Friday, September 17, 2010

Send my Love to Heaven (Tagalog version)

Translated by: R.J. Palles



Paano ko nga ba mailalarawan ang babaeng pinakamamahal ko simula pa noong ako’y sampong taon pa lang.. na gusto ko kong paano niya ako pagtawanan sa tuwing ako’y makagagawa ng pagkakamali, kung paano siya ma-badtrip sa walang kwentang bagay at kahit na kung paano siya umiyak sa isang simpleng late night show.
Siya ang matalik kong kaibigan at kilala ko na siya simula nang kami’y maliliit pa. Alam niya lahat nang aking sekreto at gayon din siya sa akin. Mahal ko siya hindi lamang dahil maganda siya at matalino kundi pati kung paano niya pagtawanan ang lahat ng bagay at kung paano niya tingnan ang buhay ng may pagmamahal.
Natatandaan ko pa noong unang pagkakataon na kami’y nagkakilala; limang taon pa lang ako noon.
Isang maaliwalas at mahanging hapon at wala akong makalaro. Ang kaisa isa kong kaibigang si Troy ay lumipat ng tirahan sa kabilang bayan dahil na Promote ang kanyang Tatay. Umakyat ako sa aming tree house at doon ay napansin ko ang isang malaking truck na paparating kasunod ang isang kotse. Tumigil iyon sa isang bakanteng bahay sa tapat namin at doon ay bumaba ang isang pamilya. Ilalayo ko na sana ang aking tingin ng biglang lumabas ang isang magandang babae para sa aking paningin. Limang taon pa lang din siya noon subalit kahit sa ganong edad ay maganda na siya. Mahaba ang kulot niyang buhok na umaabot hanggang sa bewang. Maputi siya at mapungay ang mga matang mahahaba ang mga pilik mata.
Patuloy ko silang pinagmamasdan ng biglang napatingin siya sa aming tree house at nakita niya akong nakatingin sa kanya. Magtatago na sana ako ng bigla siyang ngumiti at kumaway. Gumanti ako ng kaway at nagulat nang bigla siyang tumakbo patungo sa aming tree house. Kaya naman tinungo ko ang hagdanan at sinabi.
“Gusto mo umakyat?”
sumagot siya ng..“Pwede?”
Tinulungan ko siyang umakyat at nang marating niya ang itaas ay tumingin siya sa akin sabay sabi nang.
“Ako si Sam. Ano pangalan mo?”
Sumagot ako. “Ako si Christopher, Chris tawag sa akin ni Nanay.” Ngumiti siya at sinabing
“Gusto ko ang pangalan mo..” sabi niya at nilingon ang loob ng tree house at sinabing “Ang linis naman nitong Tree House mo.”
Sumagot ako ng. “Salamat! Ginawa ko ito para tambayan namin ni Troy, dito kami naglalaro, madalas din kami mag bike, siya ang best friend ko kaso lumipat na sila ng tirahan.”
Ngumiti siya at sinabing, “ Andito naman ako, pwede mo rin akong maging best friend, pwede tayong maglaro tulad ng ginagawa nyo ni Troy. Wala pa kasi akong nagiging kaibigan na lalaki kaya gusto kong magkaroon. Matututo akong mag basketball at meron akong bike, pwede tayong mag bike ng maghapon. Okey lang ba sayo yon?”P

Ngumiti ako at sinabi kong, “OO Okey sa akin iyon.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at sinabi. “Ikaw na ngayon ang bago kung bestfriend.”

At iyon na ang simula nang lahat.

Kaya naman naging magkaibigan kami. pero parang kakaiba noong una dahil isa siyang babae at maraming bagay na nag-aalangan akong gawin, tulad ng panghuhuli ng palaka, maligo sa lawa at umakyat sa puno, pero ginawa niya ang lahat para lang mapasaya ako. May pagkakataong nahulog siya sa Bisekleta dahil sa paghabol sa akin noong kami ay nagkakarera at ako ang gumamot sa nasugatan niyang tuhod. Naalala ko pa noong matamaan niya ang bintana ng aming kapitbahay nang naglalaro kami ng baseball at ako ang kumausap kay Mang Lito at nangakong babayaran ang nasira, kahit na ang kapalit nito ay ang isang linggo kung baon sa eskwela.

Naaalala ko pa ang mga sandaling nahulog ako sa puno nang subukan kong sagipin ang isang kuting dahil umiiyak si Sam nang makita itong nakasabit sa isang sanga. Nakipag suntukan na rin ako sa mga malalaking bata nang lokohin nila si Sam at paiyakin nila ito at nagkaroon ako ng malaking black eye at pasang pisngi. Naalala ko pa noong umiiyak si Sam habang nilalagyan niya ng Yelo ang pasa ko sa mukha at mata pagkatapos ay binigyan niya ako ng GET-WELL KISS. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya at ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kanyang maibigan at gustuhin.

Ang lawa ang aming paboritong tambayan. Madalas kaming maligo tuwing sabado at iyon ang aming nakagawian na. Nagbabalot kami ng pagkain at kinakain namin iyon sa ilalim ng puno ng akasya. Merong nakatumbang puno roon na ginawa naming upuan. Doon ay madalas kaming nagkukwentuhan ng aming mga pangarap. Gusto niyang maging ballerina at alam niyang pangarap kong maging Doktor. Hindi niya ako pinagtatawanan sa pangarap ko bagkus ay sinasabi nya pang abutin ko ito. Iyon ang dahilan kong bakit higit ko pa siyang nagustuhan.

Sa pagdaan ng mga taon, napapansin kong ang pagtingin ko sa kanya ay unti unting nagbabago. Akala ko noon iyon ay isang simpleng paghanga lang. Subalit nang mag-umpisa nang maisip ko siya tuwing gabi at mapanaginipan tuwing pagtulog at gusto kong lagi siyang makasama, inisip kong iyong ay kakaiba. isang pakiramdam na hindi maipaliwanag subalit nagbibigay sa akin ng isang masayang pakiramdam. Nagagawa nitong akoy sumigla sa bawat pagkakataong nagdidikit ang aming mga kamay, nararamdaman ko ang kakaibang sensasyon sa aking gulugod. Minsan pag kami’y naliligo sa Lawa at pasan ko siya sa aking likod patungo sa pampang ay tila ayaw ko na siyang bitawan. Nais kong magpatuloy ang ganung sandali at hinahangad kong huwag nang matapos.

Hanggang sa ma-realize kong unti unti na akong umiibig sa aking Bestfriend.

Maraming beses na pilit kong ikinakaila ang nararamdaman ko sa kanya, natatakot ako sa tuwing maiisip ko ang kahihinatanan kung aaminin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Natatakot ako dahil baka isipin niyang pinagsasamantalahan ko ang aming pagkakaibigan. Natatakot akong mawala siya kaya itinago ko ang aking nararamdaman.

Tumuntong kami sa edad na labing anim at napansin kong araw araw ay lalo siyang gumaganda. Nasasaktan ang puso ko sa tuwing napapansin ko ang mga lalaking nakatitig sa kanya. Gusto ko silang suntukin sa ilong habang pinagmamasadan silang nakikipag-usap sa kanya at nireregaluhan siya ng bulaklak at chokolate. May pagkakataong pinagmamasadan ko siya sa malayo habang magkahalo ang galit at sakit. Masakit sa akin na marami akong gustong sabihin subalit hindi ko pwedeng gawin. Maraming regalo ang gusto kong ibigay sa kanya subalit hindi ko magawa dahil maaring kaibigan lang ako para sa kanya.

Isang araw nalaman ko na lang sa isang kaibigan na meron na siyang kasintahan. Nong una’y pinilit kong paniwalain ang aking sarili na iyon ay isang bali-balita lang. Ang kanyang kasintahan, si Mark, isang sikat na senior at isang heartthrob sa aming campus. Siya bilang isang Cheerleader ay malapit sa Basketball team na kung saan Kapitan si Mark. Nang makita ko sila isang hapon habang naglalakad sa parking lot ay naramdaman ko ang unti unting pagdurog ng puso ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak. Ang bigat sa pakiramdam na tila pasan ko ang lahat ng problema ng daigdig. Nakita ko siyang kumaway sa akin subalit nagkunwari akong hindi ko sila napansin sapagkat natatakot akong makita niya sa aking mga mata ang sakit at pagseselos na nararamdaman ko sa loob.

Ang mga sumunod na araw ang ang pinakamalungkot na araw sa aking buhay. Nagdurugo ang puso ko sa tuwing sasabay siya sa akin sa paglalakad pauwi na nasa tabi niya si Mark. May pagkakataong gustong kong hablutin siya palayo dito sa tuwing makikita ko silang magkasama sa hallway. Masakit na makita ang babaeng gustong gusto mong makamit na ngayon ay pag-aari na ng iba. Ang natatanging ngiti na kinasasabikan kong ipukol sa akin, ngayon ay para na sa kanya.

Subalit isang araw bigla silang naghiwalay. Pinuntahan niya ako isang gabi at umiyak siya sa aking balikat. Nag-away sila at humantong sa kanilang paghihiwalay. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa loob. Masaya ako dahil malaya na siya at maaring magkaroon na ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman. Subalit naiinis rin akong isiping maaring nagdadalmhati ito dahil sa pagmamahal niya kay mark. Sa mga oras na iyon ay hindi ako sigurado kung ano ang gusto kong gawin. Hinayaan ko na lamang siyang umiyak.

Natagpuan na lamang namin ang aming sarili na ginagawa ang mga dati naming nakagawain. Swimming tuwing sabado, nagpapalipas ng oras sa tree hause, nagkukuwentuhan sa ilalim ng puno ng Akasya at ginagawa ang mga walang kabuluhang kalokohang pambata.

Maraming beses na nagkaroon ako ng pagkakataong ipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman subalit hindi ko magawa dahil natatakot akong muli siyang mawala sa ikalawang pagkakataon. Nawala na siya sa akin noon at hindi ko makakaya pang mawala uli siya kaya naman pilit kong itinago ang aking nararamdaman.

Ilang linggo na lang bago ang aming JS Prom, nakaupo kami sa isang nakatumbang puno habang pinatatuyo ang aming sarili mula sa paliligo sa batis ng bigla niyang sabihin na,
“Iniisip ko Chris, kung gusto mo kaya ako maging partner?”
Tila bigla akong nawala sa sarili pakiramdam ko ay nananaginip ako, hindi ko akalain na ito’y mangyayari. Ilang sandali bago ako nakatugon.
“Akala ko ba maraming lalaki na mamamatay para sayo, para lang maka partner ka?”
Tumalikod siya at mahinang nagsalita.
“Naisip ko, mas gusto kong gugulin ang gabing iyon kasama ang aking bestfriend.” Bago muli siyang nagpatuloy sa mahinang boses na halos hindi ko na marinig.
“Ikaw ba, gugustuhin mo rin bang mamatay tulad nila para makasama ako chris?”
Sandaling namayani ang katahimikan sa aming paligid bago ako nakasagot.
“ Ikasasaya ko ang maka partner ka sam.”
Ngumiti siya at biglang hinalikan ang aking pisngi. Hindi ko na maitago ang kasiyahang nararamdaman ko ng oras na iyon. Napansin kong mapula ang kanyang pisngi at napayuko siya, bigla tumayo siya at tumakbo papuntang tubig sabay sabi ng,
“Ang huling makarating sa tubig manlilibre ng sundae fudge!”

Dumating ang Gabi ng Prom Night. Bumili ako ng bagong tuxedo, halos ibuhos ko na ang lahat ng laman ng pabango. Tinungo ko ang kanilang bahay upang sunduin siya. Binati ako ng kanyang ina at pinaupo ako sa sala upang hintayin ang kanyang pagbaba. Kausap ko ang kanyang ama nang maringi ko siyang nagsabi nang,
“How di I look?”
Natingin ako sa itaas at doon ay nakita siya napakaganda sa suot niyang strapless na puting damit at ang kanyang buhok ay nakalugay at tila hinihipan ng hangin sa kanyang mukha. Napatayo ako at ibinuka ang aking bibig subalit walang katagang lumabas. Tapos kinuha ko ang kanyang mga kamay at nanginginig na inilagay ang corsage sa kanyang braso.
“Para sa pinakamagandang babae sa buong mundo.”
Tumugon siya nang “Totoo ba yan?” Tumango ako at napangiti siya, gumanti ako ng ngiti bago ko siya inalalayan patungo sa pinto.

Nang dumating kami sa Gymnasium ay muntik ko nang hindi makilala ang aming mga kaklase. Wala na ang mga maong at T-shirts at napalitan na nang mga Tuxedo at Gowns. Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay sabi nang,
“will you give me the honor of your first dance?" napatawa siya at napatango. Saka inalalayan ko siya patungo sa dance floor.

Parang isang panaginip na nagkatotoo, parang fairy tales, parang magic, isang mahiwagang sandali. naroon ako kasayaw ang kaisa isang babaeng mahal ko, nakangiti siya sa akin habang dahan dahan kaming sumasabay sa himig ng malamyos na tugtog. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatitig sa kanyang maningning na mata. Ang kulot niyang mahabang buhok at tila alon na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng kanyang mukha.

Maraming bagay na gusto kong sabihin sa kanya sa pagkakataong iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya ang pinakamagandang babae sa gabing iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya lamang ang tagapagdala ng liwanag sa aking kalungkutan at higit sa lahat, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya. Nilakasan ko ang aking loob at yumuko upang bumulong sa kanyang tainga ng biglang huminto ang musika at biglang naglaho ang Magic. Muntikan ko nang mabigkas subalit hindi ko pa rin nagawa.

Muli ay inalalayan ko siya pabalik sa aming Mesa at natagpuan ang aming sarili na napapalibutan ng aming mga kaibigan. Tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom at tumango siya kaya umalis ako upang kumuha ng isa. Natagalan ako bago nakakuha at nang bumalik ako sa aming lamesa ay wala na siya. Tinanong ko ang kaibigan niyang si Katie kung nasaan siya subalit sinabi nitong hindi niya alam. Kaya nag-ikot ako upang hanapain siya.

Hinanap ko siya hanggang sa marating ko ang harden. Doon ay nakita ko ang dalawang aninong naaaninagan ng liwanag ng bilog na buwan. Magkalapit sila sa isat isa. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang makilala ko ang puting damit na suot ni sam nang gabing iyon. Pumihit ako at nilisan ang Gymnasium nang may luha sa aking mga mata.

Mula nang gabing iyon ay iniwasan ko siya. Maraming beses na pinilit niyang kausapin ako subalit hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Ayokong marinig mula sa kanya na si Mark ang mahal niya at hindi ako. Mas gugustuhin ko pang hindi malaman kong ano ang kanyang tunay na nararamdaman kaysa sa marinig ang nakakasindak na mga salita at tuluyang maramdaman ang pagkawasak ng aking pag-asa at puso. Hindi ko sinasagot ang kanyang mga tawag, hindi ko siya kinakausap sa tuwing pupunta siya sa aming bahay, iniiwasan ko siya sa tuwing magkakasalubong kami ng daan. Masakit para sa akin ang gawin iyon subalit iyon ang makabubuting paraan para makalimutan ko siya at maibsan ang sakit na nararamdaman.

Dumating ang araw ng aming pagtatapos. Pinaplano kung kumuha ng medisina sa maynila at kailangan kong umalis kinabukasan. Nang matapos ang programa ay lumapit siya sa akin at iniabot ang isang Rosas. Tinitigan niya ako at napansin kong may kakaiba sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag. Tila may kalungkutan sa loob nito at nang siya ay ngumiti at hindi iyon ang ngiting nakikita ko sa kanya noon. Gusto ko siyang yakapin na oras na iyon at sabihin sa kanyang mahal ko siya subalit tumalikod siya at naglakad palayo sa akin.

Kaya naman kinabukasan ay lumuwas ako ng maynila tulad ng nasa plano. Maswerte akong agad namang natanggap sa unibersidad na napili ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral subalit naiisip ko pa rin siya sa gabi. Lagi kong tinatanong kong naiisip rin ba niya ako. Sinubukan kong kalimutan siya subalit hindi ko mapigilan ang sariling mahalin siya. Bawat bagay na aking nagawa ay para sa kanya. Iniisip kong kung ako’y magiging matagumpay ay magagawa ko nang magtapat sa kanya at sa pagkakataong iyon ay karapat dapat na ako para sa kanya.

Isang taon pagkalipas nang aming Graduation nang magdesisyon akong umuwi upang makita siyang muli. Palagay ko ay sapat na ang isang taon para sa akin na hindi ko siya makita. Sa loob ng taong iyon ay para akong isang taong naliligaw sa Desyerto at tanging ang makita siya ang nakakapawi ng aking uhaw.

Sumakay ako ng bus pauwi, desperadong makarating agad sa kanilang bahay upang makita siya, mayakap, tapos sasabihin kong nami-mis ko siya at minamahal ko siya noon pa. Sa pagkakataong ito ay disidido akong ipaalam sa kanya na mahal ko siya.

Narating ko ang kanilang bahay at nakita ko ang kanyang nakakatandang kapatid. Nginitian ko siya at napansin kong malungkot ito. Naguluhan ako, alam kong masiyahan siya at palangiti katulad ng mahal kong si Sam.


Tapos tinanong ko siya.
“Hi Jen. Alam kong nagulat ka kung bakit ako nandito. Well, gusto ko lang bisitahin ka at umaasa akong makita si Sam.. Nami-mis ko na kasi siya…. Ahhhhh… nasaan ba siya?” tanging nakita ko sa kanyang mata ay kalungkutan bago siya nagsalita nang.
“Halika, sumunod ka sa akin.”


Nalilito ako sa inaasal niya subalit sumunod pa rin ako sa kanya. Sinubukan kong makipag-usap sa kanya subalit hindi siya umiimik. Napansin kong patungo kami sa direksyon ng lawa. Katulad pa rin ito ng dati, ang matandang puno na inaakyatan namin ni Sam. Ang nakatumbang puno ng Narra na inupuan namin noon nang halikan niya ako sa pisngi ng ayain niya ako sa Prom. Napangiti ako at lalo kong naramdaman ang pananabik sa kanya. Bigla tumigil si Jen sa ilalim ng puno at may itinuro bago bumulong ng.
“Andon si Sam.”

Tumingin ako kung saan siya nakaturo at napansin ko ang bagong hukay na libingan na nakasulat ang pangalan ng kaisa isang babaeng minahal ko. Hindi ko mapaniwalaan ang aking nakita at pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na isa lamang iyong masamang biro, isang masamang panaginip at mamaya lang ay magigising din ako.





Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa at napatingin ako kay Jenny, humihingi ng paliwanag. Huminga siya ng malalim at kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay sinabi nitong,

“Ilang linggo pa lang ng mamatay siya. Namatay siya sa Leukemia, pero kahit na maysakit siya ay hindi siya tumigil sa pag-iisip sayo. Hiniling niyang ilibing siya sa lugar na ito dahil lagi niyang sinasabing ang lugar na ito ay lugar ng pagibig.”

Tuluyang nang bumigay ang aking damdamin, nangingig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi, hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.


“Sabi niya, dito niya ginugol ang pinakamasasayang araw niya at iyon ay noong kasama mo siya. Pinabibigay nga pala niya ito.” Iniabot niya sa akin ang isang sulat saby na tumalikod ito at lumayo.

Dahan dahan kong binuksan ang sulat at nakita ko ang laman nitong tuyong Corsage na ibinigay ko sa kanya noon sa Prom. At sa ilalim ay napansin ko ang isang sulat. Nakapetsa iyon noong nakaraang buwan. Binuksan ko iyon at sa nanlalabo kong matang tigib ng luha ay binasa ang nakasulat.





Alam ko na sa oras na mabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako. Gusto ko lang sabihin sayo na mapalad ako at lubos na nagpapasalamat sa Diyos dahil ibinigay nya sa akin ang isang kaibigang tulad mo.

Gusto ko din ipaalam sayo na merong naiwan dito sa puso ko, isang bagay na matagal kong itinago sayo sa loob ng matagal na panahon. Mahal kita Chris, hindi bilang kaibigan but as one who would feel like spending the rest of my life with. Minahal kita mula pa sa simula. Alam mo bang lalo itong lumalago sa bawat araw at oras na magkasama tayo.

Ang pinakamasayang sandali ay sa tuwing magkasama tayo. Hindi mo lang alam kung paano kita mapanaginipan tuwing gabi at magising sa umagang ang hangad ay laging nasa tabi kita.

Pag nasa malayo ka, hindi ko mapigilan ang umiyak dahil natatakot akong baka may kasama kang iba. Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba. Gusto ko akin ka lang sa buong buhay ko. I may sound selfish but that's how I feel. Sa tuwing akoy iyong yayakapin ay parang isang katuparan ng panaginip na mapalapit sayo at madama ang tibok ng iyong puso kasabay ng pagtibok ng akin. Marami akong ginawa upang matutunan mo din akong mahalin pero hindi ko sayo pinahalata. Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka dahil mahal na mahal kita na pilit ko ding pinaniwala ang sarili kong mahal mo din ako.

Maraming gabing ako’y umiiyak sa tuwing maiisip kong hindi mo ako kayang mahalin. Palagay ko’y iisipin mong ang lahat ng sinasabi ko ay kasinungalingan, pero nais kung sabihing ang puso ko ay nagsasabi ng totoo dahil hindi ko kayang magsabi ng kasinungalingan sa isang taong lubos kong minamahal.

Alam kong iniisip mo si Mark, pero ginawa ko lang iyon para pagselosin ka, para Makita mo ako bilang isang dalaga na kayang magmahal hindi bilang isang batang babae na kalaro mo. Minsan iniimadyin kong nagseselos ka at pinapaniwala ko ang aking sarili na isa iyong senyales na merong ka ring nararamdaman sa akin.

Noong maghiwalay kami ni Mark at nagpunta ako sa iyong umiiyak, ginawa ko iyon upang malaman ko kung ano ang iyong magiging reaksyon dahil gusto kung malaman kong mahal mo din ako. Pero nabigo ako dahil hindi ka manlang nagpakita ng anumang senyales.

Nang dumating ang ating prom Night, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang ibigay mo sa akin ang corsage at sabihing ako na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Nuong tayo ay sumasayaw ay gustong gusto ko nang marinig sayo ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig mula sayo. Ang sabihin mong Mahal mo din ako, pero hindi mo ginawa. Nang lapitan ako ni Mark at magmakaawang bigyang ko pa siya ng isa pang pagkakataon ay natakot akong Makita mo kami. Hindi ko gustong na magisip ka ng maling empresyon sa akin kaya sinabi kong sa Garden na lang kami mag-usap. Duon ay pinagtapat ko sa kanyang ikaw ang mahal ko.

Hinanap kita pagkatapos pero hindi kita matagpuan, nalaman ko na lang na hinahanap mo din pala ako at palagay ko ay nakita mo kaming nag-uusap. Nang mga sumunod na araw ay gusto kong magpaliwanag sayo pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataong gawin iyon. Patuloy mo akong iniwasan at hindi mo lang alam ang sakit na naranasan ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko’y gumuho ang mundo ko.

Sa ating Graduation day, nuong lapitan kita gustong gusto kong ipagtapat sayo kung gaano kita kamahal pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig mula sa iyo na sabihin na ang tanging nararamdaman mo ay pagmamahal ng isang kapatid. Dahil gusto kung mahalin mo ako bilang isang Babae at hindi isang dalaga o kalaro. Kaya akoy tumalikod at lumayo.

Now that saying I LOVE YOU might be too late, still I want you to know that I will always love you and my heart has always been and will be yours alone.

P.S.
Think of me sometimes.... and always remember that loving you was the best thing that ever happened in my life.








Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga Mata habang tinutupi ang sulat. Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya kung gaano ko din siya kamahal, higit pa sa pagmamahal niya sa akin. Mahal na mahal ko siya higit pa sa kung ano pa mang bagay sa Mundo.

Tila nauupos na kandilang napaluhod ako sa lupa. Humagulgol na hinawakan ang lupang nakatabon sa puntod ng babaeng aking pinakamamahal. Tila naman nakisama ang panahon sa aking pagdadalamhati at pumatak ang ulan. Patuloy ako sa mahinang paghagugul.

Itiningala ko ang aking mukha sa langit habang ang mga luha ay sumasabay sa agos ng ulan sa aking mukha, ipinikit ko ang aking mata sabay usal ng..

"Oh God, send my love to heaven."

Thursday, September 16, 2010

Funny Love Quotes




Find a guy who calls you beautiful instead of hot, who calls you back when you hang up on him, who will lie under the stars and listen to your heartbeat, or will stay awake just to watch you sleep... wait for the boy who kisses your forehead, who wants to show you off to the world when you are in sweats, who holds your hand in front of his friends, who thinks you' re just as pretty without makeup on. One who is constantly reminding you of how much he cares and how lucky he is to have YOU... The one who turns to his friends and says, thats her...

Cheesy Pinoy Pick Up lines

Ilang mga Pick Up lines na nabasa ko sa mga Blogs.. Share ko sa inyo..


“ Arc reactor ka ba?
Di ako tatagal kapag nawala ka sa dibdib ko.

“ Ang init ngayon no?
Dito ka sa puso ko… malamig.

“ Buti pa email…
May attachment.

“ Marunong ka bang mag-ayos ng cellphone?
Sira yata itong iPhone ko…
Wala kasi yung number mo…

“ Para kang algebraic expression
Minsan mahirap maintindihan
But when you’re in the simplest form
The best ka talaga naman

“ Hindi ka naman camera
Pero tuwing nakikita kita
Napapangiti ako.

“ Inii-SMALL ka ba nila…
Inii-BIG naman kita

“ Ang LECture ba pwede maging LAB?
Kasi I think I LEC you very much.

“ Ang pag-ibig ko sa iyo’y parang talaba
Patay na’y nakadikit pa

“ Itutuwid ko ang landas mo
Para sa akin ka didiresto.

“ Di mo pa nga ako binabato
Tinatamaan na ako sa ‘yo

“ Kung maging superhero ako,
Hindi ako si Superman,
Hindi rin si Batman
O si Spiderman
I’m Your Man… KailanMan!

“ Sana magtaas din ang presyo ko
Para minsan naman matawag mo din akong mahal.

“ Bastos ka ah!
Basta-basta ka na lang pumapasok sa isipan ko.

“ Parang wala ako sa sarili ko,
Siguro nasa iyo ako.

“ Nag-review ka na ba?
Kasi mamaya, pasasagutin na kita.

“ Matalino ka ba?
Sige nga, sagutin mo ako.

“ Isa lang naman ang gusto ko ngayong Pasko eh…
PSP mo…
Pasko sa Piling mo!

" Kahit alam kong lamang ako sa kanya…
Meron pa rin siya na wala ako - IKAW…


“ Maliit ba ako?
Di kita maabot eh!

“ Diabetic ka ba?
Kasi i’m planning to be the sweetest person for you!

“ Buti pa ang keyboard ng pc…
Lagi magkatabi ang U and I…

“ Calculator ka ba?
Kasi sa ‘yo pa lang, solved na ako.

“ Masasabi mo bang bobo ako…
Kung ikaw lang laman ng utak ko…

“ Para kang test paper,
Nauubos ang oras ko kakatitig lang sa ‘yo.

“ Para kang ice cream,
Sweet nga…
Malamig nga lang…

“ Pakipulot naman yung puso ko…
Nahulog na kasi sa ‘yo

“ Nov.1 ngayon ah…
May dadalawin ka ba?
Ako na lang dalawin mo!
Tutal naman patay na patay ako sa ‘yo eh.

“ Sabi nila kasi libre lang mangarap.
Libre ka ba?
Ikaw kasi ang pangarap ko eh.

“ Dalawang beses lang naman kitang nais makasama…
… Now and Forever

“ Kodigo ka ba?
Ikaw kasi ang sagot sa lahat ng tanong ko eh.

“ Facebook ka ba?
Gusto kasi kita i-Like eh.

“ Para kang tindera ng sigarilyo…
You give me “hope” and… “more

“ Kung malungkot ka dahil wala pa siya…
Isipin mo na lang…
Malungkot din ako dahil wala ka pa…

“ Tatakbo ka ba sa eleksyon?
Kasi boto mga magulang ko sa iyo eh.

“ Google ka ba?
Kasi lahat na ng hinahanap ko
Nasa iyo na eh.

“ Sana naging holdaper ka na lang.
Kasi kahit ano, ibibigay ko.
Basta ‘wag mo lang akong sasaktan…

“ Miss, album ka ba?
Kasi single ako eh.

“ Lumiliit ka yata?
Dati kasi lampas ulo kita
Ngayon nasa puso na kita

“ Aanhin pa ba ang relo
Kung titigil din pala sa ‘yo!

“ Tumatangkad ka yata ngayon
Dati hanggang balikat lang kita.
Ngayon nasa isipan na kita. Randal,

“ Unggoy ka ba?
Kasi inakyat mo isipan ko.
Sumabit ka pa sa puso ko!

“ Kelangan mo ng timba.
Umaapaw ka kasi sa kagandahan.

“ Para kang alarm clock…
Ginising mo ang natutulog kong puso!

“ Isa lang naman pangarap ko eh…
Ang maging pangarap mo. mel,

“ May Band Aid ka ba?
Kasi nasugatan ako nang nahulog ako sa ‘yo

“ Sana piso ka na lang
At 100 pesos naman ako
Kasi di ako mabubuo ng wala ka Jim,

“ May kandila ka ba jan?
Pakitirik naman dito sa dibdib ko.
Para sa puso kong patay na patay sa ‘yo!

“ Am I a bad shooter?
Kasi, I keep on missing you!

“ Maging cactus ka man,
Handa ako masaktan,
Mayakap ka lang.

“ Do not leave your valuable things unattended.
Kaya dito lang ako sa tabi mo.