Wednesday, May 30, 2012

Chapter 7: Spirits and the Elementals


Maaga pa lang ay abala na sa paghahanda ng mga dadalhin ng kanyang apo si lola Yna. Panay ang bilin nito sa kanyang apo lalo na ang tungkol sa pag-iingat ng kanyang sekreto. Si Gab naman ay panay ang paglalambing sa kanyang lola, nalulungkot siya na maiiwan niya itong mag-isa subalit alam niyang hindi naman ito pababayaan ng kanilang mga kamag-anak. Lalo pa at andiyan naman ang kanyang ninong at ninang na titingin dito habang wala siya. Nangako siyang dadalaw tuwing sem break at bakasyon dito.
“Oh, andiyan na ba lahat ng Kailangan mo.” Naluluhang tanong nito sa kanya.
“Opo Lola, andito na po.” Sagot niya
“Tinawagan ko na ang Ninong Eric mo sa Maynila, siya na daw ang bahalang sumundo sa inyo sa Pasay, i-text mo na lang siya pag andun na kayo ha!” bilin ng matanda sa kanyang apo.
Tahimik na nakamasid lang si Gab sa kanyang Lola habang tatango tango.
“Lagi ka lang magdasal hijo. At magtiwala ka sa iyong kakayahan. Alam kong kayang kaya mong ipagtanggol ang iyong saril, lalo pa ngayon.” Dugtong pa ng matanda.
“Opo Lola.” Ang tangi na lang niyang nasambit, Isang mahigpit na yakap ang isinukli niya dito. Sabay halik niya sa pisngi ng kanyang Lola.   
Maya maya pa ay natanaw na niya ang Jeep ng kanyang Ninong Enrico, ito ang maghahatid sa kanila patungo sa Bayan tumigil ito sa tapat ng kanilang Bahay. Natanawan niya ang Tatlong kaibigan na sakay na ng Jeep kasama ang kanyang Ninang Corazon at Ninong Bayani.
“Anak, Tara na. Kami ang maghahatid sa inyo sa Bayan.” Tugon ng kanyang Ninong
Sabay sabay silang nagpaalam sa matanda bago umalis ang jeep papuntang bayan. Sa bayan ang Terminal ng Bus na papuntang Maynila. Habang daan ay hindi niya maiwasan ang malungkot, naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Lyra sa kanyang mga Kamay.


Pagdating sa Istasyon at Eksaktong may naghihintay na isang Papaalis na bus, agad na silang sumakay, excited na ang lahat pero kinakabahan. Naunang naupo si Gab sa pandalawahang upuan at akala niya ay tatabi sa kanya si Jason. Paglingon niya ay nagulat siya nang mapansing si Lyra ang katabi niya. Si Jason naman ay walang nagawa kundi tumabi kay Abby na sa Tingin ni Gab ay masama ang loob dahil nakasimangot ang mukha.
“Oh, nasa compartment na ang mga bagahe nyo. I-check nyo lahat pagbaba nyo ng terminal baka may maiwan kayo.” Bilin ni Mang Bayani, ang Tatay ni Jason at Ninong ni Gab.
“Jason, ang mga bilin ko sayo ha, Gab kaw na ang bahala anak ha!” bilin naman ni Aling Corason.
“Opo Ninang, kami na po bahala..” tugon ni Gab

**********

Labing isang Oras ang byahe mula bikol hanggang maynila, Aircon ang sinakyan nila kaya sumiksik sa braso ni Gab si Lyra dahil sa lamig. Inakbayan naman ito ng Binata at kinabig palapit sa kanya, nakatingala ang mukha nito habang natutulog. Tinitigan niya ang maamong mukha nito, ang makinis na pisngi na mamula mula. Ang manipis na labi na tila kay sarap dampian ng halik. Naengganyo siyang dampian ito ng halik. Una smack lang pero ng hindi gumalaw si Lyra at tinagalan niya  ang dampi sa kanyang labi. Todo kaba ang kanyang naramdaman, malamig sa loob ng bus pero biglang uminit ang kanyang pakiramdam

 Inipit niya ng kanyang labi ang ibabang labi nito. Dahil doon ay nagising ito at sandaling nagulat kaya inilayo nito ang mukha sa kanya, akala nya ay  magagalit ito pero ngumiti lang sa kanya sabay ng mahinang tampal sa kanyang mukha. Sinubukan nya uli ito halikan pero iniiwas nito ang labi kaya sa pisngi dumampi ang kanyang halik.
“BLeeehhh.”

Napangiti siya at niyakap ito nang mahigpit. Nilingon niya ang loob ng bus, tulog lahat maliban sa konduktor at Drayber.. Paglingon niya kina Abby at jason na nasa kanilang likuran ay natawa siya pagkat nakanganga si Jason habang tulog at nakasandal naman si Abby sa balikat nito. Kinalabit niya si Lyra at tinuro ang dalawa. Natawa din si Lyra, kinuha ang cellphone sa bag at piniktyuran ang dalawa. Tawa ng tawa ito habang sinisave ang nakuha nyang larawan.

Pakiramdam ni Gab ay ang haba ng byahe nila dahil patigil tigil ang byahe ng bus at halos lahat ng bus stop at kainan ay tinitigilan nito. Nangangawit na ang puwet niya sa kakaupo pero kahit ganun ay Masaya siya dahil katabi niya si Lyra. Napatingin siya dito at muling dinampian ng halik ito sa labi, kusa namang pumikit si lyra at tinanggap ang kanyang mga labi.

Nang muli niyang lingunin ang dalawa ay gising na ng mga ito. Nakikinig ng iPod si Abby at si Jason naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang nagkakahiyaan pa ang dalawa. Di nag-iimikan. Parang di magkasama. Agad na pinakita ni Lyra ang kuha nyang larawan sa dalawa. Napanganga si Abby at agad na inaagaw ang Cellphone ni Lyra.
“Salbahe ka Lyra, Burahin mo yan.’’ Sabi nito

Walang imikan sina Jason at Abby buong byahe, si Gab naman ay hinihila na nga antok at unti unti nang napapapikit hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.


“Gabbriiieelll!!!” dinig niyang mahinang tawag sa kanya. Wala siyang makita kundi puro dilim.
“Gabrriiieeellll!!!” dinig niyang muling tawag.
“Sino ka???” Asan ka?” nagtataka niyang tanong
“Gabrieeelll!!” napabiling siya sa pinagmulan ng tinig. Mula sa dilim ay isang liwanag ang natanawan niya.
“Halika! Gabrieel! Sundan mo ang liwanag!.” Dinig niyang utos sa kanya.
Naglakad siya patungo sa liwanag, habang papalapit siya dito ay unti unting lumalaki ito hanggang sa tuluyan nang maging maliwanag ang buong paligid at doon ay nakita niya ang isang napakagandang babae. Nakaupo ito sa isang gintong Tronong ang magkabilang hawakan ay may nakapalamuting dalawang ulo ng usang may sungay. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig, iniunat ng magandang babae ang kanyang kamay at naramdaman niyang unti unti siyang kinakabig ng isang pwersa patungo sa magandang babae. Nang mapalapit siya sa kinauupuan nito ay tumayo ito at lumapit sa kanya, tumitig ito sa kanyang mata at biglang hinawakan ang kanyang leeg. Napakapit ang dalawang kamay niya sa mga braso ng babae habang sakal sakal siya, biglang nag-iba ang hitsura nito at naging isang halimaw, ang kaninang magandang hitsura nito ay napalitan ng isang naagnas na mukha, nakaluwa ang isang mata nito at labas ang mga buto sa mukha at kamay. Bumuka ang bibig nito at isang nakakatulig na ingay ang biglang pinakawalan.
Napapitlag si Gabriel mula sa pagkakaidlip at sandaling naghabol ng hininga.
“Bakit?” tanong ni lyra.
Napalingon siya kay Lyra na nakayakap pa rin sa kanyang braso saka umiling at nginitian ito.
“Wala, nanaginip lang ako?” tugon niya
Nang lingunin niya ang labas ng bintana ay napansin niyang papaliwanag na.
“Malayo pa ba tayo?” tanong niya kay Lyra
“Malapit na, mga 15 minutes na lang siguro.” Sagot naman nito habang nakatingin din sa labas ng bintana.
Nagulat siya ng maramdaman ang pag-Vibrate ng  Cellphone sa kanyang bulsa, agad niya itong inilabas at tiningnan kung sino ang tumatawag.
“Sino yan?” tanong agad sa kanya ni Lyra
“Si Ninong Eric, tumatawag.” Sagot niya.

**********
Maliwanag na nang makarating sila sa Pasay, dagsa na ang taong naglalakad at marami-rami na rin ang sasakyan. Manghang nakatingin naman si Jason sa paligid, bakas sa mukha nito ang kasiyahan.

“Ganito pala ang maynila, makulay at puro ilaw.” Sambit nito na palinga linga.
“Hoy, wag ka hihiwalay, baka mawala ka.” Saway ni Abby dito.
Pakababa nila ay agad na nakita ni Gabriel ang kanyang Ninong Eric na papalapit at nakangiti sa kanila.
“Ninong Mano po!” agad na bati ni Gabriel dito sabay abot ng kamay upang magmano
“Aba, ang Inaanak ko binata na pala ah..” tugon naman nito sabay akbay kay Gab.
“Hi, Mang eric.” Bati naman ni Jason dito.
“Aba, at ikaw din pala Jason binata na rin ano.” Tugon nito ng makita si Jason.
Magkasunod namang bumaba ang dalawang babae.
“Ninong ito po si Lyra at Abby.” Pakilala ni Gab sa dalawa
“Ah, kayo pala ang kinikuwento ni Lola Yna. Aba at magagandang Dalaga pala ano.” Biro ng kanyang Ninong habang nakatingin kay Gab.
Pinamulahanan naman ng pisngi si Lyra at yumuko, napatingin naman si Gab dito sabay kamot ng ulo.
Napatawa si Mang Eric sabay akbay kay Gabriel.
“Tara na kunin natin ang inyong mga Bagahe at nang makapag pahinga na kayo sa inyong Appartment.” Aya nito


Habang daan ay panay ang tanong ng Ninong Eric ni Gab, matagal na hindi nagkita ang mag ninong. Maliit pa lang si Gab ng lumuwas ang kanyang Ninong patungong Maynila, mula noon ay madalang na itong umuwi ng bikol, wala na naman kasi itong kamag-anak doon. Ang kwento ng kanyang Lola ay kaisa-isang anak ito ng kanyang Kaibigan. Sa Maynila na rin ito nakapag-asawa at nagtratrabaho sa isang kilalang Tele communication bilang manager. Bagamat matagal nang kasal ay hindi nabiyayaan ng Anak kaya naman malapit ang loob nito sa kanyang Inaanak na si Gabriel. Hindi man makauwi ay hindi naman ito pumapaltos sa pagpapadala ng Regalo sa kanyang Paboritong Inaanak. Nasa Kuwarenta mahigit na ang Edad nito subalit kakakitaan pa rin ng kasiglahan.

Manghang mangha sila sa nakikita habang daan, lalo na si Jason na unang pagkakataon na makarating ng Maynila. Panay ang tingin nito sa nagtataasang gusaling nakahilera at sa mga barko at yateng naka himpil sa may Manila Bay. Himalang tila nawala ang antok at pagod ng mga ito sa byahe dahil sa mga tanawing nakikita.

 Di nagtagal ay narating na nila ang Apartment na pag-aari ng Ninong Eric ni Gab, isang buong bahay ito na kumpleto sa gamit, may sariling banyo, sala at dalawang kwarto. Sa labas ay malawak ang harden na may mga malalaking puno na nagbibigay na lilim sa buong paligid. Magaganda ang mga halamang namumulaklak sa mga paso at halatang alaga ang lugar na iyon.

“Nabili ko ang Bahay na ito sa isa kong katrabaho na nag migrate na sa Canada. Medyo may kamahalan pero maganda naman kaya pumayag na rin ang Ninang mo.” Sabi ng kanyang Ninong.
“Asan nga po pala si ninang?” naalala niyang itanong dito.
“Ayun tulog, pang gabi kasi ang duty nun kaya tulog sa umaga, gising sa Gabi. Wag kang mag-alala dadalaw daw dito sayo sa Day-off nya.” Tugon nito
Tumango lang sa Gab sa tinuran ng kanyang Ninong, mabait din ang kanyang Ninang, ilang beses na itong naisama ng kanyang Ninong sa bikol at agad naman niyang nakagaanan ng loob, dahil nga siguro sa sabik sa anak.

 “Oh, kumpleto na ang gamit nyo dito, may mga binili na akong pagkain at mga gulay, nasa Reef na , kinumpleto ko na para wala na kayong aalalahanin pa. Bahala na kayong magluto, kung may problema ay tawagan mo agad ako ha!” bilin sa kanya ng Kanyang Ninong.

Pagkatapos makapagpaalam at magbilin ang Ninong ni Gab ay umalis na rin ito. Pumasok na rin si Gab at agad na tinungo ang kanilang kwarto. Naabutan niyang nakahiga si Jason at nakanganga, halatang tulog na ito. Malaki ang kwarto nila may dalawang magkahiwalay na higaan at sa may paanan ay may dalawang Study Table at lampshade. Naisipan niyang lumabas sa Sala at doon magpalipas ng Oras. Naupo siya sa Sofa at binuksan ang TV at nanuod ng Isang Morning Show, mga ilang minuto rin siyang nanuod ng makaramdam ng antok, mahaba at malambot ang sofa kaya doon na niyang naisipang matulog, wala silang ganong tulog sa Byahe kaya naramdam agad siya ng Antok. Alas sais pa lang ng umaga at wala silang gagawin buong araw kaya naisipan ni Gab na magpahinga muna.
Nag-aagaw na ang kayang Diwa at antok ng maramdaman niyang may dumapi sa kanyang pisngi, tinamad siyang magmulat kaya hinayaan na nalang niya na dumampi ito sa kanyang mga lpisngi. Alam kasi niyang si Lyra iyon.
“I Love You..” dinig nyang bulong nito sa tainga niya.
“Hmmmmm!!!.” Anas niyang sagot

Tumagilid si Gab at tinuloy ang tulog. Narinig niyang nagbukas ang pinto ng Banyo kaya napadilat siya, pagtingin nya ay si Lyra palabas ng banyo. Nalito siya, sino yung humalik sa Kanya?. Nang tingnan niya si Abby  ay tumingin din ito sa kanya sabay ngumiti. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya.
               
Nalilito namang hindi malaman ni Gab kung anong magiging reaksyon niya. Diyata’t hinalikan siya ni Abby. Kung ganun tama ang hinala niya. Napabuntong hininga siya at muling inilapat ang likod sa higaan at ipinikit ang mata.

Tanghali na nang magising si Gab dahil sa kalampag na narinig, agad siyang bumangon at pinakiramdaman ang paligid, napansin niya ang nakabukas na bintana. Agad niya itong nilapitan at isinara nang mapansin niya ang isang patalilis na pigura, agad niyang tinungo at pintuan at lumabas upang habulin ang kung sinumang nangahas na pumasok subalit wala na siyang nakita. Sandali niyang pinagmasdan ang paligid at napabuntung hininga, ibang iba na ito sa probinsyang pinagmulan nila. Dinig niya ang ingay ng mga sasakyan, puro gusali ang kanyang nakikita na bagamat tila luma na ay kababanaagan pa rin ito ng pagka moderno ng panahon. Tumalikod na uli siya at pumasok sa loob ng bahay bago tulyang isinara ang pinto at sinigurong naka lock ang mga bintana bago muling bumalik sa higaan.

**********
Sa labas ay hindi napansin ni Gab ang isang lalaking nakamasid sa kanya kaninang nakatayo siya sa labas ng bahay. Nakakubli ito sa isang puno at pinagmamasdan ang kanyang mga kilos, maya maya pa ay may lumapit sa kanyang isa pang lalaki at nag-usap sila.
“Wala akong nakuhang impormasyon.” Mahinang sabi nito sa isang lalaking kanina pa nakamasid.
“Kailangan pa rin nating nakasiguro, bukas bumalik ka, pero kailangan mong maging maingat.” Tugon nito sa mahinang boses din na halos pabulong na.

“Tayo na!” dugtong pa nito bago muling tumingin sa bahay na tinutuluyan nina Gab at nagmamadaling umalis.

No comments:

Post a Comment