ISANG umaga, papunta na si Dylan sa eskwelahan. Nang ipaparada na sana niya ang sasakyan ay may nahagip ang kanyang mata sa plaza na kaharap lang ng kanilang skul.
Pamilyar ito sa kanya, nakatalikod nga lang at nakaupo sa isa mga bench doon.
Sigurado siya si Andy yon kaya sa halip na iparada niya ang minamaneho sa harap ng skul ay itinigil niya yon malapit sa plaza at nilapitan ang dalaga.
“Hoy, ano bang ginagawa mo? May klase pa tayo ah?” malamig ang tinig na tanong niya sa dalaga.
Inangat ni Andy ang kanyang mukha at ang nakita niya ay si Dylan. Hindi niya pinuna ang tanong nito bagkus ay umiyak lalo.
Nagulat si Dylan nang mapansing umiiyak ito kaya dali dali niya itong nilapitan. Nawala ang pagiging masungit niya ng Makita niya ang luha nito.
“Tumigil ka nga sa kaiiyak mo diyan, ang daming taong nakatingin oh? Anu bang nangyari sayo?” turo nito sa paligid at tiningnan na ang dalaga.
Pero patuloy pa rin ito sa paghikbi. Wala nang magawa si Dylan, di naman niya alam kung paano ito patatahimikin.Kaya kinarga niya ito at isinablay sa kanyang balikat. Muntikan nang mapahiyaw ang Dalaga, feeling niya ay bumaligtad ang kanyang mundo yun pala kinakarga na siya ng binata patungo sa sasakyan nito.
“Ibaba mo nga ako!” at isinuntok ang dalawang kamao sa matipunong likod nito.
Isinalampak siya nito sa upuan ng sasakyan. Tiningnan siya nito na puno ng pag-aalala. Iniwas niya ang tingin dito, ayaw niyang makipag-titigan sa mapanuri nitong mata.
“Oi.What`s your problem? Para kang baka na umaatungal” umikot ito sa patungo sa driver`s side at saka umupo at hinarap ulit siya.
Tila nayayamot na ito sa kakahintay ng kanyang sasabihin. Pakialam ba nito sa problema niya noh.
“C`mon speak up!” di na nito mapigilang magsalita nang di siya sumagot.
“W-wala na kami ni Jay”
Imbes na malungkot para dito ay para pang na-relief ang binata. Last week lang niya nalaman na may nobyo na pala ito pero hindi na ngayon.
“Buti naman” wala sa sariling nasabi niya.
Tumingin sa kanya ang dalaga na nagtatanong ang mga mata. “What did you say?”
Nabigla naman siya sa sarili kung bakit niya sinabi yon.Gusto niya tuloy batukan ang sarili.
“Bingi ka bah?! Ang sabi ko ang pangit mong umiyak!” palusot niya at tumingin sa ibang direksyon.
“Gusto mo absent nalang tayo? Unwind lang!” tanong niya dito na hindi pa rin tumitingin.
Saglit munang nag-isip ang dalaga. “S-sige,wala rin naman akong ganang pumasok eh, but where are we going?” umusod siya papalapit dito habang itinatanong iyon.
Hindi napapansin ni Andy na umuusod din ito papalayo sa kanya. Naiilang ata.
“Basta”
Dadalhin niya ito sa lugar na pinakagusto niya, sa katunayan ito lang ang kauna-unahang may dadalhin siya sa lugar na iyon. Special kasi yon sa kanya at doon siya pumupunta pag meron siyang problema at kung gusto niyang mapag-isa.Ibig sabihin ay special rin ito sa kanya? Well oo, aaminin niya na may nadarama na siya para sa dalaga at binubuksan na niya ulit ang puso para umibig ulit dahil lang dito.
**********
“WOW! ang ganda naman dito!” bulalas ni Andy.
Nasa taas sila ng hill, sa ibaba ay makikita ang siyudad at sa kabilang bahagi ay ang isang napakagandang beach at sobrang linaw pa ng tubig. Ang sarap ng simoy ng hangin, napaka-refreshing, nakakapawi ng stress. Tama itong dinalahan sa kanya ni Dylan, makakalimutan mo ang problema mo pag pumupunta ka sa mga ganitong lugar.
Napangiti naman si Dylan, alam niya na magugustuhan talaga ito ng dalaga.
“I discovered this place when….” bigla siyang natigilan, huli na dahil napansin yun ni Andy.
Nagtaka naman ito kung bakit siya tumigil.
“What Dylan? C’mon tell me” kinulit niya ito para magsalita, iniyugyog niya ang braso nito.
Ikinuwento naman nito ang nakaraan kung bakit niya nadiskubre ang lugar, nung mga panahon na hiwalay na sila ni Yasmien.
“So, okay ka na? Naka-move on ka na?” sunod sunod na tanong niya.
Kaya pala naging suplado ito, dahil pala sa natatakot na itong masaktan ulit.
“Yup, at may mahal na akong iba” makahulugang sabi nito sa kanya.
Natahimik naman siya saglit, “sabi na nga ba niya eh, wa appeal ang ganda niya dito.”
Dismayado siya sa narining, pero at the same time ay masaya siya dahil nakapag-move on na ito.
Inilabas ni Dylan sa bag niya ang i-pod saka inabot sa dalaga. “Here, listen to it and you will feel more relaxed”
Napangiti siya at kinuha ang ipod nito.Sana ay tuloy-tuloy na nga ang pag-bait nito.Sana di na ito ulit masaktan para di na bumalik ang pagiging suplado ni Greg.
Pinatugtog niya ang “Girl Of My Dream” ng The Moffatts.
“share nalang tayo” sabi niya na sinang-ayunan naman nito.
Habang nakikinig ng music ay di niya mapigilan na hindi ito titigan. Komportable siyang gawin yun dahil nakapikit naman ito. Maigi nitong pinakikinggan ang kantang yon, tinapik-tapik pa ni Dylan ang hita niya na sinasabayan pa ang beat non.
“Hayy, sana nga ako na lang ang girl of his dream”` wika niya sa sarili.
Masaya na siya kahit titigan lang ito at kahit pa siguro buong araw. Ang ganda ng buhok nito na sumasabay pa sa sayaw ng hangin, at lalo pa itong naging gwapo tingnan dahil sa buhok nitong may red streaks.
“Wow, ang cool niya” sabi ni Andy sa sarili.
Pinagpatuloy niya ang paghagod ng tingin dito mula sa deep set eyes na may mahahabang pilik-mata, sa ilong nitong matangos, sa labing nag-aanyaya ng halik, and his jaw that brings the aura of strength. Over all, the man is ruggedly attractive.
Umandar na naman ang kanyang pagkakulit at nakaisip ng kalokohan. Kinuha niya ang dalawang pantali ng buhok sa kanyang bag at lumapit sa likod nito. She grabbed the chance while his eyes are still close. Dali-dali niyang tinalian ang buhok nito ng pa-jinky.
Naramdaman naman nito na parang may nangingialam sa buhok nito kaya bahagya itong dumilat. Pero huli na ito dahil tapos na siya ginagawa at kinuha ng dalaga ang camera phone sa bulsa ng binata.
Dagli niyang pinik-tyuran ang binata. Na ipinagtaka nito saka nagsalita.
“Hoy!Anong ginagawa mo?And what`s with my hair?” Tumingin ito sa gilid na parang sinisipat ang mata kahit di nito makita at dinama ang sariling buhok.
Nanlaki ang mata ni Dylan nang mapagtantong naka-jinky pala iyon.Tumawa lang si Andy at piniktyuran pa nito ang binata.
“Teka,say cheese!” CLICK! “Oh tayo namang dalawa” lumapit ito sa binata at agad ding piniktyuran silang dalawa kahit pa nga nakasimangot ang binata.
“Lagot ka sakin!” naiinis na natatawa nitong wika.
“Behlat” Inilabas ang dila habang ang dalawang kamay ay itinapat sa sintido nito.Tumakbo na si Andy at hinabol naman siya ni Dylan.Paikot-ikot sila sa sasakyan, feeling nila na bumalik sila sa pagkabata. Walang humpay ang kanilang tawanan habang pinalipas ang oras sa pag-ikot-ikot doon.
SA wakas ay nahuli din siya nito at bigla siyang niyakap. Ilang sandali din sila sa ganoong ayos at nagkatitigan silang dalawa. Nagpaubaya si Andy sa mga yakap ng binata..
“Heto na naman po tayo” bulong niya sa sarili.
Parang naulit na naman ang pangyayari doon sa hagdanan.Kita niya sa mata nito ang puno ng sinseridad.
Bumalik lang ang pag-ikot ng oras ng halikan siya nito sa pisngi na ikinabalik ng kanyang huwisyo.Saka siya nito kiniliti sa kili-kili.Siyempre pa ay tawang-tawa siya pero nahihirapan, malapit na siyang maubusan ng hininga.
“Hoy, tama na! Maiihi na ako o?” biro niyang wika.
Tinigil naman nito ang pagkiliti pero hindi nito inalis ang kamay na nasa kili-kili niya.
“Tanggalin mo na yang kamay mo, nakikiliti pa rin ako”
“Paano ko tatanggalin eh, iniipit mo nga eh” papilosopo pa nitong sagot.
“Ano ba!” and their laughter echoed over the hill.
**********
GABI na sila nakauwi dahil ilang oras din silang umistambay sa hill at pagkatapos ay kumain pa sa labas.
“Dylan, salamat sa paghatid ha? Nag-enjoy ako, and sa totoo lang, na-realize ko na hindi ko naman pala minahal si Jay, siguro I just liked him, yun lang. I think I am just afraid that someone left me like my father did, because he died of a.. you know serious illness” Nakatingin siya dito at hawak-hawak ang shoulder bag malapit sa kanyang hita.
“No it`s okay, tsaka ako naman nag-aya sayo kaya dapat lang ako din ang maghahatid sa`yo diba? Napaka-ungentleman naman kung di ko yon gagawin. I`m sorry about what happened to your father” wika nito na nakapamulsa sa likod ng pantalon ang kamay.
“Okay lang, matagal na yun.Sige na, uwi ka na kasi gabi na o, may pasok pa tayo bukas. Baka ako pa maging dahilan kapag napuyat kita.” Sincere na sabi ng dalaga.
Concern naman talaga siya dito kahit pa nga may naging kasalanan ito sa kanya, pero matagal na niyang nakalimutan iyon.Sa ngayon,ay gusto nitong makilala at maging kaibigan ang binata. Ang saya ng buong araw niya. Hindi niya yon makakalimutan.
NANG makauwi na si Dylan ay pumanhik agad siya sa kanyang kwarto. Nakabihis na siya ng pantulog at sumandal muna sa headboard ng kama.Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa maliit na mesa malapit doon.Tiningnan niya ang litratong kuha ni Annie.
Hindi niya maalis-alis ang kanina pa naka-plaster na ngiti.
“Ang pilya talaga nung babaeng yun!” Naka-jinky na nga siya ay nakasimangot pa dahil sa inis sa dalaga ng mga oras na yun. Ito naman ay naka-blowfish at naka-peace sign. Masayang-masaya talaga siya na makasama ito, lalo pa`t unti unti na nga yata niyang nagugustuhan ito.
**********
Makalipas ang ilang buwan ay agad nagkahulihan ng loob ang Dalawa.Base sa kanilang status maaari na silang tawaging MU o may mutual understanding at pwede ring tawaging malabong usapan. Kaya ayaw munang magpadalos-dalos ni Andy. Nasa bench sila ng canteen nang umamin si Andy kay Sweet na mahal na nga niya si Dylan.
“What? You love him? NO! Don`t you ever tell him!” puno ng disagreement ang tinig nito.
Nangunot ang noo ni Andy nang tumingin dito “Huh? But why?”
“A-ah, What I mean is wag muna, chill ka lang okey? just wait for the right time, remember dalagang Pilipina ka” dugtong pa nito.
**********
“ANO? Mahal mo siya?” ang tanging nasabi ni Ken ng sinabihan siya ni Dylan na mahal nito
si Andy. Kumunot naman ang noo niya ng makita ang reaksiyon ng kaibigan.
“Bro, aaminin ko, gusto ko si Andy, pero don`t worry, ipaparaya ko siya para sa`yo dahil mas mahal kita dahil you’re my friend” At nginitian nito si Dylan.
Ginantihan din ito ng ngiti ng binata.Kaya nga naging matalik niya itong kaibigan dahil sa pagiging maunawain nito. Mas inuuna nito ang mga kaibigan kesa sa sarili.
“Thanks Ken, you are really a true friend, dahil sa sinabi mo mas na-relief ako. Wag kang mag-alala, aalagaan ko siya para sa`yo. Eh paano ko ba siya liligawan?”
Tumaas ang kilay ni Ken at bahagyang napalayo dito “Heck! You don`t know? Dude naman, eh paano naging kayo ni Yas? “ nakataas pa rin ang isang kilay nito.
Napakamot nalang sya sa ulo. “Ewan, basta nalaman ko na lang isang araw na kami na pala. I didn`t even remember I courted her” nangunot ang noo ni Dylan at tumingin sa kawalan.
Tinapik siya ni Ken sa balikat at napatingin dito “Well maybe I can help you” at itinaas-baba nito ang kilay nang nakangisi.
“SIGE na Ken, mauna ka na sa room, tatawagan ko lang si Andy” sabi ni Dylan.
“Huh, makikita naman natin siya doon eh, diba classmate natin siya sa next subject?” nakapameywang nitong sabi.
“Ah basta” at iniwas ang tingin sa mapanuring tingin.
“Hmm, I know you dude, yayayain mo siya sa isang official date tapos your afraid the she would reject you? Tama ba ako?” nakangisi nitong sabi.
Tiningnan niya ito ng matalim at bahagyang sinuntok sa tiyan “Kilala mo nga ako, Aish! Oo na!” at iniwas ulit ang tingin nang nakangiwi.
“Para ka namang di lalake niyan eh, doon ka na lang tumawag kay Andy sa likod ng room, di ka niya makikita dun. And baka kasi dumating na si Teacher tapos mahuhuli ka diba?”
Sumang-ayon siya at sabay nga silang pumunta sa room, pero nag-paiwan siya sa likod at si Ken naman ay naunang pumasok sa loob. Kinuha ni Greg ang cp sa kanyang bulsa at i-dinayal ang numero ng dalaga. Sumagot naman agad ang nasa kabilang linya.
“Oh Dylan, may nangyari ba? ba`t napatawag ka? magkikita naman tayo dito sa room ah?” sunod sunod na tanong nito.
As usual makulit talaga. Pero ikinasiya yun ng binata dahil nasanay na siya dito,at nagpapakita ito ng concern sa kanya.At ang marinig lang ang tinig nito ay sapat na para maging makulay ang bawat araw niya.
“Hindi, ah k-kasi gusto k-ko sana ya-yayain kang mag-date mamaya?”
Hinintay ni Greg ang sagot mula dito na dahilan kung bakit niya kinagat ang pang-ibabang labi at itinaas ang kilay, bahagyang iniyuko ang ulo.
“Ah, so kaya ka nandiyan eh natatakot kang mapahiya o natatakot ka na hindi ako papayag?” Itinampal ni Dylan ang noo at nakangiti. Minsan talaga ay diretsahan kung magsalita si Andy.
Nagsalita ulit ang dalaga. “Dapat ka talagang mahiya dahil hindi ako papayag no? Hinding-hindi ako makikipag-date sa`yo! Akala mo siguro makukuha mo ako sa ganyan –ganyan mo? Hoy! nagkakamali ka!” nasa tinig nito ang pang-iinsulto sa kanya.
Nabigla naman siya sa sinabi nito at siyempre pa ay napipi.Napapikit siya sa sinabi nito, excited pa naman siya ng yayain ito, pero parang masasaktan ulit siya.
Naibuka ni Greg ang mga mata ng marinig ang tawa ng nasa kabilang linya.
“Magaling ba akong umakting? Haha, syempre papayag ako no! Waahhh, uto-uto” at tumawa ng mas nakakaloko.
Napabuntung-hininga siya.Ginawa na naman siya nitong katawa-tawa. Naisahan siya at medyo nainis siya sa inasal ng dalaga.Nagmukha talaga siyang tanga. Pinindot niya ang end button at pumasok na sa room.Pagpasok niya ay nakangiti pa si Andy na parang walang nangyari.Dumiretso na siya sa upuan niya nang di ito pinapansin.He looked out of the window.
Kiniliti niya ang tenga ng binata at iwinaksi naman nito yun.Pero lalo lang ginanahan si Andy na kulitin eto.Mas masarap kasing asarin ang mga taong katulad ni Dylan.
“Uyy, nagtampo..” ang sabi niya sa katabi na di pa rin tumitingin sa kanya.
Si Dylan naman ay nakapangalumbaba at pinipilit na huwag mangiti.Nang hindi pa rin nagsalita ang binata ay umusod si Andy malapit dito at hinawakan ang kamay ng binata.
Nagtagumpay si Andy na makuha ang atensyon nito.Pilit pa rin ni Dylan na ikunot ang noo kahit pa nga natatawa na. Maya-maya pa’y marahang hinaplos nito ang kamay ng dalaga, hanggang sa buong klase silang nagholding-hands.Iyon ang gusto ni Andy kay Dylan madali lang palulubagin ang loob nito.Konting lambing lang ay napapangiti na ang binata.
exciting ang kwento.sobra!!!!!!
ReplyDeletesalamat ng marami... hayaan mo marami pang kasunod.. nag-iipon lang ako ng mga idea, lately kasi kinakalawang na ako.. tnx a many
ReplyDeletehhehehheh gumaganda nang gumaganda keep up the good work ...:)
ReplyDeletewow.....ung puso koh nalaglag na sa kakiligan wahhhhhh......
ReplyDeletewowowwwww pganda nan pganda
ReplyDeletexobran kinikilig n quh....
xna xa pocket book meon din ganyan n kwento...
ayeeeeeeeeeeeeehhhhh
mR. jojo ang galing nyo poh...
keep up d gud work. :))