Kriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggg!!!!
Naalimpungatan si Andrea sa tunog na kanyang Alarm Clock. Patamad niya itong inabot saka pinindot ang buton at pupungas pungas na bumangon. Tiningnan niya ang Oras 5am pa lang. Halos ayaw pa niya bumangon pero kailangan, baka ma late na naman siya at napagalitan na naman ng kanilang Guro. Iinat-inat syang bumangon at agad na nagtungo sa Banyo. Agad nyang hinubad ang Pajama at damit at ibinalibag lang kung saan, marahan nyang pinihit ang knob ng shower at nagulat sya ng biglang tumama ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Biglang nawala ang kanyang antok at dali dali siyang naligo. Habang nagsasabon ay nahipo niya ang kanyang puwetan.
“Bwesit talagang lalaking yun”. Bulong niya sa kanyang isipan. Agad niyang tinapos ang paliligo at nagbihis.
“Andie, Iha, halika na at baka lumamig na itong pagkain” dingi niyang tawag ng kanyang Ina sa ibaba.
Ito na lang ang kasama niya simula nung mamatay ang ama. Pero kahit ganoon ay hindi ito nagkulang ng pagmamahal sa kanya.
“Opo, bababa na” sagot niya rito habang tinatapos ang pagsusuklay sa harap ng salamin.
Amoy na amoy niya ang niluto nitong fried rice, habang pababa siya ng hagdanan.
“Wow, Nay, mas lalo akong ginutom ah” bulalas niya ng makita ang nakahapag sa mesa.
“Ah sus, nambola ka pa, o sige na, kumain ka na at baka mahuli ka na naman sa klase”
Umupo na rin ito para sabayan siya sa pagkain.
“Totoo naman eh, kaya mas lalo ko kayong minahal” nakangiti niyang tugon sa ina habang sinasalinan ang kanyang plato ng pagkain.
“Oh eh, kumusta naman pala yung first day mo ha?” tanong nito sa kanya habang kumukuha ng fried rice.
“Ok naman po,may kaibigan na agad ako si Sweet, hmm, name pa lang niya ang tamis na, tiyak magkakasundo kami nun” sagot niya sabay subo ng pagkain.
“At tsaka nga pala ma, alam mo ba, may nakabangga ako kahapon tapos eto pa ha, magkaklase at magkatabi pa kami ng upuan!” bulalas niya dito na lumaki ang mata sa huling tinuran. “Ang yabang-yabang niya kaya ayun ginantihan ko siya sa ginawa niya sa`kin” kwento niya sa ina.
Napapangiti at napapailing si Aleng Amy sa inaasal ng Anak, palibhasa puro lalaki ang mga Pinsan at kalaro kaya lumaki itong Tomboyin.
“Pero kinalimutan ko na yon, kasi alam mo, pogi eh, tsaka okey na sakin yun, at least nakaganti ako dibah? alam mo naman ako mala-anghel” ginawa niyang pakpak ang mga braso at ngumiti.
“Ikaw bata ka oh, sige na tapusin mo na yan at baka maulit na naman yung nangyari kahapon” banta nito sa kanya. Kaya binilisan na niya ang pagkain.
************
“Dylan heto na ang susi mo” tawag pansin ni Nana Selya sa kanyang Alaga habang nag-aalmusal ito.
“Thank You Nanay..” tugon ni Dylan bago sinulyapan ang kanyang Yaya. “Nag-almusal ka na?”
“OO, tapos na kanina pa.”
Nanay ang tawag ni Dylan sa kanyang Yaya. Ito ang nagsisilbi niyang pangalawa niyang ina pag wala ang Mommy niya. Minsan kasi ay palagi itong kasama ng kanyang papa sa mga business trips. Hindi pa siya pinapanganak ay nagsisilbi na ito sa kanila kaya itinuring na nila itong kapamilya.
“Ang Mommy ho?” tanong niya.
“Naku maagang umalis, kasama ang iyong Daddy. Dinig ko ay may Business meeting sila ngayon sa Cebu.” Tugon ng matanda habang nakatingin sa kanyang alaga.
“Ganun ho ba?”
Minsan ay naawa si Nana Selya sa kanyang Alaga, pakiramdam niya ay mas mahalaga pa ang Business ng kanyang mga Amo kaysa sa Anak nito. Isa O Dalawa sa isang buwan na lang kung magkita ang mga ito, madalas ay laging out of town o kaya naman ay nasa ibang bansa.
Hindi na nito tinapos ang kinakain at agad na kinuha ang susi at tinungo ang kanyang sasakyan. Napabuntong hininga ang matanda habang pinagmamasadan ang kotseng papalayo.
******************
Si Dylan Palles. Mayaman, Mabait at hindi matapobre. Pero tanging ang mga malalapit lang dito ang nakakaalam ng tunay niyang ugali at pagkatao. Ang panlabas na ipinapakita niya ay mayabang at walang galang, subalit lahat ng iyon ay balatkayo lang upang itago ang sakit na pinagdaraanan niya. Nagbago na siya simula nang maranasan niya ang sakit ng unang pag-ibig. Nilagyan na niya ng pader ang sarili para wala nang makasakit sa damdamin niya.
Si Yasmien, ang babaeng una niyang minahal, lahat ng gusto nito ay ibinigay niya, lahat ng naisin nito ay sinusunod niya. Mahal na mahal niya ito subalit nalaman na lamang niyang may iba pa pala itong karelasyon bukod sa kanya. hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya ipinalit lang siya nito sa isang bansot na amoy lupa na pangit! Kaya siguro siya nito iniwan dahil mas mayaman ang lalaking yun kesa sa kanila.
************************************
"Yes,I’ve been waiting for you for like One hour na! asan ka na ba kasi?”
Nawawalan na siya ng pasensiya habgng kausap sa phone ang nobya. Nasa sa isang restaurant siya at hinihintay ito para sa kanilang Valintines Date.
“Ah, DY, di ako makakapunta eh, sobrang busy ko lang talaga,I’m really sorry, babawi ako next time, okey? Mwah” at in-off na nito ang cellphone, hindi man lang hinintay na makapagsalita siya ulit.
Napabuga nalang siya ng hangin. ”Valentines na valentines pero wala siya!” bulong sa sarili.
Ano bang nangyayari dito? Napapansin niya kasi lately na nanlalamig na ito sa kanya. Ayaw niyang isipin pero iba ang pakiramdam niya. Bitbit ang isan kumpol ng bulaklak ay sumakay siya ng kanyang kotse upang puntahan ang tirahan nito
NANG makarating sa destinasyon ay pinindot niya agad ang doorbell .Ilang sandali pa ay lumabas na ito at binuksan niya ang gate. Sukat sa nakita ay lumaki ang mga mata ng dalaga.
“Oh,parang nabigla kah atah?” sabi niya dito.
“Ah,w-wala, ano bang ginagawa mo dito? di ba sabi ko sa`yo na busy ako” nauutal na tugon ng dalaga.
“Sige na naman oh, ngayon lang, mahalaga ang araw na toh” pagsusumamo niya sabay abot ng bulaklak. “Happy Valintines.’’ Nakangiti niyang bati dito.
“Dylan, hindi talaga pwede eh, sige na umalis ka muna at babawi nalang ako sa`yo next time” habang pilit nitong pasakayin siya ulit sa sasakyan niya.
“Teka,ano bang nangyayari? parang tarantang-taranta ka ah?” tanong niya dito.
“W-wala, wag mo muna akong guluhin dahil importante ang ginagawa ko, okey? sige na”
“Honey?! Ba`t ba ang tagal-tagal mo?” dinig niyang boses mula sa loob ng bahay nito.
“Ah?! May importante lang kaming pinag-uusapan ng kaibigan ko, sige na,pumasok ka muna” sabi nito sa isang matandang lalaki na lumabas mula sa loob ng bahay. Agad naman itong tumalima at isinara ang pinto.
“Kaibigan?! Anong ibig sabihin non?!” mataas na boses niya na nag-init bigla ang kanyang pakiramdam. “Bakit ka niya tinawag na Honey?! ha?!” dugtong pa niya habang hawak ng mahigpit ang braso ng babae.
“Aray! nasasaktan ako! Ano bah?!” tugon nito.
“Kaya pala nanlalamig ka na sa`akin, may iba ka na palang pinagkaka-abalahan ,importante pala ha?” akma itong papasok sa bahay na yon.
“Teka, makinig ka!” pigil sa kanya ni Yasmien. Tinitigan niya ito ng matalim habang hinihintay ang sasabihin nito.
“Oo, aaminin ko, may relasyon kami, may problema ka ba dun?”
Naningkit ang mata niya dahil sa narinig.
”Problema? HA! nagtanong ka pa!OO may problema ako.. Ikaw..” malakas na niyang sagot dito.
Gusto na niyang pasukin ang loob ng bahay upang sugurin ang lalaki pero humarang sa kanyang daraanan si Yasmien.
“Umalis ka na….” sigaw nito sa kanya. “Umalis ka na Dylan.Tinatapos ko na kung ano man ang meron tayo.” Madiing sabi nito sa kanya na tila punyal na tumurok sa kanyang puso.
“Bakit... Anong kasalanan ko..” ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
“I’m sorry Dylan, para din ito sa pamilya ko, nangako si Ernesto na susupurtahan ang pamilya ko pati ang pag-aaral ko.” Naluluhang tugon nito sa kanya.
“Pero, kaya ko din yun gawin para sayo..” tugon niya sa mahina at garalgal na boses.
“Kaya mong gawin? Huh! Ni wala kang pangarap sa buhay.Pa`no mo ako ma-aalagaan niyan at ang mga magiging anak natin kung ganyan ka!Pero kahit anong gawin mo,hindi na ako makikipag-balikan sa`yo,dahil ni minsan…hindi kita minahal” kalmado pa rin nitong sabi.
Bumalatay ang matinding sakit sa kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito, parang libo-libong punyal ang bumaon sa kanyang puso.
“Umalis ka na,hindi ko kailangan ang isang katulad mo, na walang patutungahan, mabuti pa kay Ernesto ay magiging maganda ang kinabukasan ko, I’m sorry” dagdag pa nito na lalo pang dumagdag sa matinding sakit na nadarama.
Hindi na siya nakapag-salita pa at sumakay na sa kanyang sasakyan at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.
GABI-GABI siyang naglalasing at parang wala ng ganang ipagpatuloy ang buhay.
“Pare, tama na yan, tingnan mo nga yang sarili mo?” pinilit na agawin ni David ang alak na iniinom niya.
“wag niyo nga akong pakialaman!” singhal niya sa tatlong kaibigan na napapailing.
“Bro, makinig ka, kahit anong gawin mong inom, hindi na maibabalik yung dati, kung di ka niya mahal, pabayaan mo siya, isipin mong siya ang nawalan, hindi ikaw, at hindi rin ibig sabihin na kahit wala na kayo ay lulunurin mo yang sarili mo sa alak, panandalian lang yan, wag mong sayangin ang buhay mo dahil lang dyan, dapat pa ring magpatuloy ang buhay mo, andito pa rin kami, handang dumamay sa`yo” sabi naman ni Max.
Hindi na niya mapigilan ang mapaluha.
”Pare, wala naman akong ginawa kundi ang mahalin siya, ang sakit pare , ang sakit sakit..” Hinimas-himas naman ni Ken ang likod niya, ramdam na ramdam ng mga kaibigan ang paghihirap niya,
”Pare, naiintindihan namin ang nararamdaman mo, dahil naranasan din naming iyan, na-alala mo ba yung sinabi mo sakin nung nangyari yan sakin?
Saka bata pa tayo, marami pa tayong makikita at makikilala.” Mahabang litanya ng kanyang kaibigang si Ken.
“Ulol, sinong bata? Baka ikaw isip bata.” Pagbibiro ni Dave sabay turo kay Ken.
Sabay na nagkatawanan ang magkakaibigan. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan at nang kanyang Nanay-nanayan ay nakapag move on din siya. Pero naging dahilan iyon upang isara niya ang kanyang puso. ************************************
“Ugh,bakit ko pa ba iniisip yun? “suway niya sa sarili nang may mapadaang aso na kamutikan na niyang mabangga. “Shit! That was close, bakit mo pa kasi iniisip yung babaeng yun eh!” sermon niya sa sarili.
No comments:
Post a Comment