Saturday, January 12, 2013

Ermats..

Ermats,

Nak ng tokwa naman, oh. Pinahiya mo na naman ako sa barkada ko kanina. Pwede mo namang sabihin sa kin ng maayos na nakalimutan ko na yung inuutos mong pagkuha ng kanin-baboy dun kila aling Herming. Hindi yung kinutusan mo pa ko sa harap ng tropa. Nandun pa naman yung kras kong si Jackie. Dyahe ka naman ermats, eh. Pang ilang beses na yun ah? Kahapon hinampas mo ko ng tabo sa ulo habang kausap ko si Jackie. Porke ba nakalimutan ko lang patayin yung gripo dun sa kubeta. Napakababaw naman nun para gawin mo ermats. Pero okey lang yun. Lagi naman eh. Yung kanina naman eh di ko sinasadyang gutumin yung aso natin ng walong oras. Kaya pala kanina pagkakita ko sa kanya eh naglalaway na. Kala ko nakalanghap lang ng ragby kagaya ni Tonton. Yun pala tomguts na ang pucha. Dae kong tawa.

Yan nga palang si Tonton ermats. Konti na lang at titimbre nayan sakin. Kung hindi ka lang humaharang eh sampung suntok at sipa na ang aabutin nyan sa kin. Akalain mong nakuha ka pang sagut-sagutin eh sya etong nahuli mo na namang nagraragby. Kung ako sa inyo nyan hindi ko na yan bibigyan ng baon eh. Bibigyan mo ng kinse pesos araw-araw pero kada magagawi ako sa eskwelahan nya eh nakikita ko dun sa bilyaran malapit sa labas. Kung hindi yosi ang hawak eh suso ng babae. Gago ang pucha. Hamo syang magaya sa ama nyang barumbado. Hamo syang mabulok sa kulungan kagaya nung labidabs mo ermats. Yung labidabs mong walang ginawa kundi magsugal at mambabae habang ikaw eh kuskos piga ng bonggang bongga roon kila aling Herming. Sana mabulok sya don. Abay kagwapo nya sa kulay orenge. Tama ba ispeling ermats? Ikaw na magkorek tutal sa ating dalawa naman eh mas mataas ng isang taon ang napag-aralan mo. Ano nga palang kurso ang natapos ko? Ah grade 3 nga lang pala. He-he-he.

Pasensya na nga pala at medyo basa yata itong papel na to. Nagising kasi si Nini at najingle sa lampin. Wika ko bay ipampers mo na yun. Pag ako nakadilehensya ng konti ay bibilhan ko yun ng pampers tuwing gabi. Bay nakakatakot matusok pa ng perdible iyang bunso natin. Paglaki nyan eh pagjajapanin natin yan ermats. Kagaya nung utol ni Jackie. Nangingintab sa mga alahas ang pucha. Gusto ko pag yumaman tayo eh mula puyo hanggang inggron eh may alahas kayo. Tapos magpapaseksi din kayo kay Biki Belo ermats. Swak na swak. Sabay rampa dun sa babae ni erpats. Abay namumutla na kayo sa pagod pagdating nyo kanina. Sasabihin ko sanang naniningil na naman sa upa sa bahay. Kaso baka himatayin na kayo hindi matupad yung mga pangarap ko sa inyo. Hayaan nyo nalang na mabasa tong sulat ko pagkagising nyo. Baka kasi makalimutan ko na namang sabihin eh magtaka kayo kung bakit kamulat mulat nyoy nandyan na yung mga kaldero nyo nagkalat sa labas. Puro uling pa naman ang puwitan ng mga yon. Nakakahiya pag nakita ni Jackie.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako sumulat ng ganto. Kagaya ng mga napapanood ko sa mga palabas. Ermats naalala mo ba nung gabing ginulpi mo ako dahil sinagot sagot ko si erpats? Pucha sama ng loob ko non. Totoo namang nakita ko siyang may kasamang babae dun sa kabilang kanto eh. Bukod sa kwatro kantos at yosi eh nagchochongke pa sila. Gagong yun. Lakas ng apog gumastos sa babae nya gayong ipinanglaba ninyo ang perang yon. Kayo naman tong parang pipi na walang masabi. Bakit hindi nyo ipinagtanggol ang sarili nyo noon pa? Hindi na sana tayo umabot sa gantong sitwasyon.

Eh naaalala nyo ba nung sinampal sampal nyo ako dun sa harap ng tindahan sa kanto dahil napagbintangan akong nagnakaw nung tinapay nila aling Pacita. Taena. Naniwala nman kayong ako ang nagnakaw non. Oo aaminin kong naisip ko ding gawin yun dahil nung isang beses na umuwi kayo ng tanghali eh wala tayong bigas tapos nanghahalungkat kayo ng kaldero. Pucha hiyang hiya ako sa sarili ko ermats. Bente tres anyos na ko pero ni isang kilong bigas hindi ko maibigay sa inyo. Gusto kong magnakaw pero hindi yun ang tinuro mo sa aming mag-uutol. Kahit papaano naman eh naaalala ko pa yon. Pucha ober my ded badi ermats hindi ako magnanakaw. Kahit pa sabihing wala akong pamporma kay Jackie.

Kanina nung kinutusan mo ako natawa nalang ako. Nandun sana ako kasi bertdey ng kachokaran ni Jackie. Pucha dami sanang handa. Andun yung paborito nyong kaldereta. Konting bola nalang dun maiuuwi ko na sana yung isang nakabalot don. Rongtayming ka talaga ermats kahit kelan. Alam kong matagal tagal na kayong hindi nakakatikim non, eh. Ayun na oh? Nasilat pa.

Nakita ko yung dugo dun sa maruming damit na pinagubuhan nyo. Nak ng uhog ng tipaklong naman oo. Bakit hindi kayo nagsasabi ng nararamdaman nyo? Alam nyo namang gagawin ko ang lahat makadelihensya lang. Ermats tayong dalawa na lang ang magkatropa dito sa bahay nagsisikreto ka pa? Pucha ikamamatay ko pag may masamang nagyari sayo.

Oo nandun na tayo. Hindi ako nakatapos ng pagaaral. Alam kong yun ang hinihimutok mo kaya lagi mo akong kinukutusan, ginugulpi, sinasampal o anuman. Ermats hindi ko na maibabalik yun eh. Matanda na ako para magsimula pa ulit. Sa hirap ng buhay ngayon, hiya ko nalang kung mag-papaaral pa ako sa inyo. Pucha kung maibabalik ko lang yung panahong sinayang ko ginawa ko na. Wag ko lang makita kang umuubo habang ako butas ang bulsa. Kaso wala na. Ang pag asa sana natin ngayon ay yung mga utol ko. Kaso mas gago pa sakin yang si Tonton eh. Kung alam nya lang ang pakiramdam na pinagtatawanan ka ng tropa mo dahil hindi ka marunong magbasa, panigurado bawat pahina ng libro pilit nyang iintindihin at isusuksok sa kukote nya.

Sa mga oras na to siguro nakasampa na ko ng barko. Titingnan ko kung nandito ang kapalaran ko ermats. Sinama ako nung anak ni aling Herming. Hindi ko na sinabi sa inyo dahil din naman kayo papayag. Matagal ko nang hinhintay ang gantong pagkakataon. Wag kayo mag-alala at kapag tumawag dyan kila aling Herming sa selpon ang anak nya eh makikisingit na din ako ng sandali.

Bobo nga siguro ako ermats. Pero hindi naman nilamon ng kabobohan ko ang puso ko. Wala akong tinapos. Pero hindi dun nagwawakas ang buhay ko.

Hanggat nabubuhay ka at ang mga utol ko. Hindi ako mapapgod. Patuloy akong lalaban.

May sinaing na dyan. Kumain na lang kayo.

Richard
 
from: http://www.facebook.com/NKLMKHofficial.admeenbangs/posts/463920756989041

Wednesday, January 9, 2013

Paalam na Alaala...

Marami rami na rin pala akong naipong alaala mula sayo.
Mga larawan at sulat na naka kahon..
Mga alaalang mahirap itapon
Subalit panahon na para sa bagong hamon,
Pasensya na pero kailangan na kitang itapon..

Ala-ala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Magpapaalam na sayo...
magpapaalam na sayo.....