Tuesday, May 29, 2012

Chapter 4: Spirits and the Elementals


Kinabukasan ay tinanghali ng gising si Gab. Pagbangon niya ay nanibago siya sa nararamdaman, bakit tila napakagaan ng kanyang pakiramdam. Naisip niya baka epekto lang iyon ng saya na naramdaman niya kahapon. OO nga pala kahapon, Si Lyra at siya. 
Maaliwalas ang kanyang pakiramdam na lumabas ng kwarto at nagtuloy tuloy sa lababo upang maghilamos. Pakahilamos ay tinungo niya ang lamesa at binuksan ang mga nakatakip na almusal, muli niya itong isinara at hinanap ang matanda.
LA!!” tawag niya “LOLA!” ulit niyang tawag pero walang sumasagot
Tinungo niya ang hardin sa pagbabakasakaling nagtatanim ito pero wala siyang nakita.
“Saan napunta ang iyon.” Takang tanong niya.
Inikot niya ang buong paligid pero hindi niya ito nakita. Pumasok siya sa loob ng bahay at nagtuloy sa kusina upang mag-almusal, naisip niya baka pumunta ng bayan upang bumili ng ihahanda sa kanyang kaarawan. Hindi niya maintindihan kong bakit kailangang paghandaan ng todo ang ikalabing pitong kaarawan niya.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng maulinigan ang matanda na paparating agad siyang tumayo upang salubungin ito. Nagtaka siya ng Makita ang dala nitong maliit na baul na tila lagayan ng mga Alahas..
Saan kayo galing La? Saka ano yan?” sabay turo niya sa baul na dala nito.
“Apo, mabuti at gising ka na.” tugon nito.
“Ano ho yan?” ulit niyang tanong
“Mga mahalagang gamit. Para sayo ito apo.” Sagot nito.
“Para ho sa akin? Galing Kanino?” tanong niya habang inaabot ang baul para tulungan ito.
“Galing sa iyong ina. Iniwan niya ito sayo bago sya mamatay, bilin niya ibibigay lang ito sayo sa pagsapit ng iyong ikalabing pitong kaarawan.” Sagot ni Lola
“Ha! Ano ho kaya to?” 


Inalalayan niya ang matanda patungo sa Sala at sabay silang naupo sa Sofa.Binuksan niya ang Baul at inilabas ang mga laman. Isang Librong nababalutan ng manipis na tela na kulay puti at may taling lubid na kulay ginto. Isang kwentas na pilak at may palawit na maliit na Dyamante na tila may ulap sa Loob.
“Ang kwentas ni Inay, ito ang suot niya sa larawan!” Bulalas niya ng makita ang kwentas. 
“Sa aklat na ito nakatala ang mga huling araw ng iyong ina. Gusto niyang ikuwento sayo ang lahat kaya isinulat niya sa librong ito. Lahat ng detalye hanggang sa iyong ama ay nakatala dito Apo.”
Kinuha ni Gab ang libro at tinanggal ang Tali, napaluha siya ng buklatin ang unang pahina ng libro at mabasa ang nakasulat.

Sa aking pinakamamahal na anak,

Agad din niya itong itiniklop at hinaplos haplos ang pabalat ng libro bago inilapit sa kanyang dibdib.

“Isuot mo ito Apo. Ito ang palatandaan ng iyong pagkatao.” Tugon ni Lola Divina habang isinusuot kay Gab ang kwentas.
“Ang Ganda Lola.” Tugon niya habang hawak at tinititigan ang Diyamanteng palawit.
“Oh sya, ako’y maghahanda na ng mga Dadalahin natin.” Tugon ng matanda sabay tayo at tinungo ang kusina.
“Dadalhin ho saan?” takang tanong niya sabay tayo upang tunguhin ang kusina upang tulungan ang kanyang Lola.
“OO nga pala, hindi ko pa nasasabi sa iyo, mag cacamping tayo kasama sina Don Enrico at ang iyong Ninong at Ninang. Doon natin ipagdiriwang kaarawan mo Apo.”
“Camping ho? Saan naman?”
“Sa Gubat, pumunta na doon si Ninong mo at inihanda na ang mga gagamitin natin.”
“Lola, bakit sa gubat? Delikado doon balitang maraming kababalaghan na nagyayari doon.” Nag-aalala niyang tugon.
“Hayaan mo na Apo. Pagbigyan mo na, kaya nga aalis tayo ng maliwanag pa para hindi tayo abutin ng dilim.”
Sabagay, magkikita naman sila ni Lyra doon kaya okey na sa kanya yun.

Maghahapon na ng tumulak sila papunta ng bundok. Kasama nila ang kanyang Ninang upang umalalay sa kanyang Lola, Nauuna ang mga ito habang nakasunod naman siya at bitbit ang ibang pagkain, Todo ang kanyang Kaba dahil maraming nabalitang pumasok sa lugar na ito pero wala sa katinuan nong lumabas, tiningnan niya ang dalawa pero kalmado lang ang mga ito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad, napansin niya ang mga naglalakihang puno na tila mo ay nakayakap sa isat isa, Ni walang sinag ng Araw O buwan ang kayang tumagos sa bahaging iyon, Mga baging at Damo ang wari ba’y nag-uunahang umakyat sa taas ng puno. Wala ka nang ibang marinig kundi mga kuliglig at panaka nakang huni ng ibon.

Sa wakas ay narating nila ang Camping site na ginawa ni Don Enrico, nakatayo na ang mga Tent ay may Apoy na sa Gitna. Nasa tuktok iyo ng isang burol sa gitna ng gubat, sa ibaba ay may isang maliit na ilog, maaliwalas at maliwanag ang paligid, may mga tumutubong maliliit na bulaklak sa damuhang nakalatag sa lupa. Sa paligid ng Apoy ay may apat na batong bilog na malapad at may nakaukit na apat na simbolo. Naghihintay na sa kanila sina Don Enrico, Donya Carmen, Mang amado at ang asawa nito at ang kanyang Ninong. 

Napansin agad sila nina Mang Amado at agad silang sinalubong.
“Buti nakarating agad kayo. Hindi ba kayo nahirapan?”
“Naku, malakas pa ito.” Biro ni Lolo Divina sabay haplos sa kanyang tuhod.
Agad siyang nakita ni Lyra at patakbo itong lumapit sa kanya.
“Happy Birthday!” Masaya nitong bati sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.
“Thanks!” matipid niyang tugon na nakangiti.

Paglingon niya sa paligid ay nakita niya si Jason at Abby na nakatingin at nanlaki ang Mata. Sa isip niya ay nahuhulaan na niya ang nasa isip ng mga ito. Agad niyang inilapag sa mesang kahoy ang dala nilang pagkain at lumapit sa dalawang nakatingin, kusang kumapit sa kanyang braso si Lyra at sumabay sa kanya. Napansin agad niya ng tila nakasimangot si abby at nakatingin sa kanya.
“Kanina pa ba kayo?” tanong niya sa dalawa.
“Hi Jason, Hi Abby!” bati ni Lyra sa dalawa.
“Hi lyra, kumusta.” Nakangiting sagot ni Jason at muling tumingin kay gab at kumindat.
“HI!” matipid namang sagot ni Abby at walang imik na naglakad palayo.
“Ay, may sumpong!”
“Abby!” tawag ni Jason dito pero hindi ito lumingon. “Ano problema non?”
Hindi umimik si Gab, hindi man sabihin ay tila alam niya ang dahilan. Biglang nakaramdam siya ng Guilt sa sarili.
“Sundan mo.” Bigla niyang nasabi kay Jason.
Napakamot sa ulong agad tumalima ang kaibigan sa sinabi niya.
Masayang nagkukuwentuhan ang lahat habang nakadulog sa mesang kahoy, puno ito ng pagkain na dala nila. Masaya siya habang nakatingin sa mga nagkakasayahan, kumpleto na ang kanyang kaarawan at wala na siyang hihilingin pa. Hinding hindi niya ito malilimutan.
Natigil ang kanyang pagmumuni ng isang malakas na hangin ang kanilang naramdaman, nauga ang lupa at lumakas ang Apoy na sinidihan nila. Napatayo ang lahat at nagtatakang napatingin sa apoy. Sa isang iglap ay biglang naging asul ang kulay ng Apoy, natulala ang lahat ng unti unting nagkakahugis ito at tuluyang lumabas ang isang Napakagandang Babae. 
“Diwata Dalisay!!” sambit ni Lola Divina.
“Diwata??” takang tanong niya sabay tingin sa kanyang lola.
Napansin niyang yumukod ang kanyang Lola, napasabay na rin lahat maliban sa kanilang apat na hindi makapaniwala sa nakikita.

“ORAS NA!!” bigkas ng Diwata sa malumanay pero tila nanunuot sa kanyang diwa na tinig.
Iniunat ng Diwata ang kanyang Kamay at mula sa Lupa ay lumabas ang puting usok at binalot ang kanyang katawan. Naparalisa ang kanyang katawan at hindi niya ito maigalaw, nilingon niya ang Apat at katulad niya ay nababalot rin ang mga ito ng puting usok.Pilit niyang iginalaw ang kanyang mata upang tingnan ang nasa paligid, napansin niya ang kanilang mga magulang na nakatungo at tila hindi alintana ang nangyayari.Pilit niyang nilalabanan ang pwersang nakapaligid sa kanila nang may isang maliwanag na bagay ang biglang tumama at lumamon sa kanilang paligid. Bumigat ang talukap ng kanyang mata at dahan dahan ay nilamon ang kanyang diwa ng dilim at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Nang muling magising ay napansin niya ang tatlo na nakatungo ang ulo at wala pa ring malay. Nakatuntong na sila sa apat na bato sa gitna ng Apoy, gusto niyang gumalaw upang lapitan at gisingin ang mga ito pero pakiramdam niya ay hindi niya maigalaw ang kanyang katawan, pilit niyang iginalaw ang mga mata upang pagmasdan ang paligid pero wala siyang Makita kundi puro puti.

“Anong nangyayayri? Nasaan si Lola, Nasaan sina Ninong at Ninang? Naeengkanto na nga yata talaga kami..” sigaw ng kanyang isip

Laking gulat niya ng biglang magliyab ang katawan ni Jason, may mga maliliit ng bolang apoy na lumalabas sa katawan nito at paikot ikot na lumilipad,ibat iba ang kulay ng mga maliliit na apoy, may pula, asul at dilaw at tila sumasayaw ang mga ito at tumatagos sa kanyang katawan. 

Si Abby naman ay napapalibutan ng buhangin na paikot ikot ding lumilipad paikot sa kanyang katawan, ang mga bato at alikabok ay nagbabanggaan sa kanyang harapan pero hindi nito natatamaan ang kanyang katawan.

Samantalang si Lyra ay nakapaloob sa isang bilog na tubig. Umiikot ng mabilis ang mga maliliit na patak ng tubig at sa bawat patak na tumatama sa katawan nito ay nagiging yelo. Sumasabay sa agos ng tubig na nakabalot sa kanyang katawan ang mahaba at maitim nitong buhok.

Tila may malakas na pwersa namang gustong kumawala sa kanyang katawan. Nanunuot sa kanyang balat ang pwersang malamig, bigla siyang lumutang sa hangin at nabalutan ng isang makapal na hamog. Napansin niya ang kanyang kamay na biglang namuti, nang ikumpas niya ito may isang napalakas na pwersa ng hangin ang biglang kumawala. 

Hindi na makayanan ni Gabriel ang tindi ng pwersang gustong kumawala sa kanyang katawan, pakiramdam niya ay naninikip ang kanyang dibdib at kinakapos ng hininga. Paglingon niya sa mga kaibigan ay napansin niyang nagkikisay ang mga ito at tila nahihirapan. Naibuka niya ang kanyang bibig upang maghabol ng hininga ng isang puting usok ang tuluyang kumawala, kasabay noon ang tuluyang pagkawala din ng puting usok mula sa tatlo niyang kasama. Ang mga puting usok ay nagsanib at tuluyang lumipad paitaas at mabilis na mawala sa mga ulap. 

Hindi pa rin mapaniwalaan ni Gab ang mga pangyayari, pinipilit nya ang sariling magising, pinipilit niya ang sariling isa iyong panaginip subalit sa tuwing ididilat niya ang mga mata ay nakikita niya ang tatlo sa kanyang harapan, si Jason nababalutan ng Apoy, si Abby nababalutan ng mg bato at si Lyra nababalutan ng Tubig.

“Maligayang pagbabalik aking mga Anak! Ako si Diwata Dalisay, ako ang inyong Tagapagbantay simula pa sa simula. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban! huwag kayong matatakot! Andito ako para sa inyo.”

Namangha si Gab sa nakita, nagsasalita ang diwata pero hindi gumagalaw ang bibig nito. Ang boses nitong malumanay ay nanunuot sa kanilang mga damdamin. Muling nagpatuloy sa pagsasalita ang Diwata.

“Marahil ay nahihiwagaan kayo sa mga nangyayari subalit hindi kayo namamalikmata at dinadaya ng inyong isipan. Kayo ay mga Anak ng Kaliyan na hinirang upang magtanggol at magpabalik muli ng kapayapaan sa Daigdig ng Kaliya, ang mundong inyong pinanggalingan. Kayo ay ipinadala sa Daigdig na ito upang itago sa kapahamakan hanggang sa takdang panahon na kailanganin kayo ng inyong Daigdig na pinagmulan. Ang ang panahong iyon ay dumating na, tinatawag na kayo ng Kaliya.
Sa gabing ito ay gigisingin ko ang Espiritong natutulog sa inyong katauhan, ang ispiritong ito ang magbibigay sa inyo ng kapangyarihan upang malabanan at maipagtanggol ang Kaliya sa Dilim na unti unting lumalamon dito. Batid kung maraming katanungan sa inyong isipan subalit ang lahat ay masasagot sa takdang panahon. Huwag kayong matatakot at magulumihanan sapagkat ang tulong ay darating. “

Itinaas ng Diwata ang kanyang mga Kamay sa langit at bumulong ng isang salitang banyaga sa pandinig ni Gab,hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.Biglang nagliwanag ang isang bahagi ng ulap at isang sinag ang tumagos mula dito at tumama sa kanilang apat, pagtama ng liwanag ay naramdaman niya na unti unting umangat ang kanilang katawan sa batong inaapakan at tuluyang silang lumutang sa ere. 

Nawala ang apoy sa katawan ni Jason, gayundin ang Bato at tubig na nakabalot kay Abby at Lyra at napalitan iyon ng maliliit na puting liwanag na paikot ikot sa kanilang katawan, malamig ang pakiramdam sa tuwing tatama at tatagos ito sa kanilang katawan.

“Tanggapin ninyo ng maluwag sa inyong puso ang Espirito na nasa inyong katauhan. Ito ang nakatadhana sa inyo.”

Ang mga liwanag na paikot ikot sa kanila ay tuluyang pumasok sa kanilang katawan, nakaramdam si Gab ng kakaibang sigla at lakas ng ngayon lang niya naramdaman. 

“Gabriel, tanggapin mo si Saar ang Espirito ng Hangin. Taglay mo ngayon ang kakayahang manipulahin ang Elemento ng Hangin, nababasa ko sa iyong puso ang kapayapaan at pag-ibig.”
“Sa iyo Jason, tanggapin mo si Sol, ang Espirito ng Apoy. Taglay mo ngayon ang kakayahang manipulahin ang Elementong Apoy. Ang iyong puso ay nagtataglay ng puso ng isang mandirigma.”
“Abby, sa iyo si Lian, Espirito ng Lupa. Taglay mo ang kakayahang Manipulahin ang Elementong lupa. Ang iyong puso ay mapagpakumbaba at matigas.
“At sa iyo Lyra, sa iyo si Kesha ang Espirito ng Tubig. Taglay mo ang kakayahang kontrolin ang Elementong Tubig, sa pamamagitan ng iyong kakayahan ay kaya mong makapang gamot.Ang iyong puso ay maawain at mapagmahal.” 

Nang matapos ang Basbas ay tuluyang nawala ang sinag ng liwanag, dahan dahang lumapag sila mula sa pagkakalutang bago muling nagsalita ang Diwata.

“Ngayong gising na ang inyong mga Espirito ay kailangan ninyong magsanay bago kayo bumalik sa Kaliya. Ipinagbigay alam ko na ito sa iba pang Kaliyan na Nananahan dito sa Daigdig ng mga Mortal. Hinihintay na nila kayo sa Maynila, ang lahat ng kasagutan ay inyong malalaman.”

Unti unting naglaho si Diwata Dalisay hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ni Gab. Muli ay unti unting bumigat ang kanyang talukap at nakaramdam siya ng Antok. Sa pagpikit ng kanyang mata at paglamon ng dilim sa kanyang diwa at naaninagan niya ang pigura ng kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya at iniaabot ang kamay nito sa kanya. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

No comments:

Post a Comment