Wednesday, May 30, 2012

Chapter 6: Spirits and the Elementals


Mahimbing na natutulog ang lahat sa Tent na ginawa ni Don Enrico, marahil dahil sa Pagod at pag-aalala kaya nahimbing ang tulog ng mga ito. Hindi naman dalawin ng Antok si Gab kaya naisipan niyang lumabas ng Tent at magpahangin. Naupo siya sa isang malaking bato, itiniklop ang mga tuhod at idinikit sa kanyang katawan at niyakap niya iyon. Napabuntong hininga siya ng mapatingin sa liwanag ng buwan.
Hindi nya pa rin mapaniwalaan ang mga pangyayari, sa isip niya para lang iyon isang panaginip, parang sa mga kwento at komiks lang magaganap. Iniangat niya ang mga palad at tinitigan iyon.
“Totoo kaya ang lahat?” bulong niya.
Muli siyang napatingin sa Itaas at pumikit, unti unti siyang umangat mula sa Bato at lumutang sa ere. Pagdilat niya ay napangiti siya ng mapansing nakalutang na siya sa ere. Totoo nga, hindi isang pantasya lang ang lahat. Hindi man niya aminin ay nagugustuhan na niya ang kanyang bagong kakayahan. Muli pa siyang umangat at unti unti ay natututuhan na niyang kontrolin ang kanyang paglipad. Nasa kalagitnaan siya ng paglalaro sa ere ng maramdaman ang Ambon, dali dali siyang bumaba pero paglapag niya ay biglang nawala ang Ambon. Napatingala siya sa langit at nagtaka ng walang makitang ulap.
“Saan galing ang Ambon?” bulong niya.
Naglakad siya pabalik sa Tent ng isang maliit na bolang tubig ang tumama sa kanya, napasinghap si Gabriel na naramdaman ang malamig na tubig na lumagapak sa kanyang mukha. Pagdilat niya ang nakita niya si Lyra na nakatayo at nakangiti at nakalutang ang bola ng tubig sa mga palad nito.


“Ikaw… Salbahe ka!!” natatawa niyang sambit at agad itong nilapitan.
“Bakit gising ka pa?” tanong niya
“Ikaw bakit gising pa?” balik tanong nito.
“Ewan, hindi ako dalawin ng Antok eh.” Kibit balikat na sagot niya
“Ikaw?” tanong niya
“Ganun din.” Sagot nito

Sandaling namayani ang katahimikan at walang gustong magsalita. Bigla parang naubusan ng sasabihin si Gabriel kaya napatingin siya sa Dalaga.
“Bakit?” takang tanong ni Lyra
“Wala..” sagot niya na nakabuka ang bibig na tila may sasabihin subalit hindi niya ito mabigkas.
“Ano nga..” natatawang pilit ni Lyra
Napakamot ng ulo si Gabriel at napailing. “Wala, Ganda ng buwan ano?” pag-iiba nito sa usapan.
Mahinang napatawa ang dalaga at napatingin sa buwan. “OO nga.” Pagsang-ayon nito sabay sandal ng kanyang ulo sa balikat ni Gabriel.
Sandaling natigilan ang binata bago nagpakawala ng isang ngiti sa mga labi. Ilang oras silang nanatiling nakupo at walang imikan, nang lingunin ng binata si Lyra ay nakatulog na pala ito sa kanyang balikat. Iniangat niya ang kanyang kanang braso at ipinulupot sa katawan ni lyra at kinabig itong palapit sa kanya.

**********
Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat, maliban kay Gab at Lyra na gising buong magdamag. Buong gabi silang nagkwentuhan tungkol sa kanilang pangarap at dahil duon ay lalo silang napalapit sa isat isa.
“Oh, paano mauna na kaming Matatanda sa inyo, dumito muna kayo at magsanay. Safe dito dahil walang sinuman ang pupunta sa lugar na ito.” Bilin ni Don Enrico habang hinahanda ang mga dadalhin pauwi.
“Sya nga naman, kailangan nyong magsanay. Sanayin nyo kung paano kontrolin ang inyong mga kakayahan, lalo ka na Jason. Masyado ka pang padalos dalos. Delikado iyan pag pumunta na kayo ng Maynila.” Susog naman ni Mang Bayani.
“Oh, mag-iingat kayo ha, baka masaktan kayo. Kailangan nyong sanayin ang sarili nyong kontrolin ang mga Elemento nyo.” Tugon naman ni Lola Ina.
Sabay sabay silang napatangong Apat. Tama nga sila, kailangang pa nilang sanayin ang kanilang mga bagong kakayahan, pagdating nila ng Maynila ay siguradong magiging malaking Problema pag may nakaalam na ibang tao.
Pagkaalis ng kanilang mga Magulang ay nagkatinginan ang Apat. 
“Pano simulan na natin.” Excited na sabi ni Jason.
Itinaas nito ang kanyang kamay sabay huminga ng malalim. Biglang nagliyab ang kanyang kamay. Sa gulat nito ay agad pinagpag at napaupo sa lupa. Tinawanan siya ng Tatlo.
“Sabi na kasing mag-iingat eh.” Singhal ni Abby dito.
Napatingin si Jason kay Gab at kinindatan naman ito ni Gab sabay ngiwi ng labi. Muling tumayo si Jason at nag concentrate uli. Agad nitong pinagliyab ang kanyang braso at tawa ito ng tawa. Naghugis bola ang apoy sa kanyang kamay at ibinato ito sa itaas, Nagliwanag ang buong paligid at nang bumagsak ang bolang apoy ay nagkalat ito ng maliliit. Nasunog ang bawat dahong mahagip. Napansin ni Gab ang isang malaking apoy na papabagsak sa kanila kaya agad nitong ikinumpas ang kanyang kanang kamay at nagpakawala ng isang malakas na pwersa ng hangin. Talsik ang apoy sa ibang direksyon. Itinaas naman ni Lyra ang kanyang kamay at inipon ang tubig ulan sa kanyang paligid at isinaboy ito sa itaas, nagtila ambon ang bawat patak nito at namatay ang apoy ni Jason.

“Hahahaha, galing nito ah.” Tawa ni Jason na tuwang tuwa sa kanyang kakayahan..
Biglang umangat ang lupang kinatatayuan ni Jason at sa gulat ay bigla itong tumalsik. Bagsak sa lupa, una ang Pwet.
“Araw naman..” haplos ni Jason ang kanyang nasaktang puwet at tumingin kay Abby.
“Bleeehhh” parang batang inilabas ni Abby ang kanyang dila at tila inaasar si Jason. Ikinumpas pa nito ang kanyang kamay at nag-angatan ang mga bato sa kanyang paligid, Habang tumatagal ay lumalaki at naiipon ang mga bato at lupa sa ere, nagkalasan ang mga ugat ng puno. 

ikinumpas naman ni Gab ang kanyang kamay at nagpakawala ng isang malakas na hangin. Tila talim ng matatalas na tabak nitong pinagdurog durog ang mga bato, Naputol ang mga sanga ng puno ng tamaan. Napanganga ang tatlo sa ginawa niya.
“Wow, lupit noon ah..” may paghangang sabi ni Jason.

Wala silang ginawa buong maghapon kundi magtagisan ng kanilang mga kakayahan, sa pagdaan ng mga Oras ay unti unti na silang nasasanay sa kanilang mga kakaibang kakayahan. Nang mapagod ay naisipan ng dalawang babae na magtampisaw sa ilog sa ibaba ng Lawa habang naghahanda naman ng makakain nila ang dalawang lalaki.

“Naiisip ko Abby, bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo ay tayong apat pa ang binigyan ng ganitong kakayahan.” Tanong ni Lyra dito habang nasa sapa sila.
“Yun nga din ang iniisip ko, pero alam mo parang nagugustuhan ko na din ang kapangyarihan ko.” Tugon naman ni Abby. “Ikaw ba?” 
“Hindi ko alam, parang ang weird kasi, parang hindi na ako Normal na tao.” Sagot ni Lyra.
“Isipin mo na lang na advantage para sa atin ito, isipin mo, hindi na natin kailangan ang mga boys para ipagtanggol ang sarili natin.” Natatawang tugon ni Abby.
Napangiti na rin si Lyra tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ng kausap. Bago niya nilingon ang kinaroroonan ng dalawang boys. Napasunod na rin ng tingin si Abby.
“Pwedeng magtanong?” si Abby
“Ano yun?” sagot ni lyra na habang tinatampisawa ang paa sa tubig sapa.
“Kayo na ba ni Gabby?” tanong ni Abby na hindi tumingin kay Lyra.
Nagkibit balikat si Lyra bago nagsalita. “Ewan, parang na hindi. M.U. parang ganun.”
“Akala ko kasi kayo na.” dugtong ni Abby.
Napatingin si Lyra kay Abby na tila hinuhuli ang ibig sabihin nito. Bigla ay natahimik sila pareho, maya maya pa ay narinig na nila ang tawag ng dalawang Boys. Sabay silang tumayo at agad na tinungo ang kinaroroonan ng Dalawa.

Marami pang natirang pagkain mula sa handaan kagabi kaya nagsalo sila para sa kanilang pananghalian.
“Bukas na tayo umuwi, dito na muna tayo magpalipas ng Gabi, Okey lang ba yon?” suhestyon ni Jason na kay Abby nakatingin.
Hindi umimik si Abby kaya sinalo na ito ni Gab. “Sige, bukas na tayo umuwi, gusto ko pang sanayin ang kakayahan ko, pagdating kasi natin sa maynila ay hindi na natin ito magagawa.” 
“Ikaw Lyra okey lang sayo.” Tanong ni Jason kay Lyra na katabi ni Gab.
“Okey lang sa akin.” Matipid na sagot ni Lyra.
“Ikaw Abby?” si Gab na ang nagtanong dito.
“Okey din lang.” sagot nito.

Kinagabihan ay magkasamang natulog si Abby at lyra sa isang Tent habang nakaupo naman si Gab sa malapad na bato at pinanunuod ang kaibigan habang nagsasanay ng kanyang kapangyarihan.

“Hadokik.” Biglang sigaw ni Jason sabay pakawala ng isang malaking bolang apoy patungo kay Gab. 
Mabilis naman itong nasalag ni Gab sa pamamagitan ng isang malakas na hangin na nagmistulang ipo ipo at nauka ang lupang dinaanan ng hangin. Natamaan si Jason Sabay talsik ito sa malayo.

Pinagliyab ni jason ang buo nyang katawan at pinaangat ang sarili sa lupa. Ginaya naman ito ni Gab at lumipad paitaas. Napanganga si jason sa ginawa ng Kaibigan.

“Red, white and Blue. Stars over you, Nanay said, tatay said, I love you. KAPITAN PINOY.” Natatawang sigaw ni Gab habang nakalutang sa ere, itinaas pa nito ang kanyang dalawang kamay.

“Ay ang Badoy, luma na yan. Yung bago naman.” Natatawang sabi ni jason. “Ito bago, Saint Thelmo.” Sabay pinagliyab ang buong katawan at umangat sa ere. Nagulat si Gab dahil hindi manlang nasunog ang damit at katawan ni Jason.
“Teka, sinong SAINT THELMO?” tanong niya kay Jason.
“Inglis ng Santilmo.” Matikas pa nitong tugon.

Muntik nang mapahagalpak sa tawa si Gab. “Eh mas badoy pa pala yang sayo eh.” Santilmo ka jan.
Dahil sa ingay ng Dalawa kaya nagising sina Abby at Lyra. Nagulat ang mga ito dahil parehas nakalutang sa ere ang dalawang lalaki.

TOK.. 

“Aray.” Sigaw ni jason

Pagtingin nya sa baba si Abby pala, pinalutang ang isang maliit na bato at inihagis kay Jason. Ikinumpas naman ni Lyra ang kanyang kamay at pinalutang ang tubig sa sapa deritso kay jason.
Basang basa si jason at nawala ang apoy. Bumagsak ito bigla sa lupa, hipo hipo nito ang pwet..
“Aray naman.. Mga killjoy kayo noh..” sabi nito sa dalawa.
Sumali na rin ang dalawa at nagkatuwaan na maglaro ng kanilang mga kapangyarihan. Nang mapagod ay nag aya na si Lyra na matulog.

“Dito na lang kayo sa kubo matulog.” Sabi ni Gab
“Tabi tabi nalang tayo dito.” Sabat naman ni Jason
“Che, sa labas ka.” Sagot naman ni Abby
Natameme si Jason at napakamot. Wala syang magawa kaya nahiga nalang silang dalawa sa damuhan. Pinainit nito ang lupa para matuyo ito. Pinalutang naman ni Gab ang sarili sa ere kaya para itong nakahiga sa hangin.
“Ang daya mo.” Sabi ni jason


**********
Kinabukasan, paggising ni Gab ay nagulat siya ng mapansin si Lyra na nakaupo sa tabi niya at nakatitig sa kanya
“Good Morning Sleepy Head. Tara Break fast is Ready.” Nakangiti nitong aya sa kanya. Nag-iinat nabumangon siya at sinundan ng tingin si Lyra.

Dinatnan niyang nagluluto si Abby at si Jason. Si Lyra ay naghahain na ng kanilang almusal. Napangiti siya dahil mukhang tanggap na nila ang lahat. Tiningnan niya si Abby at Jason, Mukhang nagkakasundo na ang dalawa. Pagtingin niya kay Lyra ay nahuli niyang nakatingin din pala ito sa kanya. Nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti. 

Pagkatapos ng Agahan ay tumayo si Gab sa Gilid ng bangin, doon ay tanaw niya ang malawak na Kagubatan at ang malinaw na sapa. Narinig niya ang yabag ng papalapit at nang lingunin niya ito ay napansin niyang papalapit si Abby.
“Malalim yata iniisip mo?” bungad nitong sabi sa kanya.
“Iniisip ko lang, ano kaya mangyayari sa atin sa maynila, sino kaya ang mga bago nating makikilala. Diba sabi ng Diwata ay hinihintay na tayo ng iba pa nating kauri.” Sagot niya.
“Ibig sabihin ay hindi lang tayo ang may ganitong kakayahan?” takang tanong ni Abby.
“Marahil… malalaman natin yon pag nakarating na tayo ng maynila.” Sagot ni Gab
“Excited na akong makilala sila.” Tugon ni Abby.
Napabuntong hininga si Gab at muling tumanaw sa malayo. Bigla ay naramdaman niya na parang may humawak sa kamay niya. Nang tingnan niya ito at nakita niyang hawak ni Abby ang kanyang Kamay. Tumingin siya dito ng tila nagtatanong, agad binitiwan nito ang kanyang kamay at tila malungkot na naglakad palayo sa kaniya. Nagugulumihanan namang sinundan ng tingin ito ni Gab. Iba ang nararamdamn niya subalit ayaw niya itong bigyang ng kahulugan.

No comments:

Post a Comment