Naalimpungatan
sa mahimbing na pagkakatulog si Angel nang maulinigan ang tila mahinang
ungol ng kanyang Lola, paglingon niya sa higaan nito ay napansin niyang
pabiling biling ito at tila binabangungot. Agad siyang bumangon at
mabilis na pinuntuhan ang kanyang Lola at inuga.
“Lola!! Lola!!!” tawag niya dito upang gisingin.
“Lolaaa!!” ulit niyang tawag sabay yugyug sa katawan nito.
Biglang balikwas sa higaan si Tandang Sela at pawisan.
“Lola!!” tawag pansin ni Angel dito.
Tumingin ang matanda sa kanyang Apo sabay haplos sa mukha nito.
“Dumating na ang araw.” Sabi nito sa kanyang apo.
Hindi
pinansin ni Angel ang sinabi ng kanyang Lola at tumayo ito upang kumuha
ng tubig. Ilang beses na ba niyang narinig ang mga kwento nito, tungkol
sa Kadiliman at kung ano ano pa. Pero alam niyang iyon ay likha lang ng
kanyang Lola, walang katotohanan at ayaw niyang paniwalaan. Pagbalik
niya at napansin niya ang hawak nitong isang maliit na baul na tila
lagayan ng mga Alahas.
“Ano ho iyan?” takang tanong niya dito sabay abot ng isang basong may lamang tubig.
Binuksan
ito ng kanyang Lola at inilabas ang isang kwentas na may Palawit
na Dyamante, ang loob nito ay may parang isang ulap na kulay puti.
Iniabot ito sa kanya ng kanyang lola.
“Ang Ganda nito La!” bulalas niya nang mahawakan ang kwentas. “Saan ho ito galing, bakit ngayon ko lang ata ito nakita?”
Itinaas
niya ito at hinawakan ng kanyang kanang palad ang nakapalawit na
dyamante, nanlaki ang kanyang mata nang mag-iba ang kulay nito, mula sa
puti ay biglang naging Blue ito. Buong pagtatakang napatingin siya sa
kanyang Lola.
Magaling
na manghuhula ang kanyang Lola, kilala ang mga ninuno nito na
nagtataglay ng kakaibang kakayahang makita ang hinaharap. Isa iyon sa
kakayahang namana ng kanyang Lola at alam niyang siya ang susunod sa
yakap nito. Ayaw man niya subalit batid niyang isa iyon sa kapalarang
hindi niya matatakasan. Siya man ay paminsan minsang kakaroon ng mga
kakaibang panaginip. Panaginip tungkol sa isang digmaan, sa mga Espirito
at sa kakaibang Mundo.
Matanda
na ang kanyang Lola, mahigit 60 years old na ito subalit kakikitaan pa
rin ng kalakasan ng katawan, bagamat ang buhok ay halos puti na.
Bata
pa lang siya ng umalis patungo sa ibang bansa ang kanyang Ama kaya sa
kanyang Lola siya naiwan, ang Ina niya ay maagang namatay dahil sa isang
Aksedente ng sumabog ang sinasakyan nitong bus habang pauwi galing sa
Trabaho. Walang makapag sabi kung paano ito sumabog subalit kagagawan ng
Terorista ang sinabi ng pulis.
Sa
isang liblib na lugar sa Cavite sila nakatira, malawak ang lupaing iyon
na pag-aari ng kanyang lola. Siya naman ay nasa ikalawang Taon na sa
Kolihiyo, bagamat sabi ng kanyang mga kamag-aral ay maganda naman siya
pero wala pa rin siyang nagiging Boyfriend, karamihan ay naiilang sa
kanya at ang iba naman ay takot lalo na pag nakakaharap ang kanyang
Lola. Maraming nanliligaw sa kanya pero wala sa mga ito ang nagugustuhan
nya.
“Mamaya, pupuntahan natin ang iyong Tiyo Eliseo, kailangan ko siyang makausap.” Sabi nito
Si
Tiyo Eliseo ay Kamag-anak rin ng kanyang Lola, isa itong Albularyo at
tulad din ng kanyang lola ay may kakaiba din itong kakayahan, subalit
hindi tulad ng kanyang Lola, si tiyo eliseo ay may angking galing sa
panggagamot.
**********
Mag-aalas
Diyes ng umaga nang tumulak sila upang tunguhin ang Lugar ng kanyang
Tiyo, mga Isang Oras din ang byahe at tatlong sakay ang kilangan upang
makarating doon. Nasa Liblib na lugar iyon at bundok na malapit sa
Tagaytay kaya naman ilang minutong lakaran din upang marating ng
tuluyan.
Naabutan
nilang Puno ng mga Taong nais magpagamot ang bakuran nito, malawak at
maaliwalas ang lugar ng kanyang Tiyo, napapalibutan ng mga Puno at mga
Bulaklak ang paligid.
Malayo pa lang ay natanaw na sila ni Tiya Tale ang Asawa ng kanyang Tiyo.
“Lola Amor..” tawag nito sa kanila. “ Seo, andito sina Lola.” Dinig nilang tawag nito sa asawa.
Sinalubong sila nito at agad naman nagmano si Angel dito. “Mano po Tyang.”
“Kaawaan ka ng Diyos Iha.. Naku.. ang ganda ganda naman nitong Apo ko.” Sabi nitong sabay haplos ng mukha ni Angel.
“Lola, bat napasugod kayo.” Baling nito kay Lola Amor bago inalalayan ang matanda at inakay patungo sa loob ng Bahay.
Pagkapasok
nila ay inilinga ni Angel ang kanyang paningin sa loob ng bahay.
Maganda ito na napipinturahan ng puti at green, maaliwalas sa paningin.
Kabaligtaran sa mga nakikita niya sa Tv na bahay ng mga Albularyo na
barong barong at puno ng kung ano anong nakasabit. Bata pa siya ng huli
siyang isama ng kanyang Lola dito. Giliw na giliw ang kanyang Tiyang sa
pag-iistima sa kanila, palibhasa ay wala itong Anak kaya galak ito ng
makita si Angel.
“Lola Amor.” Pansing tawag ni Eliseo ng pumasok at magmano sa kanyang Lola.
Napatingin ito kay Angel at tila natigilan. Lumapit dito si Angel at Nagmano.
“Ito
na ho ba si Angel? Aba’y dalaga na pala ano?” tugon nito bago umupo sa
tabi ng matanda at nagsalita. “Ano ho ba ang Okasyon at napasugod kayo
rito.”
Imbes
na sumagot ay tumingin si Lola Amor kay Angel bago binuksan ang dalang
bag at inilabas ang isang maliit na kahon at binuksan. Mula doon ay
kinuha nito ang kwentas na dyamante at nanlaki ang mata ng lahat ng
mapansin itong kumikislap. Ang usok na nasa loob nito ay tila gumagalaw
at nagpapakawala ng kulay blue na liwanag. Iniunat ni Ingkong Kulas ang
kanyang kamay at nakatulalang hinawakan ang Dyamante bago tumingin sa
matanda.
“Kung
ganun…..” hindi nito naituloy ang sasabihin at napatingin sa kanyang
asawa na manghang nakatingin din sa mga nangyayari.
Tumango si Lola Amor tanda ng pagsang-ayon sa kung ano man ang sasabihin sana ni Inkong Kulas.
Tumayo
ito at agad na nilapitan ang kanyang asawa. “Tale, pauwiin mo muna ang
mga Tao, sabihin mo may mahalagang bagay lang tayong gagawin. Abisuhan
mo na rin sina Mang Sacarias at Mang Juanito. Sabihin mong may
importanteng bagay tayong pag-uusapan at kailangan nilang pumunta ng
balwarte.”
Tumango
si Tiya Tale at agad na tumalima, mula sa loob ay dinig nilang
nagsalita ito sa mga taong naghihintay sa labas ng kanilang bahay.
Tahimik lang na nakamasid si Angel sa mga nagaganap, bagamat
nahihiwagaan ay hindi lang siya umimik. Si Mang sacarias at mang Juanito
ay isang Albularyo din tulad ng kanyang Tiyo. Muling binuklat ni Lola
Amor ang kanyang dalang Bag at inilabas ang librong itim at iniabot sa
kanyang Tiyo. Napabungtong hininga ito bago kinuha ang librong itim sa
mga kamay ni Lola amor at tumingin kay Angel.
“Lola ano ho ba ang nangyayari?” hindi na nakatiis at nagtanong na si Angel sa kanyang Lola.
Tumingin si eliseo kay Lola na tila nagtatanong bago nagsalita.
“Kumain
muna tayo, alam kong pagod kayo sa Byahe patungo rito. Mabuti na la-ang
at maagang nakapagluto si Tale.” Wika nito bago tuluyang tumayo at
nagtungo sa kusina.
“Sya
nga po pala, kumusta naman daw si Ramon sa Abroad lola?” dinig nilang
tanong nito mula sa kusina na ang tinutukoy ay ang Ama ni Angel.
“Ay
naku, ayon at parang nawiwili na ata tumira sa ibang bansa, kung hindi
nga lang nag-aaral itong si Angel ay malamang na matagal na kaming nag
migrate doon.” Tugon ni Lola dito na tumayo na rin upang tunguhin ang
kusina.
Naiwan
si Angel sa Sala, nilinga niya ang paligid, maaliwalas sa pakiramdam
ang huni ng mga ibon, malamig ang simoy ng Hangin na nagmumula sa gubat
na nasa likod ng bahay, may naririnig siyang tila tunog ng tubig na
rumaragasa. Matama niya itong pinakinggan at nagkunot ang Noo.
“Tubig nga, marahil ay may malapit na sapa sa lugar na ito.” Bulong
niya sa kanyang isip at nilingon ang pinanggagalingan ng tunog, sinipat
niya ang paligid at may naramdaman siyang kakaiba, bumilis ang tibok ng
kanyang puso at ang kanyang paningin at tila sa isang iglap ay
naglakbay siya patungo sa gubat at nakita niya ang isang water Falls.
Bigla siyang napapilig at biglang tila hinugot ang kanyang diwa. “Anong nangyari?” bulong niya sa sarili. Naglakbay ang kanyang diwa at nakita niya ang water Falls pero hindi naman siya umalis sa kinauupuan.
Naputol
ang kanyang pag-iisip ng biglang pumasok si Tale at may kasamang
Tatlong hindi pamilyar sa kanya. Isang babae na nasa mga Singkuwenta ang
Edad at Dalawang lalaking malapad ang katawan at palagay ni Angel ay
hindi nalalayo ang edad kay Tiyo Eliseo. Agad na napatingin sa kanya ang
mga ito ng makita siyang nakaupo sa Sala at nagpakawala ng ngiti.
Gumanti naman siya sa mga ito ng ngiti. Hindi niya alam pero magaan ang
loob niya sa mga ito kahit ngayon pa lang niya nakikita.
“
Seo! Andito na sina Mang Sacarias at Mang Juanito.” Tawag ni Tale sa
asawa at nagtuloy patungo sa kusina upang tunguhin ang asawa.
Pumasok
ang Tatlo at naupo sa Silyang nasa sala. Ang babae ay tumabi kay Angel
at ang dalawang lalaki ay sa kanyang Harapan.
“Kumusta ka na iha?” bungad na tanong sa kanya ng babae.
Ngumiti si Angel bago nagsalita. “Mabuti naman po.” Sagot niya.
“Dalia!! Ikaw ba iyan?” wika ni Lola Amor at lahat ng mata ay napatingin sa kanya.
“Lola
Amor!!!!” natutuwang bigkas ni Aling Dalia at napatayo at sinalubong si
Lola Amor na mula sa kusina. Kasabay na lumabas na rin si Ingkong
Kulas.
Tumayo
si Mang Sacarias at Mang Juanito at agad na binati at nagmano sa
Matanda. Nakatingin lang si Angel sa mga nagaganap, natutuwa siyang
makita na marami pa palang kamag-anak ang kanyang Lola. Bumaling sa
kanya ang mga ito at ipinakilala siya ng kanyang Lola, Tama nga ang
kutob niya, mga kamag-anak ng kanyang Lola. Kaya pala unang kita niya ay
magaan ang kanyang loob sa mga ito.
Pakapananghalian ay agad na tumulak ang Grupo patungo sa Gubat na nasa likuran lamang ng Bahay ni Ingkong Kulas.
“Saan ho tayo pupunta Lola?” nagtatakang tanong ni Angel.
“Sa Balwarte Iha.” Sagot ni Aling Dalia na nasa likuran lang nila
“Balwarte ho?” kunot Noong balik Tanong niya.
Bagamat
nagugulumihanan ay hindi na muling nagsalita si Angel. Batid niyang may
kakaibang magaganap, mararamdaman niya iyon, hindi niya alam kung paano
pero mararamdaman niya. Kung siya ang susunod sa yapak ng kanyang Lola
ay dapat lang siguro na malaman niya lahat lahat ng dapat niyang
malaman.
Nagtataasan
ang mga Puno sa bahaging iyon ng gubat, bagamat hindi masukal ay
makikitang ang paligid ay nababalutan ng mga lumot at mga baging na
nakalaylay sa mga puno. Naglalakihan ang mga halamang ngayon lang nakita
ni Angel, ang mga dahon nito ay malalapad at sa itaas ng mga puno ay
napapansin ang mga Orchids na nagkalat. Habang tumatagal ay papalakas
ang tunog ng Tubig. Nauuna si Tiyo Eliseo habang inaalalayan naman ni
Aling Dalia at Tale si Lola Amor, kasunod naman si Angel at si Mang
Juanito at nasa hulihan si Mang Sacarias. Ilang minuto lang ay narating
nila ang isang napakagandang Water Falls. Malinaw ang tubig na umaagos
at banayad na bumabagsak mula sa mataas na bahagi. Palagay niya ay
kasing taas ito ng Limang palapag na bahay at katulad na katulad ng
nakita niya kanina sa kanyang Imahinasyon.
“Weird!
Ito yung water falls kanina ah! Kung ganun hindi lang iyon isang
imahinasyon lang. Pero paano? Paanong nakita niya ito kanina sa kanyang
isip habang nakaupo siya. Habang tumatagal ay nagiging werdo na siya. Kaya walang gustong nakipag kaibigan sa kanya dahil sa kanyang….
“Angel.”
Naputol ang kanyang pagmumuni ng tawagin siya ni Aling Dalia. Nang
iaangat niya ang paningin ay napansin niyang silang dalawa nalang ang
natitira.
“Asan sila?” takang tanong niya.
“Halika!”tugon
ni Aling Dalia at Iniabot ang kanyang Kamay upang alalayan si Angel
paakyat sa isang mataas na bahagi. “Andito sila.” Tugon nito at nagtuloy
tuloy patungo sa gilid ng water falls.
May
mga apakang bato na malapad patungo sa gilid ng waterfalls at nang
makalapit sila ay nakita ni Angel ang isang tila lagusan patungo sa
likod ng falls. Pumasok sila sa lagusan at doon ay isang maliit na
bukana ng kweba ang tumambad sa kanila.
“Kweba sa likod ng waterfalls?” sambit niya.
Sumunod
siya kay Aling dalia papasok sa kweba, may hagdanan ito pababa at sa
dingding ay may mga sulong nakasindi upang magbigay liwanag sa daraanan.
Binaybay nila ang hagdanan pababa at nang marating ang dulo ay namangha
si Angel sa nakita. Malawak ang loob nito na tila isang kampo. Makinis
ang bawat dingding ng kweba na halatang ginawa ng kamay at hindi ng
kalikasan. Sa gitna ay may isang malaking mesang gawa sa kahoy at sa
isang tabi ay isang Bato na Flat ang ibabaw ay nauukitan ng mga simbolo
na hindi maintindihan ni Angel. Pabilog iyon at sa gitna ay may mata at
paikot sa mata ay ibat ibang simbolo na nakasulat sa Alibata.
Nakita
niyang nakaupo na sa Silya na nasa paikot na Mesa sina Lola Amor, Tiya
Tale, Mang Juanito at Mang Carias. Si Tiyo Eliseo ay nakatayo at hawak
sa kamay ang dyamante. Lahat ay nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga
si Tiyo Eliseo bago nagsalita.
“Angel,
anak! Batid kung nahihiwagaan ka sa mga nangyayari subalit, ang lahat
ng iyon ay dahil sa unti unting pagbabago sa iyong katauhan.” Sabi nito
na ipinag kunot Noo ni Angel.
“Ganito
Anak.” Dugtong nito na ngayon ay lumapit sa kanya bago muling
nagsalita. “Ngayong dumating na ang takdang oras ay nais naming malaman
mo ang iyong tunay na pagkatao.” Sabi pa nito na tumingin kay Lola Amor
na tila nagpapasaklolo. Nakataas naman ang kilay ni Angel at nakakunot
ang Noo. Hindi nya pa rin niya makuha ang gustong sabihin nito.
Hinawakan
ni Aling Dalia ang balikat ni Eliseo at tinanguan. Naintindihan naman
iyon ni Eliseo at naupo. Tumingin si Aling Dalia sa kanya at nagsalita.
“Sinasabing
libong taon na ang nakaraan ng maganap ang digmaan sa pagitan ng Dilim
at ng Liwanag. Nagwagi ang liwanag at nagapi ang dilim… Nagapi subalit
hindi nawasak… Upang protektahan ang Daigdig sa muling pagbabalik ng
dilim ay limang makapangyarihang bagay ang nalikha sa anyo ng mga
simbolo.” Wika nito.
Napatingin
si Angel sa mga nakaupo. Isa lang ba iyong biro, o isa lamang likhang
kwento. Napansin niyang seryoso ang mga ito at muli siyang tumingin kay
Aling Dalia. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago
nagsalita.
“Ang
mga simbolo ng nagtataglay ng mga makapangyarihang bagay ay kailangan
nang matagpuan. At tanging ang Lipi natin ang naatasang magbantay at
maghanap ng simbolo.” Tugon pa nito.
“Bakit nyo ho sinasabi sa akin yan?”
“Dahil
ikaw ang nakatadhanang maghanap at bumuo ng limang simbolo anak.” Sagot
ni Lola amor na ngayon ay nakatayo.
“Pero bakit ho ako? Bakit hindi si Tiyo Eliseo? O si Mang Carias? O si Mang Juanito?” nagtataka niyang tanong
“Dahil
ikaw ang napili ng Dyamante.” Tugon ni Lola. “ Sa loob ng mahabang
panahon ay inabangan namin ang pagliwanag ng dyamanteng AYURA. Ilang
henerasyon na rin ang nagdaan subalit hindi ito nagparamdam. Sa Gabi ng
iyong kapanganakan ay nagliwanag ito at naglaho mula sa maliit na baul
at nang matagpuan namin ay nasa iyong leeg. Palatandaan na ikaw ang
napili nito.”
“Pero….. Lola…..” nagugulumihanang hindi makapagsalita si Angel.
Bago
pa man niya maipagpatuloy ang sasabihin ay isang kakaibang pangyayari
ang naganap. Isang liwanag ang pumuno sa loob ng kweba, naiharang ni
Angel ang kanyang kamay sa kanyang mata at mahigpit na ipinikit ang
kanyang mga mata subalit nakikita pa rin niya ang ningning ng liwanag.
Isang tinig ng babae ang kanyang narinig na tumatawag sa kanyang
pangalan. Unti unti ay ibinukas niya ang kanyang mata at mula sa kung
saan ay isang pigura ng babeng nakaputi at nakalutang sa ere ang kanyang
nakita. Mangha siyang nakatitig dito at muli ay narinig niya sa kanyang
isipan na nagsalita ito.
“Anak,
maligayang pagbabalik. Ako si diwata Dalisay, ako ang Espiritong
gumagabay sa lahat ng Liping Kaliyanon na Nananahan dito sa Daigdig ng
mga Tao. Huwag kang magulumihanan, ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw
ang napili ng Dyamate at nakatadhanang bumuo ng limang mahiwagang Bagay.
Wag kang matakot dahil ang tulong ay darating. Sa ngayon nais kitang
basbasan upang iyong tanggapin ang Espiritong Gagabay sayo patungo sa
iyong paglalakbay..”
Bawat
salita ng mahiwagang diwata ay nanunuot sa kanyang damdamin, malumanay
ang bawat salita nito at nakakapag panatag ng kalooban. Napansin niya
ang Dyamanteng nakalutang sa kanyang harapan, at ang usok na nasa loob
nito ay lumabas mula sa dyamante at pumasok sa kanyang katawan.
Naramdaman niya ang malamig at maginhawang pakiramdam.
“Ito ang Espiritong Ayura. Taglay mo ngayon ang kakayahang makita ang mga bagay na hindi nakikita ng pangkariwang nilalang.” Bigkas
ng mahiwagang diwata at bigla itong naglaho, kasabay nito ang pagkawala
ng liwanag sa buong silid. Biglang nagdilim ang kanyang paligid at
nawalan siya ng Malay.
“Angel!!! Angel!!” dinig niyang tawag sa kanya mula sa kawalan. “Angel!!” ulit pang tawag at napasinghap siya.
Hinugot
mula sa kawalan ang kanyang diwa at pagmulat niya ay nakita niya ang
kanyang Lola na kalong siya at nakahiga siya sa Lupa.
“Lola,
anong nangyari.” Tanong niya sa kanyang Lola at napalingon siya sa
paligid. Wala na ang liwanag at ang mahiwagang babae. Nakatulog ba siya?
Nanaginip? Nakapa niya ang kanyang dibdib at suot na niya ang Kwentas.
Kulay puti na ito at wala na ang Ulap na nasa loob nito.
“
Lola, ang babae! May nakita akong Babae!” imbes na magtaka ay napansin
niyang nakangiti ang kanyang Lola pati na rin sina Aling Dalia at Tiya
Tale na nakatanghod sa kanya at nakapaikot sa kanila.
Bumangon siya at tumayo habang inaalalayan ni Aling Dalia at ng kanyang Tiya.
“Halika Anak.” Dinig niyang tinig sa kanyang isipan. Sabay na napalingon ang lahat sa may lamesa. “Halika anak, lumapit ka.” Nagtaka siya ng mapansing hindi bumuka ang bibig ni Tiyo Eliseo pero narinig niya itong nagsalita.
“Isa iyon sa kakayahan natin Anak.” Napalingon siya sa kanyang Lola at ito man ay nagsasalita sa kanyang isipan..
“ Paanong?” tanong niya sa isip
“Nang
tanggapin mo ang basbas ay lumabas ang iyong kapangyarihan, at iyon ay
ang makausap mo kami sa iyong isipan.” Dinig niyang salita ni Aling Dalia sa kanyang Isipan.
“Ngayong
nasa iyo na ang Espirito ay kailangan mo nang tuparin ang nakatadhana
at iyon ay ang buoin ang limang simbolo. Hindi ko alam kung bakit
maagang ginising ang iyong kakayahan, maaring bata ka pa para sa misyong
ito pero iyon ang nakatadhana. At kailanagn mong tuparin iyon.” Muling salita ni Tiyo Eliseo.
“Pero, hindi ko alam kung paano hanapin ang mga sinasabi ninyong simbolo.” Tugon niya.
“Nakasulat sa librong ito.” Tugon nito at binuklat ang librong itim.
Napansin niyang blangko iyon at walang nakasulat.
“Pero wala nama hong nakasulat.” Sagot niya.
“Tanging
ikaw lang ang makakakita ng nakasulat dito, isa iyon sa kapangyarihan
mo. Ang makita ang mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata.”
Sagot ni Lola Amor.
Lumapit
siya at kinuha ang libro, tinitigan niya ito at bigla ay may lumitaw na
mga Letra. Napatingin siya sa mga kasamang nakatayo sa kanyang harapan
na tila naghihintay na basahin niya ang nakasulat. Muli ay ibinalik niya
ang tingin sa libro at hinipo iyon. Tuluyang lumitaw ang nakasulat.
Ibang lengwahe iyon pero sa pagtataka niya ay naiintindihan niya ang mga
iyon.
“Weird, kailan pa ako natuto ng ibang salita. Isa din ba iyon sa aking kakayahan?”
Binasa niya ng malakas ang nakasulat upang marinig ng lahat.
“Limang
Dyamante ang Ginawa upang magdala ng kapangyarihan ng liwanag. Mula sa
Dyamante ng Buhay, Dyamante ng Kamatayan, Dyamate ng Liwanag at Dyamate
ng Kadiliman, Subalit ang ikaanim ay kailangang dalhin sa pamamagitan
ng…….” napatigil siya sa pagbabasa at napatingin muli sa mga kasama
niya.
“sa pamamagitan ng?” tanong ng kanyang Lola.
“ Sa pamamagitan ng Espirito ng Tao.” Sagot niya.
Nagkatinginan ang lahat at tila naguluhan bago niya itinuloy ang pagbabasa.
“Ang
mga Dyamante ay nakatago at pinaghiwa-hiwalay sa magkakaibang dimensyon
sa pamamagitan ng mga simbolo at tanging ang taong pinili ng Dyamate
ang makakahanap nito.”
Isinara
niya ang Libro at napa buntong hininga. Bakit parang ang bigat ng
nakatadhan sa kanya, paano kung hindi niya mabuo ang limang dyamante at
paano kung hindi niya kayanin.
“Magtiwala
ka Anak. Ikaw ang napili ng Espirito.” Dinig niyang wika ng kanyang
Lola. Nabasa nito ang kanyang iniisip
wala na bang kasunod dito chapter 9??
ReplyDeletehttps://saglamproxy.com
ReplyDeletemetin2 proxy
proxy satın al
knight online proxy
mobil proxy satın al
SHXTLJ