Sunday, May 24, 2009

CHAPTER 13 Kung Puso man ay Lumimot

Thursday Morning ..
“Dylan, bukas ng hapon na ang flight ni Andy papuntang states” ani Ken sa kanya.
Pumunta siya sa bahay ng kaibigan para ipaalam dito ang tungkol sa pag-alis ng Dalaga.Nasa garage sila nag-uusap.
Sumagot siya dito nang di man lang tinitingnan.
“Ah, ganun ba? Pakisabi nalang sa kanya na happy trip” wika naman ni Dylan habang isinusuot ang leather jacket.Halos nag-isang linya ang kilay ni Ken
“Yon lang?”
Pinagmasdan din siya nito saglit sa naging sagot niya “O bakit? May problema ba?” balewala nitong sabi.
Napatiim-bagang si Ken sa tinuran ng kaibigan.Parang okey lang dito na umalis si Andrea. Napailing siya.Kahit na nagka-amnesia ito, sana man lang ay pupuntahan nito ang dalaga para makapag-paalam ng maayos.Wala talaga itong pakialam.
Lumapit si Dylan sa kanya dahil malapit lang siya sa naka-park nitong motorbike.
“Tabi nga!” bugaw nito sa kanya dahil hindi ito makadaan dahil nakaharang siya.
Kaagad naman siyang lumayo ilang dipa mula dito at hinarap ulit ang kaibigan.Pinapaandar na nito ang motor.
“Suplado! Ang aga-aga eh.Saan lakad natin?” tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya na may nakapaskil na ngiti. Ang ganda ng mood nito kaya nahihiwagaan si Ken. Nahawa na rin siya sa kakangiti nito.
“Pupunta kami ni Sweet sa Tagaytay. Excited na ako kaya nagmamadali ako, ayokong paghintayin siya” masayang wika nito.
Biglang napalis ang ngiti sa mga labi niya.Wala na nga itong pakialam sa pag-alis ni Andy, mag-e-enjoy pa ito kasama ang babaeng mismo sumira ng relasyon ng dalawa. Napaka-insensitive –sa isip niya. Buntung-hininga na lang ang tangi niyang nagawa.
Mahinang pinatakbo ni Dylan ang motor papalabas ng gate ng mapansin ni Ken na wala itong helmet. Sinundan niya ito.
“Hoy Pare! Don`t tell me hindi ka mag-susuot ng helmet. It`s dangerous and baka mahuli ka pa” pag-aalala niyang sabi dito.
“Hus,okey lang yan.Hindi ako mahuhuli dahil bibilisan ko ang pagpapatakbo para di mahuli.Tsaka mag-iingat naman ako, okey?” pagbibigay assurance nito.
Pilit siyang ngumiti.Kahit anong gawin niya, di rin naman siya nito pakikinggan lalong-lalo na pag involve si Sweet. Hindi niya alam kung magagalit dahil parang na-obsess na ito sa Sweet na yun o magiging masaya dahil masaya ito sa piling ng babae.
“Ano kayang pinakain nun dito?” usal ng kanyang isip
“Kenichi..” untag nito sa kanya sa kanyang buong pangalan.
Para naman siyang nagising sa pagka-hipnotismo ng tawagin siya nito.
“Aalis na ako, nagmamadali ako eh” paalam nito.
Inimaniobra na nito ang motor saka pinatakbo ng matulin. Ni hindi siya hinintay na makapagsalita. Tiningnan na lang niya ang papa-alis na kaibigan.
Matulin na pinatakbo ni Dylan ang motor na minamaneho. Hindi na ito makapaghintay na magpunta ng Tagaytay kasama ang nobya. Ngiting-ngiti siya habang nag-da-drive ng mabilis. Pero iyon ang malaking pagkakamali niya ng biglang may sumulpot na pusa sa daan kaya nawalan siya ng kontrol at gumewang-gewang ang motor hanggang natumba ito kasama siya sa gilid ng daan.Tumama ang ulo niya sa isang bato nang matumba siya at napasinghap siya sa sobrang sakit. Ilang saglit pa ay unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.
“ANDY, anak mag-iingat ka doon ha?” pa-alala sa kanya ng ina. Kasalukuyan silang nag-uusap sa airport dahil nagpahatid na siya sa mga kaibigan pati na rin sa butihing ina. Mangiyak-ngiyak na ito habang sinasabi yun.
“Opo mama..” Kahit pa nga naluluha na rin siya, ayaw niyang sa ganitong eksena pa sila magkakahiwalay. Nagtagumpay naman siya ng tumawa ito.
Ibinaling niya ang tingin sa tatlong kaibigan.
“Max, David, Ken salamat ha? Tsaka ibibilin ko sa inyo si Mama. Pakitingnan na lang siya paminsan-minsan” wika niya sa tatlo.
Sumang-ayon naman ang mga ito at nangangakong babantayan ang ina niya habang wala siya. Nagpasalamat naman siya dito at niyakap ang tatlo.Mahigpit na yakap rin ang iniwan niya sa ina bago nagpaalam sa mga ito at tuluyang umalis papasok sa loob.Kinawayan ng mga ito si Annie ng papalayo na.
Saka nagsalita si Max “Tita, we will drive you home and then punta na kami sa ospital”
Nangunot ang noo ng ginang “H-ha? Sino ang na-ospital?” tanong niya rito.
Si Ken na ang sumagot sa tanong niya “Naaksidente na naman ho kasi si Dylan eh, kahapon lang ng umaga. Okey na siya,nagpapahinga na lang,baka nga gising na yun ngayon eh kaya dadalawin na namin” paliwanag naman nito.
Sunod-sunod siyang tumango pero itinigil rin yon kapagdaka “Eh bakit di niyo man lang sinabi kay Annie?” nagtataka ulit niyang tanong.
Si David naman ang nagsalita “Kasi po, kapag ipina-alam namin yun kay Annie, sigurado mag-aalala yun. Baka maudlot pa ang biyahe niya, malaking oppurtunity pa naman ang naghihintay sa kanya doon sa states, diba?Kaya hindi na namin sinabi”
Naiintindihan namang tumango ang ginang, Ilang saglit pa ay muli itong nagsalita
“Sasama na lang muna ako sa inyo sa ospital. Matagal ko na rin di nakikita yung batang yon. Kukumustahin ko muna. O, halina kayo” yaya ni Aling Lydia sa mga binata.

****
DAHAN-DAHANG ibinuka ni Dylan ang mahapdi-hapdi pang mga mata. Saka siya napabalikwas ng bangon. Naaalala na niya ang lahat. Ang paghihiwalay nila ni Andrea, ang pagka-amnesia siya,ang pakikipag-relasyon kay Sweet, at ang saktan ulit ang babaeng tunay lang niyang minahal.
Nagulat naman ang mga taong nasa kwartong yun, pati na si Sweet na nakaupo sa silya sa tabi ng kanyang kinahihigaang hospital bed. Hinawakan siya nito sa braso at ipinakita ang matinding pag-aalala. Dire-diretso lang ang tingin ni Greg sa dingding galing sa pagkakahiga.
“Dylan, honey. Are you okey now?” may pag-aalala at lambing sa tinig nitong tanong.
Tinitigan niya ito ng matalim at pinagmasdan din siya nito na nagtataka.
“Tama na sweet! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Annie. Sinamantala mo pa ang mga panahong nagka-amnesia ako! Nadagdagan tuloy ang sakit na naidulot ko sa kanya dahil sa tukso! Dahil sayo” galit na galit niyang sambulat kay Sweet na hindi niya maintindihana ang reaksyon.
Naghalo-halo ang nararamdaman nito base sa reaksyon ng dalaga. Nabigla, napahiya, nalulungkot. Bumalong na sa mga mata nito ang nagbabadyang luha.
Nanlaki ang mga mata ng nakatungangang mga kaibigan ni Dylan. Unti-unti ding nakahuma ang mga ito sa realisasyong nagbalik na ang kanyang ala-ala. Lumapit si Ken sa kanya at nakangiti.
“Pare,you mean, you remember na lahat lahat?” masigla nitong tanong.
Tango lang ang kanyang naging pagtugon at kaagad tinanong dito kung asan si Andy.
Alanganin itong sumagot “P-pare, naihatid na namin sa airport” kaagad siyang napatayo sa galing sa pagkakaupo sa kama.
“W-what?” mahina niyang sabi, parang mawawalan ito ng lakas dahil sa sinabi ni Ken. Hindi ito puwedeng umalis, hinding-hindi niya kakayanin.


“Pare, maaabutan mo pa siya.Maaga namin siyang hinatid” sabat naman ni Max.
“Oo nga bro, kaya wag ka nang magpaligoy-ligoy pa.Sundan mo na siya, dahil kapag hindi mo siya maabutan, pagsisihan mo buong buhay iyan. Baka makakita siya ng iba doon” pananakot namang sabi ni David.
Nahindik siya sa sinabi nito.Hindi niya papayagang mangyari iyon. Ayaw niyang malayo ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat, wag lang itong umalis. Harangin man siya ng sibat, kidlat, o bagyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at hinarap ulit si Ken
“Give me the keys” nagmamadali niyang sabi sa kaibigan at inilahad ang palad dito.
“Teka, are you sure okay ka na?Tingnan mo nga may benda pa yang ulo mo” paninigurado muna nito.
“Oo nga, just give me the damn keys!” irita na niyang bulalas.
Napatda naman ito saglit sa sinabi niya “Okay okay, relax lang.Here” saka nito kinuha ang susi ng kotse nito sa bulsa.
Dagli niya yung hinablot sa kamay nito at lumapit naman si Aling Lydia sa kanya
“Iho,dapat maabutan mo ang anak ko.Mahal na mahal ka pa rin non,kaya dalian mo na” masigla nitong wika.Tumalima naman siya at malapit na siya sa pinto ng hospital room nang habulin siya ni Sweet at pinihit paharap.
Umiiyak na ito “Dylan, paano ako? Paano tayo? Di ba mahal mo ako?” para itong kaawa-awang tuta habang binibigkas ang mga salitang iyon.
Napabuga siya ng hangin at humihingi ng pang-unawang tiningnan ito
“I`m sorry, pero si Andrea lang ang mahal ko. Hindi ko sinasadyang saktan ka, but no one can take Andy’s place on my heart. Siya lang.. siya lang ang tunay kong minahal. Please forgive me, and fo-forget me” dahan dahan niyang sabi dito dahil alam niyang nasasaktan ito.
“I need to go” at saka na siya kumaripas ng takbo at iniwan itong luhaan.
Nakatulalang sinapo ni sweet ang kanyang mukha ng kanyang mga palad. Nanghihina itong napasandal sa Pader at humagulgul. Nilapitan ito ni Ken at Hinawakan sa Balikat.
“Sweet, I know its hard to accept, si Andrea talaga ang mahal nya.
“Bakit ganun ken? Bakit ayaw ibigay sa atin ang gusto natin?”
Walang maisagot si Ken, siya man ay nasaktan din.



*****
BAGO pumunta ng airport si Greg ay nagmamadali niyang pinuntahan ang kanilang bahay. May kukunin siyang napaka-importanteng bagay na matagal na niyang tinago.
Pagkadating na pagkadating niya ay agad siyang pumanhik sa kwarto at hinahanap sa drawer ang mahalagang bagay na yun.Ang mga magulang naman niya ay sinundan siya sa pag-akyat sa itaas.
“Hijo, why are you here?Okey ka na ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy.
Tango lang ang kanyang tinugon dahil nasa paghahanap ang kanyang konsentrasyon. Sinabi niya ditong nagmamadali siya.
“What`s happening Iho? ba`t ka nagmamadali?” tanong naman ng kanyang ama.
“Ngayon na ang punta ni Andy sa states at di ko papayagang mangyari yun” sagot niya dito.
Ipinaliwanag niya sa mga ito ng nagbalik na ang kanyang memorya.Nahanap na niya ang bagay na nasa kanyang drawer at lumabas na ng kwarto.Pinigilan siya sgalit ng kanyang ama.
“Iho goodluck.Wag na wag mo siyang pakakawalan. Siya lang ang gusto namin para sayo” makahulugan nitong wika.
“Opo Dad.Yan talaga ang gagawin ko, dahil mahal na mahal ko siya” turan naman niya dito.
“That`s my boy! Now go and get your ass there you young man!” masiglang wika nito.
Tumango siya at nagmamadali nang pumunta ng airport.
“Adrea.Wait for me. Hang on. Konting tiis na lang, andiyan na ako” usal ni Greg sa sarili habang nagmamaneho.

**********

“Maam, Sir nakita niyo ba ang babaeng ito dito?” panay tanong ni Dylan sa mga tao ng di makita si Annie,baka nga tumuloy na ito o kaya naman ay di lang niya makita dahil sa dami din ng tao.
Maiiyak na si Dylan nang hindi pa rin niya alam kung nasan na ito,baka nahuli na nga siya.He felt pain on his heart,thinking that Andy already left her.Hindi na niya natiis pa, sumigaw siya bakasakaling marinig siya nito at mapapansin din siya.Wala siyang pakialam sa mga tao, ang importante ay hindi maka-alis ang dalaga.
“ADREAAA! ANDREAA NAVARRO! DON`T GO! SI DYLAN TO! naalala ko na lahat, please forgive me. mahal na mahal pa rin kitaaaa! Just don`t leave” sigaw niya at dahan dahang napaluhod nang walang makita o nagpakitang Andy sa kanya. Ang mga tao namang nakakita sa kanya ay naaawa sa kanya. Ramdam ng mga ito ang nangyayari sa kanya.
Nakaluhod na umiiyak si Dylan nang may marahang tumapik sa kanyang balikat.
“Hoy iyakin!” natatawang wika nito. Nakatalikod si Dylan kaya di niya kita ang nagsasalita.Tumingin siya sa kanyang likod at inangat ang paningin..
Nagliwanag ang mukha niya ng mabungaran ang maamong mukha ng kanyang minamahal.
“Andrea?” kaagad siyang tumayo at niyakap ito,ganoon din si Abdy. Napaluha na rin ito.
“Andy, i`m sorry sa lahat-lahat ng kasalanan ko sayo. Wag mo lang akong iwan, please . Mahal na mahal pa rin kita. Hindi ko ginustong saktan ka. Alam yun ng Diyos. Just ..d-don`t go”pagmamakaawa nito habang yakap siya. Nabiyak ang tinig nito sa huling tinuran.
Binitiwan niya ang binata at tinitigan ito ng mariin “Dylan,matagal na kitang napatawad at ni minsan ay hindi nagbago ang pagtingin ko sayo. Na-namiss kita” madamdamin niyang turan. Lalong lumambot ang binata sa sinabi niya.
Ikinulong ni Andy sa kanyang palad ang mukha ng binata at siniil ito ng halik sa labi. Na-miss niya ito ng sobra,ang mga halik nito, ang mga yakap, ang pagmamahal.
Hiyawan ng mga tao ang naririnig nila habang ginagawa nila iyon.Tila naman nanunuod ang mga ito ng Shooting ng isang Pelikula.

Bago pa mapugto ang kanilang mga hininga ay itinigil din nila ang sandaling iyon.Pinagmasdan nila ang isa`t-isa. Masuyo, puno ng pagmamahal. Bigla ay lumuhod si Dylan at kumikislap ang mga mata nitong napatitig sa kanya. Saka ito may binuhot sa bulsa. Nakita niya ang isang kahitang kinuha nito at nang binuksan nito iyon ay natutop niya ang bibig.
“Will you marry me?” walang ligoy na pagtatapat nito.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at paulit-ulit na tumango.Labis na kaligayahan ang pumuno sa kanyang puso.Naghiyawan ulit ang mga taong nanonood.
Kaagad tumayo si Dylan at niyakap nila ang isa`t isa na parang walang bukas.
“I LOVE YOU,I LOVE YOU,I LOVE YOU!” paulit-ulit na anas niya dito.
Hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi nito.Hindi niya iyon inaasahan,parang gusto niyang panawan ng ulirat dahil sa sobrang saya.
Binitiwan siya nito “Alam mo ba,sa France ko pa pinagawa ang singsing na ito.Ako mismo ang nagpa-design niyan” malambing na wika nito habang isinusuot iyon sa kanyang palasinsingan. “Hindi ba nangako ako sa`yo na pakakasalan kita pagkatapos mong grumadweyt?Matagal ko nang pinagawa yan at pinaghandaan” dugtong nito.
“Dylan, di mo alam kung gaano mo ako pinasaya.Mahal na mahal kita at hinding-hindi yun magbabago.Oo,pakakasal ako sa`yo” masuyong anas dito habang nakahawak ang dalawang palad sa gwapo nitong mukha.
“Andy, napakasaya ko rin nang dahil sa sinabi mo. Makakasama na kita
panghabambuhay.Alam mo ba,wala iyong katumbas”
Tinapos nila ang pag-uusap na iyon sa isang napakalalim na halik na ikinatuwa at pinalakpakan ng mga taong naroroon.

*They say in this world, nothing lasts forever
But I don't believe that's true.
'Cuz the way that I feel, when we're together,
I know that's the way I'll always feel for you.
From now until forever,That's how long I'll be true
I'll make you this vow and promise you now
Until forever, I'll never stop loving you.
There'll come a day when the world stops turning,
And stars will fall from the sky
But this feeling will last when the sun stops burning.
All I want to do is love you until the end of time.



-WAKAS-







Sabi nila mahiwaga daw ang pag-ibig, kasing hiwaga ng mga talang nagbibigay ningning sa ating gabi, O sa Buwang nagbibigay tanglaw sa dalawang pusong nag-iibigan.

Kung ang puso man ay Lumimot, tadhan pa rin ang siyang gagawa ng paraan upang pagtagpuin at muling pagsamahin ang dalawang pusong para sa isat isa..

13 comments:

  1. AY ANG CUTE NG LOVE STORY NYO.....ANG CUTE TLAGA KAHIT MAY HINAHABOL AKONG REPORT...TINAPOS KO ANG ISTORYANG ITO....

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa pag appreciate sa aking gawa.. Hayaan mo pag naka luwag makakagawa uli ako ng bagong kwento... tnx po uli

    ReplyDelete
  3. woah grabe i love it,..nk2inlove at nka2iyak..weh..hehehe

    ReplyDelete
  4. Thak you.... Im already preparing for the Sequel pero kwento naman ni Ken at Angel..

    ReplyDelete
  5. wow! I really lke it!

    ReplyDelete
  6. hai sa wakas natapos ko rin, di bale nga malate sa appointment matapos ko lang basahin to..hehe thank you so much for taking effort writing the story, its worth reading,ill keep in touch with your blog,

    ReplyDelete
  7. TWO TUMBS UP!! yOU'RE A GENIUS... ANG GANDA TALAGA NG STORY... SOBRA!!!! MAS LALO KO MINAHAL ANG GIRLFRIEND KO AFTER READING THIS.... SALAMAT!!!

    ReplyDelete
  8. wow i really love it talaga, narealize ko na, ang pagmamahal minsan ay may pait at ligaya. may saya at lungkot....i really love it pwede kang maging sikat na manunulat ...:)hehheh gawa ka po ulit hindi ako magsasawang basahin mga kwento mo..... is this story happen in real life?/ kc name mo palles..... god bless u

    ReplyDelete
  9. yes natapus ko din hahha
    ang saya naman mahiwaga tlga ang pagibig.. :)

    ReplyDelete
  10. wow an cute nan xtory...
    ganda p nan ending nla..

    CONGRATULATION !!! po mr. JOJO PALLES


    keep up d gud work...and GOD BLESS U!!!


    jelyn nan QC

    ReplyDelete
  11. na kaka touch ang ganda ng story.... congrats po..

    ReplyDelete
  12. NKKAIYAK NA NKKA INLUV..KHIT MAI TINATAPOS AKO SA ACCOUNTING MABASA KO LANG SOLVE NA AKO...WEW!!!..:)

    ReplyDelete
  13. wow, very touching story.....

    ReplyDelete