong ng damdamin isisigaw ko
Para mapansin mo, pansinin mo naman ako*
Pagkatapos kumanta ay naghikab ito “Hey Ann, can I sleep for awhile, inaantok ako eh? “ napuyat ako dahil sa kaiisip sayo at kung paano ako aaminin ang nararamdaman ko para
sayo” dugtong nito sa kanyang isip.
Napabuntung-hininga ang dalaga ng marinig ang sinabi nito.
“Sige, tutal wala ka namang naitulong eh” itinaas niya ang gilid ng labi habang sinasabi yun.
“Aish! Meron kaya noh?” kumulot ang labi nito at tiningnan siya pataas at paibaba, parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ng dalaga dahil nagsuggest naman ito kahit papano.
“Tulong? Eh ano yung mga suggestions mo? Hay naku, ewan ko sayo, matulog ka na nga!” At ibinalik na nito ang mga mata sa ginagawa. Hindi na lang nagsalita si Greg at umusod papalapit sa mesang ginagamit ni Andy sa paggawa ng program.
Ipinag-krus nito doon ang mga braso at saka inihilig ang kaliwang mukha saka pumikit. Nakaharap ang mukha nito sa Dalaga. Hindi naman maiwasan ng Dalaga na tingnan ang maamong mukha ng binata, napangiti siya at naalala ang mga kalokohang pinaggagawa nila nito sa sinehan. Di niya mapigilang haplusin ang makinis na mukha nito.Napa-ungol naman ang binata sa ginawi niya. Saka lang siya tumigil nang mag-ring ang cellphone niya. Ang mama niya, sinabing gagabihin ito ng uwi dahil dadalaw ito sa burol ng anak ng katrabaho nito. Nang magpaalam ito ay ibinalik na niya sa shoulder bag na nakapatong sa mesa ang kanyang Cp. Nakita niya ang marker na nasa loob at umandar na naman ang pagka-pilya. Kinuha niya yon at dahan-dahang ginuhitan ang itaas ng labi at baba nito ng balbas. Tahimik siyang tumawa para di ito magising. Kinuha niya ang camera phone na nakapatong rin sa mesa at piniktyuran ito. “Haha, ang kyut!” mahinang wika ni Andy.
Isinauli na niya ang marker sa loob ng bag at tumingin sa relo. Malapit na palang mag-ala-sais kaya dinampot na niya ang bag at nagpa-tiuna nang lumabas ng room.Tumingin siya rito sa bintana “Sleepyhead! Diyan ka lang ba hanggang umaga?” tawag niya sa binata.
Ang akala niya ay magsasalamin pa ito na nasa loob ng silid na yun, pero lumabas na ito at sumabay sa kanya. Nasa labas na sila ng eskwelahan. Nagtataka si Dylan kung bakit panay ang tawanan at bulungan ng mga taong kanilang nasasalubong. Pinipigilan naman ni Andy ang sarili na wag matawa, dahil baka mahalata siya nito. Nagtataka si Dylan sa reaksyon ng mga nakakasalubong niya kaya kinuha niya ang Cp nya sa Bag para manalamin. Nakangiti namang nagmamadaling lumayo si Andy habang natatawa.
Nakalayo na siya nang lumipad sa kanya ang nag-aapoy nitong tingin.
“Anndreeeaaaa!” sigaw nito sa kanya na parang nagwawalang tigre.
Tumakbo na siya at hinabol siya nito, pero matulin talaga ito tumakbo kaya nahuli rin siya sa huli.
“Huli ka!” ikinulong siya sa mga braso nito.
Ginamit na naman nito ang special power na kiliti. Halos mawalan ng ulirat si andy sa kakatawa. Maya- maya pa’y itinigil na ni Dylan ang pangingilit sa dalaga pero nanatili nya itong yakap. Nang makabawi ng lakas ang dalaga ay bigla nyang itunulak ang binata. Napaupo sa lapag si Dylan habang tumatakbong nakatawa si Andy
“Hoy! Ang daya mo talaga!” sigaw ng tatawa-tawang si Dylan.
**********
WEDNESDAY,7:00 P.M. SA SCHOOL GYMNASIUM, Araw ng kanilang Events
“Thank you ladies, next is an intermission number from the students of BS in Accountancy, and then there will be a band performance. For now let`s give BS in Accountancy students a round of applause!” ang sabi ng emcee na nasa harapan ng stage.
Malapit lang sa stage si Andy pero wala doon ang kanyang atensyon, hinahanap niya si Dylan. Nag-text na nito na parating na, pero hanggang ngayon ni anino nito ay di pa rin niya nakikita.
“Tsk, asan na ba kasi yon? Mokong na yun pinabayaan na naman akong mag-isa dito.” bagot na sabi ni Andy at tinitingnan ang mga taong labas-masok sa pintuan ng gym, baka sakaling dumating na ang hinahanap.
“Sino ba kasi hinahanap mo? ayan ka naman, para kang giraffe” kunot noong sabi ni Sweet ng marinig nito ang sinabi niya. Napuna nito ang panaka-nakang tingin niya sa entrance ng gym kaya napatitig na rin ito doon. Hinarap niya ito at pina-ikot ang mata “Si Dylan, sabi
niya kasi na papunta na siya pero yun pala..,argh!” napabuga nalang siya ng hangin, naiinis na talaga siya sa binata.
Gusto niya itong makasama lalo pa ngayo`t nagkakasayahan at may disco mamaya at ito ang gusto niyang makasama. Ang Hindi alam ni Andy kanina pa nasa Back Stage si Dylan, kasama ang kanyang Bandmates. Sila ang tututug, Hindi niya ipinaalam sa Dalaga dahil gusto niya itong sorpresahin.
“Oi, maghanda na kayo, tayo nang susunod!” sabi ni Ken sa kabanda at kaibigan na sina Dylan, Max, at Dave. Matagal ng kaibigan ni Ken at Dylan sina Max at Dave, magkaiba lang kasi sila ng kurso kaya minsan lang nila makita ang mga ito.
Si Max ay nasa kursong Accountancy at si Dave ay IT minsan lang sila magkita ng mga ito dahil magkakaiba sila ng Department,at kahit pa ka-department nila si Max ay bihira rin nila itong makita dahil maseryoso ito sa pag-aaral pero di naman masasabing nerdy o geeky,sa katunayan kabi-kabila ang mga babae nito o flings.
Si Dylan ay nasa isang gilid lang at di mapakali kung kaya’t di nito napansin ang sinabi ni Ken. Napansin yun ng tatlo. Lumapit si Dave dito at tinapik siya sa balikat “Dude, bakit di ka mapakali diyan?” nagtataka nitong sabi.
Tumalon-talon siya ng mahina at bahagyang sinuntok ang dibdib
“Pare, kinakabahan ako.!” sabi niya sabay buga ng hangin.
Tinawanan lang siya ng tatlo. Napangiwi naman si Dylan
“Alam mo dude, ngayon ka lang namin nakitang nagkakaganyan sa babae.” wika naman ni Max “Gayahin mo ako, para hindi ka na naman masaktan” dugtong pa nito.
“Paano ka naman masasaktan? Eh ikaw nga tong nagpapaiyak ng babae eh” diretsahan namang sabi ni Dave dito. Pilyo lang ngumiti si Max.
“Tsaka seryoso si Dylan kay Andy, kasi inlove ang kaibigan natin” nakangising sabat ni Ken sa usapan.
“Pare, we`re just behind you” wika ni Dave.
Ngiti lang itinugon niya sa kaibigan saka tumango.
Nang matapos ang intermission ay agad na pumailanlang ang tinig ng Emcee
“OKAY, give it up for the BADBRAT BAND!” masayang sabi ng emcee habang nakadukwang ang isang kamay nito at ang isa ay hawak ang mikropono.
“Boys, let`s rock the stage!” masaya ring wika ni Max sa mga kaibigan.
SAKA lang nakuha ang atensyon ng dalaga dahil sa sinabi ng emcee.. ”Ano bah yun? Iba rin kung mag-isip ang nagpangalan sa banda nito ah, bad na nga brat pa, para tuloy badbreath pakinggan` panlalait niya dito sa isip. Pero nang naitaas na ang red curtain ng stage ay nagbago ang opinyon niya dahil andun si Dylan. Bakit hindi nito sinabi sa dalaga na nakarating na pala ito at di man lang sinabi sa kanya na kasali pala ito sa isang banda.
“Unang song namin, Your Love by Alamid.” Sabi ni Dylan.
Mga gwapo ang buong miyembro ng banda, kaya nagsisigawan ang mga tao lalong-lalo ang mga babaeng nasa likod nila ni Sweet.
Si Dylan ang frontman kaya mas mapapansin ito. Napa-ismid siya ng marinig ang pangalan nito na binanggit ng mga babaeng nasa likod nila. Itinuon na lang niya ang paningin sa entablado.
Mas lalo siyang humanga dito sa suot nitong itim na t-shirt na bakat na bakat sa katawan, pati ang maong pants nito ay itim din na pinarisan ng puting sapatos.Ang buhok nitong tila alon ay hinayaang dumampi sa makinis nitong pisngi ang ibang hibla non. Ang ulo ay nito ay sumasabay sa beat ng drums habang ang kamay naman nito ay busy sa pag-i-strum ng gitara. Kung minsan pa ay napapapikit ito sa pagkanta. Naalala niya tuloy yung nasa hill sila. Pati din naman ang mga kasama nito ay hindi din pahuhuli sa kakisigan.
Pagkatapos nitong kumanta ay nagsalita muna nito bago simulan ang inihandang pangalawang kanta.
“Uhm, I`ll dedicate this next song to a special girl, Miss Andrea Navarro. The song is called Alipin by Shamrock” mahinahon ngunit puno ng sinseridad nitong sabi saka kumindat sa kanya.
*Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana"y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin
Ako"y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako"y manhid
Sana at iyong nariring Sayong yakap ako"y nasasabik...
Ayoko sa iba, Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin, Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso"t pusa, giliw sa piling mo ako ay masaya*
Para siyang mawawala sa katinuan nang kinanta nito yun dahil sa sobrang kilig. Kulang na lang ay tumili siya sa sobrang tuwa pero pinilit niyang maging kalmado kahit pa nga parang sasabog na siya sa kilig. Hinimas nalang niya ang tiyan at binulong ditong “Sorry tummy, may namamahay na namang paru-paro diyan” saka ngumiti at ibinalik ang tingin kay Dylan. Ang mga kaklase naman niya ay panay ang kantiyaw sa kanya
“Haba ng hair mo te!”
“Tumigil nga kayo” wika niya pinakita na naiinis pero ang totoo ay masayang-masaya siya.Hindi niya napansin ang kaibigang si Sweet na para nang bulldog dahil sa sobrang lukot ng mukha nito.
PAGKATAPOS nitong kumanta ay hinugot nito ang mic sa stand at ang isang kamay nito ay nakatago sa likod habang pababa ng stage at unti-unting lumapit sa natigilang si Andy.
Nang makalapit ito sa kanya ay kusang tumayo si Andy. Natahimik ang buong gym, parang alam na nang iba sa mga ito kung ano ang susunod na mangyayari. Sina Ken, Max at David naman ay panay ang tinginan sa isa`t-isa at napapangiti na lang.
Saka inilabas ni Dylan ang mapupula at namumukadkad na rosas galing sa likod nito.
Tili ang lumukob sa buong gym. Lumuhod ito sa harapan niya at itinuon ang mikropono sa bibig. Naitutop niya ang bibig.
“Andy, from the first time that I saw you, nung nakabangga kita sa corridor ay nabihag mo na ang puso ko and it grown into love. Matagal na kitang mahal, humahanap lang ako ng tiyempo and I think this is the right time to tell you this. Andrea, I want to be with you, I want to make you happy. Ikaw ang nakapagbago sa buhay ko, akala ko hindi na ako muling iibig pa, pero dumating ka. Andy, I want to be your boyfriend, I want to take care of you hangga’t kaya ko, paliligayahin kita sa abot ng aking makakaya, just say yes, please” Pagsusumamo nito at pinapungay pa ang mga mata.
Hiyawan ulit.Sinasaliwan naman ng tugtug ng kanyang kabanda ang bawat katagang binibitawan ni Greg. Sa saliw ng kanta ng Hotdog na Bistado na kita
*Bakit di mo pa ako sagutin,
Gayong alam kong akoy mahal mo rin
Di paba sapat ang haba ng Panahon
Ng panliligaw ko sayo ooohhh
Ako bay iyong sinusubukan,
O kaya’y pinaglalaruan lang
Sobra na ang aking paghihintay
Ngunit nalaman kong ganun ka rin pala.
Bistado na kita, Ako’y mahal mo rin*
“Sige na wag mo na pahirapan yang kabaro namin!” kantiyaw ng lalaki na nasa itaas ng bahagi ng gym. Nag-init ang kanyang pisngi. Mga daga ay nagtatakbuhan sa kanyang dibdib. Butterflies in the stomach. Lahat yun,nararamdaman ni Annie sa mga oras na iyon.
“Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya na ha!” suway niya sa lalake at pilit itong pinapatayo.
“Not unless you say yes” seryoso nitong wika.
Napangiti na siya at napaluha, ngayon lang siya nakaramdam ng labis labis na kaligayahan sa buong buhay niya.
“I love you too silly! Yes!” malakas pero mapagmahal din niyang tugon dito. Kaagad itong tumayo at niyakap siya.
Dagundong ang hiyawan sa buong gym. Pati ang mga Guro ay hindi mapigilan ang kiligin sa kanilang nasasaksihan.
Sa lahat ng kasiyahang iyon ay isang tao ang nagdurugo ang puso. Si Sweet, luhaan itong tumalikod at lumabas ng Gymnasium..
“Ang swerte mo Andy, ikaw ang minahal nya,” usal ng dalaga sa kanyang sarili. Nilingon pa nito ang Gym at agad na pinadara ang nagdaang taxi.
“DY, you don`t know how happy I am. Parang nasa panaginip lang ako.” Bulong ni Andrea kay Dylan habang yakap yakap siya nito
“Well, i`m sorry honey.You`re not in a dream.This is real and I love you so much” kitang kita ng dalaga ang mga mata nitong puno ng pagmamahal.
Pinapangit niya ang mukha “Pero ang korni-korni mo ha?Pero infairness, kinilig ako dun!” saka hinawakan ang tungki ng ilong nito.
“Good, dahil mas marami ka pang maririnig na korni words na galing sakin.I find it corny too, but hey..i just want to express what I am really feeling “.
Nagyakapan silang dalawa nang pagkatagal-tagal, parang wala nang gustong bumitiw.
“Ahhhh… Ehem.. andito pa kami,” pabirong salita ng baklang emcee sa mike. Biglang nagpalakpakan ang mga estudyante.
Namumulang nagbitaw sa isat isa ang dalawa.
“Promise me, you`ll never leave me” seryosong wika ng dalaga. Tumango naman si Dylan at hinalikan ito sa noo “Promise”
**********
Walang pagsidlan ang Sayang nararamdaman ni Andy, parang panaginip ang lahat, parang isang Fairy Tale. Magdamag syang hindi makatulog, nabiling biling sya sa higaan pero ayaw syang dalawin ng antok. Gusto nya nang hilahin ang Gabi para maging umaga.
Nasasabik na siyang makita ang kanyang Gwapong Boyfriend..
Maaga syang pumasok sa Klase, hindi sya nakatulog magdamag kaya medyo nahihilo pa siya at nanlalaki ang eyebag. Nagsuot nalang siya ng Shades at tumambay sa Plaza habang inaantay ang kaibigan. Nasasabik na siyang Makita ang kaibigan.
“Bakit ba naman kasi biglang nawala yun kahapon” bulong niya sa sarili
Inabot na siya na time pero hindi pa dumarating ang kanyang kaibigan.
“Babes!” napalingon sya at nakita nya ang Boyfriend na papalapit sa kanya.
Humalik ito sa kanyang labi. “Anung tawag mo sa akin?” nakangiting tanong nya.
“Babes!”
“Ay, ayoko nun, para naman akong Baboy nun…” nakangiting sagot nya sa binata sabay yakap niya dito.
“Oh. Sige, BHE na lang.”
“Parang bisaya.” Natatawang turan ng dalaga.
Napakamot ng Ulo ang binata.
Hanggang sa mag-uwian ay hindi niya nakita ang kaibigan. Nag-aalalang tinawagan niya ito pero naka-Off ang Cp nito. Hindi naman niya alam ang bahay at landline nito.
Natuwa sya ng Makita ito kinabukasan, akala niya papasok na ito pero tinawag nito ang kanilang guro at may pinapirmahan sabay umalis.
“Sweet!!” tawag niya dito, pero hindi sya nilingon nito. “Ano Problema nun?”
Nagulat na lamang siya ng Sabihin sa kanila ng kanilang guro na nag Drop Out na ito sa lahat ng subject. Laking pagtataka niya pagkat wala naman itong naikwento sa kanyang problema
wat happen to sweet does he like dylan? kaya umalis sya ?? :) nice story bukas na lang uli ako magbabasa mapupuyat na ako eleven thirty na may pasok ako bukas shit nagandahan ako sa sulat mo eh idol ... :) sana ganyan ako kagaling .... personal experience nyo po ba toh ... ?? geh po gudnyt bukas na lang ulit ako manonood kakain pa pala ako hindi pa ako kumakain eh :) geh ko po gudnyt po :0 keep up the good work and god bless you more....
ReplyDelete