Naalimpungatan
sa mahimbing na pagkakatulog si Angel nang maulinigan ang tila mahinang
ungol ng kanyang Lola, paglingon niya sa higaan nito ay napansin niyang
pabiling biling ito at tila binabangungot. Agad siyang bumangon at
mabilis na pinuntuhan ang kanyang Lola at inuga.
“Lola!! Lola!!!” tawag niya dito upang gisingin.
“Lolaaa!!” ulit niyang tawag sabay yugyug sa katawan nito.
Biglang balikwas sa higaan si Tandang Sela at pawisan.
“Lola!!” tawag pansin ni Angel dito.
Tumingin ang matanda sa kanyang Apo sabay haplos sa mukha nito.
“Dumating na ang araw.” Sabi nito sa kanyang apo.
Hindi
pinansin ni Angel ang sinabi ng kanyang Lola at tumayo ito upang kumuha
ng tubig. Ilang beses na ba niyang narinig ang mga kwento nito, tungkol
sa Kadiliman at kung ano ano pa. Pero alam niyang iyon ay likha lang ng
kanyang Lola, walang katotohanan at ayaw niyang paniwalaan. Pagbalik
niya at napansin niya ang hawak nitong isang maliit na baul na tila
lagayan ng mga Alahas.
“Ano ho iyan?” takang tanong niya dito sabay abot ng isang basong may lamang tubig.
Binuksan
ito ng kanyang Lola at inilabas ang isang kwentas na may Palawit
na Dyamante, ang loob nito ay may parang isang ulap na kulay puti.
Iniabot ito sa kanya ng kanyang lola.
“Ang Ganda nito La!” bulalas niya nang mahawakan ang kwentas. “Saan ho ito galing, bakit ngayon ko lang ata ito nakita?”
Itinaas
niya ito at hinawakan ng kanyang kanang palad ang nakapalawit na
dyamante, nanlaki ang kanyang mata nang mag-iba ang kulay nito, mula sa
puti ay biglang naging Blue ito. Buong pagtatakang napatingin siya sa
kanyang Lola.