Sunday, May 24, 2009

CHAPTER 10-Kung Puso man ay Lumimot

PAGKADATING ni Andy sa bahay nila ay dagli siyang kumaripas ng takbo patungo sa kanyang kwarto at sinara ang pinto. Nagtaka naman ang kanyang ina at lumapit doon.
“Andy? Ba’t ka umiiyak? Anong nangyari?” pag-aalala nitong tanong.
“Ma please, iwanan mo muna ako” panghihingi niya dito ng unawa.
“O sige hahayaan muna kita diyan, pero sabihin mo sa akin lahat-lahat mamaya ha?” sabi nito na nasa labas ng kwarto niya.Nang walang marinig na sagot mula sa dalaga ay hinayaan nalang muna siya na mag-iiiyak sa loob.
ILANG sandali pa ay dumating si Dylan at panay ang katok nito sa kwarto ni Andy.
“Andrea, please just let me explain.Open this door now” pagsusumamo nitong sabi.
“umalis ka na” sabi ng dalaga na halata sa tinig ang panginginig dahil sa kaiiyak.Napapikit ang binata sa tawag nito sa kanya.
“Please I`m sorry, hindi ko gustong saktan ka.It was just plain temptation. Patawarin mo na ako” naiiyak na nitong sabi.

Pero wala itong narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto kung hindi ang iyak lang ng dalaga. Kahit pa anong gawin ng binata ay hindi na gustong pakinggan pa ni Andera.Kahit anong gawin nitong sorry sa kanya ay di niya matanggap.Masyado nitong nasaktan ang damdamin niya, kung kaya`t nalason na nito pati ang isip niya.Sarado na at walang ibang maisip kundi ang nagawa nitong kasalanan sa kanya.

Hindi niya lubos maisip na magagawa nito yun sa kanya.Ang ahas na yun at ito ay naghahalikan. At Nagdadakutan….Pabalik-balik sa isipan niya ang eksenang iyon.Ilang saglit pa ay nagsalita na rin si Andrea
“Umalis ka na! Ayaw na kitang makita pa. M-maghiwalay na tayo” pumiyok si Andrea sa huling tinuran.

Napatda naman si Dylan sa kinatatayuan malapit sa pinto.
“No Andy, wag mo tong gawin sa kin, nagmamakaawa ako. Promise, hindi na kita sasaktan pang muli” totoong napahikbi na ito dahil sa naging desisyon niya.
Hindi nito inakalang hahantong lang sa ganun ang lahat. Ganun-ganun lang dahil sa isang tuksong ngayo`y pinagsisihan na niya. Sayang ang dalawang taon na kanilang ginugol para sa kanilang relasyon. Akala nila ay perfect na ang lahat, pero hindi nila akalain na hahantong sa ganito.
Naisip ni Andrea na ibalik dito ang lahat-lahat na ibinigay sa kanya. Ang sapatos, ang teddy bear, ang gitara, mga loveletters at kung ano-ano pa na magpapa-alala dito. Ayaw na niya yong makita pa, maaalala lang niya ang sakit na naidulot ng lalake.

Kinuha niya lahat iyon at binuksan ang pinto. Natigil sandali si Dylan sa pag-iyak at nagliwanag ang mukha nang makitang binuksan ni Andrea ang pinto. Pero biglang napalis yun ng makita ang mga dala nito.
Ibinigay lahat ni Andrea ang mga bagay na yun “Ayan! Isaksak mo yan sa baga mo!” at kaagad ding sinarhan ng malakas ang pinto.
Dahan-dahang dumausdos ang kanyang likod sa pinto at lalo pang pina-alpas ang malalaking butil ng luha.Si Greg naman ay panay ang katok sa pinto hanggang sa unti-unti na ring bumigay ang tuhod at napaluhod. Nakadikit ang dalawang palad sa nakapinid na pinto, nakayuko habang umiiyak.


*Alam kong nasaktan na naman kita
Sinong di magsasawa
Ngunit kung paano babawi sa pagkakamali
Yan ang mahalaga..

Sabihin mo na
Kung anog gusto mo
Kahit ano’y gagawin para lamang sayo

Sabihin mo na kung paano mo mapapatawad*



“Hon. Don`t do this to me” garalgal ang tinig nito habang sinasabi yun. “Patawarin mo ako.Hindi ko sinasadyang saktan ka, hindi ko ginusto iyon. Maniwala ka. Makinig ka muna sa kin. Magpapaliwanag ako!” dugtong ng binata.

Ang ina naman ni Andy ay naluluha na rin sa mga nangyayari.
Si Andy ay ayaw na talagang makinig pa. Sarado na ang kanyang isipan. Ang gusto lang niya ay umiyak ng umiyak.
“Umalis ka na Dylan. H-hindi ko na kaya pang tanggapin ang mga paliwanag mo! Ayaw ko nang marinig ang tinig mo, ang pagmamakaawa mo” ang nasabi nalang niya dito at kinagat ang pang-ibabang labi.
Lubos na naiyak si Dylan sa mga katagang humulagpos mismo sa bibig nito. Wala na, hindi na niya maibabalik pa ang dati. Mahal niya ito pero hindi niya masisisi ang dalaga.
“Ang tanga mo. Ba`t mo nagawa sa kanya yun? Ikaw kasi,nagpadala ka sa tukso” wika ng kanyang konsensya.
Patuloy pa ring nag-iiyakan ang dalawa.Lumapit nalang ang ina ni Andy kay Dylan at hinimas ang likod nito para patahanin.
“Dylan, umalis ka nalang muna. Hayaan mo muna siya, masyado lang talaga siyang nasaktan. Bumalik ka na lang sa ibang araw ha?” mahinahon ngunit mababanaag sa tinig ang pagka-lungkot sa nangyari sa kanila.
Wala itong nagawa kundi tumango nalang. Inalalayan ito ni Aling Lydia na makatayo galing sa pagkaka-luhod nito. Naihilamos ng binata ang palad sa mukha at kinuha na ang mga bagay na ibinigay sa tanging babaeng minahal niya ng lubos. Walang salitang umalis ito at pinaharurot ang kotse.
Nang mawala na sa pandinig ni Andy ang papalayong kotse ni Dylan ay saka siya lumapit sa kanyang kama at dumapa habang patuloy pa rin na humihikbi.

*Goodbye my Lover
Goodbye my friend
You have been the one
You have been the One For me*



GABING-gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Dylan. Doon muna sa park pinalipas ang oras niya kung saan niya nakita si Andrea na umiiyak noon. Kinuha niya ang katabing teddy bear at pinindot ang button non at narinig niya ang nai-record ni Annie
“Hi Honey! I love you so much. Mmmmwaaaah!” nagsimula na namang mag-init ang sulok ng kanyang mata. Nilagok niya ang beer na nabili.

“Sayang,bakit ba kasi kailangan pang maging ganito.Diyos ko,maniwala kayo sakin.Hindi ko ginustong saktan siya.Nadala lang ako sa tukso.Sana po ay buksan niyo ang isipan niya,para marinig man lang ang mga paliwanag ko.Siya lang ang mahal ko at wala nang iba pa’’ bulong sa sarili habang hinahagod ng tingin ang park.

Madaling araw na nang nagpasyang umalis na doon si Dylan. Pinaharurot niya ang sasakyan at napaiyak na naman ulit. Matulin ang kanyang pagpapatakbo at naka-inom pa. Ngayon naman ay parang nag-uulap ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang nagbabantang bumuhos. Kaya posibleng maaksidente siya sa estado niya ng mga oras na iyon. Sinusuntok-suntok niya ang manibela para doon ilabas ang nasasaloob.

Ilang sandali pa ay may papasalubong siyang 10 wheeler truck. Pagewang-gewang pa ang kanyang pagmamaneho at papalapit ng papalapit ang kasalubong na sasakyan. Masyado siyang nasilaw sa ilaw ng truck at muntikan nang mabangga doon.Mabuti nalang at nakaiwas siya pero bumangga naman sa isang poste ang sinasakyan nito.Tumama ang ulo niya sa manibela at unti-unting dumilim ang paningin at tuluyan ng nawalan ng ulirat.

4 comments:

  1. hala anu susunod na mangyayari ngay?
    :(

    ReplyDelete
  2. hala bka mwalan p nan amnesia c dylan??
    wawa nman c andy...
    andy ptawarin muna c dylan...???
    kakaawa nman cla...ahuhuh T_T

    ReplyDelete
  3. grabe ang nangyari...wew!sana mg kita pa sla..

    ReplyDelete