Kring!Kring!Kring!
Tinatamad na inabot ni Andrea ang cellphone na nakapatong sa side table niya. Namamaga at mahapdi pa ang kanyang mata dahil sa kakaiyak kagabi. Pagtingin niya sa screen ay pangalan ni Ken ang lumabas.
Sinagot niya yun “Hmm, bakit ba? Ang aga-aga mo namang tumawag eh. Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos..”saka napabuntung-hininga.
Nagtaka siya na panay buntung-hininga rin ang nasa kabilang linya.
“Hoy Ken, ba`t ka ba napatawag? Ha?” irita na niyang tanong dito, kanina pa siya naghihintay na magsalita ito.
“Si..Si Greg kasi naaksidente” alala nitong wika.
Tuluyan na siyang napabalikwas ng bangon “What? Why? What happened?” sunod sunod niyang tanong.
“May nakakitang istambay sa kanya na may nakasalubong daw siyang truck, nakaiwas nga siya pero tumama naman ang sasakyan niya dun sa puno” paliwanag ni Ken.
“Ano? Tapos,nabalian ba ng buto?! ano?” medyo hysterical na niyang sabi sa kabilang linya.
“Mga gasgas lang at nabagok yung ulo niya, pero okey na siya. Nagpapahinga na siya ngayon” pag-papaalam nito.Nakahinga si Andy sa narinig.
“O sige, magbibihis lang ako tapos punta na ako diyan” Saka nagpaalam na siya sa kabilang linya.
Nawala lahat ng galit na nararamdaman niya sa Boyfriend, napalitan ng pag-aalala. Kahit naman nakagawa ito ng pagkakamali ay handa niya itong patawarin. Naligo muna siya .Nang mapansin niya na may suot-suot siyang kwintas. Ang kwintas na bigay sa kanya ni Dylan, nakaligtaan niya palang ibigay yun dito. Tinapos ang pagligo at nag-almusal at kaagad pumunta ng ospital.
“ROOM 204 po maam” wika ng nurse sa kanya. Nagpasalamat na siya dito at lakad-takbo ang ginawa para makarating doon.Kinatok niya ang pinto at nakita sa loob sina Max, Ken, David, si Dylan na nakahiga sa kama at may benda ito sa ulo at ang katabi nitong si..
Tumaas ang kilay niya “Ang lakas ng loob niyang pumunta dito samantalang siya tong dahilan kung bakit nagkaganito kami ni Dylan. Kapal!
“Good Morning!”
Binati din siya ng mga ito, maliban kay Dylan na nangunot ang noo at si Sweet naman ay nakayuko lang.
Lumapit na siya sa kama at niyakap si Dylan. “Hon, how are you” tanong niya dito na halatang sobrang nag-alala para sa binata.
Nangunot lalo ang noo nito “S-sino ka?”
Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig. “Anong ibig sabihin nito?”
Hinila siya ni David at nag-aalala itong sabihin sa kanya ang totoo “A-andy nagka-amnesia siya at ..at ikaw lang ang nakalimutan niya
”Umiiling siya, di siya naniniwala sa mga sinabi nito.”No, that`s not true”
Sumabat na si Max “No Andy. It is true.The doctor said that awhile ago. Sometimes, meron daw talagang amnesia na kung sino pa ang malapit sa puso niya eh yun pa ang makakalimutan” pagtatapat naman nito.
Napaatras siya at ibinaling ang tingin kay Dylan na nangungunot pa rin ang noo.
“NOO!! This is just a Joke Right? Dylan, sabihin mo sakin na di yun totoo!” niyugyog niya ang braso ng binata.
“I`m sorry Miss, but..i can`t remember anything about you” naguguluhan pa rin ito sa mga ikinikilos niya.
“Tingnan mo to! Naalala mo ba to? Ito yung binigay mo sakin! Mahal mo ako Dylan, mahal mo ako diba?” nangingilid na ang luhang sabi ni Andrea at ipinakita rito ang kwintas na bigay ng binata.
Umiiling ito at ilang saglit pa ay nasapo nito ang ulo. Nasasaktan ito.Patuloy sa paghikbi si Andrea at nag-hysteria na
“Dylan! Wag mong sabihin na nakalimutan mo rin na mahal mo ako?!”
Pero hindi nito narinig ang sinabi niya at panay pa rin ang sapo sa ulo. Sinenyasan na ni David at Max si Ken na ilabas muna si Andrea doon. Niyakap ni Ken ang dalaga at hinila palabas
“Ann, let`s go outside. Makakasama raw sa kanya ang pilitin ipaalala ang mga bagay na di niya matandaan. C’mon” yaya nito.
Napilitan nalang na lumabas ang dalaga. Pinaupo siya nito sa bench sa labas ng kwartong iyon. All she could do was cry. Niyakap siya ulit ni Ken at pinatahan.
“Ann, just stay calm ok? Everything will be alright, Just wait for his memory to come back, just stay calm” mahinahon niyang wika.
“But how Ken? How?! For God’s sake, kasalanan ko to eh” di pa rin ito mapigil sa pag-iyak.
Nagpasya nalang si Ken na dalhin ito sa kainan sa labas malapit lang sa ospital.
NAPABUNTUNG-HININGA si Ken nang hindi pa rin umiimik ang dalaga at nakatulala habang nasa harap nito ang pagkaing inorder niya
“Ann, kumain ka na. Alam ko nagugutom ka na, tanghali na o? Sige ka papayat ka niyan. Pag bumalik na ang alaala niya gusto mo ba makita niyang ganun ang itsura?” ani Ken.
Sukat sa narinig ng dalaga ay napilitan itong kumain. Napangiti si Ken na hindi umabot sa mga mata.
“Sige na tapusin mo na yan at iuuwi muna kita sa inyo” wika nalang ni Ken dahil halata nito ang pagkawalang-gana niyang kumausap sa ibang tao dahil sa natuklasan niya. Bahagya lang itong tumango.
PUMASOK sa kwarto ni Dylan ang doktor niya. Kaagad niyang sinabi dito na nababagot na siya sa kakahiga lang at paikot-ikot sa apat na sulok ng kwartong iyon Pumayag naman ito at sinabing makakauwi na siya bukas.
“Narinig mo yun Sweet? Makakauwi na raw ako bukas.” Masayang wika nito sa katabing dalaga.
Ngumiti lang siya, masaya siya para kay Dylan, dahil sa wakas makakalabas na ito. Nagpapasalamat siya at mabilis itong gumaling galing sa pagka-aksidente. Labis siyang nag-alala nang malaman ang tungkol sa pagkabangga nito. At ngayon ay masaya rin siya na makakalabas na ito dahil saksi siya sa pagkabagot nito sa loob ng kwartong yun.
Pinagmasdan nila ng mataman ang isa`t isa. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya ni Dylan sa labi. Brief kiss lang yon,pero di niya mapigilang umasam na mamahalin din siya nito balang-araw kagaya ng pagmamahal niya rito. Nawasak ang puso niya ng piliin nitong mahalin si Andrea kaya nagpakalayo-layo siya para makalimutan ito. Hindi niya akalain na kahit ilang taon na niyang kinalimutan ay muling sumibol ang kanyang damdamin para dito. Hindi muling sumibol, kundi hindi talaga nagbago ang pagtingin niya sa dating kaklase. Kinabukasan ay pumunta si Andrea sa ospital at ngayon nga ay papunta na siya sa kwarto nito para lang mabigla sa eksenang naabutan sa loob na silid na iyon. `Nag-init ang kanyang mga mata. Kumaripas na siya ng takbo, hindi niya kayang makita ang mga itong ganoon. Nagpapatunay lang na tuluyan na siya nitong kinalimutan pati na ang pag-ibig nito sa kanya. Nag-abang na siya ng taxi at kaagad umuwi ng bahay.
**********
SINALUBONG si Dylan ng yakap ng mga magulang nang makauwi na siya sa mansyon. Kahapon lang nakauwi ang mga ito galing sa Singapore para dumalo sa isang business conference roon. Nang mabalitaan nito ang nangyari sa kaisa-isang anak ng mga ito ay kaagad itong nagdesisyon na bumalik ng Pilipinas, pero bago pa yun mangyari ay nagkaproblema ang flight nito, kaya nga kahapon pa nakauwi.
“We`re sorry iho na ngayon lang kami naka-uwi ha?” nagpapaunawang sabi ng Mommy niya sa kanya.
“Are you okay?” dugtong naman ng ama niya.
Ngumiti lang siya at umupo sa malambot nilang sofa.Nangunot ang noo ng mga ito sa inasal niya
“Oh, ba`t parang masayang-masaya ka?” tanong ulit ng Daddy Dexter niya.
Tumingin ito ng makahulugan sa kanila “I`m inlove!” masayang wika ng binata. Lalong nangunot ang noo ng mga magulang niya .
“Wait, did you say your inlove? Inlove ka naman talaga kay Ann..”
Pinutol ni Ken sa pagsasalita ang kanyang Tita Sylvia
“Tita! Can I talk to you for awhile? Tito?” yaya niya sa mga ito sa isang sulok malayo kay Dylan na hindi sila maririnig nito.
Nang masiguradong di na sila maririnig nito ay sinabi niyang nagka-amnesia si Dylan at si Andy lang ang di naaalala nito. Sinabi rin niya rito na hindi ito pwedeng pilitin na ipaalala ang mga bagay na nalimutan na nito dahil makakasama lang ito sa binata. Pagkatapos marinig ng mga ito ang sinabi niya ay nabahiran ng pag-alala ang mga mukha nito para sa anak at pagkalungkot na rin dahil gusto ng mga ito si Andy para sa kanilang nag-iisang anak. Alam din ng mga ito kung gaano nito kamahal ang anak nila.
“Kawawa naman si Andy, Dexter” nakapangalumbabang wika ni Sylvia sa asawa nito.
“Oo nga eh, gusto ko pa naman siya para sa anak natin dahil bukod sa anak siya ng namayapang kaibigan ko ay mabait at maganda pa” nasasayangang wika naman ni Mr. Palles.
“I`m sure nahihirapan din na tanggapin ito ni Andy.Wala naman tayong magagawa dahil mukhang masaya ang anak natin sa bagong pag-ibig niya” malungkot pa rin nitong sabi. Napabuntung-hininga nalang si Sylvia at Ken.
kawawa naman po si andy,,sana. bumalik na ang alaala ni dylan ..para happy ever after na ulit ...tangina bakit c si sweet na ahas ang naalala nya at hindi ang taong mahal na mahal nya ...kung ako rin cguro masasaktan ako kc hindi man lang ako maalala nang taong minahal koh....tapos sasabihin nyang inlove sya sa iba....
ReplyDeletebat ganun pangit naman xupah oucht!!!!! ahas kang sweet ka..
ReplyDeletesabagay di nawwala ang part na may malungkot :[
relate naman c ako haha mycha hir ulit>..
xbi quh n nga b eii
ReplyDeletemwawalan nan amnesia c dylan at c andy p an nklimutan nia....shockings nman...
wawa c andy....T_T
jelyn nan QC