Sunday, May 24, 2009

CHAPTER 4-Kung Puso man ay Lumimot

“UWIAN na! uwian na! uwian na!” sigaw ng mga Classmate nilang lalake, nagmamartsa pa ang mga ito habang palabas ng kanilang room. Mabuti nalang at Gabi pa ang klase ng mga katabi nilang Room kaya wala itong nagagambala, ang iba naman ay nagkakatawanan na lang sa mga kalokohan ng mga kaklase nila.
“Sira talaga yung mga yon!” tatawa-tawang sabi ni Sweet saka bumaling sa kaniya na kanina pa nagkanda-haba ang leeg, at palingon-lingon sa iba`t-ibang direksyon.
“Hoy, sino ba kasi hinahanap mo? para ka nang giraffe jan ah?” kunot noong tanong nito sa kanya.
“Si Dylan kasi eh, ewan ko ba kung asan yun nagpunta.Tatapusin pa kasi namin yung report para bukas diba?” sagot nito at panay ang kamot sa noo na hindi man lang tumitingin sa kaibigan.
“Ah si Dylan bah? Andun yun sa labas, pauwi na atah eh, bilisan mo baka di mo na maabutan” sagot naman nito na ikinuha ng kanyang atensyon dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Ganun ba. Salamat ah, kita-kits na lang” tugon niya sabay halik sa pisngi ng kaibigan bago dinampot ang bag na nasa upuan at nagmamadaling umalis.
PapauwiI na sana si Dylan nang makita ang babaeng kanina pa tumatakbo sa utak niya.
“Hoy! Di mo ba ako tutulungan sa report?!” sigaw nito sa kanya na habol ang hininga dahil sa pagmamadali.
“Oo nga pala, nakalimutan ko” sabi niya sa sarili. Pero ang totoo ayaw niyang mapalapit dito.
“Uuwi na ako” malamig niyang tugon at saka pinaandar ulit ang kotse.
Hinabol naman siya nito at sumisigaw. “Hoy! Itigil mong sasakyan! Walanghiya ka!”
Pinahinto naman niya ang sasakyan. Saka ito lumapit sa kanya na humihingal. Binatukan siya nito bigla na ikinagulat niya.
“Ano bang ginagawa mo? May report pa tayong gagawin remember.Tsaka infairness ha, ang gentledog mo, pinatakbo mo pa ang beauty ko! Hmp! Makatawag nga ng pulis, teka diyan ka lang” saka nito kinuha ang cp na nasa bulsa.
Tumaas ang kilay ng binata. At bakit naman ito tatawag ng pulis?
“Hello? Ma! Pupunta muna ako sa bahay ng kaklase ko,may gagawin kaming report, kaya medyo gagabihin ako ng uwi. Opo, okey” ang sabi nito sa kabilang linya.
Siya naman ay natigilan at tiningnan ito na parang hindi makapaniwala.
“Ha !Di pa nga ako pumayag!Inunahan na ako? Ibang klase rin tong babaeng toh”. usal sa sarili.
Umikot ito sa sasakyan niya at pumunta sa kabilang pinto at saka walang sabi sabing sumakay.
“Ibang klase ka rin ano?” painsultong sabi niya sa dalaga saka umirap at tumingin sa ibang direksyon.
“May problema bah? Sige na drive na!” asik nito sa kanya.
“Para kang amo ko kung maka-asta ah? Ano ako driver?”
“Drive na sabi eh! Wala nang arte-arte” pataray nitong singhal sa kanya saka ini-on ang radyo.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” inis na tugon niya.
Akma na naman siyang babatukan nito kaya agad niyang iniiwas ang sarili
“Laban ka pa? Ha?!” singhal nito sa kanya na nanlalaki ang mata.
Napabuntung-hininga na lang siya saka pinaandar ang kotse. Ayaw na niyang makipag-away dito.

**********
MANGHANG-MANGHA ang binata sa kapapanood sa dalaga habang nagmamaneho siya. Lalo kasi itong naging maganda sa paningin niya habang nililipad ang mahaba nitong buhok at dinadama ang malakas na hangin na humahampas sa mukha nito. Enjoy na enjoy pa nitong kinakaway ang kamay sa ere.
“Woohoo! Sarap ng hangin. May pa sports car ka pang nalalaman huh?” nakangiti nitong sabi sa kanya habang patuloy ang ginagawa at panaka-nakang tumitingin sa kanya.
Ngiti lang ang iginanti niya dito. Kiniliti naman siya nito sa tagiliran.
“Mabuti naman at marunong ka palang ngumiti, sana ganyan ka na lang palagi,mas lalo ka pang gumugwapo” tukso nito.
Ngumiti siya ulit pero may halong lungkot sa mga mata.
“WE`RE here!” sabi nito sa dalaga habang nakatingin ito sa kanilang mansyon.

Namangha ang dalaga sa kalakihan ng bahay na napipinturahan ng puti at chocolate brown. Pinagbuksan sila ng isang katulong saka nito pinausad ang kotse paloob. May lumapit sa kanilang babae na sa tingin niya ay nasa edad 50 pataas.

“Nanay, maghanda po kayo ng pagkain dito po kakain si Andy” bilin ni Greg dito.
“Nanay mo?” tanong sa kanya ng Dalaga.
“Hindi, Yaya ko.” Tugon niya dito sabay baba ng kotse.

“Ay Nay Wag na po! Nakakahiya, saka sa bahay na ako maghahapunan pagka-uwi ko” sabi niya sa dalawa at nahihiyang nakangiti.
“Sus, Anak, ano ba tong nobya mo at nahihiya pa, dito ka na kumain Iha!” ganting ngiti rin nito.
”Mabuti naman at umibig na ulit itong si Dylan” nakangiti pa rin itong habang nagsasalita.
“Ay di po kami mag-nobyo, magiging palang ho” di niya mapigilang ilabas ang kakulitan.
Inakbayan niya ang lalake at kunwari naman itong umirap na siyang dahilan ng pagtawa ng dalawang babae.

Ang totoo meron na talaga siyang boyfriend, pero di niya masasabing mahal niya ito, siguro gusto, oo, pero hindi niya maramdaman dito ang sinasabi ng mga taong dapat mong maramdaman kapag umiibig.
Pero kahit papaano ay nasasaktan din siya sa di nito pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya. Parang nanlalamig na kasi ito kanya sa mga nagdaang araw.

Napabuntung-hininga nalang siya.

“Pasok na tayo.’’ yaya sa kanya ni Greg patungo sa loob ng mansyon.
Nauna siya at ito naman ay nakasunod sa kanya.Patungo sila sa carpetted na hagdanan ng mansyon.

Nang nasa ika-pitong baitang na siya nang nawalan siya ng balanse,buti na lang at nakasunod sa kanya ang binata at agad siyang nahawakan nito.

Napatitig ito sa kanya at ganun rin naman siya dito. Parang tumigil ang inog ng mundo. Nakakapanghina ng tuhod ang mga titig nito. Kumakabog ang dibdib niya at para may kung anong nabuhay sa kanyang kalamnan na hindi niya maintindihan. Bago lang iyon sa kanyang pakiramdam.
Panay naman ang lunok ni Dylan ng kanyang laway. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito, pero mas matindi itong ngayon. Parang kay sarap nitong halikan.
Pag-ibig na ba ito? Ipinilig niya ang ulo. Sukat sa naisip ay saka niya ito binitawan ng masiguradong maayos na ito sa kinatatayuan.
“Mag-ingat ka kasi, paano kung wala ako sa likod mo?!” para itong boyfriend na pinapagalitan ang battered girlfriend, feeling niya tuloy para siyang si Rihanna.

Inayos naman kaagad ni Andy ang sarili at pinagpatuloy nito ang pag-akyat sa hagdan nang di umiimik sa binata. Sumunod na lang ito at itinuro sa kanya ang study room.
Pumasok sila sa isang kwartong nasa hulihan.Hinagod niya ng tingin ang kwarto na nakukulayan ng puti na bumagay rin sa mga bagay na nasa loob na nakukulayan ng brown, may mga blinds naman ang babasaging bintana, air conditioned kasi iyon.
Napapalibutan ito ng mga librong nasa book shelves at sa gitna ay isang rectangular na mesa,sa gilid naman ay may isang cabinet na hanggang bewang niya ang taas at may mga picture frame sa ibabaw.
“Mommy at Daddy mo?” turo niya sa isang frame na may larawan ng lalake at babae na sa tingin niya ay nasa edad nitong mga 50 pataas, alam na niya kung asan nito nakuha ang magaganda nitong features. Tumango lang ito sa kanyang tanong.
“So where are they? Di ko ata sila nakikita ah?” Tanong niya ulit dito, dahil napapansin niyang di naman ito nakukulitan sa kanya.
“Oh, they`re on a business trip” sagot nito at umupo sa silyang malapit sa mesa.
“Ikaw toh?” tanong ulit ng may makitang cute at chubby na bata.Tumayo naman ulit ito at dagling inagaw sa kanya ang frame na may larawan nito.
“Akin na nga yan?!” galit-galitan nito para maitago ang pagkapahiya. Alam na ng dalaga kung sino yun base sa naging reaksiyon nito.
“Hus, nahiya pa daw, ang kyut kaya! Hmm, wala bang picture ng mga kapatid mo?” Napansin kasi ng dalagang walang ibang larawan na nandoon kundi sa mga magulang nito at ng binata.
“No, I don`t have a brother or a sister, only child ako” sagot nito habang ibinabalik ang larawan nito sa ibabaw ng cabinet.
“Talaga? Pareho pala tayo, eh di ka ba nalulungkot na ikaw lang mag-isa?” tanong niya at paupo na sa silya malapit sa mesa at inilabas ang manila paper at marker.Sumunod naman ito sa pag-upo.
“Hmm, hindi naman, siguro sanay na, pero andyan naman mga kaibigan ko eh, para narin kaming magkapatid ng mga yun” Tango ang kanyang itinugon
“Sige na,tapusin na natin toh” ang report nila ang tinutukoy ng dalaga.

ILANG minuto rin ang ginugol nila para matapos ang Report nila. Nagpaalam si Dylan na lalabas upang magbihis nang muling umandar ang kakulitan ni Andy. patingkayad niyang sinundan si Dylan sa kwarto nito, Nang malapit na ito sa pintuan ng sariling kwarto ay dun na siya sumulpot.

“BANG!” gulat niya sa binata na sa tingin niya ay parang mamamatay sa sakit sa puso.Panay ang tawa niya at nakahawak pa sa sikmura.
“Aray! Hahaha, ikaw ha? May tinatago ka pala sakin, lumabas ka na sa closet mo sister!” tukso niya dito habang patuloy sa pagtawa.
“Ano kaba?! Papatayin mo ba ako? And for your info, i`m not gay!” asik nito sa dalaga.
“Weh? Di daw eh halata naman eh!” pinakita pa niya ang mukha ng di pagsang-ayon.
“Ah ganun” tiningnan siya nito na parang nagbabanta pagkatapos ay hinila papasok sa kwarto at sinarhan ang pinto non. Inilapat nito ang kanyang likod sa pintuan at dahan-dahan nitong inilapit sa kanya ang mukha nito. Ni hindi niya namalayang hinahalikan na siya nito.

May kung anung sensasyon naramdaman si Andy. Ang halik na iyon ay gentle sa umpisa hanggang unti-unting naging mas passionate. Parang may nabuhay na kung ano sa kanyang kalamnan.
Nadarang siya sa halik ni Dylan kaya unti unting tumugon ang kanyang mga labi, kusang tumaas sa batok nito ang kanyang mga kamay at gumapang sa likod ng binata. Ang mga kamay nito ay banayad na humahaplos sa magkabila niyang braso at unti unting bumaba sa kanyang puwitan.
Marahang pinisil ni Dylan ang puwitan ni Andy..
“Hmmmmm… nilayo ng kunti ni Dylan ang kanyang labi..
“Aahhhh” dinig nyang mahinang bulong ni Andy.
Tiningnan niya ang mukha nito, namumula ang mga pisngi nito at lalong gumanda ito sa paningin nya.
Muli nyang dinampian ng kanyang labi ang mga labi ng dalaga. Ang lambot ng mga labi nito na kay sarap damhin, parang ayaw na niyang bitawan. Lalong idinikit ni Dylan ang kanyang katawan sa katawan ng dalaga.
Marahan nyang diniinan ang tiyan nito, Naramdaman iyon ni andy kaya umalon ang kanyang tiyan, pakiramdam ng dalaga’y nagtaasan ang buhok niya sa batok.
Hindi naman maipaliwanag ni Andy ang kanyang nararamdaman, ngayon lang siya nakadama ng ganoon. Nakaka-excite. Very Gentle ang mga halik nito. Nakakapaso ang mga haplos nito. Ibang-iba ito sa mga halik at haplos ni Jay.
Bigla siyang natigilan, meron na pala siyang nobyo. Sukat sa naisip ay bigla niya itong itinulak sa dibdib. Nagulat naman ito at tumingin sa kanya na parang humihingi ng paumanhin. Pero inayos niya ang sarili para di itong masyadong ma-tense.

She cleared her throat before speaking. “It’s okay Dylan, I know you just want to prove that your not gay” saka tumawa para hindi nito mahalata na feeling niya ay para na siyang nauupos na kandila.
Pakiramdam niya’y parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Hindi pa rin humuhupa ang init ng kanyang katawan.
Yumuko naman ito at namumula. Ang cute nito tingnan kapag nahihiya, para bang bata.Nilapitan niya ito saka iniangat ang tingin nito,kinurot ang mamula-mula nitong pisngi.
“Ang kyut mo naman pag nahihiya!” at ipinakita niya rito na para siyang nakikipag-usap sa isang bata.
Pinalis ni Dylan ang kamay ng dalaga sa kanyang pisngi.
“Tsk, tigilan mo nga ako” pero halata naman pinipigilan nito ang pagtawa.
Tumawa siya.Para itong batang inagawan ng lollipop. Hindi nila namalayan na pumasok pala si Nana Selya at niyaya na silang maghapunan.
“Oh, lika na kayong dalawa.”
Nagpatiuna si Andy at sumunod kay Nana Selya. Naiwan namang nakatulala si Dylan at nang nawala sa kanyang Paningin si Andy ay napaupo siya sa Sofa at tinutop ng dalawang palad ang kanyang mukha.
“Syeeet!!!!” usal niya sa sarili
Biglang sumungaw sa Pintuan si Andy
“Psstt, pangit lika na”.

BAGAMA`T nahihiya ay pilit siyang pina-fi-feel at home ni Dylan. May itinatago naman pala itong kabaitan. Pinasabay pa nga nito ang mga katulong roon, wala rin naman itong ibang kasalo dahil wala ang mga magulang nito at wala ring kapatid.

Si Dylan pa ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya.Tinolang manok, adobo, ginataang hipon, pineapple juice at siyempre di mawawala ang kanin ang nakalapag sa pang-waluhang mesa na rectangular.Nasasapinan ng puting mantel at alam niya na mamahalin yon base na rin sa disenyo at klase ng telang ginamit.
“Ano ka ba, di ko mauubos toh no?” itinuro niya ang platong nasa harapan na ang daming laman.
Oo,gutom siya pero di niya makakain yun lahat.Mahilig siyang kumain pero pinapanatili rin niyang maganda ang pigura.
“Sige lang, kung di mo maubos, iwanan mo lang diyan” at tahimik ulit itong kumain. Ang sigla-sigla nitong nginunguya ang mga pagkaing nakalagay sa plato nito.
Napairap siya saglit sa sinabi nito na iwanan niya lang ang pagkain pag di niya naubos.Ganun lang? Aba, para sa kanila ay parang pang-isang araw na ang pinahanda nito ngayon. Pinalaki siyang praktikal kaya marunong siyang bumadyet sa mga bagay-bagay lalo pa`t global crisis ngayon.Napa-iling na lang siya at itinuloy ang pagkain.
Inihatid siya ni Dylan sa kanilang bahay at inalalayan siya sa pagbaba ng sasakyan nito. Nagpaalam na siya rito at nakatalikod na sana nang bigla siya nitong pinaharap dito at niyakap.

Nagtaka man ay binalewala nalang niya yun. ”Friendly hug lang ito” sa isip niya.
Saka ito nagpaalam.Bago siya pumasok sa loob ay tiningnan muna niya ang papalayong kotse ni Greg saka pumanhik at isinara ang puting bakal nilang gate.


**********

Pakapasok ni Andy sa kanyang kwarto ay agad itong tumihaya sa kanyang kama at parang nakatulalang nakatitig sa kisame. Napapikit siya at dinama ang kanyang labi.

“Ang sarap humalik ni Gago” usal niya sa kanyang sarili.
Pakiramdam niya’y nararamdaman pa niya ang mga Hapolos nito sa kanyang mga braso at dibdib. Bigla nyang kinuha ang unan at parang baliw na itinakip sa kanyang mukha sabay kagat ditto…
“EEEEEEiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!” parang kinikilig na mahinang sigaw niya sabay padyak ng paa nito sa kanyang kama.

7 comments:

  1. sino po si greg? hehehe ganda po ng story :)

    ReplyDelete
  2. haha it should be dylan, namali lang ako ng typing

    ReplyDelete
  3. aa . si dylan pala .. kala cu kung sinu ..hehe

    ReplyDelete
  4. habang tumatagal lalong gumagand... eheheheh

    ReplyDelete
  5. nice po nang kwento ninyo sana po gumawa kayo ulit nang bago ..keep up the good work po:)

    ReplyDelete
  6. kinikilig na ko hahahha xuper ganda tlga.

    ReplyDelete
  7. wow xobran kinkilig aquhh...
    yeeeeeeeeeeeeehhhhhhh


    ka2-inluv c dylan....
    i luv u dylan

    ReplyDelete