Translated by: R.J. Palles
Paano ko nga ba mailalarawan ang babaeng pinakamamahal ko simula pa noong ako’y sampong taon pa lang.. na gusto ko kong paano niya ako pagtawanan sa tuwing ako’y makagagawa ng pagkakamali, kung paano siya ma-badtrip sa walang kwentang bagay at kahit na kung paano siya umiyak sa isang simpleng late night show.
Siya ang matalik kong kaibigan at kilala ko na siya simula nang kami’y maliliit pa. Alam niya lahat nang aking sekreto at gayon din siya sa akin. Mahal ko siya hindi lamang dahil maganda siya at matalino kundi pati kung paano niya pagtawanan ang lahat ng bagay at kung paano niya tingnan ang buhay ng may pagmamahal.
Natatandaan ko pa noong unang pagkakataon na kami’y nagkakilala; limang taon pa lang ako noon.
Isang maaliwalas at mahanging hapon at wala akong makalaro. Ang kaisa isa kong kaibigang si Troy ay lumipat ng tirahan sa kabilang bayan dahil na Promote ang kanyang Tatay. Umakyat ako sa aming tree house at doon ay napansin ko ang isang malaking truck na paparating kasunod ang isang kotse. Tumigil iyon sa isang bakanteng bahay sa tapat namin at doon ay bumaba ang isang pamilya. Ilalayo ko na sana ang aking tingin ng biglang lumabas ang isang magandang babae para sa aking paningin. Limang taon pa lang din siya noon subalit kahit sa ganong edad ay maganda na siya. Mahaba ang kulot niyang buhok na umaabot hanggang sa bewang. Maputi siya at mapungay ang mga matang mahahaba ang mga pilik mata.
Patuloy ko silang pinagmamasdan ng biglang napatingin siya sa aming tree house at nakita niya akong nakatingin sa kanya. Magtatago na sana ako ng bigla siyang ngumiti at kumaway. Gumanti ako ng kaway at nagulat nang bigla siyang tumakbo patungo sa aming tree house. Kaya naman tinungo ko ang hagdanan at sinabi.
“Gusto mo umakyat?”
sumagot siya ng..“Pwede?”
Tinulungan ko siyang umakyat at nang marating niya ang itaas ay tumingin siya sa akin sabay sabi nang.
“Ako si Sam. Ano pangalan mo?”
Sumagot ako. “Ako si Christopher, Chris tawag sa akin ni Nanay.” Ngumiti siya at sinabing
“Gusto ko ang pangalan mo..” sabi niya at nilingon ang loob ng tree house at sinabing “Ang linis naman nitong Tree House mo.”
Sumagot ako ng. “Salamat! Ginawa ko ito para tambayan namin ni Troy, dito kami naglalaro, madalas din kami mag bike, siya ang best friend ko kaso lumipat na sila ng tirahan.”
Ngumiti siya at sinabing, “ Andito naman ako, pwede mo rin akong maging best friend, pwede tayong maglaro tulad ng ginagawa nyo ni Troy. Wala pa kasi akong nagiging kaibigan na lalaki kaya gusto kong magkaroon. Matututo akong mag basketball at meron akong bike, pwede tayong mag bike ng maghapon. Okey lang ba sayo yon?”P
Ngumiti ako at sinabi kong, “OO Okey sa akin iyon.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at sinabi. “Ikaw na ngayon ang bago kung bestfriend.”
At iyon na ang simula nang lahat.
Kaya naman naging magkaibigan kami. pero parang kakaiba noong una dahil isa siyang babae at maraming bagay na nag-aalangan akong gawin, tulad ng panghuhuli ng palaka, maligo sa lawa at umakyat sa puno, pero ginawa niya ang lahat para lang mapasaya ako. May pagkakataong nahulog siya sa Bisekleta dahil sa paghabol sa akin noong kami ay nagkakarera at ako ang gumamot sa nasugatan niyang tuhod. Naalala ko pa noong matamaan niya ang bintana ng aming kapitbahay nang naglalaro kami ng baseball at ako ang kumausap kay Mang Lito at nangakong babayaran ang nasira, kahit na ang kapalit nito ay ang isang linggo kung baon sa eskwela.
Naaalala ko pa ang mga sandaling nahulog ako sa puno nang subukan kong sagipin ang isang kuting dahil umiiyak si Sam nang makita itong nakasabit sa isang sanga. Nakipag suntukan na rin ako sa mga malalaking bata nang lokohin nila si Sam at paiyakin nila ito at nagkaroon ako ng malaking black eye at pasang pisngi. Naalala ko pa noong umiiyak si Sam habang nilalagyan niya ng Yelo ang pasa ko sa mukha at mata pagkatapos ay binigyan niya ako ng GET-WELL KISS. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya at ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kanyang maibigan at gustuhin.
Ang lawa ang aming paboritong tambayan. Madalas kaming maligo tuwing sabado at iyon ang aming nakagawian na. Nagbabalot kami ng pagkain at kinakain namin iyon sa ilalim ng puno ng akasya. Merong nakatumbang puno roon na ginawa naming upuan. Doon ay madalas kaming nagkukwentuhan ng aming mga pangarap. Gusto niyang maging ballerina at alam niyang pangarap kong maging Doktor. Hindi niya ako pinagtatawanan sa pangarap ko bagkus ay sinasabi nya pang abutin ko ito. Iyon ang dahilan kong bakit higit ko pa siyang nagustuhan.
Sa pagdaan ng mga taon, napapansin kong ang pagtingin ko sa kanya ay unti unting nagbabago. Akala ko noon iyon ay isang simpleng paghanga lang. Subalit nang mag-umpisa nang maisip ko siya tuwing gabi at mapanaginipan tuwing pagtulog at gusto kong lagi siyang makasama, inisip kong iyong ay kakaiba. isang pakiramdam na hindi maipaliwanag subalit nagbibigay sa akin ng isang masayang pakiramdam. Nagagawa nitong akoy sumigla sa bawat pagkakataong nagdidikit ang aming mga kamay, nararamdaman ko ang kakaibang sensasyon sa aking gulugod. Minsan pag kami’y naliligo sa Lawa at pasan ko siya sa aking likod patungo sa pampang ay tila ayaw ko na siyang bitawan. Nais kong magpatuloy ang ganung sandali at hinahangad kong huwag nang matapos.
Hanggang sa ma-realize kong unti unti na akong umiibig sa aking Bestfriend.
Maraming beses na pilit kong ikinakaila ang nararamdaman ko sa kanya, natatakot ako sa tuwing maiisip ko ang kahihinatanan kung aaminin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Natatakot ako dahil baka isipin niyang pinagsasamantalahan ko ang aming pagkakaibigan. Natatakot akong mawala siya kaya itinago ko ang aking nararamdaman.
Tumuntong kami sa edad na labing anim at napansin kong araw araw ay lalo siyang gumaganda. Nasasaktan ang puso ko sa tuwing napapansin ko ang mga lalaking nakatitig sa kanya. Gusto ko silang suntukin sa ilong habang pinagmamasadan silang nakikipag-usap sa kanya at nireregaluhan siya ng bulaklak at chokolate. May pagkakataong pinagmamasadan ko siya sa malayo habang magkahalo ang galit at sakit. Masakit sa akin na marami akong gustong sabihin subalit hindi ko pwedeng gawin. Maraming regalo ang gusto kong ibigay sa kanya subalit hindi ko magawa dahil maaring kaibigan lang ako para sa kanya.
Isang araw nalaman ko na lang sa isang kaibigan na meron na siyang kasintahan. Nong una’y pinilit kong paniwalain ang aking sarili na iyon ay isang bali-balita lang. Ang kanyang kasintahan, si Mark, isang sikat na senior at isang heartthrob sa aming campus. Siya bilang isang Cheerleader ay malapit sa Basketball team na kung saan Kapitan si Mark. Nang makita ko sila isang hapon habang naglalakad sa parking lot ay naramdaman ko ang unti unting pagdurog ng puso ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak. Ang bigat sa pakiramdam na tila pasan ko ang lahat ng problema ng daigdig. Nakita ko siyang kumaway sa akin subalit nagkunwari akong hindi ko sila napansin sapagkat natatakot akong makita niya sa aking mga mata ang sakit at pagseselos na nararamdaman ko sa loob.
Ang mga sumunod na araw ang ang pinakamalungkot na araw sa aking buhay. Nagdurugo ang puso ko sa tuwing sasabay siya sa akin sa paglalakad pauwi na nasa tabi niya si Mark. May pagkakataong gustong kong hablutin siya palayo dito sa tuwing makikita ko silang magkasama sa hallway. Masakit na makita ang babaeng gustong gusto mong makamit na ngayon ay pag-aari na ng iba. Ang natatanging ngiti na kinasasabikan kong ipukol sa akin, ngayon ay para na sa kanya.
Subalit isang araw bigla silang naghiwalay. Pinuntahan niya ako isang gabi at umiyak siya sa aking balikat. Nag-away sila at humantong sa kanilang paghihiwalay. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa loob. Masaya ako dahil malaya na siya at maaring magkaroon na ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman. Subalit naiinis rin akong isiping maaring nagdadalmhati ito dahil sa pagmamahal niya kay mark. Sa mga oras na iyon ay hindi ako sigurado kung ano ang gusto kong gawin. Hinayaan ko na lamang siyang umiyak.
Natagpuan na lamang namin ang aming sarili na ginagawa ang mga dati naming nakagawain. Swimming tuwing sabado, nagpapalipas ng oras sa tree hause, nagkukuwentuhan sa ilalim ng puno ng Akasya at ginagawa ang mga walang kabuluhang kalokohang pambata.
Maraming beses na nagkaroon ako ng pagkakataong ipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman subalit hindi ko magawa dahil natatakot akong muli siyang mawala sa ikalawang pagkakataon. Nawala na siya sa akin noon at hindi ko makakaya pang mawala uli siya kaya naman pilit kong itinago ang aking nararamdaman.
Ilang linggo na lang bago ang aming JS Prom, nakaupo kami sa isang nakatumbang puno habang pinatatuyo ang aming sarili mula sa paliligo sa batis ng bigla niyang sabihin na,
“Iniisip ko Chris, kung gusto mo kaya ako maging partner?”
Tila bigla akong nawala sa sarili pakiramdam ko ay nananaginip ako, hindi ko akalain na ito’y mangyayari. Ilang sandali bago ako nakatugon.
“Akala ko ba maraming lalaki na mamamatay para sayo, para lang maka partner ka?”
Tumalikod siya at mahinang nagsalita.
“Naisip ko, mas gusto kong gugulin ang gabing iyon kasama ang aking bestfriend.” Bago muli siyang nagpatuloy sa mahinang boses na halos hindi ko na marinig.
“Ikaw ba, gugustuhin mo rin bang mamatay tulad nila para makasama ako chris?”
Sandaling namayani ang katahimikan sa aming paligid bago ako nakasagot.
“ Ikasasaya ko ang maka partner ka sam.”
Ngumiti siya at biglang hinalikan ang aking pisngi. Hindi ko na maitago ang kasiyahang nararamdaman ko ng oras na iyon. Napansin kong mapula ang kanyang pisngi at napayuko siya, bigla tumayo siya at tumakbo papuntang tubig sabay sabi ng,
“Ang huling makarating sa tubig manlilibre ng sundae fudge!”
Dumating ang Gabi ng Prom Night. Bumili ako ng bagong tuxedo, halos ibuhos ko na ang lahat ng laman ng pabango. Tinungo ko ang kanilang bahay upang sunduin siya. Binati ako ng kanyang ina at pinaupo ako sa sala upang hintayin ang kanyang pagbaba. Kausap ko ang kanyang ama nang maringi ko siyang nagsabi nang,
“How di I look?”
Natingin ako sa itaas at doon ay nakita siya napakaganda sa suot niyang strapless na puting damit at ang kanyang buhok ay nakalugay at tila hinihipan ng hangin sa kanyang mukha. Napatayo ako at ibinuka ang aking bibig subalit walang katagang lumabas. Tapos kinuha ko ang kanyang mga kamay at nanginginig na inilagay ang corsage sa kanyang braso.
“Para sa pinakamagandang babae sa buong mundo.”
Tumugon siya nang “Totoo ba yan?” Tumango ako at napangiti siya, gumanti ako ng ngiti bago ko siya inalalayan patungo sa pinto.
Nang dumating kami sa Gymnasium ay muntik ko nang hindi makilala ang aming mga kaklase. Wala na ang mga maong at T-shirts at napalitan na nang mga Tuxedo at Gowns. Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay sabi nang,
“will you give me the honor of your first dance?" napatawa siya at napatango. Saka inalalayan ko siya patungo sa dance floor.
Parang isang panaginip na nagkatotoo, parang fairy tales, parang magic, isang mahiwagang sandali. naroon ako kasayaw ang kaisa isang babaeng mahal ko, nakangiti siya sa akin habang dahan dahan kaming sumasabay sa himig ng malamyos na tugtog. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatitig sa kanyang maningning na mata. Ang kulot niyang mahabang buhok at tila alon na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng kanyang mukha.
Maraming bagay na gusto kong sabihin sa kanya sa pagkakataong iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya ang pinakamagandang babae sa gabing iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya lamang ang tagapagdala ng liwanag sa aking kalungkutan at higit sa lahat, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya. Nilakasan ko ang aking loob at yumuko upang bumulong sa kanyang tainga ng biglang huminto ang musika at biglang naglaho ang Magic. Muntikan ko nang mabigkas subalit hindi ko pa rin nagawa.
Muli ay inalalayan ko siya pabalik sa aming Mesa at natagpuan ang aming sarili na napapalibutan ng aming mga kaibigan. Tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom at tumango siya kaya umalis ako upang kumuha ng isa. Natagalan ako bago nakakuha at nang bumalik ako sa aming lamesa ay wala na siya. Tinanong ko ang kaibigan niyang si Katie kung nasaan siya subalit sinabi nitong hindi niya alam. Kaya nag-ikot ako upang hanapain siya.
Hinanap ko siya hanggang sa marating ko ang harden. Doon ay nakita ko ang dalawang aninong naaaninagan ng liwanag ng bilog na buwan. Magkalapit sila sa isat isa. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang makilala ko ang puting damit na suot ni sam nang gabing iyon. Pumihit ako at nilisan ang Gymnasium nang may luha sa aking mga mata.
Mula nang gabing iyon ay iniwasan ko siya. Maraming beses na pinilit niyang kausapin ako subalit hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Ayokong marinig mula sa kanya na si Mark ang mahal niya at hindi ako. Mas gugustuhin ko pang hindi malaman kong ano ang kanyang tunay na nararamdaman kaysa sa marinig ang nakakasindak na mga salita at tuluyang maramdaman ang pagkawasak ng aking pag-asa at puso. Hindi ko sinasagot ang kanyang mga tawag, hindi ko siya kinakausap sa tuwing pupunta siya sa aming bahay, iniiwasan ko siya sa tuwing magkakasalubong kami ng daan. Masakit para sa akin ang gawin iyon subalit iyon ang makabubuting paraan para makalimutan ko siya at maibsan ang sakit na nararamdaman.
Dumating ang araw ng aming pagtatapos. Pinaplano kung kumuha ng medisina sa maynila at kailangan kong umalis kinabukasan. Nang matapos ang programa ay lumapit siya sa akin at iniabot ang isang Rosas. Tinitigan niya ako at napansin kong may kakaiba sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag. Tila may kalungkutan sa loob nito at nang siya ay ngumiti at hindi iyon ang ngiting nakikita ko sa kanya noon. Gusto ko siyang yakapin na oras na iyon at sabihin sa kanyang mahal ko siya subalit tumalikod siya at naglakad palayo sa akin.
Kaya naman kinabukasan ay lumuwas ako ng maynila tulad ng nasa plano. Maswerte akong agad namang natanggap sa unibersidad na napili ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral subalit naiisip ko pa rin siya sa gabi. Lagi kong tinatanong kong naiisip rin ba niya ako. Sinubukan kong kalimutan siya subalit hindi ko mapigilan ang sariling mahalin siya. Bawat bagay na aking nagawa ay para sa kanya. Iniisip kong kung ako’y magiging matagumpay ay magagawa ko nang magtapat sa kanya at sa pagkakataong iyon ay karapat dapat na ako para sa kanya.
Isang taon pagkalipas nang aming Graduation nang magdesisyon akong umuwi upang makita siyang muli. Palagay ko ay sapat na ang isang taon para sa akin na hindi ko siya makita. Sa loob ng taong iyon ay para akong isang taong naliligaw sa Desyerto at tanging ang makita siya ang nakakapawi ng aking uhaw.
Sumakay ako ng bus pauwi, desperadong makarating agad sa kanilang bahay upang makita siya, mayakap, tapos sasabihin kong nami-mis ko siya at minamahal ko siya noon pa. Sa pagkakataong ito ay disidido akong ipaalam sa kanya na mahal ko siya.
Narating ko ang kanilang bahay at nakita ko ang kanyang nakakatandang kapatid. Nginitian ko siya at napansin kong malungkot ito. Naguluhan ako, alam kong masiyahan siya at palangiti katulad ng mahal kong si Sam.
Tapos tinanong ko siya.
“Hi Jen. Alam kong nagulat ka kung bakit ako nandito. Well, gusto ko lang bisitahin ka at umaasa akong makita si Sam.. Nami-mis ko na kasi siya…. Ahhhhh… nasaan ba siya?” tanging nakita ko sa kanyang mata ay kalungkutan bago siya nagsalita nang.
“Halika, sumunod ka sa akin.”
Nalilito ako sa inaasal niya subalit sumunod pa rin ako sa kanya. Sinubukan kong makipag-usap sa kanya subalit hindi siya umiimik. Napansin kong patungo kami sa direksyon ng lawa. Katulad pa rin ito ng dati, ang matandang puno na inaakyatan namin ni Sam. Ang nakatumbang puno ng Narra na inupuan namin noon nang halikan niya ako sa pisngi ng ayain niya ako sa Prom. Napangiti ako at lalo kong naramdaman ang pananabik sa kanya. Bigla tumigil si Jen sa ilalim ng puno at may itinuro bago bumulong ng.
“Andon si Sam.”
Tumingin ako kung saan siya nakaturo at napansin ko ang bagong hukay na libingan na nakasulat ang pangalan ng kaisa isang babaeng minahal ko. Hindi ko mapaniwalaan ang aking nakita at pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na isa lamang iyong masamang biro, isang masamang panaginip at mamaya lang ay magigising din ako.
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa at napatingin ako kay Jenny, humihingi ng paliwanag. Huminga siya ng malalim at kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay sinabi nitong,
“Ilang linggo pa lang ng mamatay siya. Namatay siya sa Leukemia, pero kahit na maysakit siya ay hindi siya tumigil sa pag-iisip sayo. Hiniling niyang ilibing siya sa lugar na ito dahil lagi niyang sinasabing ang lugar na ito ay lugar ng pagibig.”
Tuluyang nang bumigay ang aking damdamin, nangingig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi, hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
“Sabi niya, dito niya ginugol ang pinakamasasayang araw niya at iyon ay noong kasama mo siya. Pinabibigay nga pala niya ito.” Iniabot niya sa akin ang isang sulat saby na tumalikod ito at lumayo.
Dahan dahan kong binuksan ang sulat at nakita ko ang laman nitong tuyong Corsage na ibinigay ko sa kanya noon sa Prom. At sa ilalim ay napansin ko ang isang sulat. Nakapetsa iyon noong nakaraang buwan. Binuksan ko iyon at sa nanlalabo kong matang tigib ng luha ay binasa ang nakasulat.
Alam ko na sa oras na mabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako. Gusto ko lang sabihin sayo na mapalad ako at lubos na nagpapasalamat sa Diyos dahil ibinigay nya sa akin ang isang kaibigang tulad mo.
Gusto ko din ipaalam sayo na merong naiwan dito sa puso ko, isang bagay na matagal kong itinago sayo sa loob ng matagal na panahon. Mahal kita Chris, hindi bilang kaibigan but as one who would feel like spending the rest of my life with. Minahal kita mula pa sa simula. Alam mo bang lalo itong lumalago sa bawat araw at oras na magkasama tayo.
Ang pinakamasayang sandali ay sa tuwing magkasama tayo. Hindi mo lang alam kung paano kita mapanaginipan tuwing gabi at magising sa umagang ang hangad ay laging nasa tabi kita.
Pag nasa malayo ka, hindi ko mapigilan ang umiyak dahil natatakot akong baka may kasama kang iba. Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba. Gusto ko akin ka lang sa buong buhay ko. I may sound selfish but that's how I feel. Sa tuwing akoy iyong yayakapin ay parang isang katuparan ng panaginip na mapalapit sayo at madama ang tibok ng iyong puso kasabay ng pagtibok ng akin. Marami akong ginawa upang matutunan mo din akong mahalin pero hindi ko sayo pinahalata. Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka dahil mahal na mahal kita na pilit ko ding pinaniwala ang sarili kong mahal mo din ako.
Maraming gabing ako’y umiiyak sa tuwing maiisip kong hindi mo ako kayang mahalin. Palagay ko’y iisipin mong ang lahat ng sinasabi ko ay kasinungalingan, pero nais kung sabihing ang puso ko ay nagsasabi ng totoo dahil hindi ko kayang magsabi ng kasinungalingan sa isang taong lubos kong minamahal.
Alam kong iniisip mo si Mark, pero ginawa ko lang iyon para pagselosin ka, para Makita mo ako bilang isang dalaga na kayang magmahal hindi bilang isang batang babae na kalaro mo. Minsan iniimadyin kong nagseselos ka at pinapaniwala ko ang aking sarili na isa iyong senyales na merong ka ring nararamdaman sa akin.
Noong maghiwalay kami ni Mark at nagpunta ako sa iyong umiiyak, ginawa ko iyon upang malaman ko kung ano ang iyong magiging reaksyon dahil gusto kung malaman kong mahal mo din ako. Pero nabigo ako dahil hindi ka manlang nagpakita ng anumang senyales.
Nang dumating ang ating prom Night, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang ibigay mo sa akin ang corsage at sabihing ako na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Nuong tayo ay sumasayaw ay gustong gusto ko nang marinig sayo ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig mula sayo. Ang sabihin mong Mahal mo din ako, pero hindi mo ginawa. Nang lapitan ako ni Mark at magmakaawang bigyang ko pa siya ng isa pang pagkakataon ay natakot akong Makita mo kami. Hindi ko gustong na magisip ka ng maling empresyon sa akin kaya sinabi kong sa Garden na lang kami mag-usap. Duon ay pinagtapat ko sa kanyang ikaw ang mahal ko.
Hinanap kita pagkatapos pero hindi kita matagpuan, nalaman ko na lang na hinahanap mo din pala ako at palagay ko ay nakita mo kaming nag-uusap. Nang mga sumunod na araw ay gusto kong magpaliwanag sayo pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataong gawin iyon. Patuloy mo akong iniwasan at hindi mo lang alam ang sakit na naranasan ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko’y gumuho ang mundo ko.
Sa ating Graduation day, nuong lapitan kita gustong gusto kong ipagtapat sayo kung gaano kita kamahal pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig mula sa iyo na sabihin na ang tanging nararamdaman mo ay pagmamahal ng isang kapatid. Dahil gusto kung mahalin mo ako bilang isang Babae at hindi isang dalaga o kalaro. Kaya akoy tumalikod at lumayo.
Now that saying I LOVE YOU might be too late, still I want you to know that I will always love you and my heart has always been and will be yours alone.
P.S.
Think of me sometimes.... and always remember that loving you was the best thing that ever happened in my life.
Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga Mata habang tinutupi ang sulat. Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya kung gaano ko din siya kamahal, higit pa sa pagmamahal niya sa akin. Mahal na mahal ko siya higit pa sa kung ano pa mang bagay sa Mundo.
Tila nauupos na kandilang napaluhod ako sa lupa. Humagulgol na hinawakan ang lupang nakatabon sa puntod ng babaeng aking pinakamamahal. Tila naman nakisama ang panahon sa aking pagdadalamhati at pumatak ang ulan. Patuloy ako sa mahinang paghagugul.
Itiningala ko ang aking mukha sa langit habang ang mga luha ay sumasabay sa agos ng ulan sa aking mukha, ipinikit ko ang aking mata sabay usal ng..
"Oh God, send my love to heaven."
wow ang ganda namn tong story na to sana kayo habang buhay gudluck....
ReplyDeleteshet naka2iyak pwamis .. galing aman nun writer nito.. thumbs up super like ^_^
ReplyDeletelea n touch ako habang binabasa ko ito
ReplyDelete_how sad nman ng ending,hu hu.love is really full of magic...ang ganda talaga,supah.
ReplyDeleteouch!!
ReplyDeleteshit... grv nakakaiyak namn tong storyang to..gnda
ReplyDeleteoo ng now q lang nbsa nakz
Deletenaman!
yan tlga pag pride ang pinpataas
un tloy..... :(
Grabe si kua no? tama nga ang matatanda nasa huli ang pagsisisi
Deletesayang :'( bt di kau nagkatuluyan?? ugh kaiyak
Deletechar char char feels lyk raining.... huhuh wat a love story eve been read.....
ReplyDeletewoow!!! frustration and inspiration.... inspired man pd tanan reader ui... hehehe thankzzzz hehehe
ReplyDeletesalamat po sa lahat..
ReplyDeleteoh!!!!!ang ganda ng story sana may part 2 pa ito.....inspired at nakakaiyakang story and very exciting lalo pa mula bata cla!!!!!!!!!more story.tnx
ReplyDeleteGANDA PO ng story sobrang nkarelate ako,,ahm pwede b mag share ng story,,,hobby ko n din kc gumawa ng story eh,,,,,,,,
ReplyDeletejuzt txt mepo,,,if pwede,,,09994069863
ReplyDeleteHellow anonymous... interested ka bang mag share ng story mo...
ReplyDeletesure pwedeng pwede, just email me at pag-usapan natin para mabigyan kita ng acces dito sa blog, so you can post and edit your story..
huhuhuhu! so sad! sana hindi naging torpe si chris!
ReplyDeletetulo sipon ko ah...sobrang lungkot ng s2ry na2,,,galing ng writer...
ReplyDeleteTama ka jan anonymous. kahit ako nung sinasalin ko ito sa tagalog, naluluha ako. bigat sa pakiramdam
ReplyDeletegaling talaga ng writer nito ,.,.. ,., napaiyak nya ako>><<<>><<><><< salamat talaga writer...........GALING MO,..,.,...
ReplyDeletewow, ang ganda ng story love ng gf ko ang story na ito.. :)) ganyan din ako dati sakanya, takot ako magtapat.. buti nalang nagawa ko.. =))
ReplyDeletecnu po un orig na author? penge name plzzzzz papost nlng ^^tnx
ReplyDelete..ang ganda ..supahhh..napaiyak talaga aqoe..:(
ReplyDeleteganda ng pagtranslate..this is one of my favorite love story:)
ReplyDeleteang ganda nman nito :)) best story i ever read !!
ReplyDeletegrbe ang ganda...wheew...png second ko n bnsa to ung una ung Perfect love story mganda dn un at nkkaiyak...my pgkakahwig sa story n to:)
ReplyDeleteohh my gosh..what a nice story..this is the best story I've ever read..hope hindi sya mangyari skin...
ReplyDeletewow.. nakaka sad n mn... nce story, tnx writer ure story was very inspiring,..
ReplyDeleteang gnda tlaga ng story nkkaiyak sna kong hndi lng nag alin langan ang guy naging cla pah cgoro.
ReplyDelete...nakaka touch nman super ganda pti ako naiyak magaling talaga gumawa ng story na to sana gawaan to ng movie .....hi!!!!unique tlaga ang ending story!!!!
ReplyDeleteang pinaka magandang story n nabasa ko in my whole life....
ReplyDeleterhej c.
this story is very realistic,,..their is only one lesson to learn in this story...we or u should express ur love no matter wat is da consequence before its too late...saying I LOVE YOU to ur love one is the best way to do while she or he is still alive..!!!
ReplyDeletethat's true !
Deletethumbs up :D
grabiii, ang cute nla... kya talaga dpat,,, hbang may time cnasabi na ung gusto natin.... ndii ung kelan huli dun tayo magsisisi,,,,,, pero kelan pa nga ba nagsisi sa simula?
Deleteshedding tears while reading this story... iF i where in that situation I will really express my feElings tO the onE I LOVE ... because we can't prEdict what wiLL happened....just like in the story... sO sad but still inspiring.... :)
ReplyDeletethis is one of my fave love story.
ReplyDeletenabasa ko na english version nito last year.. and i feel glad na my tagalog version din pala to. hehe:) nice.. uhmm. nkakalungkot ending nitong story pro my lessons kna man malalaman at the end.. keep posting love story like this coz i love reading it. thanks!!
ohh yeah !! :DD
ReplyDeleteit sounds so impossible but honestly, this story was being based from my own love story :DD LOL
bleei :P
ReplyDeleteGusto kong umiyak sa tragic love story na'to, pero pinipigilan ko lang...
ReplyDeleteThis is one of the most romantic and touching love story I have ever read; sa lahat ng nabasa kong love stories, this one really rent my heart and almost shed a tear to my eye, especially to the part where Sam confesses her love to Christopher through her letter.
Now that saying I LOVE YOU might be too late, still I want you to know that I will always love you and my heart has always been and will be yours alone.
P.S.
Think of me sometimes.... and always remember that loving you was the best thing that ever happened in my life.
>>> this is the most tearful part of the story I have read....ang galing ni Broken Shadow(allegedly the true author of this story)!
ang ganda ng story,sayang di nila na ipagtapat ang nararamdaman nila sa bawat isa,
ReplyDeletecute..
ReplyDeleteBanas..alam ng life is short..tas magtataguan pa..haha..so tell someone that ynu love, just what you're thinking of, if tomorrow never comes..
ReplyDeletesuper like!
ReplyDeleteshit...napaiyak ako habang binabasa ko...ang ganda naman bakit ganon...nasa huli na talaga ang pagsisisi..
ReplyDeletehindi ba pwedeng mauna ang pagsisisi? hehehehehehehhe
oh my god....its a very nice story.....i realy like it so much....
ReplyDeletenice..ang ganda talaga nang kwentong to..pero mas maganda parin ung english version..mas ramdam ko..
ReplyDelete>>>>>who gusto kong ulit-ulitin ito sa pagbabasa,,,khit ako di npgilan ang pgluha,sa sobrang lungkot ng love story nila,,,but in fact,,its a very nice story,,wherein everyone of us can learn a leeson,,,,
ReplyDeletefirst time ko nabasa to 8 years ago, at mula noon hanggang ngayon kahit ilang beses ko pang ulit-uliting basahin, naiiyak pa rin ako. best story I've ever read.
ReplyDeletewow! na touch ako! hindi ko inakalang mamamatay ang babae! hmmmmm! nakakalungkot! pero thrilling! gusto ko ring ulit uliting basahin ang storyang ito!
ReplyDeleteahay nku nkaklongkot nmn 2.....na paiyak ako.
ReplyDeleteito talaga ang pina ka magandang love story na nabasa ko...
ReplyDeletemasarap ulit-ulitin...
ito talaga ang pina ka magandang love story na nabasa ko...
ReplyDeletemasarap ulit-ulitin...
super ang ganda GANDA TALAGA, SUPER TOUCHING NANG STORY
ReplyDeleteit is a very inspirational story about love ...
ReplyDeletehi annabelle !!!
ReplyDeleteSANA NAMAN CHRIS SINABI MO NA YUN NUON PA PARA HINDI K MAGSISI
ReplyDeletemy advice for the boy in the s2ry is don't lose hope .... he would still find a girl who would love her much better than sam .... to the author sana magtagal kayo and more power !!! thank you po ...
ReplyDeleteKUNG MAHAL MO YUNG TAO SABIHIN MO AGAD ........... SABI NGA NILA NASA HULI ANG PAFSISI DI BA?????????
ReplyDeleteBE STRONG CHRIS !!!
ReplyDeleteBE COURAGE OF TELLING THE TRUTH TO YOUR LOVE ONES
ReplyDeleteNaKs NmAn vErY tOuChInG ...
ReplyDeleteKAYA MO YAN WAG KANG MAWALAN NG PAG ASA MAGKIKITA PA RIN NAMAN KAYO!!!!!!
ReplyDeleteoks lang yan
ReplyDeletesA lAnG8 ...
ReplyDeletetamah !!!
ReplyDeleteit's to late...sayang talaga....!!!!!
ReplyDeletenice story on our play ..
ReplyDeleteso sad nman..nkaka-touch ang ending...galing ng writer..
ReplyDeletei really lyk this love story :)) hmmm . . . assuming nlang na ako ung girl.... ahahahah!!! feeler...
ReplyDeleted best love story
ReplyDeleteThat was amazing story...
ReplyDeletesuper ganda ng story ...sobra..napaiyak tlaga ako...galing ng author..
ReplyDeletenakakiyak nman...nice story....
ReplyDeleteganda ng love story.. elem pa ako noon nabasa ko na to. ngayon may asawa na ako. hehe.. fyi. taga davao po ang original author nito nung siya ay nagaaral pa sa davao doctors college at sinulat ang story for the school journal. and now mga 35+ na yta sya. :)
ReplyDeletewow talaga, its good to know na pinoy pala may gawa nito.. Sana makilala ko sya, taga hanga ako...
Delete.its really amazing but sad ending . Im the one who cried for this story
ReplyDeletemaganda ung story pero sad ending sana nagbibgay ito ng leksyon sa mga taong torpe...
ReplyDeletenapa iyak akoh woooow gravehhhh... huhuhuuhuh...
ReplyDeletesana gawing pelikula to....
ReplyDeleteGALING NG WRITER...
nakaka touch tlgah...
ReplyDeletei
love this so much................
what a beautiful story ...
ReplyDeletesana may mag mamahal skin ng ganyan ...
napaiyak ako s story nato .
sana gawin itong movie .
grabe parehas pla kayo ng nararamdamn sana di kana natkot sana naging masaya kyo hinde na sana nahuli ang lahat grabe iyak na talaga me
ReplyDeleteis it true?
ReplyDeleteVery very inspirational story.. kaka iyak and relate much
ReplyDeletei really love this story. send my love to heaven huhu a got a lesson. dapat hindi maging ma pride.
ReplyDeleteShit..Ganda!!tagos hanggang buto.....Ngayon ko lang nabasa.
ReplyDeleteGanda.
ReplyDeleteGreat!! This must a good one..
ReplyDeleteThe mostbeautiful and at the same time emotional love story ever read
ReplyDeletenice... :)
ReplyDeleteSobrang ganda,,sakit lang sa dibdib
ReplyDeleteSobrang ganda,,sakit lang sa dibdib
ReplyDeletegarabi makakaiyak nmn po ito....Express your feelings before it's too late!!!!
ReplyDeleteIt rare for me to read love stories pero so far ito yong pinaka the BEST.
ReplyDeleteIt dig you deep.
Thumbs up po
WTF.. ako yung lalaki na takaw basag ulo, pero di ku naiwasan mapaluha dito :'(
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteππππππ₯ππ₯ππ₯πππππππ
ReplyDeleteππππππ₯ππ₯ππ₯πππππππ
ReplyDeletenice.. wide ang imagination ng writter..
ReplyDeletetagal na nitong story... pero nakakaiyak pa rin...
ReplyDeletelast kong binasa to, nung nasa high school pa ako... 15 years ago...
Grabe sobrang nkakaiyak na nakakatouch...sana nasabi nila sa isat isa ung feelings nila para atleast wala silang pinagsisisihan but im hoping na kayo sana sa kabilang buhay...Nakakainggit din ung love story kasi pareho nilang love ung isat isa hindi tulad ng saken ngaun parang one sides love nlang kasi matagal na kmi nagsasawa na din siguro siya sakin ako hindi ko maturuan sarili kong huminto nlang dinπ’π
ReplyDelete