Tuesday, June 19, 2012

Sana 'Di Na Lang lyrics


Aminin ko, di ako mahilig sa RAP o HIP HOP Music, diko type yung mga ganung genre..

Pero nung minsang marinig ko ang song na to sa jeep na sinasakyan ko, sabi ko astig ang lyrics nun ah..

Kya hinanap ko sya sa internet.. At nakita ko ito SANA DI NALANG BY DELLO.. share ko na din sa inyo, nagandahan lang kasi ako sa pagkakagawa ng lyrics..


                                                Dello
                                   Sana 'Di Na Lang lyrics

(1st stanza)
Ayoko ng isipin, ayoko ng sapitin
Ako na 'yong alipin at ayoko ng pilitin
Pa sayo, dapat kong ituloy na ang paglayo.
Biktima nitong tadhana natin na mapaglaro.
Dahil kung titignan sa titig lang para bang nabibiglang
Naiwan tulala ng dahil lamang sa pagibig lang...
Di na mapagbibigyan at yon ang masakit,
Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit

Sa napiling mahalin ay bakit ba sayo pa nga ba?
At ang Dellong mainipin pagdating sayo mahaba
Ang pasensya at nagti-tiyagang nag aabang kahit ilang
Kahit ilang beses ng pinagmumukhang tanga't hibang nagbibilang
Ng aking pagkakataon, pero bat nagkaganon
Mahal kita, mahal mo sya, nagtataka't nagtatanong
Kung bakit ka naging tanga para lang maloko nya
Ako naman ang mas tanga dahil kahit ayoko na

Nagbabalik parin at ako sayo'y palagi
Pero di ka naman sakin kailanman di maaari
Sakin ikaw ang reyna, di naman ako ang hari.
Kung alam ko lang nung una sana di na 'to nangyari...
Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap
Ng ibang dapat ibigin di na sana ako hirap,
Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon
Na maiinlab pala ko kaagad sa isang iglap...
... sana di nalang...

(Chorus)
Di na sana kita nakilala, di na sana ako lumapit...
Di na sana kita nakilala, di na sana ako nagdurusa ng
Dahil lang sayo...

(2nd stanza)
Sana nung umpisa hindi na tayo nagtabi
Kaya ngayon ay alanganin napaibig mo kasi
At naging kabado na ko kahit di pa nagkape
Umaasta na ayos kahit na hindi naman kami...

Sana di ka napayuhan tungkol sa mga Ex
Sana wala akong cellphone para di ka nakatext
Nung in-add kita sa facebook sana di mo in-accept
Ngayon sarili ko bakit ba hindi ko masagip...

Sana di na umalalay sayo sa pagtawid
Pagpunta mo sa Cavite, sana di na naghatid
At ang aking nahawakan sana di sayong kamay
Kaya ako'y nahihirapan pagkat di ngayon sanay

Na wala ka sa tabi, parang wala sa katinuan
Sana di na uminom para di ka nakainuman
Sana di na naglasing para di naging praning
Na kahit magpakasabog sitwasyon ganun parin...

Na ako'y isang alalay na laging nakasunod
Na kahit ka pa nakalugay o kahit nakapusod...
Maganda ka parin sa paningin at palihim nakatingin
Sayo mula umaga, tanghali, hanggang sa gabihin...

Mahirap na tong gawin kahit na ipikit
Ang mga mata. bakit ba ang puso ang kulit
Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait
Sana di ka minahal dahil ang sakit...
(Repeat chorus 2x)

Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sakin
Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging satin
Kung pwede lang na ang nadarama 'toy palipatin
Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin

Ang pag kakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw
Kung kailan di na pwede at kailangan ko ng bumitaw
Sa pag-asa ng pagibig na hapdi ang dinala
Kasi mahal kita ng sobra... sana di nalang pala...


Stages of Move-On




                                           Stages of Move-On

1.Pain-      Natural lang naman na masaktan at umiyak ka pagkatapos ng break-up. Nagpapatunay lang yan na nagmahal ka talaga.

2.Anger-      Hindi mo naman maikakaila na galit ka sa kanya kasi iniwan ka niya. Ayos lang naman magalit pero wag sobra, pero mas okay din kung yung galit mo dadaanin mo nalang sa iyak kesa kimkimin mo mas okay yun atleast nababawasan yung sakit at galit na nararamdaman mo.

3.Bargaining-      sabi lang toh ni Papa jack :). Eto na daw yung time na naghihintay at umaasa ka pa din na babalik sya sayo kahit alam mong malabo na kasi may mahal na siyang iba.

4.Acceptance-       Eto na yung last stage. Dito muna talaga mari-realize na wala na talaga kayo. Kaya wala ka ng ibang magagawa kundi tanggapin yun kasi no choice kana nga >.<. 

                          Pero darating din naman yung time na mawawala na talaga yung feelings mo para sa kanya kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mangyari yun.

•Ang pagmumove-on kasi nasa tao yan, bakit kapa magtatanong sa iba kung panu mo sya makakalimutan kung alam mo naman talaga sa sarili mo kung pano diba?. 

Tsaka hindi ka talaga makakamove-on kung lagi mong binabalikan yung mga bagay na konektado sa kanya.

Kung iniwan ka man niya dahil nagmahal siya ng iba. Wag kang umiyak ng umiyak, magmove-on ka at ipakita mo sa kanya na naging maayos kapa din nung iniwan ka niya [revenge lang haha >:)] 

pero para din naman yun sa sarili mo. Darating din naman yung time na ikaw mismo ang susuko kasi pagod kana sa kakaisip at kakaiyak dahil sa kanya. Madami pa namang iba dyan na mas higit pa sa kanya, subukan mo kasing ituon yung atensyon mo sa iba na pinahahalagahan ka hindi yung sa kanya na iniwan kana.

Thursday, June 7, 2012

To My One and Only

Ang pagmamahal ko sa iyo ay lalong tumitibay habang tumatagal. 

Palagi kang may panahon para sa akin at ni minsan hindi mo nakaligtaang iparamdam sa akin na mahalaga ako sa iyo. 

Maligayang kaarawan mahal ko.!!!!!!!!