Dear Jesus,
Sumulat ako sayo dahil, sabi ng titser ko mabait ka daw. Sabi pa ng titser ko, pag mabait daw ang bata, binibigyan mo ng aginaldo pag pasko. Malapit na daw ang pasko, December na ngayon. Magsisimba daw kaming lagi. Bukas ay sasama ako sa lola kong magsimba.
Sabin g titser ko, alam MO daw kong sino ang mabait na bat. Mabait naman ako, hindi ba? Sumusunod ako sa utos ng Nanay ko, saka s autos ng Tatay ko. Marunong na akong magdasal, tinuruan kami sa paaralan. Dalawa ang kapatid ko, si Marivic at si Ronald, saka ako. Ako ang malaki sa kanila. Saka sabi ng Tatay ko, magkakaroon pa daw kami ng kapatid, malapit na daw lumabas.
Kagabi ay narinig kong nag-uusap ang Tatay saka Nanay ko.
“Kabuwanan ko ng ngayon Ding,” sabi ng Nanay ko. Sana’y maka-ekstra ka naman sa Jeep ni Pareng Pepe.” Kilala ko ang Pareng Pepe nila, Ninong iyon ni Ronald. “Kulang ang mga Gamit ng Bata, Luma pang lahat ang lampin at Baru-Baruan.”
“Pinangakuan ako ni Pareng Pepe sa Lunes,” sabi naman ng Tatay ko. “Ibibigay na sa akin ang isang linggong Pasada. Hanggang Pasko na raw iyon, Relyebo kami.”
“Sana nga nang maibili naman natin ng pamasko ang mga Bata! Kawawa naman,” sabi ng Nanay ko. “Kung pagtitinda ko lang ang aasahan hindi kaya! Matumal ang isda ngayon. Sa gastos lang natin araw-araw, kulang ang tinutubo. Wala pa nga ako naitabi sa panganganak ko.”
Kawawa naman ang Nanay ko Jesus. Madalas, nakikita kong umiiyak siya. Ayaw na daw kaming pautangin ni Ka Tubing, yung me malaking tindahan sa Palengke. Ang Tatay ko, alang Trabaho. Tsuper siya dati. Hindi Bale na lang na wala kaming pamasko, basta padalhan mo lang ng Damit ang Beybe na ipapanganak ng Nanay ko. Ala pa kasi siyang damit, kawawa naman.
Pero wag mong sabihin sa Tatay kong sumulat ako sayo. Magagalit yon. Sabin g Tatay ko, huwag daw kaming hihingi kahit kanino. Saka kung padadalhan mo ng damit ang Beybi, huwag mo sa akin ibibigay. Sa Nanay ko ipadala mo. Zenny Reyes ang ngalan ng Nanay ko. Dito kami nakatira sa Bigaa. Madali lang hanapin ang Nanay ko. Araw-araw, nasa Palengke siya. Nagtitinda ng isda.
Ang iyong kaibigan. Ana Maria Reyes.
Kinabukasan, nang magsimba sila ng Lola nya, inungutan niyang ibili siya ng Lobo ng Matanda. At palihim niyang itinali sa pisi ng Lobo ang sulat niya kay jesus Christ, at pinawalan niya ang lobo, asang asa sa sariling makakarating nga iyon kay Jesus.
Mula noon, sabik na nag-aabang siya araw-araw sa ipapadalang damit ni Jesus sa Beybe ng Nanay niya. Sabagay, hindi pa naman lumalabas ang Beybe. Pero marami nang araw ang nakaraan mula nang ipadala niya ang sulat. Hangang sa lumabas na ang beybi ng Nanay niya, na isang malusog na sanggol na Babae, wala pa rin ang hinihiling niya kay Jesus na mga Damit. At nagtaka siya. Sabin g Tetser niya, basta mabait sila ay ibibigay ni Jesus Christ ang hihilingin nila. Bakit hanggang ngayon, wala ang damit ng Beybe na hinihiling niya?
Malalaman naman niyang tiyak. Kung nagpadala na ng damit ng baby si Jesus, maririnig niya iyon sa pag-uusap ng Tatay niya at Nanay niya. Pero sabi ng Tatay niya, ito ang bumili ng mga bagong damit ng babay, di hindi nagpadala si Jesus.
Baka kaya Galit sa kanya si Jesus dahil madalang siyang magsimba, naisip niya. Simbang gabi na raw, sabi ng Lola niya, at nagsisimba ito. Pero kung magising siya, nakasimba na ang kanyang Lola.
Sinabi niya sa Lola niya na gigisingin siya para makasama siyang magsimba. Ginising naman siya ng sumunod na madaling araw. Namaluktot siya sa ginaw pero tiniis niya, Basta makapagsimba lang siya.
Malapit lang ang simbahan at naglalakad lamang silang maglola. Marami silang nakasabay na magsisimba rin. Marami nang Tao sa loob ng simbahan nang sila ay dumating.
At naisip niya, marami rin palang tumatawag kay Jesus. Kaya siguro hindi pa dumarating ang hinihiling niyang damit ng Baby, dahil abala si Jesus. Siguro nahuli siyang humiling at iyong nauna sa kanya ang binibigyan muna ni Jesus. Sabin g Titser niya, ganoon day iyon, kung sino ang humiling siyang unang binibigyan. Basta magbabait lang sila.
Naku madalas nga pala siyang mapagalitan ng Nanay niya. Malikot daw siya. Saka kahapon, tinawag siya ni Daleng na maglaro ng bahay-bahayan, hindi tuloy niya narinig ng tawagin siya ng Nanay niya. Ayun napagalitan tuloy siya. Anak ng kapitbahay nila si Daleng.
“Hindi na ako maglalaro, Jesus. Pangako, aalagaan ko na lang ang Beybi ng Nanay, Basta yong damit ng Beybi huwag MONG kalimutan. Sana bago dumating ang pasko, ibigay MO na sana sa Nanay ko, Para may maganda namang isusuot ang Beybi. Kawawa naman siya, pulos luma na ang damit.”
Sumunod na bukas, ginising uli siya ng Lola niya. Nagsimba uli sila. Tuwid na lumuhod siya at Taimtim na nagdasal.
“Dir Jesus, nakita MO, tinawag uli ako ni Daleng kahapon, hindi na ako sumama, Inalagaan ko na lang ang Beybe. Saka, naglinis ako ng bahay naming. Si marivic nga, kung di pa napagalitan ng Nanay, ayaw akong tulungan. Saka nakita ko,umiiyak na naman kagabi ang Nanay. Ala na naman daw Trabaho ang Tatay ko. Kawawa daw naman kami ni Marivic at ni Ronald at ng Beybi. Ala daw kaming isusuot sa Pasko. Hindi bale na lang kami ni Ronald at ni Marivic, basta si Beybi na lang ang bigyan mo ng Damit..”
Sumunod na bukas uli, nagsimba din sila ng Lola niya. Iba naman ang hiniling niya.
“Jesus, nilagnat si Beybe kagabi. Ipinagamot ng Tatay sa Doktor. Sabin g Tatay, naubos daw ang pera nila sa Gamot. Ala na daw kaming panghanda sa Pasko. Dalawang tulog na lang daw, Pasko na. Sana.. Sana, pagalingin MO si Beybe. Hindi bale na yung hinihiling kong Damit…” at napahikbi siya. “Malungkto ang Nanay ko saka Tatay ko. Para daw silang sinusubok ng Diyos. Hindi ba diyos KA, ha? Sabin g Titser ko, Diyos ka raw, kaya mabait ka. Nagbabait na din nga ako. Saka, sabi ko ke Marivic at ke Ronald, magbait na din sila, para hindi KA magalit sa amin. Pagalingin mo na si Beybe, ha? Ha?
Bago mananghalian nang araw na iyon, iniuugoy niya sa duyan si Beybe nang may tumawag. Nanungaw siya. Nagluluto sa labas ang Nanay niya.
“Misis Zeny Reyes..”
“Nanay may Tao po.” Sabi niya
“Sino?” tanong ng Nanay niya sa Labas
“Nagdadala po ng sulat”
Pumasok sa kabahayan ang Nanay niya. Sumungaw sa Bintana. “Sandali lang ho…” at nanaog. Tinungo ang taong may dala ng sulat.
“Marivic,” tawag niya sa kapatid na kalaro ni Ronald sa lapag, “Ikaw naman ang mag-ugoy nito!”
At nang palitan siya ni Marivic, nagmamadali siyang sumunod sa Nanay niya. Malakas ang kutob niyang ito na ang padala ni Jesus.
“Baka ho hindi sa akin ito…” inabot niyang sabi ng Nanay niya. Nakita niyang maraming kahon-kahong nakabalot na ibinigay ng taong nagdadala ng sulat sa Nanay niya.
“Kayo lang ho ang Zeny Reyes dito, e..” sabi ng Tao. “Nagtataka nga ho kami, mula kahapon ng Hapon hanggang ngayong umaga, maraming dumating na pake-paketeng nasa pangalan nyo at sa isang Ana Maria Reyes. Ano nyo si Ana Maria?”
“Anak ko, heto siya…!”
“Pero sino naman ang magpapadala sa amin nito?” Hindi pa rin makapaniwalang sabi ng Nanay niya. Gusto na niyang isagot si Jesus Christ! Ngunit natatakot siya baka isumbong siya ng Nanay niya sa Tatay niya’y mapalo siya.
At sa harapang iyo’y nagbukas ng pakete ang Nanay niya. Mga Baru-baruan ng bata ang laman ng kahon, may kasamang maikling sulat na binasa ng Nanay niya.
“Sa Bataan galling!” sabi ng Nanay niya.
Mahal naming Ana Maria,
Kinabahan siya nang marinig na sa pangalan niya nakalagay iyon.
Tanggapin mo ang nakayanan naming ihandog sa kapatid mong isisilang. Mga baru-baruan ito at iba pang damit ng kapatid mo. At huwag kang mag-alala, marami kaming nakabasa ng sulat mo at hindi lang ito ang tatanggapin ninyo. Tatanggap pa rin kayo mula sa pamunuan at mga kasapi ng aming Baranggay, at nang ibapang baranggay dito sa amin. Hanggang dito na lang at hinahangad naming ang maluwalhating pagsilang na iyong kapatid at maligayang pasko sa inyong lahat!
Namamahal,
Jesus
Nagtaka pa siya nang yakapin siyang mahigpit ng nanay niya at umiyak ito pagkatapos.
“Salamat ho, Mamang Kartero…” umiiyak ay nakatawa ang Nanay niya. “Sa amin nga ho ito, salamat ho uli!” at binalingan at inakap na naman siya ng Nanay niya.
Kinabukasan ay tumanggap pa sila ng maraming pakete. May money order pa raw, sabi ng nanay niya, na hindi niya alam kong ano yun. Tuwang tuwa pati Lola at Tatay niya sa padalng iyon kay Beybe ni Jesus Christ. Talagang mabait si Jesus, totoo ang sabi ng Titser niya. At pinakwento sa kanya ng Magulang niya kung paano ang ginawa niyang pagsulat kay Jesus Christ. Sinabi niyang itinali niya ang sulat sa isang lobo, at iyon ang naghatid ng sulat kay Jesus. At natutuwa rin siyang hindi nagalit ahng Nanay at Tatay niya sa kanyang ginawa.
Kaya lang hindi siya naniniwal sa sinabi ng Tatay niya. Sabi ba naman na Tatay niya’y marahil daw ay sa Bataan bumagsak ang lobo at may nakapulot at nakabasa ng sulat at ipinabasa pa iyon sa iba, na ang nilagrong ito ang resulta. Talagang hindi siya naniniwala sa sinabing iyon ng Tatay niya. Hindi totoo iyon. Si Jesus Christ ang nagpadal ng lahat ng iyon! Pagkat mabait siya at mahal siya ni Jesus Christ.
nakaka touch naman..
ReplyDeleteang sarap maging bata...
Nice story..
ReplyDeleteyour a good story teller
hayZz ang syA!!!
ReplyDeleteinspiring. :) God bless.
ReplyDeletehayzz... gagawin namin ung balloon na paliliparin 4 2mw.. infairness hirap humanap ng lobong lumlipad ngaun noh... ^^
ReplyDeleteang ganda nung story,... project and assign namen....
ReplyDeleteaw
ReplyDeleteoi mga tanga sinu ba gumawa nitong kwento na to?
ReplyDeletehahaha.. Bakit mo naman kami sinabihan ng TANGA daggy??
ReplyDeleteanung teorya ng panitikan ho ito ?
ReplyDeletenakakatouch amn !!!!!!!!!yan cute story ass: namin yan xa filipino.............
ReplyDeleteSimbolismo
ReplyDeletePara lang po sa inyong kaalaman, ang pamagat ng maikling kwentong ito ay "Dir Jesus" at hindi "Dear Jesus". Ito ay isinulat ni Rudy A. Santos.
ReplyDeleteHello po! Thank you so much sa nagrepost nito. Ako po si Marivic sa kwento, kapatid ko po c Ronald, At Ana Maria. Kwento po ito ni Tatay. Rudy A. Santos po. Thanks so much Mr Jojo Lim for reposting this story. and to those who enjoyed reading this, Thank You!!! To God be the Glory!!!
ReplyDeletepinagawa rin samin toh ng teacher namin at hindi bagay yung hinihiling ko heheh atsaka po ang ganda nung story at dahil malapit na nga po yung pasko ay dagdag inspirasyon po ito para sa lahat! :)
ReplyDeletemeron ba kayong sintesis buod ng maikling kwento na iyan?
ReplyDeletehaha project din ba? haha
Deletesino po ba si rudy santos?
ReplyDeleteano po yung teoryang ginamit po sa kwento?
ReplyDeleteAno po yung buod nya? Pang ass lang po hehe
ReplyDelete