Sunday, May 24, 2009

CHAPTER 8-Kung Puso man ay Lumimot

PAGLAKIPAS ng dalawang taon, si Andy ay nasa 3rd year college na at ang nobyo naman nito na si Dylan ay Graduate na at ngayon ay namamahala na sa kompanya ng pamilya nito.

“Hon, advance happy anniversary. Dinner na naman tayo bukas as usual.” Nakangiting sabi nito kay Andy. Dinalaw niya ang nobya sa bahay nito.
Ngumiti naman ang dalaga at sinalubong ito ng napakahigpit na yakap.

“Advance happy anniversary din” saka hinalikan ito sa pisngi.
Nalukot ang napakaguwapong mukha nito “Yon lang?” himutok ni Dylan.

“Asus nagtampo ang baby ko, koochie-koochieku” hinawakan niya ang tungki ng ilong ng kasintahan at binigyan niya ito ng isang napakatamis na halik at pagkatapos ay tinapik ang pisngi. Lumiwanag naman ang mukha nito. Natigil ito sandali
“May regalo nga pala ako sayo, teka kukunin ko lang sa kotse.Lumabas ito ng bahay saka kinuha ang sinasabi nitong regalo.Ilang saglit pa ay bumalik na ito at may dala-dalang gitara at teddy bear. Nangunot ang noon ng dalaga ng makita ang gitara.
“Gitara?” tanong ni Annie sa nobyo.
Tumango naman ang binata “Para sayo talaga iyan. Medyo marunong ka na dahil tinuruan kita diba? Mag-practice ka ng mag-practice para maharanahan mo nang baby mo” biro nito sa kanya.
Pina-ikot ni Andrea ang mata saka ulit nagsalita “Haranahan ka diyan.Mga babae bang gumagawa non? Pukpokin kita ng gitara diyan eh” aniya na aksyong ihahampas ang gitara sa ulo nito. Napansin ni Andy ang bitbit naman nitong puting teddy bear
“Ang cute naman niyang teddy bear” saka kinuha ito sa kamay ng nobyo at pinisil-pisil ang stuff toy.
“Uh-huh, at hindi lang yan basta teddy bear,meron yang record button,eto ha, pakinggan mo” saka pinindot nito ang itim na button sa bandang pusod ng stuff toy. Nagsalita ito pero tinig ni Greg ang maririnig
“I love you Hon.I will love you forever, and I will never ever leave you”
Binatukan ito ni Andy. “Kahit kailang talaga, napa-korni mo” saka nangiti.
Tumawa ito “Nasabi ko na ba sayong you are the music in me?” Tumawa ulit sila at pina-ikot na naman ni Andy ang mata.
“Eh, sa ganito talaga ang epekto ng Love magiging corny ka” nakangiti naman nitong sagot.

“Uh-huh, alam ko yon at may premyo ka sakin” hinalikan ito ni Andy at nakapulupot ang braso niya sa leeg ng nobyo.Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga halik nito makalipas ang halos dalawang taon. Ganun pa rin, mapagmahal, nakakalasing , nakaka-adik. Binitawan na niya si Dylan nang malapit ng mapugto ang kanilang hininga. Pero magkayakap pa rin sila.

”Hon, i‘m sorry ha? wala akong maibibigay sa`yo.Tsk.” mahinang sabi ng dalaga.

“Ano ka bah? Okay lang yon.Makasama ka nga lang at ibigay ang pag-ibig mo sakin ay ginto na ” malambing nitong pahayag.
Ngumiti naman si Andy, at pinupog ito ng halik sa buong mukha. Hindi talaga siya nagsisisi na dumating ito sa buhay niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit siya palaging masaya. Sa mga taong nagdaan ay hindi siya nito binigo na paligayahin siya sa kahit na anong paraan. Umupo ito at hinila siya paupo rin sa kandungan nito. May kinuha ito sa bulsa at tumambad sa kanya ang silver necklace na heart ang pendant na may nakalagay na D&A.



Natutop ni Andy ang bibig.
“Hon, I want to give you this, para pag hindi tayo magkasama maaalala mo ako palagi” seryosong wika nito. Saka pinihit siya patalikod at inilagay nito ang kwintas.
Kaagad humarap ang dalaga dito pagkatapos nitong maisuot sa kanya ang kwintas.
“Teka hon, sobra na toh ah? Wala akong maibibigay sayo” nasa tono niya ang concern.
“Pag mag-asawa na tayo sobra pa dyan ang matatanggap mo” sabi nito at niyakap siya.
Lumaki ang kanyang mata sa sinabi nito “Asawa?!”

Binitawan siya nito at tumingin ulit sa kanya “Yup. Pagka-graduate mo pakasal agad tayo. I`m sure Mom and Dad will be so happy! You see, gusto na nilang magka-apo at ako lang naman ang nag-iisang anak diba? So ayun, tsaka ikaw rin naman makakasama ko habang buhay eh,diba?” mahabang paliwanag nito.

“Hmm! masyado naman kayong nagmamadali eh.Pakasal pagkatapos kung maka-graduate?” ang sabi niya dito na pinaikot pa ang mata. “Pero sige ha, hmm,ilan ba gusto mong anak?” baling niya dito at nagtanong.
“Hmm, yung isang team!” bulalas nito.
Lumaki naman ang mga mata ni Andy “Hoy, Anong tingin mo sakin, inahing baboy?!”
Tumawa naman ito ng malakas.Di nila napansin ang ina ng dalaga na kakalabas lang ng kwarto nito pagkatapos maghanda para sa lakad nito.
“Ahem!” tikhim nito at saka lang ito napansin ng dalawa. Umayos sila sa pagkakaupo. Napahiya naman saglit ang mga ito.
Saka nagsalita ang ina ni Andy “Sus, ok lang yun,at nga pala, aalis na ako ha, Ann, DY, mamaya pang hapon ang uwi ko, kaya DY ikaw muna bahala sa dalaga ko ha?” baling nito sa binata.

“Opo, walang problema” sagot naman nito.
“O siya sige, alis na `ko” lumabas na ito ng bahay pagkatapos magpaalam. Magkapanabay naman silang kumaway dito.
“Pano ba yan? Tayo nalang dalawa, Hala ka!” biro nito kay Andy.
“Hoy manyak,tigil-tigilan mo ako ha? Kung hindi patay ka sakin!” ang sabi ni Andy, na pinakita rito ang kamao, at bigla ay kumaripas ng takbo patungo sa loob ng bahay. Hinabol naman ito ng binata.

“ANG init naman, feeling ko ang lagkit-lagkit ko, hilamos mo na ako hon ha? tsaka magpupunas na rin” ang sabi ni Andy sa nobyo at tumungo na sa washroom nang habulin siya nito.
“Teka, ako na rin,ang init nga ng panahon ngayon noh?” tsaka nito hinubad ang t-shirt.Tumambad sa kanya ang mala-adonis nitong katawan,at parang ang sarap paglaruan ng abs nito.
“Hoy, ano bang ginagawa moh?” tanong ng dalaga sa ginawi nito, paulit-ulit niyang nilunok ang laway niya. Basta ba ay lalong nag-init ang kanyang pakiramdam. Nanatili itong tahimik at nakatitig sa kanya. Ilang sandali pa ay nagsalita na ito.
“O bakit? sa naiinitan ako eh, ikaw, kung anu-ano iniisip mo” napahagikgik ito pagkatapos ng huling sinabi.
Pabiro naman niya itong sinuntok sa matigas nitong dibdib.
“Anong ako? Tumigil ka na nga diyan at maghilamos na tayo” yaya niya rito

NANG matapos ay nagbihis na siya ng oversized shirt at short shorts. Si Dylan ay nasa labas at nagpapatuyo. Natapos na niya ang pagbibihis ay may yumakap sa kanya buhat sa likod. Mahigpit, puno ng pagmamahal, sincere. Ah,she feels so safe. Napapikit siya sa ginawi nito,ang sarap ng pakiramdam niya, ang mga yakap nito ay walang kapantay, ramdam na ramdam niya ang matinding pagmamahal nito sa kanya.

“I Love You, Hon.”
“I LOVE YOU TOO” ang sabi nito at hinalikan siya sa noo.
MADILIM na kaya nagpasya na si Dylan na umuwi sa bahay nila. Inihatid ito ni Andy sa labas ng gate.
“Hon, don’t forget tommorrow, mga 7:00 pm, susunduin kita dito okey?.” Sabi nito sa Dalaga.
Tumango siya at niyapos ito saglit. Hinalikan na ni Dylan ito sa noo at saka nag-paalam.Saka lang siya pumasok nang di na makita ang papalayong kotse ng nobyo.

5 comments:

  1. ang ganda ng story mo... i love readimg it.,..,.,=)
    "frailheart"

    ReplyDelete
  2. thank you, thank you, thank you sa comment frail heart

    ReplyDelete
  3. i love ur story ..:)

    ReplyDelete
  4. walang katapusan nakilig toh hahaha>>>

    ReplyDelete
  5. oo nga nkakakilig..sana maexperience q rin ung ganyan he he..kaso matanda na aq ha ha ha..

    ReplyDelete