PARA SA MGA SINGLE
DARATING DIN YUNG ARAW NA…
-Hindi mo na kailangang magtanong ng number sa katabi mo sa tuwing
mabubulunan ka para malaman mo kung sino ang nakakaalala sayo.
-Hindi mo na din kailangang magpalipat lipat ng upuan habang kumakain para dumami ang manliligaw mo.
-Hindi mo na kailangang labhan araw araw ang punda ng unan at kumot mo dahil sa wakas ay may yayakap na din sayo.
-Hindi mo na kailangang ubusin ang petals ng bulaklak na hawak mo para hulaan kung mahal ka ba niya o ano.
-Hindi mo na din kailangang suhulan ang kaibigan mo na samahan kang magmall dahil andyan na siya para samahan ka.
-Hindi mo na kailangang ihulog ang lahat ng tinidor sa bahay niyo para dumating yung lalaking para sayo.
-Hindi na din magsusugat ang tuhod mo kakadasal sa simbahan ng Quiapo para ipafollow up sa Kanya yung request mo.
-Hindi mo na din kailangang ubusin ang coins sa bulsa mo para hilingin
sa mahiwagang balon na dumating yung tamang tao para sayo.
-Hindi mo na din kailangang pigilan ang kapatid mo na maglikom ng pinagkainan habang kumakain ka sa takot na maging single ka.
Darating din siya. Konting tiis pa.
nice one!
ReplyDeleteDarating din siya... konti pa...
sana nga DUMATING sya..:()
ReplyDeleteشركة تنظيف مسابح في الفجيرة
ReplyDelete