Madalas kong marinig noon sa mga kasamahan ko sa School paper namin na nagkaroon sila ng Writers Block..
May WRITERS BLOCK ka na naman?... yan ang madalas namin itanong noon sa mga Contributors sa tuwing hindi sila makakaabot sa deadline.
Gasgas na palusot subalit bahagi na ng buhay ng isang manunulat iyon. Yun bang walang pumapasok na Ideya sa isip mo, magtitipa ka ng Keyboard ng Computer mo pero agad mo din itong buburahin dahil hindi mo makuha ang tamang word na gusto mong sabihin, sa isip mo alam mo ang takbo ng kwento, alam mo ang mga pangalan ng gustong mong maging bida pero hindi mo ito masimulan.
Ayon nga sa nabasa ko sa isang internet site, ang mga paraan daw para maiwasan o di kaya naman para maibalit ang momentum ng iyong pagsusulat ay ito:
Mag Research:tungkol sa konsepto, sa tauhan o sa mga pangyayari na maari mong pagkuhanan ng ideya.
Mag Pencil Push: Itala ang mga ideyang pumapasok sa isip mo, minsan daw kahit nagpapahinga tayo ay biglang may pumapasok na ideya sa isip natin, isang pangyayari o isang eksena na gusto mong ilagay sa kwento mo. Isulat mo kaagad ng hindi mo malimutan, minsan ang mga paisa isang eksena o word na naisip mo magiging isang buong sentence pag pinagsama sama
Magbasa Manuod at Makinig: Manuod ng Pelikula, o kaya magbasa ka ng mga Komiks, pocketbook, at kung ano ano pang pwede mong pagkuhahan ng Ideya. Makakatulong ito upang maibalik ang sigla ng iyong pagsusulat.
Ilagay ang sarili sa isinusulat: Gawin mong ikaw ang bawat karakter sa kwento, kung masaya ka, isulat mong masaya ang bida o kaya ang kontrabida. Isipin ang mga masasaya o malulungkot sa iyong buhay at ilagay iyon sa karakter mo. Mas mabibigyang mo ng buhay ang kwento kung ikaw mismo ay naramdaman mo.
Humanap ng Inspirasyon: Halimbawa nakita mo crush mo, isulat mo ang pakiramdam, ang emosyon. Ang pamilya, ang kaibigan ang kapitbahay o kahit ang mga taong padaan daan lang sa harap nyo.
Maraming pwedeng gawin pero ito muna.. sana mai-apply ko ito sa aking sarili.. jejejejejeje..
No comments:
Post a Comment