Biglang lumakas ang apoy at sabay na napatayo ang lahat, isang malakas ng pwersa ang biglang kumawala at malakas na hangin ang dagling dumaan, nagsigalawan ang dahon at sanga ng puno na nasa kanilang paligid. Isang nakakasilaw na liwanag ang gumuhit mula sa ulap kasabay noon ang paglitaw ni Diwata Dalisay, nakalutang ang mga paa nito sa Ere habang ang kanilang mga Anak ay nasa Tabi nito at nakalutang din. Napatayo ang lahat at sabay sabay na dumulog at inalalayan ang kani-kanilang mga anak sa paglapag habang wala pa ring malay ang mga ito.
Sa malumanay na boses ay muling nagsalita ang Diwata.
“Nawa’y tanggapin ng maluwag ng inyong kalooban ang lahat. Kakailanganin ng inyong mga Anak ang higit na pag-alalay ngayong tatahakin nila ang landas patungo sa kanilang tadhana. Kayo at wala nang iba pa ang siyang makapagbibigay ng lakas ng loob at tiwala sa kanilang kakayahan. Panahon para bumalik sila sa Kaliya, hinihintay na sila ng kanilang Daigdig.”
Habang nagsasalita ay dahan dahang umaangat si Diwata Dalisay at Dagling naglaho ito sa kanilang Paningin.
“APO!!” mahinang tawag ni Lola Divina sa kanyang apo habang haplos haplos nito ang mukha ng binata.
Napasinghap si Gabriel at biglang nagmulat ng mata. Inilinga nito ang kanyang paningin upang tingnan ang paligid.
“Lola.” Bulalas nito ng agad na napansin ang kanyang lola.
“Ako nga apo.”
“Ano po ang nangyari?” tanong agad nito sa matanda.
“Ayos na ang lahat Apo.” Masuyong sambit ng Matanda. “Huwag ka nang mag-alala.”
“Si Jason?” agad na hinanap ni Gab ang kaibigan at agad niya itong pinuntahan ng mapansin na wala pa rin itong malay.
Kalong ng kanyang Ninong ang kaibigan ng abutan niya ito. Napatingin sa kanya ang kanyang Ninong at ngumiti.
“Jason!” tawag nito sa kanyang kaibigan. Unti unting nagmulat ng mata si Jason at napatingin sa kanya. Agad itong napabalikwas ng bangon at nagpalinga linga.
“Tay..” nagtataka nitong sambit ng mapansin ang mga magulang. “Anong nangyari?”
Sabay namang nagising si Lyra at Abby at tulad ni Jason at Gabriel ay puno rin ng pagtataka at pagtatanong ang Mata ng mga ito. Nanaginip lang ba sila? Pero hindi, parang totoo ang lahat. Napayakap si Lyra sa kanyang ina at umiiyak sa takot, gayundin si Abby. Masuyo namang itong inalo ng kanilang mga magulang.
Nang mahimasmasan ang lahat ay agad na naupo pabilog at nakaharap sa apoy upang malabanan at Lamig na nanunuot sa kanilang mga katawan. Nasa gitna si Lyra ng kanyang mga magulang at nakasandal ang ulo sa balikat ng kanyang Ina. Si Abby naman ay Nakaupo habang yakap yakap ng kanyang ina. Habang si Jason ay nakatulala, lahat ay iniisip ang nagyari kanina, walang nais magsalita.
Tumayo si Don Enrico at tumikhim upang basagin ang katahimikan.
“Alam kong naguguluhan kayo at nagtataka sa mga nangyari, subalit nais kung ipaalam sa inyo na ang lahat ay hindi isang panaginip o isang imahinasyon. Ang lahat ng inyong naranasan ay totoo.”
Napatingin si Lyra sa mga magulang at tila nagtatanong. Napatango lang ang kanyang ina at hinawakan ang kanyang kamay.
“Mga Anak, panahon na para malaman ninyo ang tunay ninyong pagkatao, gayundin ang inyong mga magulang.” Pagpapatuloy ng Don habang tahimik lang na nakikinig ang lahat sa kanya.
Iniangat ni Don Enrico ang kanyang kamay at iniunat paharap. Sabay sa pagkumpas ng kamay nito ay biglang lumutang ang tubig mula sa sapa sa ibaba, napanganga si Lyra at Abby sa nakita. Kinusot ni Lyra ang kanyang mata at baka namamalikmata lang siya pero hindi siya dinadaya ng paningin. Lumingon ang Don sa kanyang pamilya bago nagsalita.
“Lyra, Anak! Ikaw din ay may kakayahang Manipulahin ang tubig. Ikaw at Ako ay makatulad ang kakayahan. Halika!” iniabot ng Don ang kamay sa Anak upang alalayan itong tumayo.
Nagdadalawang isip na sumunod si Lyra at tiningnan ang Ina, nginitian siya ng Ina at tumango, tanda ng pagsang-ayon. Muling pinalutang ni Don Enrico ang tubig at sandaling pinalutang sa ere.
“Isipin mo Anak, utusan mo ang tubig, damhin mo sa iyong puso.” Utos ng Don sa anak.
Nag-Concentrate si Lyra at naramdaman niya ang enerhiyang dumaloy mula sa kanyang puso patungo sa dulo ng kanyang mga daliri. Maya maya pa ay umangat ang tubig at nagawa na niya itong palutangin. Sa tuwa ni Lyra ay nawala siya sa Focus kaya bumagsak ang tubig sa Apoy na nasa kanilang gitna. Biglang nagdilim ang paligid ng mamatay ang Apoy.
Nagulat sila ng muli itong magliyab at mula sa kung saan at sunod sunod na maliliit na bolang apoy ang sabay sabay na lumipad patungo sa himpapawid. Biglang nagliwanag ang paligid at napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Mang Bayani, ang Ninong ni Gab at Tatay ni Jason.
“Whooohooowww!!! Tila batang sigaw ni Mang Bayani. “Tagal ko nang di nagagawa ito, Jason anak, halika!!” utos nito sa Anak.
Nakangiting nakatingin si Jason sa kanyang Ama. “Tay, Ikaw din?” mangha nitong tanong.
“OO naman, halika gayahin mo ako. Tulad ng sabi ni Don Enrico, utusan mo ang Apoy, damhin mo sa puso mo.”
Inuunat ni Jason ang dalawang kamay at nag-Concentrate, may mainit na pakiramdam siyang naramdaman at dahan dahan ay nabubuo ito sa kanyang mga Palad, biglang nagliyab ang kanyang dalawang palad at sa gulat at naipagpag niya ito.
Napangiti si Mang Bayani at hinawakan ang balikat ng Anak.
“Iyon ay simple pero importanteng Aral. Kung palagay mo ay kaya mo nang manipulahin ang apoy ay kaya pa rin nitong sunugin ka kong wala kang Kontrol dito. Marami nang Elemental ang namatay dahil lamang sa pag-aakalang ligtas na sila sa kanilang kapangyarihan. Sige Subukan mo uli.”
Muling nag-concentrate si Jason at dinama ang enerhiyang dumadaloy sa kanya. Bigla ay isang bolang apoy ang biglang kumawala patungo sa Ere, muling nasundan pa ito ng isa pa. Tuwang tuwa si Jason sa kanyang bagong kakayahan.
“Ako naman!!” sigaw ni Mang Amado na nakangiti.
Tumayo ito sa isang malapad na bato at ikinumpas ang kanyang kamay pataas, walang ano ano’y biglang umangat ang bato na tila nahugot mula sa lupa. Dumagundong ang paligid at nabiyak ang lupa sa ibaba ng burol, nakalutang na sa ere si Mang Amado sakay sa malaking bato.
“Abby Anak!! Kaya mo din ito, halika.”utos nito sa anak.
Biglang nabiyak ang batong nakalutang na sinasakyan ni Mang Amado, nagulat ito at nawalan ng balanse pero agad siyang nasalo ng umangat ang isang bahagi ng lupa. Napatingin siya sa Anak na nakangiti.
“Aba, ang bilis matuto ng Anak ko ah..” sabi nitong natatawa.
Nagkatawanan ang lahat at tila madaling natanggap ang kani-kanilang mga kakayahan. Napatingin ang lahat kay Gabriel na tahimik lang na nakamasid sa kanila at nanunuod. Ngayon lang siya nakadama ng kalungkutan sa kawalan ng Ama. Si Abby, Si Jason at Si Lyra, merong Ama na gagabay at magpapaintindi sa mga nangyayari.
Lumapit si Mang Bayani sa kanyang Inaanak at tinabihan ito sa upuan.
“Anong Problema anak?” nag-aalalang tanong nito.
Tumingin siya sa Kanyang Ninong at umiling bago tinapunan ng tingin ang kanyang lola. Buong pagmamahal siya nitong hinaplos sa buhok at hinawakan sa kamay. Ngumiti siya ay hinawakan ng mahigpit ang mga palad nito.
“Halika Anak!! Ikaw na lang ang hindi pa nagpapakita ng iyong kakayahan.” Aya sa kanya ng kanyang Ninong
Tumango ang kanyang Lola tanda ng pagsang-ayon kaya napailitan siyang sumunod sa kanyang Ninong. Naramdaman nito ang alinlangan sa kanyang puso kaya masuyo siya nitong inakbayan.
“Gabriel, alam kong nag-aalinlangan ka sa lahat. Pero lahat ng nilalang, kasama na ang mga tao ay dumaraan sa mga pagbabago na minsan ay hindi nila gusto. Subalit hindi naman sila nananatiling sawi diba? Masasanay ka rin, darating din ang araw na hindi ka na magdadalawang isip tungkol diyan. Huwag mong paglabanan, tanggapin mo at magiging mabuti ang lahat.” Paliwanag nito sa kanya.
Ngumiti siya tanda ng pagsang-ayon niya sa sinabi nito. Hinawakan nito at ginulo ang kanyang buhok.
“NOY!!” napatingin sila parehas sa kanilang likuran at napansin si Jason na papalapit sa kanila.
“NOY! Ayos to, astig.”tugon nito.
“Jason, mag-ingat ka sa paggamit ng iyong kakayahan, maaring makasakit o ikaw ang masaktan niyan.” Susog ng Ama nito.
“Opo Tay!” tugon nito.
Tinapik ni Mang Bayani ang Balikat ng Inaanak. “Ano handa ka na?” tanong nito.
“Tandaan mo ito Gab, ang pagmamanipula sa elemento ay katulad sa Paghinga kaysa sa pagsakay sa kabayo. Hindi ito kayang ituro sa iyo, dahil kusa mo itong nagagawa. Basta isipin mo, pakiramdaman mo, katulad ng kusang paggalaw ng iyong kamay, ang kusang pagkurap ng iyong mata.”
Pumikit si Gab at pinakiramdaman ang sarili, may malamig na pakiramdam na dumadaloy sa kanyang katawan, isang maginhawang pakiramdam na nagpagaan sa kanyang pakiramdam.Nang magmulat ay muntik na siyang mapasigaw ng mapansin na nakalutang nga siya sa ere. Nawala ang kanyang konsetrasyon kaya agad siyang bumagsak sa lupa. Tawa ng Tawa ang kanyang Ninong sa nasaksihan.
“Tandaan mo, wag mong pilitin ang iyong sarili, kusa mo itong magagawa.”
Tumayo si Gab at pinagpag ang dumi sa kanyang braso bago muling nag concentrate, inisip niyang umihip ang Hangin, marahan mula sa kanluran ay umihip nga ang hangin hanggang sa papalakas ito ng papalakas na nag-uugaan ang mga puno sa kanilang paligid. Inisip niyang tumigil ito sa sa isang iglap ay nawala ang malakas na hangin.
Napangiti siya at tiningnan ang kanyang mga Palad at pinakiramdaman ang enerhiyang dumadaloy. Ikinumpas niya ang kamay at nagpakawala ng mga maninipis at matatalim na hangin patungo sa mga puno, Buwal ang mga puno na tila dinaanan ng matatalim na Itak. Muli niyang inipon ang enerhiya sa kanyang kamay at muli ay nagpakawala siya ng isang Hangin, naghugis bilog ito ng mahigop ang mga dahon habang patuloy na paikot ikot ang mga dahon sa loob. Pinakawalan niya ito at tumama sa lupa, nauka ang lupa at nabuwal ang mga puno sa lakas.
Napatigil at napatingin sa kanya ang lahat. “Magaling, kita mo madali mong natutunang manipulahin ang hawak mong Elemento.” Tugon ng kanyang Ninong.
“Pero nais kong mag-ingat ka, wag mong gagamitin ito sa harap ng karaniwang tao, hindi nila pwedeng malaman na merong kang kakayahan, maaring pagbalakan ka nila ng masama para makuha ang iyong kakayahan.” Paalala nito sa kanya.
Inakbayan siya ng Kanyang Ninong at Inaya pabalik sa Camping Site nila. Naabutan nilang nakaupo ang lahat at inaantay sila. Agad siyang lumapit sa kanyang Lola at tumabi sa upuan nito. Paglingon niya ay nakita niyang nakatitig sa kanya si Lyra, Nginitian niya ito at gumanti naman ito ng isang ngiti. Napalingon siya kay Abby at napansin niyang masama at tingin nito sa kanya. Nginitian niya pero sumimangot ito at inilayo ang tingin sa kanya.
Muling Tumayo si Mang Bayani at nagsalita.
“ Ngayong alam na ninyo ang inyong mga kakayahan, nais kong magsanay kayo, hindi ko alam kong bakit maagang ginising ang inyong kakayahan pero batid kong may paparating na panganib sa inyong landasin. Hindi habang buhay ay nakasubaybay kaming lahat sa inyo. Darating ang araw na kakailanganin ninyong ipagtanggol ang inyong sarili, nais kong maging handa kayo.”
“Ngayong nagising na ang mga Espirito sa inyong katawan ay malamang sa nakarating na ito sa kaalaman ni Zandria. Nais kong mag-ingat kayo, huwag kayong magtitiwala sa kahit kanino. Protektahan ninyo ang bawat isa, kayo at wala nang iba pa ang siyang masasandalan ng bawat isa.”
“Sinong Zandria?” tanong ni Gab.
“Si Zandria ay alagad ng Dilim na pumapatay sa mga katulad nating may kakayahan, nais niyang maangkin ang lahat ng kapangyarihan bilang paghahanda sa nalalapit na pagtutuos nila ng liwanag.”
“Mas makabubuting huwag silang maghiwa-hiwalay hanggang sa muling pagpapakita ni Diwata Dalisay.” Tugon ni Lola Divina.
“Mas makabubuti pa nga.” Pagsang-ayon ni Donya Carmen
“Pero paano? Sa Makalawa na ang alis nitong dalawa papuntang maynila.” Tugon naman ni Aling Corazon, ang Nanay ni Jazon.
“Ako na ang bahala jan, ikukuha ko sila ng bahay sa Maynila na kanilang matitirhan.” Tugon ng Don
Napatingin si Gab kay Jazon, napakalaki ng Ngiti nito at kikindat kindat na tumingin din sa kanya.
*********
Nag-usap usap ang mga matatanda samantalang nakahiwalay naman ang apat . Nakaupo sila sa ituktok ng burol malayo sa mga matatanda. Nasa kanan ni Gab si Lyra at nasa Kaliwa naman si Abby, nakapagitna siya sa Dalawang babae habang si Jazon ay nasa kanan naman ni Abby. Ang Liwanag mula sa Bonfire ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kanila.
“Malalim yata ang iniisip mo” sambit ni Lyra sa kanya ng mapansin na wala siyang imik.
“OO, nahihiwagaan ako sa mga nangyari. Kahapon lang ordinaryo lang tayo Pero ito tayo ngayon, hindi ko alam kong anu tayo? Freak? Super hero? Engkantado?
“Bakit nagsisisi ka ba?” Tanong ni Abby sa kanya na tila mabigat ang tono
“Ewan ko? May dapat bang pagsisihan?” sagot niya na tiningnan sa mata si Abby.
Nakipagtitigan sa kanya si Abby pero kusa itong nagbaba ng tingin.
“Ano man ang mangyari, always remember na merong plan ang DIYOS para sa atin, hindi naman nya ibibigay kung hindi tayo nararapat na pagbigyan.” Sagot naman ni Jazon na nakatingin sa malayo sa rikit ng dilim.
Napatingin si Gab sa Kaibigan, ngayon lang niya narinig itong nagsalita ng makahulugan.
“OO nga pero sabi nga ni Spiderman, with great power comes with great responsibility.” Tugon
niya sabay pakawala ng isang buntong hininga.
“Wag mo munang isipin yan, lahat naman tayo binigyan nya ng powers, kaya lahat tayo may responsibility.” Masuyong tugon ni Lyra sabay sandal sa kanya at inihilig ang ulo sa kanyang balikat.
Hindi umimik si Gab, tama na muna sa ngayon ang alalahaning iyon. Marami pang tanong sa kayang isipan subalit alam niyang masasagot iyon sa mga darating na araw. Hinihintay niya ang muling pagbabalik ng Diwata, alam niyang ito lang ang makakasagot sa kanyang mga katanungan
No comments:
Post a Comment