Namimitas ng gulay sa bukid si Gab ng muli na naman niyang maramdaman ang malamig na hangin sa kanyang katawan. Nilingon niya ang paligid pero wala siyang Makita, kalmado at hindi gumagalaw ang mga dahon ng puno sa paligid niya pero nararamdaman niya ang Hangin.
“Ito na naman tayo. Tabi tabi po, mangunguha lang po ng Gulay” Mahinang sambit niya.
Balita sa buong barrio nila ang mga kababalaghan na nangyayari sa gubat, usap usapan na may mga nakikitang puting babae, bolang apoy at kung ano ano pa. Dali dali niyang binitbit ang basket na yari sa Ratan na puno ng gulay at agad siyang naglakad pauwi.
Pagdating ng kanilang bahay ay napansin niyang may kausap ang kanyang Lolo sa sala. Hindi niya ito naaninag kung sino dahil nakatalikod ito, pumasok siya sa pinto sa likod ng bahay at nagtuloy tuloy sa kusina. Inilapag niya ang dala dala at naglikha iyon ng Kalabog.
“Apo! Ikaw na ba iyan?” dinig niyang tawag ng kanyang Lola
“Opo La, ako ito.”
“Apo, parine ka nga at may gustong bumati sayo.”
Napakamot siya ng ulo, sino na naman kaya ang inimbitahan ni Lola, lahat ata ng Tao sa kanilang Barrio ay nais imbitahan ng kanyang Lola. Agad siyang nagtungo sa sala upang tingnan ang bisita. Nagulat siya ng mapagsino ang kausap ng kanyang Lola. Ang kanyang Ninong Enrico at Ninang Carmen kasama ang kanilang kaisa isang anak na si Lyra. Mayaman ang mga ito at nagmamay-ari ng malalaking lupain sa kanilang lugar, matagal niya itong hindi nakikita dahil sa madalas ang mga ito na nasa ibang bansa.
“Gabriel!! Maligayang kaarawan!” Bati agad sa kanya ng bisita
“Ninong!!!” excited na sambit ni Gabreil , Agad siyang lumapit dito at nagmano
“Gabriel! Happy Birthday Hijo!” bati sa kanya ng kanyang Ninang.
“Ninang!!!Thank you po!” sambit niya sabay abot din sa kamay nito upang magmano.
Napatingin siya kay Lyra na nakaupo lang sa Sofa at tahimik, nang magtama ang kanilang mata ay ngumiti ito sa kanya.
“Happy birthday.” Bati nito sabay halik sa kanyang pisngi.
“Thank You!” matipid niyang sagot
“Ito pala gift ko sayo, pasensyahan mo na, madalian kasi.”
“Kami rin Hijo, marami kaming dalang regalo para sayo.” Tugon naman ng kanyang ninong.
“Naku salamat po Ninong, Ninang…” Kailan po kayo dumating?” tanong niya.
“Wala yun hijo, kulang pa nga iyan sa dami nang utang na regalo namin sayo.” Tugon ng kanyang Ninang.
“Ay naku kadarating lang namin kaninang umaga, nag-aya agad itong Ninang mo papunta dito sa inyo. Gusto ka daw agad na makita.” Sagot naman ng kanyang ninong
Napangiti siya at napatingin sa kanyang Ninang ng ngayon ay akbay siya at haplos ang kanyang buhok.
“Mis ko na kasi itong Gwapo kung Inaanak.” Biro ng kanyang Ninang sa kanya. “Noong huling Makita ka namin ay maliit ka pa, Ten years old ka pa lang ata noon, Aba’y ngayon ito tingnan mo Binata ka na at Gwapong Binata pa.”
“Naku eh palagay ko ay marami ka nang napaiyak na dalaga ano?” tudyo ng kanyang Ninong
Napangiti siya sa sinabi ng mga ito at hindi sinasadyang napatingin siya kay Lyra, napansin niyang tila nag-aantay ito sa sagot niya.
“Wala ho, hindi pa ho ako nagkaka girlfriend.” Nakangiti niyang sagot
“Anoh!” bulalas ng ng kanyang Ninong habang nakatawa. “Abay ang hina mo pala, sayang ang gandang lalaki mo anak.”
“Naku Enrico, huwag mo ngang itulad sa iyo ang batang iyan. Yan ang mabuting binata, pag-aaral ang inuuna.”
“Naku Dad, nagsisinungaling yan, sa School namin eh sikat yan sa mga babae kaya imposibleng walang Girlfriend yan.” Natatawang sabat naman ni Lyra na tila hinuhuli ang binata.
“Ganun ba? Aba’y tahimik na matinik ka pala kung ganun.” Biro ng Don sa kanya
Napuno ng tawanan ang buong bahay, pati ang kanyang Lola ay nakisali na rin sa usapan. Nagpaalam si Gab sa bisita at nagtuloy sa kusina upang kumuha ng maiinom, hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kanya si Lyra. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang paglapit nito.
“Sinungaling!”
Napalingon siya bigla sa likod at nagulat siya nang mapansin si Lyra na nakasandal sa may pintuan at tinitingnan siya.
“Ano sabi mo?” tanong niya
“Sinungaling.” Ulit nito sabay taas ng isang kilay
“Bakit mo naman nasabing sinungaling ako?” tanong niya
“Dahil sa sinabi mo kay Daddy.”
“Na ano?”
“Na wala kang pang naging Girlfriend.” Sagot nito
Napatawa siya sa sinabi nito, habang binubuksan ang Ref para kumuha ng malamig na tubig.
“Bakit ka natatawa?” tanong nito
“wala natatawa lang ako sayo.” Sagot niya
“Bakit nga?” tanong uli nito sabay lapit sa mesa at nakatingin sa ginagawa niya
“Kasi ang bilis mong manghusga.” Sagot niya habang sinasalinan ng powder juice ang malamig na tubig.
“Hindi ako nanghuhusga, nagsasabi lang ako ng totoo noh.” Paismid na sagot ni Lyra
“Bakit ako, nagsasabi din naman ako ng totoo ah.” Tugon niya sabay titig sa dalaga.
Napatitig din sa kanya si Lyra at sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Unang nagbaba ng tingin si Lyra. Si Gab naman ay tila bumilis ang tibok ng puso.
“Maniwala ako sayo, sa buong campus eh ikaw ang bukang bibig ng mga girls. Kaya imposibleng wala kang naging Gf sa kanila.”
“OO aminin ko marami nga pero alam ko namang katawan ko lang habol nila.” Biro niyang tugon dito
“Anoh?? Kapal!!!”
Sabay silang napahalakhak bago nagkatinginin. Sandaling natahimik ang paligid at biglang nagkailangan. Si gab ang unang bumasag sa katahimikan.
“Pero alam mo, seriously wala talaga. Kahit isa wala akong naging gf sa school natin.” Tugon niya
Muling napatingin sa kanya si Lyra at seryoso ang mukha na naghihintay sa paliwanag niya.
“Bakit naman?” tanong nito
“Ewan ko, siguro dahil wala sa kanila ang hinahanap ko.”
“Asus, bakit ano bang hinahanap mo? Baka naman lalaki hanap mo?” pabiro nitong tugon.
“Actually nahanap ko na, matagal na pero langit at lupa ang agwat namin.” Seryoso niyang tugon.
“HA! Talaga? Kilala ko ba siya?”
“Siguro.” Tugon niya sabay kibit ng balikat.
Sinalinan niya ng Juice ang isang baso sabay iniabot kay Lyra.
“Thanks. Taga saan ba siya? Schoolmate ba natin? Ano Hitsura niya?” sunod sunod nitong tanong.
“Dami mo namang tanong.” Natatawa niyang sagot.
Pasimpleng tinitigan ni Gab si Lyra habang tinutungga nito ang juice na bigay niya. Sa isip niya ay tila may nagsasabing. Kung alam mo lang na ikaw yun lyra. Kung alam mo lang. subalit sadyang wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon sa dalaga.
“Kumusta na kayo ni Cris?” tanong niya bigla dito.
“Wala na kami.” Kaswal na tugon nito sabay lapag ng baso sa lamesa
Tila isang musika ang narinig ni Gab na nagpasaya sa kanyang puso, gusto niyang napatalon ng bigla pero pinigilan niya ang sarili.
“Kailan pa?” kunwari ay kalmado niyang tanong
“After ng Graduation natin.”
“Bakit?” tanong niya
“Basta. Galit ako sa kanya, hindi siya marunong gumalang sa mga babae.” Tila galit nitong tugon
“Bakit anong ginawa sayo?”kunot noo niyang tanong
“Hindi, wala!” tugon ni Lyra na napatitig bigla sa kanya. “Wala naman, takot lang niyang gawan ako ng masama. Saka na-realize ko din na hindi kami compatible, saka iba pala ang gusto ko.” Sagot nito habang nakatingin sa kanya.
“Bakit Babae na rin ba ang gusto mo?” pabiro niyang tanong bigla.
“Tangee!! Hindi noh.” Sagot bigla nito at dinampot ang maliit na ampalaya at binato si Gabriel habang sabay na nagtatawanan.
“Ikaw ha, iniiba mo ang usapan. Hindi mo nga sinagot ang tanong ko kanina.” Tugon ni Lyra.
“Ano nga uli ang tanong mo?”
“Sabi ko ano hitsura niya?”
“Hitsura niya, hmmmm…” tugon ni Gab na kunwa ay nag-iisip habang haplos ang baba. “Hitsura niya maganda, matangos ang ilong, maputi, siguro kasing tangkad ko, mahaba at makintab ang itim na buhok.”
“Taga saan siya?” muling tanong ni Lyra sabay abot ng Pitsel na may juice at sinalinan ang isang baso at ibinigay kay Gab.
“Taga saan? Taga kabilang barrio.” Sagot niya
“Saang School?”
Biglang natahimik si Gab at sandaling nag-isip. Ito na ang kanyang pagkakataon, total wala na palang Boyfriend si Lyra, saka sa makalawa eh aalis na siya papunta ng Maynila. Hindi naman siguro nakakahiya kung basteden siya kasi hindi na rin naman niya ito makikita pag umalis na siya.
“Schoolmate natin.” Sagot niya
“Talaga! Kilala ko ba?”
Tumango lang si Gab at ngumiti.
“Sino??” tanong ni Lyra.
Hindi sumagot si Gab at kinuha ang Pitsel ng Juice at inalabas sa Sala. Naiwan sa Kusina si Lyra na nag-aantay sa pagbalik niya. Nag-aalangang bumalik ang binata sa kusina, kanina ay malakas ang kabog ng kanyang dibdib, muntik muntikan na niyang aminin kay Lyra ang nararamdaman pero walang lumabas sa kanyang bibig. Tamang sabihing nawalan siya ng lakas ng loob. Hindi niya alam kong anong magiging reaksyon nito at natatakot siya sa maaring maging kalabasan. Ayaw niyang masira ang araw nito, Masaya siya na kausap niya ito ngayon at posibleng mainis o mailang ito pag sinabi niya ang nararamdaman.
Isang mahinang kurot sa tagiliran ang naramdaman niya. Paglingon niya ay nakita niyang dumaan sa tagiliran niya si Lyra at naupo muli sa sopa sa tabi ng Kanyang Ina. Tumingin ito sa kanya at inilabas ang dila bago nagpakawala ng isang ngiti.
Dumaan ang oras pero tingin niya ay nasasarapan sa kwentuhan ang kanyang mga bisita at ang dalawang matanda kaya siya na ang tumayo upang maghanda ng tanghalian, muli siyang nagpaalam sa mga ito at tinungo ang kusina.
“Gusto mo tulungan kita?” dinig niyang sabi ni lyra mula sa likuran.
“Di wag na, kaya ko na ito.” Tugon niya.
“Sus, tulungan na kita. Nabo-bored na rin ako dun eh.”
“Sige kaw bahala.” Tugon niya.
“Madaya ka.” Sabi ni lyra na tila nagmamaktol
“Bakit na naman? Kanina sinungaling, ngayon naman madaya.” Sagot niya
“Eh bakit ayaw mo sabihin yung pangalan nong crush mo?”
Napakamot sa ulo si Gab. Talaga bang hindi siya titigilan sa kakatanong ng babaeng ito.
“Ganito na lang, anong nagustuhan mo sa kanya?” tanong ni Lyra
“Hmmmm. Ewan. Basta sya tinitibok ng puso ko eh.”
“Bakit hindi mo aminin sa kanya.” Tugon ni Lyra na ngayon ay nakatitig sa kanya.
Humugot muna malalim ng hininga si Gab bago nagsalita. “Bahala na!” sabi ng isip niya.
“Kasi ganito yun..” tugon niya at hinugot ang upuan sa tabi ng dalaga at naupo bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Noon sa tuwing nakikita ko siya lagi na lang ako natotorpe. Ewan ko ba sa kanya lang ako nagkaganito, siguro dahil gusto ko talaga siya.” Kwento niya habang nakatingin kay Lyra, ang dalaga naman ay nakatitig lang sa kanya at nakikinig sa kwento niya.
“Tapos?” dugtong na dalaga.
“Ang akala ko noon iba ang ugali niya dahil mayaman sila kaya pilit kong inilayo ang loob ko sa kanya. Pero nagkamali pala ako, sana nagkaroon na ako ng lakas ng loob noon para aminin sa kanya, naunahan tuloy ako.”
Napakunot ng Noo ang Dalaga sa narinig. Sa gilid ng kanyang isip ay tila nahuhulaan na niya ang tinutukoy ng binata.
“Alam mo ang isa sa mga dahilan kong bakit wala akong maging Girlfriend ay dahil hinahanap ko ang katangian niya sa bawat babaeng nakikilala ko. Na realize ko na nag-iisa lang siya sa mundo.” Patuloy niyang kwento
“Torpe ka kasi eh…” biglang sabi ng dalaga.
Napatigil si Gab sa sinabi ni Lyra. “Anoh?”
“Sabi ko Torpe ka..” dugtong pa ni Lyra.
Napangiti si Gab sa narinig. “Tama ka, torpe nga ako. Kasi kahit ngayong kaharap ko na siya ay hindi ko pa rin masabi sa kanya.”
Napanganga si Lyra sa narinig, tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi siya agad naka react sa sinabi ng binata, bagamat nahuhulaan na niya ang tinutumbok ng kwento nito ay nagulat pa rin siya ng marinig iyon. Si Gab naman ay inihanda na ang sarili sa mangyayari.
“Oh, nasabi mo na diba.” Nakangiting tugon ni Lyra ng mahimasmasan.
“Galit ka?” tanong ng binata
“Hindi. Bakit naman ako magagalit.” Tugon ni Lyra na nakangiti.
“Talaga!” tila naman nabunutan ng tinik ang binata
“Kaw kasi, Patorpe Torpe pa. Gwapo naman.”
Napasandal sa upuan si Gab, nanghina ang kanyang mga tuhod sa kaba. Akala niya kanina ay tatayo at iiwan siya ni Lyra pero hindi pala.
“Eh anong sagot mo don sa sinabi ko?” lakas loob na tanong niya.
“Bakit ano bang sinabi mo?” natatawang tugon ni Lyra.
“Yun.. na… ikaw ang gusto ko.”
“Bakit ano bang inaasahan mong isagot ko?”
“Ewan ko! Na gusto mo rin ako..” tugon ni Gab habang pilyong nakangiti
“Hoy mister, kung gusto mong marinig ang sagot ko ay kailangan mong magdala ng isang dosenang rosas, tatlong chocolate at isang Box ng Donuts sa bahay.” Tugon ni Lyra na kunwari ay nakaismid.
Napakamot sa ulo si Gab. “Kaya nga ayaw kong magkagusto sa mayayaman eh.” Nagbibirong sagot ng binata.
“Bakit nagrereklamo ka na agad.” Nakangiti namang pagtataray ng dalaga.
“Ngayon pa ba ako magrereklamo.” Tugon ni Gab na hindi mawala ang ngti sa mukha
“Meron din akong Secret, gusto mo malaman?” tanong ni Lyra na ngayon ay nakatitig sa mata ni Gab.
“Yup.” Tugon ng binata
“Alam mo bang noong high school tayo ay meron din akong isang lalaking gusto. Matalino siya, Gwapo at mabait. Kaya lang kahit anong gawin ko ay hindi niya ako pinapansin, ang akala ko noon ay dahil may Girlfriend na siya kaya naman makipag Boyfriend din ako para pagselosin siya. Pero nagkamali pa rin ako, sa halip lalo siyang lumayo. Nalaman ko na lang na Torpe pala siya.”Nakangiting kwento ni Lyra
Napakamot sa ulo ang binata sa narinig at naumid ang dila. Hindi agad siya nakapag react.
“Palagay ko naman, ngayon alam na niya ang sekreto ko ay magkakaroon na siya ng lakas ng loob na magsabi ng totoo.” Sabi ng dalaga sabay kuha sa basong may lamang juice at naglakad palabas ng kusina habang nakatingin lang ang binata.
Sandaling tumigil ito sa paglalakad at hinarap ang nakatulalang binata at dahan dahang humakbang paatras habang nakatingin sa mata ni Gab.
Nang tuluyang makalabas sa kusina ang Dalaga ay nakahinga ng maluwag ang binata. Kay bilis ng mga pangyayari, hindi niya akalaing sa ganito hahantong ang lahat. Kung sanay nalaman lang niya noon pa kaagad.
“Hindi maniniwala si Jason pag ikukuwento ko sa kanya ito bukas.” Bulong niya sa kanyang isip.
Samantala sa kagubatan ay isang kababalaghan ang nagaganap. Isang babaeng nakaputi ang nakalutang sa ere at nasa loob ng bilog na guhit. Nakapaikot sa guhit ay apat na batong marmol na may nakaukit na simbolo. Mula sa Apat na bato at unti unting may lumalabas na mga usok at unti unting nagkakahugis na tila pigura ng isang babae. Ang isa ay kulay Asul, ang isa ay kulay pula, ang isa ay puti at ang isa ay kulay berde.Nagsanib ang apat na espirito at paikot ikot na lumipad ang mga ito patungo sa langit. Sa itaas ay biglang nagliwanag at naghiwalay ang mga ispirito at lumipad palayo. Ang isang Espiritong kulay Puti ay lumipad patungo sa kinaroroonan ni Gabriel. Agad itong pumasok sa katawan ng Binata, lumutang ang katawan ni Gabriel at may lumabas na liwanag sa kanyang bibig. Nang mapawi ang liwanag ay dahan dahang bumaba ang nakalutang niyang katawan, tila naman walang naramdaman at himbing na natutulog pa rin ang binata.

No comments:
Post a Comment