Tuesday, May 29, 2012

Chapter 2: Spirits and the Elementals

“DIVIINAAA!!” 

Isang malamyos na tinig ang nagpagising kay Lola Divina. Dagli itong napaupo mula sa pagkakahiga upang tingnan kung sino ang tumatawag. Mula sa dilim ay isang liwanag ang unti unting nabubuo at mula doon ay nabuo ang pigura ng isang babae. Natulala si Lola Divina nang tuluyang magpakita sa kanya ang mahiwagang Babae.

“Kumusta ka Divina?” malamyos na tinig nito. 
“Diwata Dalisay!”
“Ako nga Divina. Naparito ako upang paalalahanan ka sa nalalapit na pagdating ng araw. Nais kong ihanda mo ang iyong sarili. Mula umpisa ay nasubaybayan ko ang ginawa mong pag-aruga at pagpapalaki kay Gabriel at alam kong pinalaki mo siyang matatag, Dahil dito ay binabati kita dahil nagawa mo ng maayos ang iyong tungkulin, balang araw ay gagantimpalaan ka sa iyong ginawa.”
“Diwata Dalisay, ikinalulugod ko pong magsilbi para sa tribo.”
“Alam ko Divina. Sa araw ng kanyang kaarawan ay gusto kong ihanda mo ang lahat. Tipunin mo ang mga tagapaglingkod, sa araw na iyon ay babasbasan ko si Gabriel at doon ay gigisingin ko ang kanyang Espirito.
“Bakit napaaga po ata. Masyado pang Bata ang Apo ko.”
“Unti unti nang lumalakas ang Kadiliman, ito na ang tamang oras.” Muling tugon ng Diwata.
“Natatakot ako para sa aking Apo Diwata.”
“Huwag kang mag-alala dahil lagi akong nakabantay. Tandaan mo Divinaaaaaa………”


Biglang napabangon mula sa pagkakahiga si Lola Divina. Isang panaginip, nagpakita sa kanyang paniginip si Diwata Dalisay. Nililis niya ang Kumot na nakabalot sa kanyang katawan bago tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto upang puntahan ang kwarto ng Apo.
Mahimbing na natutulog si Gabriel habang pinagmasdan ito ng matanda, naupo ito sa gilid ng higaan ng kanyang apo at hinaplos ang mukha nito. Napabuntong Hininga si lola Divina bago tumayo at naglakad palabas ng Kwarto ng Apo. Muli niya itong nilingon bago tuluyang ipininid ang pinto. Nagtuloy siya sa Sala at nilapitan ang isang larawan, dinampot niya ito at matagal na tintigan bago hinaplos.
“Dumating na ang sandaling kinatatakutan nating dalawa Prinsesa Luna. Patawarin mo ako subalit hindi ko na mapipigilan ang nakatadhana.” Mahinang bulong ng matanda at tuluyang sumungaw ang butil ng luha sa kanyang mga mata.
Sabay sa pagpatak ng kanyang luha ay ang pag-ihip ng mahinang hangin, naramdaman ng matanda ang lamig na dulot nito at nagtayuan ang kanyang mga balahibo. Inilapag niya ang larawan bago nagtuloy sa Silyang kahoy at naupo. Ipinikit niya ang kanyang mga Mata kasabay ng pagbalik ng isang Alaala.

**********
Napasilip sa kanyang bintana si Aling Divina, nagtataka siya dahil sa biglang pagsungit ng panahon. Kaninang tanghali lang ay mataas ang sikat ng araw, subalit nakapagtataka ang biglang pagsungit ng panahon. Alas tres pa lang subalit tila mo ay Gabi na, makapal ang ulap sa bandang silangan at dinig ang manaka nakang dagundong ng Kulog at ang pagguhit ng liwanag na sanhi ng kidlat. Papalamig ng papalamig ang ihip ng Hangin. Nayakap niya ang kanyang sarili dahil sa lamig na dulot ng Hangin bago tuluyang isinara ang bintana.

“Susmaryosep, may bagyo pa ada. Wara manlan sin Anunsyo an pag-asa.” (susmaryosep, may bagyo pa ata. Wala manlang anunsyo ang pag-asa.) mahinang bulong niya sa kanyang sarili.
Agad niyang ikinandado ang pinto at nilagyan ng kalang ang mga bintana upang huwag mabuksan at pumasok ang ulan kung sakali. Saka siya nagmamadaling umakyat patungo sa kanyang kwarto. Mag-isa na lang siya sa buhay, mag-iisang taon na simula nang mamatay ang kanyang Asawa dahil sa isang malubhang karamdaman. Mabuti na lamang at malawak ang lupaing naiwan nito para sa kanya at sa tulong ng kanyang mga Kamag-anak ay nagagawa niyang magpatuloy sa Buhay.
Hindi pa man siya tuluyang nakakaakyat ng hagdanan ay naramdaman na niya ang malakas na hangin sa labas kasabay ang patak ng ulan sa kanyang bubong. Isang malakas na tunog na likha ng kidlat ang nagpaangat sa kanyang balikat, napaantanda siya at mabilis na umakyat sa hagdanan patungo sa kanyang silid. Lumuhod siya sa Altar na nasa kanyang kwarto at taimtim na nanalangin. Nasa kalagitnaan siya ng Pananalangin ng may maulinigan siyang isang tinig, napatigil siya at pinakiramdaman ang paligid, muli isang tinig ang kanyang narinig. Tumayo siya at lumabas ng kwarto, patuloy niyang naririnig ang isang tinig, Tinig ng isang babae na tila sumisigaw at humihingi ng tulong mula sa labas. Muli siyang napaantanda kasabay ng pangingilabot ng kanyang katawan, natakot siya bigla pero dala ng pagiging maawain ay gusto niyang alamin kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Mabilis niyang kinuha ang Kapote na nakasabit sa dingding ng kusina at mabilis na tinungo ang pinto. Pagbukas niya ng pintuan ay naramdaman agad niya ang malakas na Hangin kasabay ng patak ng ulan, nilinga-linga niya ang paligid upang hanapin ang pinagmumulan ng tinig.
“Sa banda ron.” Bulong niya sa sarili bago sinuong ang nagagalit na panahon upang tunguhin ang pinagmumulan ng tinig.
Sa may palayan nagmumula ang tinig, mabilis niyang binaybay ang bawat pilapil at hinawi ang mga hinog na Palay. Nanghihinayang siya sa mga Palay, ilang araw na lang at anihan na, ngayon pa dumating ng bagyo.
Nang marating ang pinagmumulan ng tinig ay nagulat siya sa nakita. Isang napakagandang babae ang duguan ang suot na putting damit at yakap ang isang sanggol habang nakahandusay sa putikan. Napakaganda ng babae na tila ay isa itong diwata, ang buhok nitong mahaba na kulay puti at ang mata ay bughaw. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, banyaga sa kanyang pandinig ang mga salitang binibigkas nito. Nang mahimasmasan sa pagkakabigla ay agad niyang dinamayan ang babae.
“Nano an nangyari?” agad niyang tanong kahit na hindi niya alam kong maiintindihan siya nito. Mabilis niyang inalalayan ang babae paupo, nagulat siya ng hawakan siya nito ng dalawang kamay sa kanyang magkabilang pisngi, isang malamig na pakiramdam ang agad bumalot sa kanya at nang mapatingin siya sa magandang babae ay nag-iba ang kulay ng buhok nito, biglang naging itim ang puting buhok nito.
“TABANG!!!! (tulong)” mahinang bigkas nito na tila nanghihina bago tuluyang nawalan ito ng malay.
“Aysus, Dyosko…” natatarantang bigkas niya. Mabilis niyang kinuha ang bata at ipinaloob sa kanyang kapote. “TABANGGGG!! TABANGI MAN NIYO AKO!! TABANG!!! (tulong, tulungan nyo ako)” paulit ulit niyang malakas na sigaw.
Maya maya ay naulinigan niya ang tila paparating, muli ay malakas siyang sumigaw upang humingi ng tulong. Naramdaman niya ang papalapit na mga tao, hindi niya kilala ang mga ito. Tingin niya ay mga mag-asawa ang mga ito. Tatlong lalaki at tatlong babae, tig-iisang kalong na sanggol ang mga babae, nang mapansin sila ng mga ito ay mabilis na dumulog ito sa walang malay na babae.
“Prinsesa!!!!” malakas na sigaw ng isang babae.

**********

Kinabukasan, nagising si Gabriel sa ingay na mula sa Sala. Bumangon siya at nag-iinat na tumayo at tinungo ang pinto. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya ng biglang salubungin siya ng isang malakas na tunog na malapit sa kanyang mukha. Napaatras siya at tila hinugot ang diwa sa pagkabigla. 

“Happy Bertday!!!” malakas na sigaw ni Jason habang malakas na tumatawa at hawak ang torotot na pinanbungad kanina.
“Gago ka Talaga!!!” naiinis niyang sigaw sabay habol sa kaibigan palabas ng kwarto.
Pagbungad niya sa sala ay napansin niya ang kanyang Ninang at ninong na Kausap ang kanyang Lola. Biglang Natahimik ang mga ito ng makita siya. Lumapit siya sa mga ito upang magmano.
“Ba’t ang Aga nyo ninang?”
“Pinag-uusapan namin ang Bertday mo Anak. Balak naming pagsabayin ang Bertday ninyong dalawa ni Jason para isang handaan lang. Total isang araw lang naman ang pagitan.’’ Paliwanag ng kanyang ninang
“Eh bukas pa yon diba?” tanong niya.
“OO nga apo, eh gusto namin eh maaga pa lang eh mapaghandaan na.” tugon naman ng kanyang lola
“Saka Party na rin ito para sa pagtatapos ninyo ng High School at Despedida para sa pagpunta nyo ng maynila.” Sagot naman ng kanyang Ninong.
“Ahhhh!!! Okey po.” Sagot niya habang pupungas pungas na tumuloy sa lababo upang maghilamos.
“NOY!! Noy!!” tawag sa kanya ni Jason na humahangos mula labas. 
“NOY!!” kinalabit siya nito ng hindi niya pinansin
“Noy naman kaaga aga eh nambabadtrip ka.” Naiinis niyang singhal dito.
“To, naman di na mabiro. Pero tingnan mo kung sino ang paparating!!” tila excited nitong sagot sa kanya.
“Sino ba yan?” nakasimangot niyang sagot sabay punta sa pintuan upang tingnan ang sinasabi nitong paparating.

Napakunot ang kanyang Noo nang maaninagan ang paparating na tinutukoy ng kaibigan. Si Abby kasama ang kanyang mga magulang.
“Anong ginagawa nila dito? Akala ko nasa maynila na sila?” nagtatakang tanong niya.
Nang lingunin niya ang kaibigan ay abot taenga ang ngiti nito. Tila masayang Masaya sa pagkakita kay Abby. Bigla niyang tinampal ang mukha nito.
PLAAAAKK!!
“Aray ko naman! Bakit ba?” tanong nito habang haplos ang mukha
Natawa siya dito sabay pasok sa loob at umupo sa lamesa upang mag-agahan. Sumunod naman sa kanya ang kaibigan na tila hindi mapakali.
“La! Anjan sina Mang Amado.” Tawag niya sa matanda habang binubuksan ang mga nakatakip ng agahan.

Dali daling tinungo ng Matanda ang pintuan at sinalubong ang paparating, kasunod nito ang kanyang ninong at ninang. Nagkatinginan silang dalawa ni Jason na nakaupo na rin sa kabilang silya at nagtitimpla ng kape.
“Anong meron?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan
“Malay ko.” Kibit balikat na sagot nito.
Napalingon siya sa labas at napansin niya na tila nagbubulungan ang kanyang lola at ang mga bagong dating, habang pasulyap sulyap sa kanya si Mang amado. Ipinagwalang bahala niya ito at ibinaling ang pansin sa kinakain. Maya-maya pa ay nakirinig siya ng isang tinig mula sa kanyang likuran.
“Gabriel, Happy Birthday!!” napalingon siya sa kanyang likod ng marinig ang pamilyar na boses.
Napatayo bigla si Jason ng Makita ang papasok na si Abby. Inayos pa nito ang kanyang buhok. Lumapit sa kanyan si Abby sabay abot ng dalang regalo.
“Para sayo. Happy Birthday.”
“Oi, Salamat. Kakahiya naman.” Sagot niya sabay abot sa regalo. 
“Buksan mo.’’
“Maya na lang para surprise.” Tugon niya. 
“Wait, kala ko nasa Maynila na kayo?” dugtong pa niya
“H-Hi Abby!” bati ni Jason dito na alanganing ngumiti at alanganing sumeryoso ang mukha. Nakatukod ang kamay nito sa isang upuan.
“Hi Jason.” Ganting bati ni Abby. “Nga pala Happy Birthday din. Sorry ha di ako nakabili ng regalo para sayo.” Tugon ni Abby na hindi nasagot ang kanyang tanong
“Okey lang yon. No Problem.” Sagot nito na tila nalukot ang mukha.
“Nag-almusal ka na ba?’’ tanong niya kay Abyy ng mapansin niya ang pagkasimangot ng mukha ng kaibigan.
“Hindi pa nga eh.”
“Halika, almusal ka muna.” Aya niya dito sabay hila ng isang upuan malapit kay Jason. Pagkaupo ni Abyy ay kininditan niya ang kaibigan.
“Ano bang gusto mo? Juice o kape?”
“Kape na lang, mahapdi kasi sikmura ko.” Tugon nito.
“Noy Kape daw.”tudyo niya sa kaibigan na nakatulalang nakatitig lang sa Dalaga.
Biglang natauhan si Jason at dali daling kinuha ang tasa at pinagtimpla ng kape ang kanyang Crush.
“Balita ko pupunta ka din daw nang maynila?” tanong ni Abby sa kanya.
“OO nga eh, kaming dalawa ni Noy.”Tugon niya sabay nguso kay Jason na abala sa pagtitimpla ng Kape.
Napatingin si Abby kay Jason kaya naman nagpakawala ito ng Pa cute na ngiti.
“Ah talaga, saan naman kayo tutuloy?
“Sa boarding House ng ninong ko, malapit lang daw iyon sa Eskwelahang papasukan namin.” Sagot niya
“Talaga? Saan naman yon? Saan pala kayo mag-aaral?” sunod sunod na tanong nito
“Para ka namang reporter kong makapagtanong.” Biro ni Jason na gustong makisabat sa usapan
Napangiti si Abby sabay hampas ng mahina sa braso ni Jason. “Tange, syempre gusto ko lang malaman.”
Napansin ni Gab na sumaya ang mukha ng kaibigan.
“Sa Pamantasan ng Lungsod ng maynila kami mag-aaral, PLM ba yun? Malapit lang iyon sa Boarding House ni Ninong sa Intramuros.
“Talaga!! Wow naman, sa Philippine Normal University lang ako. Magkalapit lang iyon.” Natutuwang sagot ni Abby.
“Talaga! Ayos, di pwede pala tayo magkita kita doon sa maynila.” Sagot ni Jason
“OO naman, kaso di pa kami makahanap ng matitirhan ko, malayo kasi yung bahay ng Tiyuhin ko sa papasukan ko. Nasa Cavite kasi yun, mga isang oras din ang byahe.”
“Gusto mo sumama ka nalang sa amin. Pwede ko kausapin si Ninong baka may bakante pang boarding house doon, total sabi mo malapit lang yun diba.” 
“Talaga! Di nga? Sure? Sige sige.” Sunod sunod at tila excited na sagot ni Abby.
Tiningnan niya si Jason na tila abot langit ang tuwa sa narinig. Alam niyang natutuwa ito na makakasama nila si Abby sa maynila.

“Gabriel. Maligayang kaarawan.” bati ni Mang Amado sa kanya nang pumasok ito kasama ang asawang si Aling Amalia, kasunod nito ang kanyang lola. 
“Salamat po.” Tugon niya
“Happy Birthday Gab!” bati din ni Aling Amalia sabay halik sa pisngi niya.
“Parang ang bilis lang ng panahon.” Muling tugon ni Aling Ando habang hawak ang dalawa niyang balikat.

Kahit nahihiwagaan si Gab sa mga nangyayari ay pinagkibit balikat lang niya ito. Bakit tila lahat ata ay concern sa kanyang darating na kaarawan.

Magtatanghali na nang maisipan niyang magpahangin sa likod ng kanilang bahay, nagtataasan ang mga puno sa bandang iyon kaya naman doon niya naisipang gumawa ng isang pahingahan. Mag-isa lang siya ngayon sa kanilang bahay, ang kanyang Lola ay isinama ng Kanyang Ninang sa Palengke. Humiga siya sa upuang yari sa kawayan at ipinikit ang kanyang mata, nasip niya anong Adventure kaya ang susuungin niya sa maynila? Ilang beses pa lang siyang nakakarating doon pero alam niyang isa iyong magulong lungsod. Humugot siya ng isang malalim na Hininga. 
“Bahala na.” sambit niya.

Isang malamig na hangin ang muling humaplos sa kanyang mukha, nagtayuan bigla ang kanyang mga balahibo kasabay ng isang mahinang tinig ang bumulong sa kanyang tainga. 

“Gabriiieeeeellllll!” malamyos na tinig na parang isang bulong.

Bigla siyang napamulat pero wala siyang nakita bagkos ay isang malamig na hangin ang muling humaplos sa kanyang mukha.

“Gabby!” bigla siyang napalingon sa pinanggagalingan ng tinig.. Si Abby pala, papalapit at may dalang isang supot.

“Oi Abby, kaw pala. Bakit?” tanong ko
“Nagdala ako meryenda, mag-isa ka nga daw dito sabi ni lola, nakasalubong ko kasi sa palengke.”
“Nagpapahangin lang, kaka boring kasi sa bahay. Buti dito naaaliw ako sa mga paligid.”
Inilapag ni Abby ang dala nyang supot at binuksan ang laman.
“Wow Biko.. Sarap naman. Sino may gawa?” Tanong niya sabay kuha sa biko
“Ako… Masarap ba?”
“Hindi masyado.”biro niya
“Anoh? Yabang nito..” nakasimangot na tugon ni Abby
“Joke lang, syempre masarap. Kaw may gawa eh.” Bawi niya
“Tsee, kaw na nga dinalhan, kaw pa nang okray. Nasaan nga pala si Jason?” tanong nito
“Kasama ata ng Tatay nya sa Bundok, ewan ko kung anong gagawin.” Tugon niya. 
“Aahh!! Kaya pala di kayo magkasama ngayon.” Tugon ni Abby sabay hawi ng kanyang makintab at mahabang buhok na inilipad ng Hangin.

Napangiti si Gab habang nakatingin kay Abby. Napansin niyang maganda pala ito sa malapitan at pag tinititigan ng matagal. Matangos ang ilong nito at mapuputi ang pantay na ngipin. Mahaba ang pilik mata at brown ang kulay ng mata, bagamat morena ito ay makinis ang mukha.
“Hoy.” Pukaw sa kanya ni Abby
“Bakit?” sagot niya
“May dumi ba ako sa mukha?”
Napangiti siya, kanina pa pala siya nakatitig dito ng hindi niya namamalayan.
“Hindi, kasi ngayon ko lang napansin na maganda ka pala.” Tugon niya
“Asus, Bolahin ba ako.”
“Di nga seryoso, ngayon ko lang napansin na maganda ka.”
“Alam ko matagal na.” biro ni Abby

Iyon ang isa sa mga ugali ni Abby, masayahin itong tao. Bagamat hindi niya ito noon ganun ka-close noong high school ay naging kaibigan naman niya ito at kabiruan.
“Kayo pa ba ni Raul?” tanong niya
“Bakit hindi naman naging kami ah.”
“Akala ko ba naging kayo?”
“Hindi ah!” madiin na pagtanggi nito. “Nanligaw lang siya ayon akala nang loko M.U. na kami kaya pinamalitang kami na. Ungas na yon.” 
“Ganun pala. Akala ko naging kayo.”
“Akala mo lang iyon, maraming namamatay sa akala.”
Napahalakhak siya sa tinuran ng dalaga.
“Ayos.” Nakangiti niyang turan
“Anong Ayos?” nagtatakang tanong ng Dalaga.
“Ayos, may pag-asa pa Kaibigan ko.” Tugon naman niya.
“Sino? Si Jason?” nakataas ang kilay ng tanong nito.
“OO, bakit di mo type?”
Hindi nakasagot si Abby, maya maya pa ay tumayo ito at naglakad palayo. “May iba kasi akong Type eh.” Tugon nito na sandaling tumigil.
“Ha! Sino?” tanong niya.
Lumingon ito sa kanya at tinitigan siya, paismid nitong inilabas ang kanyang dila sabay lakad palayo. Naiwang napapailing si Gabriel at napakamot sa ulo.

No comments:

Post a Comment